"Tama." Sagot ni Zhao Feng. Hindi niya alam kung bakita siya nakakaramdam ng poot mula kay Zhao Han.
"Mabuti, mabuti, mabuti!" Ang mukha ni Zhao Han ay naging mas malamig habang sinabi niyang mabuti ng taltlong beses, pagkatos ay hindi na si nagpatuloy na tumingin kay Zhao Feng.
Si Zhao Feng ay nakaramdam ng pagkalito dahil ito ang unang beses na nakita niya si Zhao Han, kaya kalian niya siya na-offend?
Si Zhao Yue ay naglakad patunog kay Zhao Feng ay binbalaan siya, "Si Zhao Han ay pinsan ni Zhao Yijian at ang kanilang relasyon ay medyo mabuti."
'Pinsan ni Zhao Yijian?'
Hindi nakapagtatakang si Zhao Han ay may poot sa kanya. Si Zhao Yijian ay nakahiga parin sa higaan ngayon dahil sa kanyang mga sugat. Bilang kanyang pinsan, si Zhao Han ay malinaw kukuha ng paghihiganti.
Gayunpaman, ngayon ay kaharap nila ang mga kalaban mula sa labas. Kailangan muna nilang ayusin to, at pagkatapos ay pag-usapan ang mga panloob na mga bagay.
"Ikalimang ranggo ng Martial Path?" Ang ekspreyon ni Xin Tong ay nagbago, pero di nagtagal ay bumalik, "Ano naman kung ika'y nasa ikalimang ranggo?" Bilang isang top fourth ranker, siya'y may karanasan sa pakikibagpalab sa mga nasa ikalimang ranggo.
"Maliit na insekto!" Si Zhao Han ay naglakad hakbang kada hakbang patungo kay Xin Tong. Sa bawat hakbang niya, ang laming na nanggagaling sa kanya ay madadagdagan. Ang lamig ay hindi lamang isang pakiramdam, ito'y isang totoong lamig na nanggagaling mula sa kanyang Inner Strength.
"Kakaabot mo palang sa ikalimang ranggo kamakailan lang. Makikita ko kung gaano ka na kalakas ngayon," si Xin Tong ay suminhal, subalit ang kanyang ekspresyon ay taimtim.
"Metal Arm!" Si Xintong ay inilagay ang kanyang malaking kapangyarihan at Inner Strength patungo sa kanyang braso at ang kanyang buong kataawan ay tila isang toro. Ang kanyang skil ay isang high ranked, na nagpapahintulot sa kanya upang pagsamasamahin ang kanyang lakas sa isang atake, na pinapahintulutan siyang magapi ang kalaban.
Nakita ni Zhao Feng na walang mga butas sa suntok, malinaw na si Xin Tong ay ay nagpigil sa kanya.
"Snowing Cold Palm!" Ang katawan ni Zhao Han ay nagbuhos ng isang sobrang lamig na auro, katulad ng yebe. Habang ginamit niya ang kanyang palm attack, ang paligid sa palibot niya ay nagsimula nang tumigas.
Sa lalong madaling panahon na sumugod pasulong si Xin Tong, naramdaman niya ang isang hindi kilalang puwersa ay humarang sa kanya, para bang siya'y nahulog sa putik.
'Paano ito ang Inner Strength ng isang baguhan ng ikalimang ranggo?' Inisip ni Xin Tong.
Pah—-
Ang dalawang palad ay nagsagupaan. Gamit ang kanyang lakas, si Xin Tong ay puwersahang itinulak pabalik si Zhao Han ng isang hakbang. Gayunpaman, ang gilid ng kanyang bunganga ay nagsimula nang tumulo ang dugo. Ang chi na kasing lamig ng yelo ay dumaloy na sa kanyang depensa at pumasok sa kanyang katawan.
"Paano 'to posible, ang kanyang Inner Strength ay naabot na ang tugatog ng ikalimang ranggo!" Naramdaman ni Xin Tong na magyelo ang kanyang dugo. Hindi siya makagalaw.
He!
Si Zhao Han ay pinalipad siya gamit ang isang sipa, at malamig na tumawa, "Ganitong lakas lang at gustong hamunin si Zhao Linlong? Ako lamang ang may karapatang tumalo sa kanya."
"Brother Tong!" Ang mga Xin disciples ay lumapit upang tulungan siya.
"Ayo slang ako," Si Xin Tong ay nagawang bahagyang makaalis. Maswerte siya at malakas ang kanyang katawa. Kung ito'y ibang tao sila'y mararatay ng hindi bababa sa isang buwan.
"Zhao Han, inaamin kong ika'y malakas." Pinagngangalit ni Xin Tong ang kanyang ipin habang nagpatuloy siya, "Subalit kakaabot mo palang sa ikalimang ranggo at ang iyong Inner Strength ay ganito kalakas, na nangangahulugang ikaw ay kumain ng kung anong kayamanan. Subalit silbi ng panglabas na tulong? Kapag nakaharap mo ang nangungunang henyo ng aking pamilya, na si Xin Wuheng, matatalo ka!"
Nang marinig nila ito, si Zhao Feng ay iba pa ay may nag-iisip na mga ekspresyon. Ang mga kalagayan ni Zhao Han ay masyadong abnormal. Kakaabot pa lamang niya sa ikalimang ranggo at mayroon na siyang makapangyarihang Inner Strength.
