Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 33 - Buhay sa Kamatayan

Chapter 33 - Buhay sa Kamatayan

Dahil siya'y nagtatago sa puno, nakikita ni Zao Feng ang naka kulay-abo na lalaki, ngunit ang naka kulay-abo na lalaki ay hindi siya nakikita. Hindi kaagad tumira si Zhao Feng, sa halip ay ginamit niya ang kanyang kaliwang mata para kalkulahin ang ruta ng kanyang palaso.

"Kapag tumira ako, ang aura ko ay mahahanap ng dalawang nakakamatay na hayop." Si Zhao Feng ay nanatiling kalmado. Hindi niya gusto na harapin ang dalawang Silver Striped Blood Leopards hangga't di niya napapatay ang lalaking naka kulay-abo na damit.

Ang lalaki na may kulay-abong damit ay mahihirapang kalabanin ang dalawang nakamamatay na hayop, ngunit gumamit din siya ng bahagi ng kanyang enerhiya upang mabantayan ang mga pakulo ni Zhao Feng.

Walang ibang magawa si Zhao Feng kung hindi ang mapabuntong-hininga. Ang taong ito ay karapat-dapat lamang na maging elite. Sa sitwasyong ito ay nagagawa pa rin niyang depensahan ang kanyang sarili

Hong—

Sa sandaling ito ay isang bahagyang panginginig ang nanggagaling sa lupa, na tila may napakalaking hayop na dumarating.

Si!

Ang dalawang Silver Striped Blood Leopards, na mayroong cultivation sa rurok ng ikalimang ranggo, ay agad na nanginig at tumigil sa paglusob.

Roar!

Ang nakatatakot na alulong ay tumunog sa kabuuan ng labinlimang kilometro radius. Hindi mabilang na mga ligaw na hayop at kahit na ilang mga nakamamatay na mga hayop ang nanginginig nang mapakinggan ito.

"Ano iyon !?" Nadama ni Zhao Feng ang pagkalampag ng kanyang tainga. Ang alulong lamang ang naging sanhi ng pagkabalisa niya.

"Hinde ito maganda." Ang naka kulay-abo na lalaki ay tila napagtanto ang isang bagay at ang kanyang mukha ay agad na naging puti. Ang taong may kulay-abong damit ay higit pa ang nalalaman tungkol sa Sky Cloud Forest kaysa kay Zhao Feng.

"Iyon ay…" Gamit ang kanyang kaliwang mata, nakita ni Zhao Feng ang isang kulay lilang-itim na Two- Winged Sword Teeth Tiger, pito hanggang walong metro ang taas at sampung metro ang haba, mukha itong isang maliit na burol. Ang gayong sukat ay nagpanginig sa kanya sa pagkamangha.

Kung haba ang titignan, ang Green Headed Tiger King ay magiging isang sanggol kumpara dito. Ang nakasisindak na bahagi ay ang pares ng jet black wings sa likod ng tigre, na pinapayagan ito upang lumipad.

Hong—

Ang mga puno ay mapuputol kung saan ang Two-Winged Sword Teeth ay pumasok.

"Two-Winged Sword Teeth Tiger ... isang high tier na nakamamatay na hayop. Ang lakas nito ay maihahambing sa ikawalong antas ng Martial Path!"Ang taong may kulay-abo na damit ay nanginig sa takot.

Ang aura ng isang mabagsik at high tier na halimaw at magagawang panginigin ang sinuman upang rumespeto.

Ang mga binti ni Zhao Feng ay nanginginig. Hindi niya makontrol ang kanyang katawan sa ilalim ng nakatatakot na aura.

_Roar!_

Isang malakas na dagundong ang nagmula sa Two- Stringed Sword Teeth Tiger na ngayon ay tumalon patungo sa Silver Striped Blood Leopards at sa lalaking naka kulay-abong damit.

"Tulungan niyo ako…" sambit ng lalaking nakakulay-abong damit.

_Crack!_

Ang Two- Winged Sword Teeth tiger ay ibinuka ang kanyang bibig at nilamon nang buo ang Silver Striped Blood Tiger. Ang pangyayari na ito ay nagdulot ng pagkalamig ng puso ni Zhao Feng . Nararamdaman ni Zhao Feng na alam ng Two-Winged Sword Teeth Tiger ang kanyang kinaroroonan.

Matapos kainin ng Two- Winged Sword Teeth Tiger ang Silver Striped Blood Leopard, ang mga mata nito na kulay dugong-lila ay tumingin patungo kung saan nagtatago si Zhao Feng.

"Ano!?" Nadama ni Zhao Feng ang panlalamig ng kanyang katawan.

Kapag nakarating na ang isang nakamamatay na hayop sa mataas na tier, hindi dapat ito maliitin. Nakakita ka na ba ng tigre na may mga pakpak at kasinlaki ng isang burol?

