"Sige, tayo ang magiging dalawang punong tagapaghusga sasabihin at papayagan si Zhao Feng para makadalo." Ang pinuno ng sekto na si Zhao Tiancang ay interesadong tumingin kay Zhao Feng.
Sa pagpayag ng pinuno ng sekto at ng dalawang punong tagapaghusga, walang sino man ang umayaw sakanila. Ito ang unang beses na naramdaman ni Zhao Feng na tanggap siya sa isang sekto.
Nanginginig si Zhao Tianjian sa galit. Hindi siya makapaniwalang babalik ng buhay si Zhao Feng, "Pumalpak si Gray Eagle. Sa lakas na mayroon si Gray Eagle, paano siya pumalpak?"
"Zhao Feng!" sabi ng tagapaghusga. "Ipapaliwanag ko na ang mga patakaran sainyo ngayon."
"Sige." Nakinig mabuti si Zhao Feng.
Hinahamon ng mga tao ang isa't isa dito sa tournament na ito. Ang first round na Spot Challenge ay kung saan ang unang limampung outer disciples ay hahamunin ang limampung inner disciples. Kung sila ay manalo, kukuhanin nila ang puwesto ng mga inner disciples. Ang bawat outer disciple ay mayroong tatlong pagkakataon para manghamon ng sinuman. Kung natalo sila sa tatlong hamon sila ay mananatili bilang outer disciples. Kung ganoon, bago maaaring manghamon ang mga outer disciples, kailangan muna nilang sukatin ang sarili nilang lakas at piliin ang mahihinang inner disciples.
"Zhao Feng, tutal huli kang dumating, mayroon ka lamang isang pagkakataon para manghamon ng sinuman," mahigpit na sinabi ng tagapaghusga.
Isang pagkakataon?
Tumango si Zhao Feng. "Naiintindihan ko." Sa lakas na mayroon siya, kayang-kaya niyang maging isang inner disciple. Iyon ay kung loko-loko si Zhao Feng at pumili ng isang taong kagaya ni Zhao Linlong, siya ay mananalo. Nang walang alinlangan, hindi agad-agad hahamunin ni Zhao Feng ang pinakamalakas na tao.
"Ngayon puwede ka nang pumili ng isang tao. Kung mananalo ka, maaari mong kunin ang puwesto nila," paalala ng tagapaghusga.
"Ok!" Tumalon si Zhao Feng sa entablado at pinagmasdan ang limampung tao.
Limampung tao, limampung upuang nakaayos nang sunod-sunod.
Ang pagkasunod-sunod simula sa kaliwa hanggang kanan ay nagmula kay Zhao Linlong, Zhao Chi, Zhao Han, Zhao Qin...
Ang unang hilera ang nagrepresenta ng top ten na inner disciples. Sa pang-pitong upuan sa pangalawang hilera, natagpuan ni Zhao Feng Si Zhao Yufei. Tiningnan siya ni Zhao Yufei at bahagyang ngumiti. Magkapitbahay ang dalawa at medyo pamilyar sa isa't isa.
Sila Zhao Yue, Zhao Yijian, Zhao Gan, at Zhao Guang ay nasa pagitan ng ika-apatnapu at ikalimampung karangalan. Bukod kay Zhao Feng, mayroon lamang ibang taong naging inner disciples.
Sino ang dapat kong hamunin? Ngumiti si Zhao Feng habang sinisiyasat sila. Si Zhao Linlong, na siyang nasa unang karangalan ay nakapikit, tila ba sinusubukan niyang magkaroon ng kabatiran tungkol sa isang bagay. Para bang walang kinalaman sakaniya ang nagaganap na tournament.
Ang top inner disciples ay hindi man lang nag-alala. Subalit, ang disciples na nakapuwesto sa ibaba ay kinakabahan. Kung sa bagay, si Zhao Feng top ng outer disciple. Madali lamang niyang maabot ang top ten sa lakas na mayroon siya.
"Pangalawang hilera...pang-anim na upuan…" Ang mga mata ni Zhao Feng ay nanatili sa taong nasa kanan ni Zhao Yufei.
"Numero labing-anim Zhao Fei, maaari nang lumabas," sabi ng tagapaghusga. Si Zhao Fei ay edad labing-anim o labing-pitong gulang. Mayroon siyang cultivation na nasa tugatog ng third rank, subalit ang kaniyang aura ay hindi mas mahina kaysa sa mga cultivators ng fourth rank.
