Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 30 - Metal Wall Technique

Chapter 30 - Metal Wall Technique

"Mayroon kang kalamangan sa bilis at Inner Strength, subalit ang iyong depensa ang iyong kahinaan." Si Zhao Yufei ay tumingin kay Zhao Feng.

"Tama! Yun ang kahinaan ko," si Zhao Feng ay hindi nasurpresa. Matapos niyang makipagsanib sa kaliwang mata, ang kanyang paningin ay kayang makita ang pinaka maliit na detalye. Dahil nakikita ni Zhao Feng ang mga kahinaan ng kanyang kalaban, kaya din niyang makita nag sa kanya,"

"Natuto ka bang kahit anong body strengthening technique?" Si Zhao Yufei ay medyo nasurpresa.

"Hindi."

Hindi dahil sa ayaw niya, ito'y dahil lamang sa kinakailangan ng mga body strengthening techniques ng mahabang oras upang masanay at hindi maaring matutunan sa maikling panahon lamang.

Ang mga normal na skills at techniques ay kinakailangan lamang ng pag-unawa at talento upang madaling makapagsanay sa kanila sa loob ng maikling oras. Tanging ang mga body strengthening techniques lamang ay nangangailangan ng resources at pati narin ng pagsisikap upang matuto.

"Ang katawan ay ang pundasyon ng cultivation. Ang isang high ranked body strengthening technique ay hindi lamang kayang tulunungang patigasin ang pundasyon ng isang tao, kaya din nitong pagandahin ang depensa ng isang tao. Gusto ba ni big brother Zhao Feng na matuto ng isa….?" Malumanay na ngumiti si Zhao Yufei.

Ang 'big brother Zhao Feng' na parte ay napatibok ang ang puso ni Zhao Feng. Agad-agad, ang mukha ni Zhao Yufei ay namula, na para bang ito'y tumutulo ng dugo. Sa loob ng sect, ang mga nakatatandang disciples ay tinatawag na 'big brother'. Siguro'y ito'y dahil sa pagganap ni Zhao Feng ay masyadong nakakagulat, upang makalimutan ni Zhao Feng ay puntong 'to.

"Mayroong magagandang mga rason. Siguro'y maari ko 'tong ikunsidera," tinango ni Zhao Feng ang kanyang ulo matapos na malalim na pag-isipan. Dati, ang espesnyalidad ni Zhao Feng ay ang kanyang bilis. Ang mga tao ng kaparehong ranggo ay hindi man lamang magagawang abutin siya, kaya niya napabayaan ang mga paggamit ng mga body strengthening techniques.

Ngayon, dahil sa pahiwatig ni Zhao Yufei, si Zhao Feng ay nagsimulang magbigay ng atensyon dito. Kung wala siyang Inner Strength bilang nakatagong baraha niya, ay malamang hindi niya magagawang sanggain ang Cold Flowing Sword ni Zhao Yijian.

Si Zhao Yue, sa kabilang banda, ay kayang kontrahin si Zhao Feng nang hindi gumagamit ng Inner Strength. Lahat ito'y dahil sa katotohanang natuto siya ng isang body strengthening technique.

Ang pakikipag-sparring kay Xin Tong kahapon ay ginawang maunawa ni Zhao Feng ang kahalagahan ng body strengthening technique.

 **************************

Sa parehing ang araw na yoon…

Si Zhao Yufei ay ininbita si Zhao Feng sa bahay niya. Si Zhao Feng ay nasurpresang nalaman ni Zhao Feng na ang kanyang bahay ay katabi ng sa kanya. Si Zhao Yufei ay nakatanggap ng parehong pagtrato katulad ng kay Zhao Feng, ang sect ay parehong mataas ang tingin sa kanilang dalawa.

"Lolo!" Si Zhao Yufei ay masayang sumigaw nang nakauwi siya.

"Si Yufei ay nakauwi na." Mula sa kuwarto ay lumabas ang isang matandang lalaking iisa ang braso, hindi na siya nagsalita pa matapos niyang kaswal na sumulyap kay Zhao Feng.

"Ano bang kasunduuan ang sinasabi ni Zhao Yufei?" Sa wakas ay nagpunta na sa punto.

