Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 54 - Kakaibang Cultivation Technique (Unang Bahagi)

Chapter 54 - Kakaibang Cultivation Technique (Unang Bahagi)

Ang Little Lotus ay umiiyak at inuuhog nang sinabi nito: "H..Hindi walang silbi ang mga librong 'yan…"

[Hmph]

Tinaas ng maliit na itim na pusa ang kanyang paa at mabilis na tinabig ang librong nasa itaas at ito'y nahulog at nagingay.

"Hindiiiiiiiiiiiiiiiiiiii." Namutla ang mukha ni Little Lotus habang ito'y lumundag para 'iligtas' ang libro at yinakap ito ng may pagtatanggol.

Nanliit ang mga mata ng maliit na itim na pusa habang tinitignan ang mapangahas na lotus na nakatingin sa kanya't nagmamakaawa.

Swish. Hindi pinansin ng maliit na itim na pusa ang little lotus at tumabig ng isa pang libro.

Nagpatuloy ito sa patuloy na pagtabig ng maliit na itim na pusa sa mga libro habang si Little Lotus naman ay naghahabol ng may luhaang mukha dahil hirap siyang tumakbo buhat ng kanyang maiikling biyas.

"Tama na." Nagsalita na si Jun Wu Xie, at naitigil ang dramang nagaganap sa gitna ng dalawa.

Nagpatihulog si Little Lotus sa sahig dahil sa kapaguran ng nakayakap sa ilang mga librong nailigtas pa niya, lumuluhang nakatingin kay Jun Wu Xie.

"Bakit may pagmamahal ka para sa mga librong ito? Para saan ba sila?" Patakang tinanong ng nakahawak sa baba ni Jun Wu Xie sa umiiyak na nakahiga sa sahig.

"Hindi ito para sa akin. Para ito sa iyo, panginoon." Sabi ni Little Lotus.

Tumaas ang kilay ni Jun Wu Xie.

Nang sinilip niya ang mga libro kahapon, para lang silang mga libro para sa paghahardin, na nagtuturo sa mga tao kung paano magtanim at mag-alaga ng mga halaman at bulaklak. Maliban nalang kung… gusto nitong siya'y maging... hardinera?

"Ito… ito yung… kung tawagin niyo ay cultivation technique." Dinala ni Little Lotus ang mga libro sa kanya gamit ang kanyang maliliit na kamay.

"Cultivation techniques?" Nagulat si Jun Wu Xie.

Tumango si Little Lotus.

"Oo, ako'y isang plant type kaya hindi gagana sa akin ang mga pangkaraniwang cultivation techniques na nabasa mo. Huwag mong maliitin ang mga ito. Mahirap makahanap ng ganito! Hindi ito itinuring na importante ng naunang may ari kaya wala siyang nakuhang spiritual power. Masasabi ko na maswerte ka…" Ginalingan ni Little Lotus ang pagpapaliwanag kay Jun Wu Xie, ngunit hindi nakakakumbinsi ang kaniyang pagkahiya.

Tinignan ni Jun Wu Xie ang mga libro. Kung hindi ipinaliwanag ni Little Lotus sa kanya ang kahalagahan ng mga ito, hindi niya makikita ang halaga ng mga wasak-wasak na mga librong ito bilang mga importanteng mapagkukuhaan ng cultivation techniques!

"Mapapalakas ng pagaalaga ng halaman ang aking spiritual energy?" Sinilip ni Jun Wu Xie ang pinaka-unang libro.

Masigasig na tumango si Little Lotus.

"Ano ang kailangan kong itanim?" Hindi niya kilala ang mga pangalan ng mga halaman sa libro.

Agad na itinaas ni Little Lotus ang kanyang kamay at itinuro ang kanyang ilong.

"Ako! Itanim mo ako!"

"...." Hindi makapagsalita si Jun Wu Xie. Hindi rin niya makita ang sarili niyang nagtatanim ng lotus seeds sa panahon ng pag-aani… na maraming little lotus at ang mga ulo lang nila ang nakikitang nakalabas mula sa lupa. Hindi maisip a mangyari ito!

"...." Saglit na nangaligkig si Jun Wu Xie.

"Sabagay, sabi rito, basta ilagay mo ako sa isang lugar na may tubig, eh, hindi ako kundi ang aking mga buto, sisipsipin nila ito, uunlad, tutubo, at magtitipon ng spiritual energy na ikaw lang ang makakagamit. Pag tumubo na sila, bagaman hindi kasing lakas ko, ang pagkain sa kanila ay magkakaroon ng maraming magandang pakinabang!" Masayang sinabi ni Little Lotus habang pinipikit ang kanyang mga matang may kaunti pang luha.

Kinutuban si Jun Wu Xie na pag may buntot ito, kumukumpas ito ngayon.

"Mukhang mas madali ito kumpara sa ibang klase ng mga technique na nakita ko?" Marami na siyang nakitang iba't ibang klase ng mga libro at lahat sila ay magulo. May ibang pat ang paghinga ay may tamang paggawa! Ang mga librong ito naman, ay simple, deretso sa punto.

Kailangan mo lang gawin ay magtanim ng bulaklak!