Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 20 - Core Ranked na Martial Art Skill

Chapter 20 - Core Ranked na Martial Art Skill

Ang boses ang nagpahiwatig ng opisyal na pagsisimula ng family sparring contest. Ang field ay tumahimik.

"Ang unang round, group elimination! Ang mga kalahok ay mahahati sa sampung grupo, na ikakalat sa sampung entablado. Sisimulan na natin ngayong hatiin ang mga grupo…"

Sa ilalim ng patnubay ng sect, ang mga outer disciples ay nahati sa sampung iba't ibang mga grupo.

"Numero 188, sa ikapitong entablado!" Masunuring pumunta si Zhao Feng patungo sa ikapitong entablado.

Ang patakaran ay, mula sa bawat kalahok ng mga entablado, sampu ang mapipili mula sa mahigit kumulang limampung tao para tumuloy sa susunod na round. Halimbawa, ang grupo ni Zhao Feng ay mayroong limampu't dalawang tao, sampu lamang sa kanila ang papasok sa susunod na round.

Gamit ang kanyang kaliwang mata, sinuri ni Zhao Feng ang sampung grupo at napagpanto niyang may daya ang hatian ng grupo. Ang pinakahalatang resulta ay ang lahat ng top 10 disciples ay nasa iba't ibang mga grupo.

Halimbawa, si Zhao Yue, na nangunguna ay napunta sa unang grupo. Si Zhao Yijian at Zha Yufei ay pinadala sa pangalawa at pangatlong grupo. Ang ibig sabihin nito'y ang mga top 10 disciples ay hindi masyadong maagang magkakaharap.

"Ang bawat grupo ay may pare-parehong dami ng mga malalakas at mahihinang mga disciples. Ang ibig sabihin nito ay kaunti lamang ang makapapasok gamit ang swerte." Itinango ni Zhao Feng ang kanyang ulo sa pagsang-ayon.

Susunod, sinimulang siyasatin ni Zhao Feng ang mga taong malaki ang banta sa kanya.

Ang pinakamalakas ay si Zhao Chengang, ikapito ang ranggo niya sa mga outer disciples.

Para makaranggo sa top 10 ng mga outer disciples ay nangunguhulan na mayroon silang sariling forte. Si Zhao ay nagulat nang naramdaman niya ang isang pamilyar na tao sa ikapitong grupo. Ito'y mayroong magandang katawan at nakasuot ng puting damit.

"Brother Feng," sabi ni Zhao Xue habang nakatingin siya kay Zhao Feng. Si Zhao Feng ay tumango bilang tugon.

"Little Xue! Ayos lang yan. Sinabihan ako ni Brother Yijian na gulpihin si Zhao Feng para hindi siya makakuha ng isang magandang resulta," sabi ni Zhao Chengang, na una ang ranggo sa grupo habang naglalakad siya patungo kay Zhao Xue.

"Ikaw…" May kung anong sasabihin si Zhao Xue pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Hindi niya alam kung bakit ayaw niyang makakuha ng isang magandang resulta si Zhao Feng…

********************

Ang paligsahan ay nagsimula na.

"Labintatlo laban kay animnapu't lima!"

"Apanapu't walo laban kay tatlong daan at limampu't lima!"

"Isang daan at pitumpu't siyam laban kay dalawampu't apat!"

Ang mga boses ng bawat ng mga tagapag-hatol ay narinig sa bawat grupo.

Ang ilang unang mga rounds ay mabilis na natapos. Ang mga tagapaghatol ay mula sa sect at mayroong mayamang karanasan. Para sa mga laban na one-sided, ang mga tagapaghatol ay laging kayang gumagawa ng tamang desisyon.

Halimbawa, si Zhao Chengang ay natalo ang kanyang kalaban sa isang tama.

"Isang daan at walumpu't walo laban kay dalawampu't apat!" Sa wakas ay si Zhao Feng naman.

Teng! Ang kanyang katawan ay maliksing napadpad sa entablado.

Si dalawampu't apat ay isang binata na may cultivation ng ikalawang ranggo. Ang kanyang mga mata ay nagpakita ng takot nang napagtanto niya na si Zhao Feng ay nasa ikatlong ranggo.

"Slamming Wind Palm!" Ang medyo matabang binata ay kinuyom ang kanyang ipin at umatake gamit ang lahat ng kanyang lakas. Ang skill na ginamit niya ay nasa middle rank at gumagamit ng bilis para manalo.

"Flaming Metal Fists!" Kaswal ni iwinagayway ni Zhao Feng ang kanyang kamao.

Sa sandaling ginamit niya ang kanyang fist skill, ang ekspresyon ng tagapaghatol ng ikapitong entablado ay nagbago. Ito'y dahil si Zhao Feng ay gumagamit ng isang core rank martial skill!