"Saglit lang kuya, Zhao Feng." Si Zhao Yufei ay naglakad patungo sa matandang lalaki at nagsalita ng ilang mga salita.

Sa wakas, ang matandang may isang kamay ay tumango at bumalik patungo sa kanyang kuwarto para kumuha ng isang lumang libro.

"Ang skill na 'to ay tinatawag na Metal Wall Technique at ito'y medyo sikat sa loob ng Count County. Ito'y mas maganda pa kaysa sa Metal Body ni Zhao Yue." Ang matandang may isang ay malumanay na nagbuntong hininga habang ibinigay niya ang libro kay Zhao Yufei.

Agad na napagtanto ni Zhao Feng na ang pares ng maglolo at apong 'to ay gumawa ng mga plano. At nakita ang kalamangan sa Inner Strength ng Air Crossing Breathing Technique. Ang rason kung bakit gusto ni Zhao Yufei na makipag-spar kay Zhao Feng ay upang ipunto na ang kanyang body strength ay kulang, kaya't nag-propose siya ng isang kasunduan.

"Metal Wall Technique?" malumanay na bulong ni Zhao Feng. Hindi pa siya nakarinig ng sinuman na magsalita tungkol sa technique na ito dati. Ang Metal Body ni Zhao Yue ay isang high ranked martial skill, ang Bronze Body ni Xin Tong ay ganun din.

Ayon sa matandang lalaki, ang body strengthening technique na ito ay mas maganda kaysa Metal Body.

"Ang strengthening technique na ito ay isang pinasimpleng bersyon ng Holy Martial Skill na Silver Wall Technique. Bagama't ang ito'y pinasimple at naglalaman lamang ng unang tatlo nun, pwede parin itong makunsiderang isang peak high ranked technique," buong pagmamalaking sinabi ng matandang lalaki.

'Holy Martial Art?' si Zhao Feng ay humnga ng isang malamig na hinga at nagsimulang gumamit inspeksyunin ang matandang lalaki na may isang kamay. Upang makapaglabas ng isang high ranked skill, siya'y hindi maaring magkaroon ng isang simpleng background.

Ginamit niya ang kanyang kaliwang mata, ngunit nakita lamang niya na ang dugo sa loob ng matanda ay katulad ng meron sa mga karaniwang tao, ito'y walang aura na nanggagaling sa chi.

"Sampung taon na ang nakakalipas, nawala ko ang aking cultivation dahil sa isang aksidente," ang matandang lalaki ay tila naramdaman ang inspekyon ni Zhao Feng at nagpaliwanag.

"Pasensya na." Si Zhao Feng ay nakunsiyensa habang binawi niya ang kanyang mga mata.

Ang matandang may isang kamay ay walang ekspresyon at nagpatuloy, "Para sa apo kung babae ngayon, ibibigay ko sayo itong Metal Wall Technique kapalit ng iyong Inner Strength skill. Anong pakiramdam mo sa kasunduang ito?" Ito'y nasa loob ng mga prediksyon ni Zhao Feng.

"Hayaan mo akong mag-isip." Sinimulan ni Zhao Feng na suriin ang mga benepisyo at mga problema.

Ang Air Crossing Breathing Technique ay isang Inner Strength skill lamang at kaya nitong lagpasan ang mga high ranked martial arts, ito'y hindi mas mahina kaysa sa peak ranked martial arts. Gayunpaman, ang kapangyarihan ng Inner Strength ay nangangailangan ng Lightly Floating Ferry upang magamit sa buo nitong potensyal.

Malinaw naman, ang Metal Wall Technuqye ay hindi rin masama, ito'y isang pinasimpleng bersyon ng isang Holy Martial Art at naabot na nito ang tugatog ng high rank, hindi nalalayo mula sa pagiging isang peak ranked Martial Art.

Iniisip ang puntong 'yon, hindi nagtagal ay mayroon na siyang sagot.

"Oo." Tumango si Zhao Feng at humingi ng ilang papel kay Zhao Yufei. Pagkatapos, isinulat niya ang mga nilalaman ng Air Crossing Breathing Technique.

