Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 38 - Ang Hamon ni Zhao Han

Chapter 38 - Ang Hamon ni Zhao Han

Pagkakataon na rin ni Zhao Feng. Bilang isang top outer disciple, sino kaya ang susunod niyang hahamunin?

Ang top six ay lahat nakaabot na ng fourth rank. Naabot na rin ni Zhao Linlong ang fifth rank, higit nang kaunti kay Zhao Feng. Mula sa mga umaasang mata ng karamihan sa mga tao, dahan-dahang sinabi ni Zhao Feng, "Pass!"

Ano!? Pass?

"Ang pagpapalampas sa ganitong pagkakataon na hamunin ang isang tao sa isang duwelo ay magbibigay na lamang ng dalawang tsansa sa kanya para humamon ng iba," gulat na iwinika ng hukom.

Ngunit, ayon sa mga patakaran, pwede namang isuko ng isang challenger ang kanyang pagkakataon na hamunin ang isang tao. Mukhang may pinaplano si Zhao Feng nang gawin niya ito.

Ang kanyang layunin ay makasama sa top three. Tatlong rounds pa lamang ang nakalilipas, hindi kailangan malaman ng kahit sino ang totoo niyang lakas.

Ikalawa, gusto niya munang masuri ang tunay na lakas ni Zhao Linlong. Hindi niya talaga mamaliitin ang top three sapagkat silang lahat ay nakaabot sa fifth rank.

"Hmph! Iniisip mo ba na porket pinalampas mo ang pagkakataong ito ay hindi ko na malalaman kung anong mayroon…" si Zhao Han na nasa third rank ay tumingin nang may pagtuya kay Zhao Feng. Talagang nadama niya ang poot ng kalaban.

Bago ang tournament, sinabihan ni Zhao Han na babaliin niya ang braso nito, gaya ng ginawa ni Zhao Feng kay Zhao Yijian.

Pagkatapos ng sampung araw, maayos na ang cultivation ni Zhao Han, at kaya na niyang kontrolin ang kanyang Inner Strength.

Numero labing-lima… labing-apat… labing-tatlo…

Ang mga challengers ay lalong lumalakas. Matindi na talaga ang kompetisyon sa top ten, pero nakapokus ito sa ikapito hanggang ikasampung puwesto. Ito ay sa kadahilanang ang top six ay nasa fourth rank na o mas mataas pa, at ang kanilang mga puwesto ay nakapirmi na.

Hindi nagtagal, napagdesisyunan na rin ang top ten. Ngayon, ang atensyon ng mga tao ay nabaling sa top five at lalo na sa top three.

"Gusto kong hamunin ang numero apat na si Zhao Qin," sabi ng nakakulay asul na damit habang hawak-hawak nito ang kanyang halberd. Ang binigay na impresyon ni Zhao Qin kay Zhao Feng ay pagiging banayad, tahimik, at kalmado.

"Zhao Tun, kanina mo lamang naabot ang fourth rank at ngayon hinahamon mo agad ako?" bahagyang ngumiti si Zhao Qin. Ang paraan niya ng pakikipaglaban ay katulad ng kanyang ugali. Ginagamitan niya ng pagiging mayumi upang malabanan ang katigasan, at ang kanyang espesyalidad ay ang kanyang bilis.

"Ikaw lang ang kaya kong labanan sa top five. Magkaroon sana tayo nang maayos na laban!" tila sumasayaw siya kasama ang kanyang sandatang halberd. Ito pa lamang ang simula ng tournament, at ang dalawang tunay na Martial Artists ay naglalaban na agad.

Pagkatapos ng matagal na labanan, nanalo rin si Zhao Qin. Mas mataas naman talaga ang kanyang cultivation level at ang kanyang kakayahan ay inihubog sa mataas na antas.

Kahit natalo si Zhao Tun, ang kanyang ranggo ay nanatili. Nakaramdam ng panghihina si Zhao Qin nang tignan ang top three. Lahat ng ito ay kay lalakas. Lahat sila ay nasa fifth rank na rin. Pero ang pagsuko ay wala sa kanyang bokabularyo.

Nakagawa na rin sa wakas ng desisyon si Zhao Qin, "Pinipili ko ang numero dalawa na si Zhao Chi," kakaabot lamang ng fifth rank ni Zhao Chi, at ang kanyang Inner Strength ay hindi rin kasinglakas ng kay Zhao Han.

