"Saan nagmula ang mga taong ito? Naisip ni Zhao Feng na ang lahat ay hindi kapani-paniwala.
Hindi inaasahan, ang kaniyang kaliwang mata ay nagbukas ng isang bagong abilidad: kaya nitong isaulo ang lahat ng eksenang makikita niya at muling tingnan nang perpekto.
Kung handa si Zhao Feng, mabubuksan niya ang eksena at subukang kumuha ng mga kaalaman. Alam niyang ang kaalaman niya sa labas ng mundo ay limitado. Ang Azure Flower continent ay mayroong hindi mabilang na bansa. Ang Sky Cloud Forest pa lang ay nadaanan ang higit sa sampung bansa. Ang Sun Feather City ay isa lamang maliit na lungsod sa isang bansa.
Muling ibinalik ang kaniyang kahinahunan, naging masaya si Zhao Feng. Ngayong patay na si Hyena, wala ng makapipigil sa kaniya na umalis.
Kailangan kong umalis nang mabilis! Nabahala si Zhao Feng nang maisip niya ang tungkol sa main tournament.
Ang pasukan ng kuweba ay nahaharangan ng mga bato. Ang kailangan lamang niyang gawin ay magbukas ng daanan.
_Peng!_
Ang mga maliliit na bato ay nasa isang daang kilo. Gamit lang ang kaniyang katawan, kaya niyang durugin ang mga bato. Kung dadagdagan niya ito ng Inner Strength, mawawasak ang mga bato.
Nang matagpuan ni Zhao Feng ang malalaking bato, sinimulan niyang itulak ito sa gilid. Ang mga normal na ikaapat na rank ay mayroong pitong daan at limampung kilo ng lakas, gamit lamang ang kanilang katawan. Dahil pinagsanayan ni Zhao Feng ang Metal Wall Technique hanggang sa ikaapat na antas, mayroon siyang 1250 kilo ng lakas, sobra ng limang daan sa mayroon ang mga cultiavtors na nasa ikalimang rank. Kahit na ang pangunahing gamit ng Metal Wall Technique ay tumulong na pataasin ang depensa at hindi pataasin ang lakas.
Sa wakas ay nakabukas na ng daanan si Zhao Feng pagkatapos ng kalahating oras. Gayunpaman, hindi siya kaagad na umalis. Mayroon pa ring iilang mahahalagang bagay na naiwan sa kulay pulang pader na bato.
_Raaah! Roar!_
Sa pagkakataong ito, ilang mabagsik at mga ligaw na halimaw ang nagsimulang sumigaw.
"Ang katawan ng high tier na mabagsik na halimaw ay aakit lamang ng marami pang halimaw." Dahil napagdaanan na dati, mabilis na dinagdagan ni Zhao feng ang kaniyang bilis. Tulad ng isang kuwitis, lumipad siya sa pader na bato at kumuha ng ilang halaman. Mayroon lamang siyang isang layunin: ang kunin ang tatlong isang libong taon na mga halaman. Ang isang libong taon na blood plant, isnag libong taon na blood spirit glass, at ang isang libong taon na blood bamboo shoot.
May dalawa siyang rason kung bakit niya ginawa ito. Ang una, kailangan niyang magtipid ng oras. Maraming halimaw ang nagtitipun-tipon na! pangalawa, kahit na mahalaga ang tatlong daan at limang daang taon na halaman, nakain na ni Zhao Feng ang karamihan sa mga ito, kaya't ang epekto ng mga ito ay hindi na kapaki-pakinabang para sa kaniya.
_Ceng!_
Hindi siya tumigil hanggang sa nakuha niya ang mga halaman.
Papasok sa canyon, mayroon ng pito o walang mabagsik na halimaw ang naglalalaban-laban. Mayroon ding tatlumpung malalakas na ligaw na halimaw dito, lahat sila ay may lakas ng ikaapat na rank. Sinubukan lahat ni Zhao Feng na iwasan ang mga hayop at dumiretso sa sapa.
Kahit na sinubukan niyang iwasan ang mga halimaw, mayroon pa ring ilang ligaw at mabagsik na halimaw ang lumapit sa kaniya.
"Lumalapit kayo sa kamatayan!" sigaw ni Zhao Feng nang tumama ang kaniyang palad sa isang low tier na mabagsik na halimaw.
