Sssss!
Mga malalamig na hininga ang narinig sa buong field. Ang lahat ng tao ay lubos na nagulat.
Ang may puting balbas na tagapag-husga ay tumayo at bumulong, "Labing apat na taong gulang at naintindihan na niya ang prinsipyo ng Inner Strength. Madali siyang magiging isang Martial Artist. Ang kanyang talento ay maikukumpara sa talento Zhao Linlong!"
Ang mga tao ay nagpokus muli kay Zhao Feng. Siya ang bagong hari ng mga outer disciples.
Si Zhao Feng ay hindi makapaniwalang tumingin sa kanyag mga kamao. Nakita niyang nabali ang braso ni Zhao Yijian at nakita niyang mahati sa dalawa ang espada.
At pinigilan pa niya ang kanyang lakas. Kung hindi, ang tama ni Zhao Yijian ay hindi lamang ay isang baling braso, hindi bababa sa kalahati ng kanyang braso ay magiging walang silbi. Kung sa halip, ito'y isang normal na cultivator ng ikatlong ranggo, ang suntok na ito ay agad siyang mapapatay.
Ito ang kapangyarihang ng inner strength. Si Zhao Feng ay nanginig sa eksaytment.
Ang mga disciple sa mga tao ay may takot na tumingin kay Zhao Feng. Naintindihan na nila ngayon ang diperensya ng lakas sa pagitan ng mga Martial Learners at Martial Artists.
"Panalo si Zhao Feng!" Ang tagapag-husga ay malalim na sumulyap kay Zhao Feng. Bagama't kumikiling siya kay Zhao Yijian, si Zhao Feng ay nanalo parin.
Ito'y hindi lamang panalo, ito'y panalo na may buong lakas!
"Jian'er! Si Zhao Tianjian ay sumigaw at lumiaw sa tabi ni Zhao Yijian. Ang kanyang bilis ay napaka bilis na ang mga taong malapit ay nakakita lamang ng anino.
"Ang bilis!" Tinantiya ni Zhao Feng na ang ama ni Zhao Yijian ay naabot na siguro ang ikaanim na ranggo ng martial path.
Ang ikaanim na ranggo ng martial path ay ang tuktok ng mga Martial Artists. Isa pang hakbang ay nangunguhulugang pagiging isang Martial Master.
"Natalo ako… Hindi ako makapaniwala…" Hindi maramdaman ni Zhao Yijian ang kanyang kaliwang braso.
"Tumawag kayo ng alchemist!" Nakita ni Zhao Tian na mayroong tiyansa na maging walang silbi ang braso ng kanyang anak, at pagkatapos ay tumalikod. "Bata! Anong ibig sabin nito?" Si Zhao Tianjian ay may nakakamatay na mata habang tumtingin siya kay Zhao Feng.
Ang kanyang aura ng ikaanim na ranggo ng martial path ay nagdulot ng matindin pressure kay Zhao Feng. Naramdaman ni Zhao Feng na tila lumamig ang hangin. Bawat salitang kanyang sinasabi ay nagkakahalaga sa kanya ng maraming enerhiya.. Maswerte siya na mayroon siyang sariling inner strength para lumaba sa aura si Zhao Tianjian.
Peh! Peh!
Ang mahinang berdeng liwanag sa kanyang kaliwang mata, na orihinal na 1.3 metro ang haba, ay nagsimulang gumapang patungo sa 1.35m mark. Sa ilalim ng pressure, dinagdagan ni Zhao Feng ang kanyang cultivation!
"Mabuti! Mayroon na ako ng mga kinakailangan para makapasok sa ika-apat na ranggo!" Si Zhao Feng ay tumawa.
Ang kanyang pagbabago ay hindi naloko ang mga mata ni Zhao Tianjian.
Hindi siya pwedeng hayaang mabuhay!
Pakiramdam ni Zhao Tianjian na si Zhao Feng ay banta sa kanya, "Bata, isang mababang branch disciple ka lang. Para sa pag-sugat mo sa braso ng anak ko, kukuhanin ko ang ang iyong cultivation."
Shuah!
Sa isang kislap, si Zhao Tianjian ay tumalon patungo kay Zhao Feng.
Masama 'to!
Nakaramdam si Zhao Feng ang matinding panganib ay papalapit patungo sa kanya. Maswerte at siya'y naka bantay. Ang pangalawang kapangyarihan ay simulang nag titipon sa loob ng katawan ni Zhao Tianjian, ito'y nakita ni Zhao Feng gamit ang kanyang kaliwang mata.
Teng!
Hindi na nag-isip pa si Zhao Feng habang tinodo niya ang Lightly Floating Ferry hanggang sa limitasyon nito. Siya'y tumalon ng lagpas sa sampung metro at bahagyang naiwasan ang atake. Gayunpaman, alam niyang ito lamang ang tanging pagkakataon niya upang umiwas.