"Bata, huwag mong isipin na kaya mo akong talunin dahil lang nakaabot ka na sa fourth rank!" kalmadong naglakad si Zhao Fei sa entablado.
"Heh, mukhang malakas ang Zhao Fei na ito. Gamit ang kaniyang Block Metal Body, nakatalo na siya ng dalawang quasi Martial Artists."
"Hindi basta-bastang aangat si Zhao Feng."
Kung pagpakapanalo ang pag-uusapan, malamang mas malaki ang pagkakataong manalo ni Zhao Feng. Ngunit ang lakas ng kaniyang kalaban ay hindi rin mahina, kaya't ito ay tiyak na magiging mahigpit na laban.
"Metal Sand Palm!" gumamit lamang si Zhao Fei ng middle ranked martial art.
_Pah!_
Ang pinsala ay mas mataas kumpara sa mga pinaka high ranked martial arts. Ito ay dahil naensayo ito sa pinakamataas na antas!
Bahagyang napahanga si Zhao Feng. Sa laban ng outer disciple, inensayo lamang niya ang middle ranked martial arts patungo sa pinakataas na antas. Ang totoo ay, ang Metal Sand Palm ni Zhao Fei ay bumagay sa kaniyang Block Metal Body. Samakatuwid, kayang talunin ng palad na ito ang Ice Flowing Sword ni Zhao Yijian.
"Ang lakas ni Zhao Fei ay hindi mas mahina kaysa sa mga half-step na Martial Artists ngayon." Ilan sa mga inner disciples ay tumango sa pagsang-ayon.
Flaming Metal Fist!
Pasimpleng nagbitaw si Zhao Feng ng suntok. Siya ay gumagamit ng core ranked martial arts. At hindi lang iyon, hindi pa niya ito dinagdagan ng kahit anong Inner Strength.
Ang eksenang ito ay ikinagulat ng maraming tao. Ang ibig sabihin ng hindi paggamit ng Inner Strength ay wala siyang kalamangan.
"Bata, huwag mo nang subukan maging astig!" Huminga ng malalim si Zhao Fei at ciniculate ang Block Metal Body at Metal Sand Palm hanggang sakaniyang limitasyon. Noong una hindi niya naisip na matatalo niya si Zhao Feng, kaya lamang niyang makipagsabayan ng onti. Subalit dahil napakayabang ng kaniyang kalaban...
Sa entablado, dalawang anyo ang lumapit sa isa't isa at ang kamao at ang palad ay nagtama.
"Break—–"
Nagkaroon si Zhao Fei ng mukhang puno ng pagmamadali at kasiyahan subalit mapait ang katotohanan.
_Peh!_
Sa oras na tumama ang kaniyang palad sa kamao, nakaramdam siya ng lubhang kapangyarihang minanhid ang kaniyang braso.
_Ah!_
Nagsimulang pagpawisan si Zhao Fai. Naramdaman niyang kasing lakas ni Zhao Feng ang isang toro.
_Pong—_
Hindi man lamang naintindihan ni Zhao Fei kung ano ang nangyayari at siya ay pinatalsik na. Isang galaw.
"Nanalo siya gamit ang core ranked martial arts at hindi siya gumamit ng kahit anong Inner Strength."
"Natutunan ni Zhao Feng ang isang high ranked body martial art…"
"Zhao Feng, tagumpay ang hamon! Ikaw ay ranked sixteenth na ngayon. Para naman kay Zhao Fei, mayroon kang tatlong pagkakataon para manghamon…" deklarasyon ng tagapaghusga.
Pagtapos talunin si Zhao Fei, marahang naglakad si Zhao Feng sa ika-anim na upuan sa pangalawang hilera. Sa kaniyang kaliwa ay si Zhao Yufei.
"Ang iyong Metal Wall Technique ay nakaabot na sa pangatlong antas," sabi ni Zhao Yufei, bahagyang gulat. Natutunan ni Zhao Feng ang skill na ito sa kaniyang lolo nakaraang linggo lamang!
Batay sa kaniyang kaalaman, ang Metal Wall Technique ay napakahirap sanayin. Sinabi ng kaniyang lolo na kaya lamang itong sanayin ni Zhao Feng hanggang sa ikalawang antas. Subalit base sa pagsasagawa ni Zhao Feng, ang kaniyang Metal Wall Technique ay umabot na sa ikatlong antas.
"Yep!" ngumiti si Zhao Feng. Ang kaniyang Metal Wall Technique ay umabot na nga sa peak fourth level. Mayroong malaking diperensya sa pagitan ng ikatlo at ikaapat na antas. Hindi man lamang ginamit ni Zhao Feng ang kalahati ng kaniyang lakas noong nilalabanan niya si Zhao Fei.