"Haha! Matatalo ka rin naman Zhao Qin, bakit ka pa nag-aabala!" tamad na tumalon si Zhao Chi sa entablado.

Nagharap ang dalawa. Makikita na rin sa wakas ni Zhao Feng ang lakas ng top three.

"Blue Cloud Finger!" dahan-dahang iniangat ni Zhao Qin ang kanyang daliri. Isang matamlay na liwanag ang nanggaling dito. Mukha itong mahina at walang kwenta, ngunit, sumamyo ito sa hangin. Ang finger skill na ito ay isang mataas na klase ng martial art. Sinanay niya talaga ito sa mataas na lebel at nauunawaan niya kung paano ito gamiting mabuti.

Hindi naman ganoon kasama ang idinulot ng atake niyang ito. Ang enerhiya ay nasa iisang punto lamang. Naglalaman ito ng banayad na tubig at tigas ng isang yelo… Ito ang hinuha ni Zhao Feng habang pinapanood sila gamit ang kaliwang mata.

Kahit ang Ice Flowing Sword ni Zhao Yijian at Blue Cloud Finger ni Zhao Qin ay parehas na mataas na ranggo ng martial arts na may mataas ring antas, ang pinsalang idinulot nila ay hindi maipagkukumpara.

"Ai... ito lang pala yung galing mo!" maririnig ang katamaran sa boses ni Zhao Chi.

"Shuah!"

Biglang naging labing anino na lamang ang katawan ni Zhao Chi nang iwasan niya ang atake ni Zhao Qin.

"Hindi maaari!"

Minaliit nga niya talaga ang lakas ni Zhao Chi.

"Ang kakayahan ni Zhao Chi sa paggalaw ay talagang mataas nga ang antas," bulalas ng mga disipulo.

"Howling Sky Fist!" biglang nasa likod na pala si Zhao Chi ni Zhao Qin sabay suntok sa kanya.

Kulay pula ang ningning ng kanyang kamao. Nang tinamaan nito ang hangin, nagdulot ito ng tunog gaya sa isang kidlat. Kahit gumalaw lang ang kamao sa hangin, nanginig pa rin ang tainga ng mga disipulo.

"Isa nga talagang mapanirang kakayahan ang kamao niya. Malapit na ito sa pinakamataas na uri ng martial art, pero hindi pa rin nito mahihigitan ang aking Metal Wall Technique," wika ni Zhao Feng nang may bahagyang pagkasorpresa.

"Blue Clouds Flying!" sumigaw si Zhao Qin nang tanggapin ang suntok nang harapan. Agad-agad, lumipad siya at naubo ng dugo nang makalapag na sa lupa.

Isang suntok lang at nasaktan na agad si Zhao Qin. Maswerte na nga siya dahil gumagamit ng pagiging banayad upang labanan ang katigasan, kung ibang cultivator pa ito, malamang ay natalo na sila.

"Nagpapainit pa lang tayo ah," walang pakialam na sabi ni Zhao Chi at muling umatake. Ang kanyang palabras ay nagdulot ng takot sa mga disipulo!

Mataas na antas ng footwork skill, mataas na antas ng inner strength skill, mataas na antas ng body skill.

Kitang kita ang mga kakayahan ni Zhao Chi. Kahit iba-iba ang mga natutunan niyang skills, halos lahat ng iyon ay mataas na ang antas. Kahit ang kanyang body skill ay nasa ikaapat na lebel na, nangangahulugang kaya niya nang harapang tumanggap ng mga atake mula sa mga ispada at patalim gamit lamang ang kanyang katawan.

"Wala akong makitang kahinaan. Nakakamatay nga talaga ang kanyang Howling Sky Fist," inisip ni Zhao Feng. Tunay nga talagang mahirap siyang kalabanin.

Hindi na nakakapagtaka na tinignan siya nito nang mapagmataas sa outer disciples contest. Hindi siya makakapagtagal kahit tatlong atake lang mula sa binata noon.

Sa entablado, pinaglalaruan lamang ni Zhao Chi si Zhao Qin. Matapos magpalitan ng dalawampung atake, lubos nang hinihingal si Zhao Qin at sumuko na siya. Alam ni Zhao Qin na magtatagal lamang siya ng dalawampung atake sapagkat minamaliit lamang siya nito at hindi buong pwersa ang gamit iya. Kung sinubukan niyang gamitin ang lahat ng lakas, mananalo agad siya sa loob lamang ng tatlong atake.