Nang si Zhao Tianjian ay hindi tumama, alam niyang may kung anong mali. "Mamatay ka!" sumigaw siya habang ginagamit niya ang kanyang sariling footwork para sundan si Zhao Feng.
"Lightly Floating Wave!" si Zhao Feng ay nagdobleng-talon sa ere at tumakbo patungo sa mga taong may mataas na estado sa sect.
Alam niyang si Zhao Tianjian ay mayroong lamang isang gitnang-mataas na estado sa loob ng sect. Ang mas mataas na lebel ng sect ay hindi hahayaang malumpo ang cultivation ni Zhao Feng sa harap nila.
Sou!
Si Zhao Feng ay tumakbo papunta sa kanyang puntahin sa kanyang pinaka mabilis na bils.
"Gah! Ang batang 'to…!" naintindihan ni Zhao Tianjian ang kanyang mga intension.
"Zhao Tianjian! Huminto ka!" isang malalim na boses na kasing lakas ng kidlat ang sumabog. Kasama ng boses na ito, isang makapangyarihang aura ang nabuo sa itaas. Ito'y isang matandang lalaki na may puting balbas. Siya ay tumayo sa harap ni Zhao Tianjian.
Masama 'to! Yun ang pangunahing tagapag-husga!
Alam ni Zhao Tianjian na siya ay isang tao ng ikapitong ranggo o mas mataas. Gayunpaman, si Zhao ay nasa harap ng kanyang mga mata! Hindi siya handing pakawalan siya ng ganito! Itinikom no Zhao Tianjian ang kanyang ipin habag kaharap niya ang elder.
"Down!" Isang hindi nakikitang kamay ang bumagsak pababa.
Pah!
Naramdaman ni Zhao Tianjian na nawala ang kanyang kapangyarihan nang dumura siya ng isang punong bunganga ng dugo.
Umaatake gamit ang ere! Ang lakas!
Malinaw naman na ang pangunahing tagapag-husga ay na-master na ang Tranformation Strength, isang mas mataas na antas ng Inner Strength.
"Elder! Itong si Zhao Feng ay nakamamatay at tuso! Binali niya ang braso ng aking anak! Bakit hindi mo siya paparusahan?" Si Zhao Tianjian ay kalahating lumuhod sa lupa habang nagsalita siya ng may takot.
"Hmph! Sinong nakamamatay? Nung umatake si Zhao Feng ay pinigilan na niya ang kanyang sarili mula sa pag-gamit ng lahat ng kanyang lakas o kung hindi, ang resulta ay hindi magiging kasing simple ng isang baling kamay! Ang kamay ng iyong anak ay maaring maging baldado o maari rin siyang mamamatay bilang resulta." Sinabi ng tagapag-husga.
Agad na naintindihan ni Zhao Tianjian.
"Bakit hindi ka kaya pumunta doon a tulungan mo ang iyong anak." Ang tagapag-husga na may putting balbas ay iwinasiwas ang kanyang mga bisig at umalis sa entablado.
Ni-relax ni Zhao Feng ang kanyang kamao na puno ng malamig na pawis at tumingin ng may pagpapasalamat sa elder. Mukhang napansin ito ng elder at ngumiti pabalik sa kanya ng may papuri sa kanyang mga mata.
Ang kaguluhan ay hindi naapektuhan ang iba pang mga labam.
"Natalo niya si Zhao Yijian…" Ang mukha ni Zhao Xue ay matigas. Mayroon siyang pakiramdam na siya'y nahulog mula sa langit at patungo sa kawalan. Sa harap ng kanyang mga mata, ang pamilyar na pigurang iyon ay naging hari ng mga outer disciples.
Ngayon, walang dudang si Zhao Feng ang pinakamahusay sa mga outer disciples.
Pitumpung mga panalo…pitumpu't isang mga panalo. Ang rekord ni Zhao Feng ay patuloy na tumataas. Karamihan ng kanyang mga kalaban ay sumuko agad.
Maging nang hinarap niya si Zhao Yue, Kinailangan lamang ni Zhao Feng na gamitin ang kanyang chi upang wasakin ang Metal Body ng kalaban.
Ang lakas ni Zhao Feng ay hindi na katulad ng isang quasi Martial Artist, ito'y naabot na ang lakas ng isang half-step Martial Artist! Ang Half-step Martial Artist ay kapag ang isang tao ay may chi at naabot ang ranggo ng quasi Martial Artist ng sabay. Hanggang sa isang tiyak na antas, ito'y kapareho ng pagiging ika-apat na ranggo.
Gayunpaman, mayroong isang hindi inaasahang pangyayarai. Si Zhao Yufei ay may isa paring perpektong sunod-sunod na panalo.