Takbo! Takbo nang mabilis ... Kung hindi ako tumakbo doon ay walang anumang matitirang pagkakataon. Ang instincts ni Zhao Feng sa kaligtasan ng kanyang buhay ay napagtanto niya. Sa ilalim ng nakatatakot na pangyayari, ibinuhos ni Zhao Feng ang lahat ng lakas niya sa kanyang kaliwang mata at naging kalmado muli. Naglabas din ito ng mga sumisirit na init at kumalat nang pantay-pantay sa kanyang buong katawan.

Nadama ni Zhao Feng ang pagkawala ng kanyang takot.

Takbo!" Ang kanyang katawan ay unti- unting lumalabo habang siya ay tumakbo patungo sa isang dead corner. Gayunpaman, nararamdaman ni Zhao Feng ang nakakamatay na aura na nagpapabagsak sa kanya.

Crack!

Isang hiyaw ang narinig mula sa kanyang likod. Ang iba pang Silver Striped Blood Leopard ay namatay din. Sa isang saglit, ang Two-Stringed Sword Teeth Tiger ay pumatay ng dalawang mabagsak na halimaw na nasa rurok ng ikalimang ranggo. Mayroon lamang isang lalaki na naka kulay-abong damit ang natitira.

"Takbo!" Ang lalaking naka kulay-abong damit ay tumakbo nang mabilis sa ibang direksyon.

Ang Two-Winged Sword Teeth Tiger ay dahan-dahang nginuya ang pagkain sa kanyang bibig, pagkatapos nito ay dahan-dahan niyang hinuhuli ang lalaking naka kulay-abo na damit. Kahit na ang Two-Winged Sword Teeth Tiger ay dahan-dahang gumalaw, ang distansya sa pagitan nilang dalawa ay agad-agad na nababawasan. Ang lalaking naka kulay-abo na damit ay may mataas na ranggo sa speed skill na napagsanayan niya sa mataas na lebel, at sa kanyang desperasyon, ang kanyang bilis ay kalahating mas mabilis kaysa kay Zhao Feng.

Sa kabilang banda, ang bilis ni Zhao Feng ay sumabog dahil sa pagkadesperado. Ang Lightly Floating Ferry ay mas naging mahusay.

"Ang cultivation ko ay naabot na ang tuktok ng fourth rank…" Kahit na nararamdaman ni Zhao Feng ang pagtaas ng cultivation niya, hindi parin niya madama ang kasiyahan, dahil ang Two-Winged Sword Teeth Tiger ay may sobrang lakas na pandama. Kahit na may isang tumakbo na may layong dalawampung kilometro ay mahahanap pa rin niya ito.

"Heavenly Moon Cut!"

Ang lalaking na kulay-abo na damit ay ginamit na ang huling atake niya kahit alam niya na siya ay mamamatay na. Ang lakas ng espada ay naabot na ang rurok na lebel. Hindi lamang iyon, ang cultivation ng lalaki ay nakapasok na rin sa ikaanim na ranggo.

Shua!

Ang blade of despair, na maaaring patayin ang halos anumang cultivator na nasa ikaanim na ranggo, ay tumama sa katawan ng Two-Winged Sword Teeth Tiger.

Roar!

Ang Two-Winged Sword Teeth Tiger ay ibinuka ang bibig nito at nilamon ang lalaking naka kulay-abong damit at ang mga armas nito nang buo. Tulad ng pagwasak ng Heavenly Moon Cut, nag-iwan ito ng isang sentimetrong sugat sa Two-Winged Sword Teeth Tiger. Para sa nilalang na may ganoong sukat, ang uri ng atakeng ito ay parang kiliti lamang.

Sa pagkamatay ng lalaking naka kulay-abo na damit, naramdaman ni Zhao Feng ang kanyang sarili na nababalot na sa kamatayan… siya na ang susunod na target ng Two-Stringed Sword Teeth Tiger!

Mabuti at mayroon pa ring agwat sa pagitan ng dalawa, ang tigre ay dahan-dahan lamang siyang habulin. Ang Two-Winged Sword Teeth ay may mga kinakain din na ilang mababangis at nakakamatay na hayop habang siya ay hinuhuli.

Noong una ay naisip ni Zhao Feng na dahil busog na ang tigre, ay papahintulutan siya nitong makatakas. Gayunpaman, ang Two-Winged Sword Teeth Tiger ay tila nakikipaglaro sa kanya, dahan-dahan ngunit tiyak na hinahabol siya.

" Itong bastardo na ito!" Sabi ni Zhao Feng habang ginagamit niya ang kanyang kaliwang mata upang makahanap ng isang ruta para sa kanyang kaligtasan.