Peh!

Nang sila'y nagpalitan ng suntok, ang medyo matabang binata ay napalipad.

"Numero isang daan at walumpu't walo ang nanalo!" Sinabi ng tagapaghatol. Dahil ang kalaban ni Zhao Feng ay hindi malakas, hindi siya nakakuha ng maraming atensyon.

"Hmph! Napaka arogante ng batang 'to, gumamit ng isang core rank martial art!" Ang mga disciples sa baba ay ngumisi.

"Numero isang daan at walumpu't walo laban ka numero animnapu't anim!" Hindi nagtagal, oras na ulit ni Zhao Feng na umakyat.

Mayroong isang patakaran sa bawat grupo: kapag ang isang tao ay natalo nang sampung beses, siya ay matatanggal. Ang mga laban ay hindi matatapos hanggang sampung tao nalang ang natitira.

Subalit kung ang isang tao ay kayang manalo ng sampung beses na magkakasunod, siya ay awtomatikong itataas sa pangalawang ranggo.

Ang pangalawang kalaban ni Zhao Feng ay isang binata na mala-kabayo ang mukha na mayroong cultivation sa tuktok ng pangalawang ranggo.

"Flaming Metal Fist!" Hindi na nag-isip pa si Zhao Feng nang tinamaan niya ang mga mahahalagang bahagi ng kalaban.

Peh!

Ang binatang may mala-kabayong mukha ay sumuko habang nakabagsak siya sa lupa.

"Gumamit ulit siya ng isang core rank martial art!" Ang mga Zhao sect disciples ay tumingin nang may paghamak.

"Numero isang daan at walumpu't walo ang panalo!"

Ito na ang pangalawang panalo ni Zhao Feng. Gayunpaman, para sa dalawang susunod na laban, gumagamit pa rin si Zhao Feng ng isang core rank martial art..

Apat na sunod-sunod na panalo!

"Ang batang 'to ay masyadong arogante! Akala ba niyang hindi siya matatalo sa pamamagitan ng paggamit ng isang core rank martial art?"

"Hmph! Ang kanyang mga kalaban ay hindi naman malakas! Sa oras na makaharap siya ng taong nasa kaparehong ranggo niya ay hindi ito magiging madali." Ang mga disciples sa baba ay ngumisi.

Numero isang daan at walumpu't walo laban kay numero apatnapu't pito!" Sa wakas, ang kalaban ni Zhao Feng sa panglimang round ay isang taong nasa ikatlong ranggo, na kasama sa top 5 ng ng kanyang grupo.

"Zhao Kui! Talunin mo ang batang 'yan!" Sigaw ng isang tao. Madami na ang hindi nasisiyahan kay Zhao Feng.

"Bata, hanggang dito ka nalang." Ang maskuladong katawan ni Zhao Kui ay nakatayo sa harap. Ang lahat ng kanyang lakas ay nakasiksik sa kanyang mga kalamnan. Kadalasan ay tatayo lang siya at ang mga nasa ikalawang ranggo ay aamin na ng pagkatalo dahil sa pressure.

May total na mahigit kumulang animnapung tao ang nakarating sa ikatlong ranggo sa mga outer disciples. Kaya ang isang ikatlong ranggo ay tinuturing na pinakamalakas sa mga grupo.

"Gamitin mo ang lahat ng iyong skills," ngumiti ng maliit si Zhao Feng, hindi niya inilalagay ang mga normal na mga nasa ikatlong ranggo sa kanyang mga mata.

"Hahaha… Kung may tapang ka, ituloy mo lang gamitin ang core rank martial art na iyon!' Tumawa si Zhao Kui at parang leon na tumalon papunta kay Zhao Feng.

"Lion King's Anger!" isiniksik ni Zhao Kui ang lahat ng kanyang lakas patungo sa kanyang katawan. Karamihan sa mga nasa ikatlong ranggo ay ayaw makipagharapan sa kanya.

"Hehe, hindi na masama! Tignan mo kung masasangga mo ang galaw ko, Flaming Metal Fist!" Ginamit pa rin talaga ni Zhao Feng ang core level martial arts!

Flaming Metal Fist uli? Ang mga disciples na nanonood ay halos himatayin.

Hu!

Isang malakas na kalabog ang tumunog sa ikapitong entablado at isang sigaw ang kalaunang sumunod.

Boom!

Zhao Kui's massive body lay on the ground, with a few of his teeth broken.

Ang malaking katawan ni Zhao Kui ay nakahiga sa lupa, kasama ang ilan sa mga nasira niyang ipin.

Ano!? Ang mga tao sa baba nakatitig sa tagpong 'to.

