Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 52 - Sinundan (Unang Bahagi)

Chapter 52 - Sinundan (Unang Bahagi)

"Naku, lagot ako. Pumalpak nanaman ako. Pagbalik ko, hindi nanaman nila ako tatantanan." Nakayuko ang gusgusing binata habang pabalik sa kanyang pwesto.

Hindi rin maswerte si Jun Wu Xie, pagkatapos niyang libutin ang buong Bayang Naulog, wala parin siyang mahanap na naaangkop na cultivation method para sa kanya.

Sa kanyang paglalakbay, wala siyang napala. Ang nakuha lang niya ay yung mga libro para sa pagdidilig at nawalan pa siya ng tatlong bote ng elixir.

Lumalim na ang gabi at wala nang makitang ni isang kaluluwa.

Sa isang kalsadang walang laman sa Imperyal na Bayan, pabalik na si Jun Wu Xie at ang maliit na itim na pusa, ang katahimikan ng gabi at ang ilaw ng buwang nagpapahaba ng kanilang mga anino — ang mga yapak lang nila ang naririnig. Naglakad siya pabalik ng maraming iniisip.

Habang sila'y naglalakad, humihiyaw ang malamig na hangin sa mga kalye. Pagliko nila sa kanto, may isang kamay na napapalibutan ng kadiliiman ang umabot sa kanya't hinila siya papasok sa kadiliman nito.

"Meow!" Matinis na tumawag ang pusa.

Nahatak at binalot si Jun Wu Xie ng init sa yakap ng isang lalaking galing sa kanyang likuran, at napatahimik dahil sa mainit na hininga sa kanyang tenga.

"Shhh." Sa pusa naman sinabi ng anino.

Nanigas ang itim na pusa.

"Hindi magandang desisyon ang paglabas ng ganito na kalalim ang gabi." Pabirong sinabi ng malalim na boses habang humihinga sa kanyang leeg. Nanginig siya ng onte.

"Jun Wu Yao, bitiwan mo ako!" Kahit hindi na siya tumalikod, nakilala agad siya ni Jun Wu Xie.

Natatak na sa kanyang isipan ang palabirong boses na ito.

"Wag kang malikot, grabe ang lamig pag gabi. Tignan mo, nilalamig ka, hayaan mong painitin kita." Sa ilalim ng belo ng kadiliman, ngumiti si Jun Wu Yao habang hawak siya ng malapit at niyakap pa siya ng mas mahimbing. Gustong-gusto niya ang pakiramdam na yakap ang kanyang makinis at maliit na katawan.

"Hindi ako nilalamig." Sagot ni Jun Wu Xie.

"Oh? Ako nilalamig. Ako nalang painitin mo," at tumawa habang dahan-dahang sumandal, nakapatong ang kanyang baba sa kanyang balikat.

"Wala ka talagang malay sa paligid mo. Kailangan mong maging alerto, buong gabing may sumusunod sa'yo pero di mo pa napapansin." Nanliit ang kanyang madidilim na mga matang kulay lila. Ang kanyang maliit na katawan at ang bakas ng amoy ng damong-gamot ay nagpahirap sa kanyang pagbitiw. Sakto ang pagkakakasya niya sa kanyang yakap.

"Akala ko ba, hindi ka tao?" Sinabi niya ng mahinahon, ni isang beses, hindi niya siya naituring na isang tao.

"Hindi ko tinutukoy ang aking sarili…" Bumitiw si Jun Wu Yao at hinawakan ang baba ni Jun Wu Xie gamit ang daliri, at tinuro ang kanyang paningin sa kalye.

Sa tabi ng kalyeng walang laman, may lumitaw na matangkad na anyong naghahanap ng nababalisa.

Nailawan ng buwan ang kanyang mukha at luminaw ang kanyang mukha.

"Long Qi." Nakilala agad ni Jun Wu Xie ang lalaki.

"Ang daming gwardya sa Palasyo ng Lin, at dahil lumabas ka sa gitna ng gabi, nagkagulo ang buong palasyo. Pag-apak mo palang sa labas ng palasyo, dumating agad ang balita kay Jun Xian." Yinakap siya ni Jun Wu Yao at nagsalita ng may palabiro pero nakakakalmang tono.

"Alam na alam ni Long Qi kung paano magpakita ng pasasalamat, nagbabantay parin ng mag-isa sa dilim." Sinabi ni Jun Wu Yao ng may pagkutya habang may delikadong kislap na tumawid sa kanyang malalalim na mga matang kulay lila.