Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 34 - Paglaktaw sa mga Hangganan

Chapter 34 - Paglaktaw sa mga Hangganan

Habang pumapasok si Zhao Feng sa yungib, nanlamig siya bigla.

Habang pumupunta siya sa kailaliman, mas lalong lumuluwag ang yungib. Mayroong mga nakamamatay na halimaw at mga mabangis na halimaw sa loob ng yungib, subalit lahat sila ay mahina. Habang nakikita niya sila sa kalayuan, ginagamit niya ang kaniyang silver bow para patumbahin sila.

Nang sila'y makalapit na, ginagamit niya ang kaniyang bagong curved blade. Madaling nahihiwa ng blade ang katawan ng mga nakamamatay na halimaw.

'Di kalaunan, may lumitaw na kulay-dugong pulang batong pader at sa ilalim ng pulang batong pader na iyon, mayroong kulay-dugong pulang lawa roon. Sa oras-oras, mayroong mga bulang pumuputok sa ibabaw ng lawa. Hindi alam ni Zhao Feng kung ano ang mga pulang tubig na iyon, subalit naramdaman niya na ang aura nito ay katulad ng sa isang python.

"Blood plant, Blood Spirit Grass, Blood Bamboo rock...tatlong daang taong gulang, limang daang taong gulang, isang libong taong gulang…," tumawa si Zhao Feng habang nakatitig sa pulang bato.

Ilang mga mahahalagang medisina ang tumubo sa pader na bato at ang pinakamatanda ay umabot na sa isang libong taon. Noon nang nakakain si Zhao Feng ng dalawa at tatlong daang gulang medisina, kaya't alam niya ang halaga ng mga ito.

Ang isang normal na limang daang taong gulang na blood plant ay kayumbas na ng dalawampung-libong pilak o higit pa. Para naman sa mga blood plants at blood spirit grasses na lagpas isang libong taong gulang na edad na, walang kahit anong imbak nito sa Sun Feather City.

Sa tantsa ni Zhao Feng mayroong dalawampung tatlong daang taong gulang na mga halaman, lagpas sampung limang taong gulang, at tatlong isang libong taong gulang na halaman.

_Ang limang daang taong gulang na halaman ay maganda para sa mga norman na Martial Artists. Para naman sa isang taong gulang na halaman, masiyado pa rin itong bihira kahit sa mga cultivators na nasa sixth rank at mga Martial Masters (7th rank at mas mataas pa)._

Hindi maitago ni Zhao Feng ang kaniyang kasiyahan. Kung ang isang tao ay hindi namatay malamang mayroong suwerteng paparating sa'yo.

Nanggaling na si Zhao Feng sa sitwasyon ng bingit ng kamatayan, ngunit siya ay nakaligtas. At sa kawalan ng pag-asa, napunta siya dito sa lupain ng suwerte.

Habang lumalakad si Zhao Feng patungo sa pulang batong pader, hindi niya agad-agad hinatak ang mga mahahalagang halaman. Ang kaniyang paningin ay nakatuon sa pulang lawa.

Mayroong tuyot na balat ng python sa tabi ng lawa. Para naman sa likwido, nagpatuloy lang ito sa pagdaloy mula sa batong pader.

"Para sa kakayanan ng pulang batong pader na ito na magpatubo ng ganito kahalagang mga materyal, makikita mong ang tubig dito ay talagang hindi normal," Masiglang tinitigan ito ni Zhao Feng. Dahan-dahan siyang yumuko upang hawakan ang pulang likwido. Biglang, may pagtibok sa kaniyang kaliwang mata. Ang epekto ng pulang likwido ay mas mabisa pa kaysa sa Body Strengthening Powder.

"Magaling!" Ang kulay-dugong lawa ang pinagkukuhanan ng batong pader upang mapagpatubo ng ganitong mga pambihirang yaman.

_Plop!_ Dali-daling tumalon si Zhao Feng sa lawa.

_Gulugulu!_ Nakaramdam si Zhao Feng ng mainit at maanghang na enerhiyang pumapasok sa pinakamaliliit na butas ng kaniyang balat.

_Wu~_

Hindi mapigilang hindi umungol ni Zhao Feng sa sobrang kaluguran.

_Ang enerhiya na galing sa lawang ito ay mas lubhang malakas kaysa sa binili kong Body Strengthening Powder I._

Pinalaganap ni Zhao Feng ang Air Crossing Breathing Technique at ang Metal Wall Tenchnique nang magkasabay.

Napakamisteryoso ng kulay-dugong likwido. Hindi lang ito nakakatulong upang palakasin ang katawan, kaya rin nitong palakasin ang Inner Strength.

_Lumipas ang oras..._

Sa tulong ng likwido, naramdaman ni Zhao Feng ang lubhang pagtaas ng antas ng kaniyang Air Crossing Breathing Technique at Metal Wall Technique. Lagpas pitumpung porsyento ng enerhiya ang nahigop ng kaniyang mga buto, dugo at balat.