"Wala ni kahit isa inyo ang may karapatan na hamunin ang top three," wika ni Zhao Chi habang tinitignan si Zhao Feng.

"Hm?"

Naramdaman agad ni Zhao Feng na tila binabasa ang isip niya. Paano niya nalamang hahamunin ni Zhao Feng ang top three?

Habang sinusuri ang sitwasyon sa kasalukuyan, ikaapat na puwesto si Zhao Qin, ikalimang puwesto si Zhao Tun, at ikaanim na puwesto si Zhao Yufei, mukha wala nga talagang susubok na kalabanin ang top three.

Pagkatapos ni Zhao Qin, oras na para si Zhao Han ang pumili.

"Zhao Han! Zhao Han!" Maraming tao ang sumuporta sa kanya, sapagkat isa siya sa maaaring makakuha ng unang puwesto.

Nasa kasukdulan na ngayon ang tournament. Tanging si Zhao Chi lang ang may taimtim na ekpresyon nang titigan si Zhao Han. Tanging ang nasa unang puwesto na si Zhao Linlong ang walang pakialam.

Umalpas lamang ang tingin ni Zhao Han kay Zhao Chi at Zhao Linlong. Siya ang nasa ikatlong puwesto, at tanging dalawang tao lamang ang nasa harap niya.

Zhao Linlong, or Zhao Chi?

Umasa ang mga disipulo. Matindi talaga ang laban kung pinili ni Zhao Han si Zhao Linlong o kaya Zhao Chi.

Ngunit, iba ang katotohanan. Matapos umalpas ang tingin kay Zhao Linlong at Zhao Chi, nagsimula siyang tumingin sa ikalawang hilera.

"Ah1"

Ang mga disipulo sa ikalawang hilera ay nanginig sa takot. Nasa unang hilera ang top ten samantalang nasa ikalawa naman ang magmula sa labing-isa hanggang ikadalawampu sa puwesto.

"Gusto kong hamunin… ang ikaanim na upuan sa ikalawang hilera!" umalingawngaw ang malamig na boses ni Zhao Han.

Ang ikaanim na upuan sa ikalawang hilera .

Hindi hinamon ni Zhao Han ang top two, lalong hindi ang top ten, pero ang top twenty!

Ang ikaanim na upuan sa ikalawang hilera? Sino naman ang malas na iyon?

Nabaling atensyon ng mga tao sa dakong iyon.

"Ako?" pagkagulat ni Zhao Feng.

Oo, siya nga ang hinahamon ni Zhao Han!

"Zhao Han, sigurado ka bang gusto mo itong gawin?" kumunot ang noo ng hukom.

"Ang mga nasa mataas na posisyon ay maaaring mawala kapag natalo sila sa isang tao na mababa ang ranggo. At kahit manalo ka pa, wala kang makukuhang benepisyo."

Ayon sa mga patakaran, pwede namang hamunin ng mga nakatataas ang mga nasa ibaba. Pero walang gumagawa nito sapagkat wala namang makukuha mula rito. Sa halip, mababawasan lamang sila ng tsansa para makapili ng kalalabanin.

"Oo," nanatili kay Zhao Feng ang mga tingin ni Zhao Han na tila makakapatay siya.

Ilan sa mga disipulo ay nagkaunawaan na. Alam nilang pinsan ni Zhao Han si Zhao Yijian at may mabuti silang relasyon sa isa't isa. Mula sa ikalabing-dalawang puwesto, agad na nagbigay ng pasasalamat na tingin si Zhao Yijian kay Zhao Han.

"Zhao Feng? Wala ka bang tapang para harapin ako?" pagkutya ni Zhao Han.

"Ano namang dapat ikatakot?" nanatiling walang ekspresyon si Zhao Feng nang pumunta na sa harapan.

Kahit alam niyang lalabanan niya rin si Zhao Han, hindi niya inakala na ganito kaaga.

"Babaliin ko muna ang kanyang braso, at pagkatapos ay hahamunin ko na si Zhao Linlong," pagpaplano ni Zhao Han.

"Hinahamon ni Zhao Han si Zhao Feng?"

"Halata naman, gumaganti lang siya para sa kanyang pinsan."

"Kahit malakas si Zhao Feng, hindi niya pa rin matatapatan si Zhao Han."

Karamihan sa mga disipulo ay naaawa o kaya naman ay natutuwa.

Kahit na isang top outer disciple si Zhao Feng at isang tunay na Martial Artist, may malaki pa ring nakapagitan sa kanilang dalawa ni Zhao Han.