Sa pang pitumpung laban ni Zhao Yufei, nakatagpo niya si Zhao Yue.
"Butterfly Palm!"
Si Zhao Yufei ay sumigaw habang ang kanyang maputing kamay ay sumabog ng may napakalaking lakas.
Crack!
Ang metal body ni Zhao Yue ay muling nasira.
"Diyos ko po! Ito ay chi muli!
Walang nakaisip na mayroong ibang tao na nakaintindi sa Inner Strength maliban kay Zhao Feng.
"Interesante!" Ang pangunaing tagapag-husga ay may isang maliit na ngiti.
Ang ekspresyon ni Zhao Feng ay hindi nagbago nang gumamit si Zhao Yufei ng inner strength. Nakita na niya ang inner strength na nagtatago sa loob ng dugo ni Zhao Yufei gamit ang kanyang kaliwang mata.
Nung araw nayon, nung nagbibigay ang coach ng kanyang lektyur, maraming mga outer disciples ang nakakuha ng mga pag-unawa, habang si Zhao Feng ay pinaka nakinabang. Ito'y dahil mayroon siyang tulong ng kanyang kaliwang mata at sinanay ang Air Pushing Breathing Technique hanggang sa pinaka tuktok ng ikatlong antas nito. Samakatuwid, si Zhao Feng ang pinaka una makabuo ng inner strength.
Si Zhao Yufei ay mas huli sa kanya ng kalahating buwan.
"Mukhang ang unang puwesto ay hindi pa napapag-desisyunan." Ang mga tao ay inaasahan na ngayon ang sagupaan sa pagitan nila Zhao Feng at Zhao Yufei.
Sa wakas, nang parehong napanalunan ni Zhao Feng at Zhao Yufei ang kanilang pangsiyamnapung laban, nagkita sila.
"Simulan na."
Bagama't si Zhao Yufei ay may inner strength, hindi siya kinakatakutan ni Zhao Feng.
"Alam kong ikaw at ako ay may ilan paring pagkakabaiba sa pagitan natin…pero hindi ako susuko." Ang ngiti ni Zhao Yufei ay parang isang bulaklak na bumubukadkad.
"Angry Dragon Fist!" Si Zhao Feng ay nagsimula sa kanyang peak level, middle ranked martial art.
Ang rason kung kaya niyang lubhang talunin si Zhao Yijian ay hindi lang dahil sa Inner Strength. Ito'y dahil sa Angry Dragon Fist ay nasa tuktok na ng middle ranked martial arts at kapag ginamit, ang pinsala nito ay nalagpasan na ang pinsalang dinudulot ng high ranked martial art na sinanay hanggang sa mababang antas.
Bukod pa rito, ang Angry Dragon Fists ni Zhao Feng ay nalalapit na sa perpeksyon.
Kung ang Angry Dragon Fists ay maabot ang perpeksyon, madali itong mananalo laban sa Cold Flowing Sword na sinanay hanggang sa mataas na antas, inisip ni Zhao Feng.
Peh! Pah!…
Ang dalawa ay nagpalitan ng mga atake.
Gaya ng inaasahan, si Zhao Yufei ay hindi kasing lakas ni Zhao Feng.
Pagkatapos ng lahat, si Zhao Feng ay may isang mas matibay na pundasyon ng inner strength at ang kanyang bilis ay mas mabilis. Bagama't si Zhao Yufei ay may isang high ranked speed skill, ito'y hindi kasing bilis ng Lightly Floating Ferry ni Zhao Feng.
Ang mga atake ni Zhao Feng ay naging pabilis ng pabilis.
Si Zhao Yufei ay nagsimulang mamula habang nararamdam niyang ang kanyang lakas ay paubos na.
Magandang pagkakataon!
Ang kaliwang mata ni Zhao Yufei ay naka-lock sa isang butas at ang kanyang kamao ay tinamaan ang balikat ni Zhao Yufei.
Salamat sa pagpipigil." Ang katawan ni Zhao Yufei ay nanginig nang bumaligtad siya sa ere at lumapag sa lupa.
Malinaw namang ang suntok ni Zhao Feng ay pinigilan o kaya't magiging katulad ni Zha Yijian ang katapusan niya.
"Walang problema," si Zhao Feng ay ngumiti, talagang nagustuhan niya ang attitude ni Zhao Yufei.
Matapos talunin si Zhao Yufei, wala ng natitirang kalaban na kapantay niya. Ang lahat ng kanyang mga kalaban ay umamin ng pagkatalo.
"Suko na ako!"
"Sumusuko na ako!"
....
Kalahating oras ang makalipas, sa wakas ay natapos nii Zhao Feng ang kanyang ka-isangdaang panalo, at sa kanyang puntos, madali niyang nakuha ang titulong numer uno sa mga outer disciples.