_Makalipas ang kalahating araw..._

Naramdaman ni Zhao Feng na ang kaniyang Metal Wall Technique ay nakaabot na ngayon sa tuktok ng pangalawang antas papunta sa pangatlong antas. Naramdaman niya na ang kaniyang balat ay kasing tibay na ng tanso at ang kaniyang mga buto ay mas matigas pa.

"Nakaabot na sa ikatlong antas ang Metal Wall Technique. Ang aking depensa at dumoble at ang lakas ko ay tumaas pa ng dalawang daang kilo." Kuntento na si Zhao Feng. Kung ang kaniyang Metal Wall Technique ay nakaabot na sa ikatlong antas, ang kaniyang katawan ay kaya nang harapin ang mga espada at mga blades nang harap-harapan.

Pagtapos umabot sa ikatlong antas nagpahinga muna ng ilang oras si Zhao Feng sa pulang likwido. At sa mga oras na ito, ang kaniyang cultivation ay umabot na sa tugatog ng fourth rank at ang kaniyang Inner Strength ay papalapit na sa fifth rank.

Sa bingit ng kamatayan noon sa Sky Cloud Forest, ang kaniyang cultivation ay umabot sa tugatog ng fourth rank. Kahit na ang lalakking nakaabong damit ay nakaabot sa sixth rank bago siya namatay.

"Mukhang ang potensyal ay nailalabas kapag sila ay nahaharap sa bingit ng kamatayan," sinabi niya sa kaniyang sarili.

Kapag tapos maipaangat ang Metal Wall Technique, tumalon na siya paalis ng lawa at lumakad sa pasukan ng kweba.

_Roar…Kong…Raaaar…_

Nakamamatay na halimaw at mas malalakas pang mababangis na halimaw ang nagpapatayan sa taas ng bangkay ng dalawang nakamamatay na high tier na mga halimaw.

Hindi mapigilang bumuntong hininga ni Zhao Feng habang naiisip niya ang halaga ng mga high tier na nakamamatay na mga halimaw. Dalawampung beses pa ang halaga nila sa presyo ng low tier na nakamamatay na halimaw.

Subalit ang mga nakamamatay at mabangis na halimaw na ito ay kayang kainin ang bangkay ng dalawang high tier na nakamamatay na mga halimaw para palakasin ang kanilang sarili. Takot si Zhao Feng na humarap sa napakaraming halimaw, kaya't bumalik siya sa lawa.

"Mag-eensayo na lang muna ako dito, kung gano'n," sambit niya sa kaniyang sarili. Humiga siya sa kulay-dugong lawa at nagsimula ulit mag-cultivate. Malaki ang tulong ng kulay-dugong lawa. Sa oras na umalis siya, hindi na siya magkakaroon ng pagkakataong bumalik muli.

_Makalipas na naman ang kalahating araw..._

Ang cultivation ni Zhao Feng at ang kaniyang Inner Strength ay lubhang malapit na sa fifth rank ng Martial Path. Sa loob ng kaniyang kaliwang mata, ang berdeng kinang ay umabot na sa 1.55 metro.

"Onti na lang at kaya ko ng makalagpas sa fifth rank!" sambit ni Zhao Feng habang umalis siya sa lawa at nagsimulang gawin ang Angry Dragon Fists. Ang Angry Dragon Fists ay naensayo na sa pinakamataas na antas. Ngayon, ang kapangyarihan ng ilang mga galaw ay nakalampas na sa orihinal nitong limitasyon. Mula sa ibang perspektibo, masasabing ito ay isang bagong martial art na ngayon.

Tila nag-aapoy ang pakiramdam ni Zhao Feng.

_Teng!_

Pumulot si Zhao Feng ng isang limang daang taong gulang na blood plant sa pulang batong pader.

Kapag narating ng isang normal na Martial Artist ang tugatog ng isang rank, hindi agad sila makalalampas patungo sa susunod na rank. Ito ay dahil mayroong problemang tinatawag na bottleneck.

Ang dahilan kung bakit ginamit ni Zhqo Feng ang blood plant na ito ay upang buksan ang bottleneck. Ang limang daang taong gulang na blood plant ay mas mayroon pang enerhiya kaysa sa tatlong daang taong gulang na blood plant. Nang kainin ito ni Zhao Feng, naramdaman niya ang labis na paggalaw ng enerhiya sa kaniyang katawan.

Dali-dali niyang pinakilos ang Air Crossing Breathing Technique upang mahigop ang enerhiya.

_Isang araw at isang gabing nakalipas..._

Naramdaman ni Zhao Feng ang paghalo ng dugo niya sa kaniyang Inner Strength. Mas naramdaman niya pa ang mga hibla ng Inner Strength na unti-unting nabubuo.