_Craaack!_
Kaaagad na nadurog ang mga buto ng low tier na mabagsik na halimaw. Ang atake niyang ito ay purong laman, walang kahit kaunting Inner Strength ang nagamit. Bahagyang mas malakas ang low tier na mabagsik na hayop kaysa sa Green Headed Tiger King na nakita niya nang unang dating iya sa Sky Cloud Forest.
Ang pagpatay sa halimaw sa isang tama lamang ay naging dahilan upang kumalat dahil sa takot ang mga ligaw na halimaw, at sinundan niya ang kaniyang memorya, bumalik muli sa daan niya kanina si Zhao Feng.
Sa daan ay muli siyang nakakita ng maraming mabagsik na halimaw. Ito ay dahil sa ang bangkay ng high tier na halimaw ay umakit ng napakaraming hayop.
"Flaming Metal Fist!" siga wni Zhao Feng nang isang mapusyaw na berdeng kulay ang bumuhos sa kaniyang kamao. Tumama ang kamao sa isang low tier na halimaw na ang lakas ay kapantay ng isang cultivator na nasa ikalimang rank. Sa isnag suntok na ito, nawasak ang lamang loob ng low tier na halimaw.
Gamit ang kaniyang blood spirit glass at blood-red pond, ang kaniyang Inner Strength ay mas malakas kaysa sa Inner Strength ng ibang ikalimang rank. Nang mapaikot niya na ang Air Crossing Breathing Technique, kaya na niyang pumatay agad ng isang cultivator na pareho niya ng rank.
***************************
Paglipas ng isang oras.
Sa wakas ay narating na ni Zhao Feng ang paligid sa labas ng Sky Cloud Forest at nagmadaling bumalik sa Sun Feather City.
"Narinig kong ang Zhao sect main tournament ay malapit nang matapos."
"Ang main tournament ay nahahati sa Ranking challenge at Spot challenge. Sa isang daang tao, limampu laman ang magiging Inner disciples. Ang huli ay siguardong tapos na ngayon. Nalulungkot ako dahil hindi ako nakapanood."
Sa daan ay nakarinig si Feng ng ilang impormasyon sa mga nangyayari. Matpos siyang bumalik sa sect, hindi siya kaagad nagtungo sa lugar kung saan ginanap ang main tournament, bagkus ay umuwi at inilagay ang tatlong isnag daang taong mga halaman.
Mabilis siyang nagpalit ng damit at tumakbo sa pinto. Ginamit ni Zhao Feng ang kaniyang Hiding Air Technique upang ipakita na ang kaniyang cultivattion ay nasa tuktok pa lamang ng ikaapat na rank. Para naman sa kaniyang Inner Strength, pinapakita nito ang ikalimang rank.
"Ito na pinaka kaya kong gawin." Dumating si Zhao Feng sa lugar gamit ang Lightly Floating Ferry.
Sa sandaling ito, ang tournament ay tila nasa ikalawang yugto na.
"Matapos ang isang araw ng matinding labanan, nagtapos na ang Spot challenge at limampung inner disciples ang napili. Ang Ranking challenge ay ang susunod. Kayong limampung natira ay hahamunin ang isa't-isa upang malaman ang pangkalahatang ranking at base sa inyong ranks, ibibigay ang inyong premyo."
Sa gitna ng lugar, mayroong isang arena. Katapat ng arena ay isang entablado.
Mayroong limampung upuan sa entablado at bawat isang upuan ay mayroong isang taong nakaupo, kumakatawan sa inner disciple.
Ang unang bahagi ng Spot Challeng ay nang ang limampung outer disciples ay hahamunin ang limampung inner disciples, sinusubukang agawin ang pwesto ng inner disciple. Nasuri ni Zhao Feng at nalaman niya na mula sa limampung outer disciples,nakaabot sa top fifty sina Zhao Yufei, Zhao Yue, at Zhao Guang.
Gayunpaman, ang kanilang ranks ay halos nasa huling sampu. Tanging si Zhao Yufei ang nakaabot sa top twenty. Ito ay ang rankings sa Spot challenge, at hindi ang totoong rankings.
"Nahuli pa rin ako." Ginamit ni Zhao Feng ang kaniyang identity card at nakalagpas sa checkpoint.
"Si Zhao Feng!"
"Siya iyon, ang top outer disciple!" mabilis na nakuha ni Zhao Feng ang atensyon ng mga tao.