Sa entablado, nagpatuloy ang laban. Batay sa patakaran, mayroon pang isang pagkakataon si Zhao Fei para manghamon. Sa kalaunan, nagtagumpay si Zhao Fei na talunin ang isang taong nasa twenty-sixth rank.
Ang tournament ay naantala dahil dumating sa kalagitnaan si Zhao Feng para makalagpas sa bagong Spot Challenges.
Dahil mayroong limampung puwesto para sa mga inner disciples at mayroong limampu't isang tao, isang tao ang inalis. Ngunit si Zhao Feng at ang lima pang outer disciples ay naging inner disciples na.
"Ang spot challenge ay natapos na…" huminga ang tagapaghusga at nagsimulang ideklara ang umpisa ng susunod na round. Sila ay nagpapatuloy na sa Ranking tournament.
Base sa nakaraang balita, ang top twenty, ten at three ay mayroong iba't ibang premyo. Ang top three ay maaaring mamili ng peak ranked martial arts!
Dito lubos na interesado si Zhao Feng. Halata na ang kompetisyon ay magiging matindi. At, ang inner disciples ranking ang nagtalaga ng karangalan at kaluwalhatian. Ang mga kabataan na nandito ay labing-walong taong gulang o mas bata pa, at sila ay mayroong pagnanais na manalo.
"Ang ibig sabihin ng second round ng Ranking Tournament ay lahat kayo ay mayroong tatlong pagkakataon para manghamon. Kung kayo ay hindi nagtagumpay, ang inyong pagkakataon ay mababawasan ng isa…" sabi ng tagapaghusga.
Malinaw na malinaw ang patakaran.
Ang mga taong nai-rank sa bandang huli ay hahamunin ang mas matataas na rank. Kung sila ay mananalo, papalitan nila ang rank ng kanilang kalaban. Lahat ay mayroong tatlong pagkakataon para manghamon. Kung sila ay nagtagumpay, mayroon pa rin silang tatlong pagkakataon, ngunit kung sila ay pumalpak, ang kanilang pagkakaraon ay mababawasan ng isa.
"Naiintindihan namin." tumango ang limampung tao.
Ang mga taong nai-rank sa bandang huli nag unang nanghamon. Nagsimula ito sa rank fifty.
Subalit, silang mga nasa pinakababa, masaya na sila sa pagiging inner disciple at alam nilang wala silang pagkakataon na makaabot sa top twenty. Kaya naman, walang masiyadong fortieth hanggang fiftieth ranked na mga tao na naghahamon.
Kung mayroon man, gusto lang nilang magpasikat, at kung sila ay nanalo ng mas mataas na rankings hindi sila makakakuha ng kahit anong premyo.
Fortieth…thirty-ninth…thirty-eighth…
Ang rankings ay naggigitgitnan palapit ng palapit. At nang ito ay umabot na sa twentieth hanggang thirtieth na puwesto, ang laban ay mas lalo pang naging matindi. Ang mga tao gaya nina Zhao Yue at Zhao Tijian ay nakarating na sa top thirty. Nakaabot ng twelfth si Zhao Yijian, at si Zhao Yue ay nakarating sa fifteenth.
Sa pangkalahatan, ang top twenty inner disciples ay mayroong lakas ng quasi Martial Artists. Sina Zhao Feng at Zhao Yufei ay parehas na totoong Martial Artists kaya naman walang humamak na hamunin sila. Mayroong mas mababa pa sa sampung disciples na nakaabot sa fourth rank ng Martial Path.
Pagtapos mapatunayan ng top twenty, nagsimula na silang maglaban para sa top ten. Hindi nagtagal, oras na ni Zhao Yufei para manghamon. Si Zhao Feng naman ang susunod na manghahamon pagtapos ni Zhao Yufei.
Marami-raming top ten inner disciples ang hindi nakaabot sa fourth rank ng Martial Path. Napagdesisyunan ni Zhao Yufei na hamunin ang numero anim, at madali niyang naipanalo ang kaniyang laban.
Pagtapos makaabot sa top ten, isinuko ni Zhao Yufei ang pagkakataon niyang ipagpatuloy ang paghahamon. Sa ganitong paraan, maiipon niya pa ang kaniyang dalawang pagkakataon sa susunod na dalawang rounds.
"Numero labing-anim Zhao Feng, ikaw na," deklarasyon ng tagapaghusga.