_Ang dami ng Inner Strength na mayroon ako ay halos nadoble dahil nakalampas ako sa fifth rank. Ang mga katangian ng aking katawan ay halatang umangat din._

Nakikita ni Zhao Feng ang mga pagbabago sa kaniyang katawan gamit ang kaliwa niyang mata.

_Kalaunan._Pinagkaisa niya ang kaniyang realm at hinigop ang mga tira ng mga medisina. Sa pagdagdag ng kaniyang Inner Strength sa kaniyang Air Crossing Breathing Technique, ang kaniyang orihinal na bilis ay umabot na sa isang panibagong antas. Ang kabuuang lakas ni Zhao Feng ay lubos na nagkaroon ng lubhang mga pagbabago dahil sa breakthrough.

Kung nakaharap niya ang lalaking naka-abong damit ngayon, tiyak siyang kaya niyang lumaban at manalo.

Ang cultivation ang pinaka pundasyon ng lakas. Habang lumalakas ang pundasyon, ang chi, speed at skills ay magkakaroon pa ng mas malakas na kapangyarihan.

Pagktapos ng isa pang araw ng pagpapalakas, muling bumalik sa pasukan ng kuweba si Zhao Feng.

_Wu~ Roar—–_

Isang matining na sigaw ang nanggaling sa kanyon. Hindi mapigilan ni Zhao Feng ang panginginig.

_Iyon ay..._

Nagbago ang kaniyang ekspresyon.

Sa loob ng kanyon, isang walong metrong habang Azure Eyed Hyena ang nakatayo. Ang hyena na ito ay nagpakita ng isang nakamamatay na aura at nagawa nitong takutin ang lahat ng mabangis at nakamamatay na halimaw sa loob ng labing limang kilometrong radius.

Halatang ang Azure Eyed Hyena ay siya ring high tier na nakamamatay na halimaw. Ang lakas nito ay hindi mas mahina kumpara sa kulay-dugong Pytho o sa Two-Winged Sword Teeth Tiger.

Nadatnan ng Hyena si Zhao Feng pagkalisip niya sa labas kuweba at sinunggaban siya nito agad-agad.

_Anong bilis!_

Ang mga mata ni Zhao Feng ay nanlaki habang inactivate niya ang kaniyang Iner Strength at bumalik sa loob ng kuweba.

_Hong—_ —-

Nagsimula ang pag-alog ng kuweba nang sumunggab ang Hyena sa pasukan nito. Ang shock wave ang naging dahilan sa pag-ungol ni Zhao Feng sa sakit.

"Nakamamatay na high tier na halimaw! Anong klaseng lakas!" sumpa niya.

Dahil pinapaikot na niya ang kaniyang Inner Strength at naabot na niya ang ikatlong antas ng Metal Wall Technique, hindi siya napahamak. Kung ito ay isang cultivator na nasa ikaapat na antas ng Martial Path, ang pagyanig pa lamang ay magdudulot na ng kamatayan.

_Peng…_

Paulit-ult na inatake ng Azure Eyed Hyena ang pasukan.

Pakiramdam ni Zhao Feng ay yumayanig ang isang bundok. Mabuti na lang at matibay ang pasukan, at mas maliit kumoara sa Azure Eyed Hyena. Matapos ang ilang atake, nagsimulang gumuho ang pasukan.

Boom! Bumagsak ang pasukan.

Ah! Nagdilim ang mukha ni Zhao Feng. Matapos ang ilan pang dagundong, nilisan ng Azure Eyed Hyena ang pasukan.

Gayunpaman, nararamdaman pa rin ni Zhao Feng ang aura nito. Matapos mamatay ng Blood-red Python, ito na ngayon ang teritoryo ng Hyena. Kahit na nagawa ni Zhao Feng na maghukay sa labas kailangan niya pa ring humarap sa isang malakas na kalaban. Matapos isipin ito ng ilang sandali, napagdesisyunan niyang bumalik sa kailaliman ng kuweba.

Ang kuweba ay mayroon pa ring maliliit na hayop at halimaw na maaaring maging pagkain.

_Plop!_

Bumalik si Zhao Feng sa kualay-dugong lawa at nagsimulang ituon ang pansin sa pagsasanay ng Metal Wall Technique. Ang pulang likido ay mayroong malaking benepisyo sa kaniyang katawan. Naramdaman ni Zhao Feng na dumaan sa banayad na pagbabago ang kaniyang katawan.

_Peh! Peh!_

Ang malakas na tibok sa loob ng kaniyang kaliwang mata ay naglabas ng init sa kaniyang buong katawan, pinataas ang bilis ng pagsipsip ng red liquid.

Isang oras… dalawang oras… tatlong oras...

Kalahating araw… isang araw… dalawang araw….

Pagkatapos ng dalawang araw, sa wakas ay naabot ni Zhao Feng ang ikaapat na antas ng Metal Wall Technique.