"Judge, maaari pa ba akong sumali?" Sabi ni Zhao Feng nang makarating siya,hinihingal pa dahil sa pagtakbo.
"Kahit na sino ka pa, hindi ka maaaring sumali dahil tapos na ang unang bahagi ng tournament," sabi ng judge. Hindi niya inisip na kailangan ni Zhao Feng ng espesyal na atensyon.
"Hm? Siya iyon!" ang mga mata ng main judge na may puting balbas ay nagliwanag. Siya ang main judge ng paligsahan ng outer disciples at nakita ang pagdomina dito ni Zhao Feng.
Nang marinig ang mga salita ng judge, walang magawa kundi umiling si Zhao Feng. Hindi siya ganoon kainteresado dahil dalawa o tatlong tao lamang ang kaniyang kapantay. Ngunit interesado pa rin si Zhaoo Feng sa gantimpala. Kung makakatuntong sa top three, maaari silang magtungo sa Martial Arts Library at pumili ng isang peak ranked skill.
"Sandali," ang utos ay mula sa main judge.
"Main Judge? Anong ibig mong sabihin…?" ang judge na nag-oorganisa ay nagtatakang nagtanong.
"Ang batang ito ay madaling dinomina ang paligsahan ng outer disciples at nanguna. Hindi masusukat ang kaniyang pang-unawa at potensyal. Sa tingin ko ay mabibigyan nati siya ng pagkakataon," sabi ng matandang lalaki na may balbas na puti.
Mapagpasalamat na tumingin sa kaniya si Zhao Feng. Tinulungan siya ng judge ng higit sa isang beses.
"Tutol ako!" isang malamig na tinig ang narinig mula sa katapat na sulok. Ang taong ito ay si Zhao Tianjian.
"Ang bawat bansa ay mayroong sariling batas! Paanong ang batas ay mababago dahil sa isang tao? Kung dumating sila nang huli para sa main tournament, halatang ipinagsawalang-bahala niya ang batas!" makatwirang sabi ni Zhao Tianjian.
Sumama ang pakiramdam ni Zhao Feng. Nahuli siya dahil nagpadala si Zhao Tianjian ng mga assassins na susunod sa kaniya. Ngayon, pinipigilan siya ni Zhao Tianjian na makapasok sa tournament.
"Tama ka! Tama si Zhao Tianjian! Hindi dapat nating hayaang pumasok ang mga katulad niya sa likod na pinto."
"Heh, maaaring maghintay ang batang ito sa susunod na tournament pagkatapos ng tatlong taon." Maraming tao ang tinapunan ng nagagalak na tingin si Zhao Feng.
Ang mga nakatataas sa Zhao sect ay nagsimulang magdiskusyon. Napakaimportante ng paligsahan sa taong ito. Hindi lang dahil dumating ang ilang elders, kahit na ang head ng sect na si Zhao Taincang ay naririto. Ang kanilang pananaw ay naiiba sa isa't-isa. Mabuti pang magpalaki sila ng mas maraming henyo kaysa pangalagaan ang batas.
"Ang tingin ng dalawang main judges?"sabi ng head ng sect na si Zhao Tiancang nang walang ekspresyon. Tatlong tao ang makapangyarihan sa main tournament" ang head ng sect at ang dalawang main judges.
"Sinusuportahan ko si Zhao Feng. Mas mabuti para sa sect kung mayroon tayong mas maraming henyo," sabi ng main judge na may puting balbas. Kaagad na bumaling ang mga tingin ng mga tao sa isa pang main judge. Ang isang judge at isang matandang lalaking nakakulay puting damit.
Pamilyar kay Zhao Feng ang taong ito. Kaagad niyang napagtanto na ang taong ito ay ang nagbabantau sa Martial Arts Library nang huling bisita niya.
Tumingin kay Zhao Feng ang matandang lalaking nakaputi, at malalim na sinabi, "Sinusuportahan ko rin si Zhao Feng."
Nagkagulo ang mga tao. Parehong main judges ang nagdesisyon upang suportahan si Zhao Feng!
Dalawa sa tatlong tao na may pinakamalaking kapangyarihan dito ang nagdesisyon upang tulungan si Zhao Feng. Kahit na ang head ng sect ay walang magagawa.
"Paano nangyari ito…?" naging berde ang mukha ni Zhao Tianjian.