Sinulat lamang ni Zhao Feng ang mga nilalaman ng Air Crsossing Breathing Technique, subalit hindi siya nagsulat ng kahit anuman na na-uugnay ito sa Lightly Floating Ferry. Nangangahulugang makukuha lamang ni Zhao Yufei ang Inner Strength skill, ngunit walang koneksyon sa Lighly Floating Ferry.

Matapos niya itong isulat, si Zhao Feng ay Zhao Yue ay nagpalitang mga skills.

Ang matandang lalaki ay kinuha ang Air Crossing Breathing Technique at sinumulang inspeksyunin ito. Ginamit ni Zhao Feng ang kanyang kaliwang mata at mabilis na ding sinuri ang mga nilalaman ng Metal Wall Technique. Mayroon siyang lagpas sa isang daang mga skills sa loob ng kanyang isipan, na nangangahulugang ang kanyang pagkaunawa sa mga Martial Theories ay hindi masama.

Kinailalang lamang niyang isang beses na suriin ang mga nilalaman upang niyang makabisado ang mga 'yon. Malinaw naman ang ang skill na ito ay malayo nang nalampasan ang mga mayroon siya sa kanyang ulo.

"Hindi na masama, ang skill na ito ay napaka-nababagay kay Zhao Feng," Masayang sinabi ng matandang iisa ang kamay nang matapos siyang magbasa.

"Hehe, masaya akong makipagtulungan," Itinago ni Zhao Feng ang Metal Wall technique at siya'y masaya rin.

Gayunpaman, bago pa man umalis si Zhao Feng, hindi niya napigilan ang kanyang sarili at nagtanong, "Senior, bakit hindi mo hayaang matutunan ni sister Yufei ang Metal Wall Technique?"

Ang matandang lalaki ay tumawa, "Ikaw ay isang henyo ng sect at hindi mo alam? Mula lamang sa pangalang 'Metal Wall Technique, ay masasabi ng ang balat ng isang tao ay magiging kasing tibay ng meatal, na nangangahulugan ito'y hindi angkop sa babae. Ang maliksi at malambot na estilo ni Yufei ay mas bagay sa Air Crossing Technique mo, hindi ko ipagpapalit para dito ang Metal Wall Technique kung hindi.

'Kaya pala', itininango ni Zhao Feng ang kanyang ulo. Ang Metal Wall Technique ay hindi nababagay sa mga babae. Ang mga imahe ni Zhao Yufei na naging maskuladong babae ay pinanginig si Zhao Feng.

Matapos maka-uwi, si Zhao Feng ay agad na nagsimulang magsanay sa Metal Wall Technique. Ang mga normal na body strengthening techniques ay madaling maintindihan. Gayun pa man, ang Metal Wall Technique na ito ay hindi isang normal na technique. Ang pag-unawa lamang dito ay mas mahirap sa mga ibang high ranked martial arts sa kahirapan.

Gayunpaman, ito'y hindi pinatid si Zhao Feng, malumanay niyang ginamit ang kanyang kaliwang mata upang isanib ang mga nilalaman patungo sa kanyang isipan at paulit-ulit niya itong pinanood.

Nung gabing 'yon, si Zhao Feng ay nakapasok sa may pintuan ng Metal Wall Technique. Ang technique ay mayroong tutal na pitong mga antas.

Ang unang tatlong antas ay hinahayaang patigasin ang balat ng isang tao. Matapos maabot ang ikatlong antas, ang balat ng isang tao ay magigiging kasing tigas ng metal at magagawang sumangga ng mga espada.

Ang skill na ito ay mas kumplikado kaysa sa Metal Body ni Zhao Yue. Ang Metal Body ni Zhoa Yue ay nangangailang tipunin ng isang tao ang lakas niya patungo sa isang punto upang sanggain ang mga espada.

"Ang ika-apat na antas, gumagamit ng chi upang patigasin ang buto ng isang tao, hinahayaang mabilis na pataasin ng isang tao ang kanyang kapangyarihan, kaya ng isang tao na lumaban kontra sa mga sandata at Inner Strength. Matapos marating ang puntong 'to, ang buong katawan ay magiging kasing lakas ng isang metal na pader.

Ang mga mata ni Zhao Feng ay nagsimulang maglinawag matapos niyang maintindihang ang skill. Ang body strengthening skill na ito ay kanyang pataasin ang kanpangyarihang ng isang tao!