"Numero isang daan at walumpu't walo ang nanalo!" Maging ang tagapaghusga naramdaman na hindi ito kapanipaniwala.

Limang panalo ng sunod-sunod!

Ito'y sadyang pagsampal sa mga mukha ng mga disciples.

"Core rank martial art… Paano ito naging posible?" si Zhao Kui ay naglakad pababa ng entablado, ang kanyang mukha ay mabagsik.

Matapos talunin si Zhao Kui, ang mga laban ni Zhao Feng ay naging mas madali.

Limang panalo… Anim na panalo… Pitong magkakasunod na panalo! Ang lahat ng nasa ilalim ng ikatlong ranggo ay umamin ng pagkatalo nang makita siya. Ang tanging tao na may rekord na katulad niya sa ikapitong grupo ay si Zhao Chengang.

"Mukhang ang batang 'to ay sinanay ang core ranked martial art hanggang sa pinaka mataas na antas, hindi na nakapagtatakang ito'y napakalakas. Hehe, mag antay ka lang hanggang makatagpo mo ako, ipapatikim ko sayo ang lasa ng isang high level martial art skills…" Malamig na tumawa si Zhao Chengang.

Si Zhao Feng at Zhao Chengang ay naging kilala bilang 'Duo Eagles' ng ikapitong entablado, dahil pareho silang hindi pa natatalo.

Pitong panalo… Walong panalo… Siyam na panalo… Sampung sunod-sunod na panalo!

"Sino sa tingin mo ang mas malakas? Si Zhao Feng o si Zhao Chengang?"

"Sa tingin ko mas malakas ng kaunti si Zhao Chengang, pero si Zhao Feng ay hindi rin mahina, isa siyang itim na kabayo."

Mayroon silang dalawang tao na pareho ang sunod-sunod na panalo, hindi katulad ng ibang mga grupo kung saan mayroon lamang isang taong dominanteng tao. Halimbawa, ang lahat ng kalaban na nakaharap ni Zhao Yue at Zhao Yijian ay sumuko.

Ang lakas ni Zhao Yijian ay masyadong malakas. Bawat galaw niya ay kayang patayin ang kanyang kalaban. Ang ikapitong grupo lamang ang may 'Duo Eagles'. Madami ang nasasabik at inaabangan sa laban sa pagitan nila Zhao Feng at Zhao Chengang.

Sa panlabindalawang laban ni Zhao Feng, nakatagpo niya ang isang pamilyar na tao. Si Zhao Xue!

Ito'y isang mahirap na kalaban para sa kanya. "Little Xue, aminin mo na ang pagkatalo," kalmadong sinabi ni Zhao Feng.

Bahagya lamang na naabot ni Zhao Xue ang tuktok ng ikalawang ranggo, halata naman na siya'y hindi niya kapantay. Maging si Zhao Yijian, na nasa pangalawang grupo ay tumingin para makita ang nangyayari.

"Aminin ang pagkatalo? Hindi kailanman!" Kinagat ni Zhao Xue ang kanyang mga labi habang ang kanyang ekspresyon ay naging matigas. Hindi niya hahayaan ang sarili niya na umamin ng pagkatalo sa harap ni Zhao Feng.

Noong nandun sila sa Green Leaf Village, minahal ni Zhao Xue si Zhao Feng habang iniisip na siya ang pinaka talentadong binata. Gayunpaman, matapos pumasok sa Sun Feather City, napagtanto niya na ang Green Leaf Village ay napakaliit kung ikukumpara.

Dahil sa pagiging isang mahinang babae, hindi niya magawang umangkop sa malupit na bagong paligid, kaya't gumawa siya ng isang mahirap na desisyon – umakyat kay Zhao Yijian na pangatlo ang ranggo. Hindi hahayaan ni Zhao Xue ang kanyang sarili na sumuko sa harap ng kanyang unang mahal na tinapon niya papalayo.

"Sige!" Walang magawa kundi iiling ni Zhao Feng ang kayang ulo.

"Floating Wind Hand!" si Zhao Xue ay parang isang hangin na sumanib sa palad na iyon at dumiretso patungo sa ulo ni Zhao Feng. Ang Floating Wind Hand ay isang martial art skill na nasa tuktok ng middle rank at nababagay para sa kababaihan dahil ginagamit nito ang lambot para putulin ang tigas.

Kung ang ranggo ng martial art skill ang pag-uuspan, ang Floating Wind Hand ay kapareho ng Angry Dragon Fists, subalit kaya nitong pigilan ang Angry Dragon Fists mula sa pag-gamit ng buo nitong potensyal at pigilan maging ang Flaming Metal Fists.

"Flaming Metal Fist!" si Zhao Feng ay hindi gumalaw at nagbato lamang ng isang suntok.

Pah!