Lumitaw ang isang maliit na creek sa kaliwang bahagi ng kamay niya. Ito ay nakakonekta patungo sa isang canyon.

Nakita ni Zhao Feng na may masukal na kweba, sampung kilometro ang layo mula sa ilog. Ang Two-Winged Sword Teeth Tiger ay hindi magkakasya sa kwebang iyon. Agad na nag-iba ng direksyon si Zhao Feng at tumakbo papunta sa creek.

Teng! Teng! Teng…

Ang mga paa ni Zhao Feng ay nakakayanan nang maglakad sa tubig na nasa creek. Nasanay na niy ang Ligh Floating Ferry sa isang antas na ang paglakad sa tubig ay hindi na mahirap.

Hu! Hu!

Ang mga pakpak ng Two-Winged Sword Teeth Tiger ay biglang kumumpas papunta kay Zhao Feng.

"Takbo!" Tumakbo nang mabilis si Zhao Feng papunta sa kweba.

Hindi naman maituturing na lumilipad na halimaw ang tigreng ito, kaya naman ang bilis ng paglipad nito ay mabagal. Bukod pa rito, hindi rin nito makakayanang lumipad nang mabilis. Gayunpaman, hinabol pa rin nito si Zhao Feng.

Papalapit na siya nang papalapit sa kweba.

Sampung kilometro… siyam na kilometro… walong kilometro…

Nang dalawang kilometro na lang ang natitira, nakaramdam si Zhao Feng ng malamig at maitim na aura. 

Hu!

Ang aura ay nanggagaling sa canyon!

Si~

Ang kakaibang tunog ay nagawang panginigin ang puso ni Zhao Feng. Ang tigre sa kanyang likod ay nag-alinlangan din tumuloy. Halatang ito ay marunong ding mag-ingat.

Hu~Long~

Biglang may malakas na tunog ang nanggaling sa canyon. Isang blood-red python, sampung metro ang haba, ang lumabas sa kweba. Ang aura ng python na ito ay kasinlakas ng tigre.

"Ah…" Hindi makagalaw ang katawan ni Zhao Feng. Mayroong python sa harap at tigre naman sa likod. Ang sitwasyong ito ay mas malubha pa kaysa kanina!

Sa kabutihang-palad, ang atensyon ng python ay unang napunta sa Two-Winged Sword Teeth Tiger.

Ang dalawang halimaw ay nagharap. Ang Two-Winged Tiger ay umungol nang malakas sa hangin, pagpapakita ng lakas nito. Ang blood-red python ay nag 'hissed' naman pabalik. Teritoryo niya ito! Tungkol naman kay Zhao Feng, ang mahinang nilalang na ito ay hindi na napansin.

Matapos magharap nang ilang segundo, nawalan na ng pasensya ang Two-Winged Sword Teeth Tiger at tumalon patungo sa blood-red python.

Sou—

Ang python ay direktang sumugod papunta sa tigre. Kaagad na naglaban ang dalawang nakamamatay na halimaw. Ang lupa ng kanilang pinaglalaban ay dumagundong.

Maingat na itinago ni Zhao Feng ang kanyang aura habang siya ay dahan-dahang pumpasok sa kweba.

Si! Roar!

Nagsimulang magkagatan ang dalawang halimaw. Ang madugong eksenang ito ay nagpatalon sa puso ni Zhao Feng.

Kalaunan, ang galaw ng dalawang halimaw ay paliit nang paliit.

Makalipas ang kalahating oras, ang canyon ay naging sobrang tahimik. Huminga nang malalim si Zhao Feng nang lagpasan niya ang labi ng dalawang nakamamatay na halimaw. Gamit ang kanyang kaliwang mata, nasigurado niyang patay na ang dalawang halimaw na ito.

Nagbuntong-hininga si Zhao Feng nang makarating siya sa harap ng dalawang halimaw na kasinlaki ng burol. Hindi niya ito magagawang dalhin sa Sun Feather City dahil lubha itong malaki.

Biglang may malamig na liwanag ang pumukaw sa kanyang mga mata.

Yi!

Yumuko si Zhao Feng at hinila ang isang balisong mula sa labi ng tigre. Ang balisong na ito ay ang gray-man's weapon. Sobrang itong matulis.

Roar~

Ang nakamamatay at mabagsik na mga halimaw ay nagsimulang umungol. Ginamit ni Zhao Feng ang kanyang kaliwang mata upang tignan ang kanyang paligid, at siya lubos na nagulat.

Mayroong higit sa tatlumpung halimaw, na nasa ikaanim na ranggo ng Martial Path, ang sumusugod papunta sa kanyang lugar.

"Masama ito." Ang bangkay ng dalawang halimaw na ito ay naakit ang ibang halimaw. Agad na kinuha ni Zhao Feng ang balisong at tumakbo patungo sa kweba,