'Kung kaya kong i-cultivate ang Metal Wall Technique patungo sa pang-apat na antas, magkakaroon ako ng pitumpung porsiyentong tiyansa na maabot ang top three', inisip ni Zhao Feng.

Ang ikalimang antas: Pagkatapos maabot antas na ito, ang katawan ng isang tao ay kayang makabasag ng mga sandata.

Ang ika-anim na antas: Magagawa ng isang tao na matiis ang anumang atake mula sa ikapitong ranggo ng Martial Path at hindi masugatan.

Ang ika-pitong antas: Isang perkpektong katawan na hindi matutuanaw sa ilalim ng matinding init.

Matapos mabasa ang mga ilang huling parte, si Zhao Feng ay nagulat. Lalo na sa ika-pitong antas, ito'y halos maabot na ang di-makataong antas.

Kapag nilagay sa mga pugo at hindi matutunaw, anong klaseng konsepto iyon? Kung ang katawan mo ay gawa sa balat, dugo, at buto, ito'y matutunaw parin kapag inilagaw isang pugon.

Kung magagawang mong sanayin ang Metal Wall Technique patungo sa ika-pitong antas, walang sinuman mula sa ika-siyam na antas ang magagawang saktan ka!

"Sa tingin ko'y nakakuha ako ng isang magandang kasunduan." Si Zhao Feng ay eksayted habang dinoble niya ang kanyang pagsisikap para sanayin ang skill na 'to. Dahil natutunan na ni Zhao Feng ang Inner Strength at naabot na ang ika-apat na ranggo, ang training speed ni Zhao Feng ay napaka-bilis.

Isang araw lamang ang inabot niya upang maabot ang unang antas ng Metal Wall. Nakita ni Zhao Feng na ang kanyang balat ay naging mas malakas nga matapos maabot ang unang antas.

Gayunpaman, matapos niyang maabot ang unang antas, nakita niyang ang kanyang learning speed ay malaki ang ibinagal. Tantiya ni Zhao Feng na kakailangin niya ng kahit papano'y sampung araw upang maabot ang ikalawang antas.

'Mayroon pang sampung araw bago magsimula ang main family tournament'. Inisip ni Zhao Feng, pagkatpos ay napag-desisyunan niya na pumunta patungo sa Medicine Pavillion at bumili ng ilang Body Strengthening Powder. Bawat supot ng Body Stregthening Powder at nagkakahalaga ng dalawang libong pilak at maaring magamit ng tatlong beses upang pataas ang bilis ng kanyang body strengthening skill.

Kinuyom ni Zhao Feng ang kanyang ipin habang bumibili siya ng tatlong supot, gumastos ng mahigit anim na libong pilak.

Gamit ang natitirang pilak, bumili siya ng isang Air Pill, na ginastusan din niya ng anim na libong pilak. Alam ng lahat na ang Air Pill ay para madagdagan ang dami ng Inner Srength na pwedeng iimbak.

Hindi nakalimutan ni Zhao Feng na i-cultivate ang kanyang Inner Strength, Ang tatlong supot ng Body Strengthing Powder at isang Air Pill ay ginastos ang lahat ng mga ipon ni Zhao Feng.

Matapos makauwi, agad na binuksan ni Zhao Feng ang isang supot ng Body Strengthening Powder at nagsimulang i-cultivate ang Metal Wall Technique habang nakababad sa gamot. Isang mainit na pakiramdam ang nagsimulang sumiklab sa loob ng kanyang katawan habang siya'y nakababad sa gamot.

Habang lumilipas ang oras, isang napaka-init na pakiramdam ang nagsimulang lumubog sa kanyang katawan. Nang biglang, isang kakaiba ngunit pamilyar na pakiramdam na tunong ang tumunog.

Peh! Peh!

Ang kaibuturan ng kaliwang mata ni Zhao Feng ay nagsimulang maglabas ng mga sirit ng init na sumama sa gamot.

Hu~

Isang kakaibang mainit na pakiramdam ang umalingangaw sa loob ng kanyang katawa at pinabilis ang kanyang training speed.

"Ito…" Si Zhao Feng ay nagulat, ngunit hindi nag-aksaya ng oras sa pag-sipsip ng enerhiya sa loob ng gamot.