Ang kamao at palad ay nagkabungguan.

Biglang dumaing at nagsimulang bumagsak si Zhao Xue.

Ai!

Si Zhao Feng ay malumanay na nagbuntong hininga at sinubukang tulungang ipirmi si Zhao Xue. Matapos ang lahat… Sabay silang lumaki at hindi niya makayanang makita siyang masaktan.

"Pointed Wind Finger!" Sa sandaling hinawakan ni Zhao Feng si Zhao Xue, ang mga mata ni Zhao Xue ay kumislap nang malamig at ang kanyang mapuputing daliri ay humiwa sa dibdib ni Zhao Feng.

Ang tagpong ito ay nagdulot upang sumigaw sa takot ang mga disciples. Sa isang napakalapit na distansya, si Zhao Feng ay hindi nagawang maka-ilag.

"Hmph!" Ang ekspresyon ni Zhao Feng ay naging galit at ang kanyang katawan ay biglang sumabog nang malakas at nagawang patalsikin si Zhao Xue.

Plop!

Sumigaw si Zhao Xue at napadura ng maraming dugo nang siya ay bumagsak.

"Numero isang daan at walumpu't walo ang nanalo," Sabi ng tagapaghusga habang nakatingin nang may paghahamak kay Zhao Xue. Halata naman na hindi siya nasisiyahan sa mga aksyon ni Zhao Xue.

"Xue!" si Zhao Yijian ay tumatakbong dumating.

Malamig na bumaba sa entablado si Zhao Feng. Hindi niya inaaklang aatake si Zhao Xue sa ganoong mga kundisyon.

"Bata.. Magkikita rin tayo! Bibigyan kita ng isang personal na karanasan ng pagpapahiya!" Malamig na sabi ni Zhao Yijian

"Mag-aantay ako." Umikot si Zhao Feng at umalis nang hindi na nag-aabala pang tumingin kay Zhao Xue.

Pagkatapos ay narinig niya si Zhao Xue sa likuran, "Brother Jian, kailangang maghiganti ka para sakin…"

Matapos talunin si Zhao Xue, si Zhao Feng ay nanalo ng labindalawang mga laban.

Labindalawang panalo… Labintatlong panalo… Labing-apat na sunod-sunod na panalo! Ang rekord ni Zhao Feng ay tuloy-tuloy na nadagdagan.

Ang kanyang core ranked fist skill ay inubos ang lahat ng kalaban sa ikapitong entablado. Si Zhao Chengang lamang ang may kaparehong rekord sa ikapitong ranggo.

"Mayroon pang anim na laban ang natitira bago ako makapasok sa susunod na round."

At sa ikalabinlimang laban, si Zhao Feng ay nakaharap si Zhao Chengang na nangunguna ang ranggo sa grupo. Ang Duo Eagles ay magkaharap na ngayon sa isa't isa! Ang kapaligiran sa ikapitong entablado ay dumating na sa pinakamahalagang bahagi!

"Haharapin na rin nila ang isa't isa!" Ang mga disicples ng ikapitong entablado ay huminga nang malalim habang sila'y mas lalong nasasabik. Maging ang ilan sa mga kalahok mula sa ibang entablado ay inaasahan ang laban habang nakatingin sa ikapitong entablado.

Ang tagapaghusga ng ikapitong entablado ay naglabas ng isang ngiti.

"Bata, nakaharap na rin kita sa wakas. Kung mayroon kang kakayahan, ituloy mo lang ang paggamit sa iyong core rank fist skill." Nilawayan ni Zhao Chengang ang kanyang mga labi habang ang kanyang mga mata ay nagpakita ng bahid ng panunukso.

Kung lakas ang pag-uusapan, si Zhao Chengang ay nasa top 10 ng mga outer disciples at natuto ng high ranked martial arts, na tatlong ranggong mas mataas kaysa sa core rank marital arts.

"Bakit hindi? Itutuloy ko lang ang paggamit ko sa aking core rank fist skill," Kalmadong sumang-ayon si Zhao Feng.

Ano! Itutuloy pa rin niya ang paggamit sa core rank fist skill? Ang lahat ng mga tao ay lumanghap ng mga malalamig na hininga.

"Uminom ba ng maling gamot ang batang 'to?"

"Masyadong arogante! Tingin ba niya na sa paggamit lamang ng isang core rank fist skill ay matatalo niya ang buong grupo?"

"Gaga… gagamit par in ng isang core rank fist skill?" ang mukha ng tagapag-husga ay kumislot*. Maging sa paningin ng tagapaghusga, akala niya'y si Zhao Feng ay masyadong arogante!

Ang ngiti ng kanyang kalaban na si Zhao Chengang ay tumigas, ito'y parang nasampal.

Note: Kumislot = twitched.