Nang ginamit ni Zhao Feng ang kanyang kaliwang mata para inspeksyunin si Zhao Han, siya'y talagang nagulat dahil ang Inner Strength na yoon ay sobrang masyadong malakas. Tama ang pagka-analisa ni Xin Tong, siguro'y si Zhao Han gumamit nga ng ilang mga kayamanan.
"Ano naman kung gumamit ako ng panlabas na tulong? Swerte ko 'yon, ang langit ang tumutulong sa akin. Pagkatapos kong pinuhin ang enerhiyang ito at talunin si Zhao Linlong, siguradong hahamunin ko si Xin Wuzheng," malamig na sagot ni Zhao Han.
Si Xin Wuheng, ang top inner disciple ng Xin family, at isa rin sa apat na dakilang mga henyo ng Sun Feather City. Narinig na dati ni Zhao Feng ang pangalang 'to.
Tila, si Xin Wuhen ay ang nangungunang henyo mula sa apat, at naabot na niya ang ikalimang ranggo isang taon na ang nakalipas. Siya'y mas malakas pa kaysa kay Zhao Linlong!
Dahil natalo si Xin Tong, ang mga disciple ng Xin family ay mabilis umalis habang bahag ang kanilang mga buntot.
"Si Zhao Han ay gumamit lamang ng kalahating buwan para maabot ang ikalimang ranggo!"
"Sobrang nasasabik na ako para sa main tournament sa loob ng sampung araw!"
Si Zhao Han ang pangunahing pokus ng tao. Malinaaw naman, ang pagganap ni Zhao Feng ay hindi masama, paggamit ng lakas ng isang half-step Martial Artist upang talunin ang isang tunay na Martial Artist.
Bago umalis, si Zhao Han ay tumitig kay Zhao Feng. Si Zhao Feng ay hind umiwas sa kanya at tinignan ni Zhao Han sa knayang mga mata. Hindi siya naniniwalang si Zhao Han ay aatakehin siya sa harap ng lahat ng ibang Zhao sect disicples. Kahit hindi siya manalo, pwede paring gamitin ni Zhao Feng ang Lightly Floating Ferry upang tumakas.
"Gagawin ko kung anong ginawa mo. Magkikita tayo kapag hinamon kita sa paligsahan."
'Gagawin ko kung anong ginawa mo?' Nanlamamig si Zhao Feng. Binali niya ng braso ni Zhao Yijian sa paligsahan ng mga outer disciples. Ang ibig sabihin ni Zhao Han sa 'gagawin ang ginawa mo' ay napaka linaw…
Sa daan pabalik, tinanong ni Zhao Feng si Zhao Yue na nasa tabi niya, "Ano yung paghamong bagay na sinabi niya?"
"Ang bawat paligsahang ng mga inner disciple ay ginagawa sa pamamagitang pag-hamon. Bawat kalahok ay maaring hamunin ang sino man," pinaliwanag ni Zhao Yue.
'Maging 'to ay pwedeng manyari?'
Sumikip ang puso ni Zhao Feng nang maintindihan niya ang kahulugan ni Zhao Han. Si Zhao Han ay inilatag na ang lahat ng kanyang mga plano, siya'y lubos na tiwala sa kanyang sarili. Bagama't ito'y isang 'bukan na plano'. Ito'y magigigng mahirap na iwasan.
'Gusto mong baliin ang kamay ko?' Ang ekspresyon ni Zhao Feng ay naging palamig ng palamig. Mayroon na lamang sampung ang natitira bago ang main tournament.
**********************
Si Zhao Feng ay nag-cultivate ng mas mahirap.
Bawat gabi, pagtratrabahuhan niya ang kanyang Inner Strength gamit ang Air Crossing Breathing Technique. Alam ni Zhao Feng ang distansya sa pagitan niya at ni Zhao Han sa Inner Strength.
Kung hirap ang pag-uusapan, ang Air Crossing Breathing Technique ay isang top-tier na high ranked marial art, halos maabot na ang peaked ranked martial category. Masasabing ito ay ang pinakamahusay na martial art mula sa lahat ng mga Zhao sect skills.
Nang sumunod na araw…
Naramdaman ni Zhao Feng na ang kanyang Angry Dragon Fists ay nagiging mas napeperpekto habang nagsasanay sa hardin. Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay naka-rekord ng maraming interesanteng mga laban sa pagitang ng mga disciples at ginamit niya ito upang maperpekto ang kanyang Angry Dragon Fists.
Kaya, matapos marating ng Angry Dragon Fists ni Zhao Feng ay perkpeksyon, ang kapangyarihan mabagal paring tumataas….
Ang kanyang lakas ngayon ay lagpas na sa doble kaysa nung sa meron siya sa paligsahan ng mga outer disciples.
"Pwede ba akong pumasok?" isang malinaw na boses ang nanggaling mula sa labas. Pakiramdam ni Zhao Feng na ang boses na yoon ay pamilyar at nakita niya ang isang bababeng nakasuot ng kulay lilang damit na nakatayo sa labas, nag hihintay.
'Siya ba?' Si Zhao Feng ay medyo nasurpresa.
"Hindi ba ako welcome?" Ang mga pilik mata ni Zhao Yufei ay medyo kumurap, ang kanyang ngiti ay parang isang lotus, puro at inosente.
"Pakiusap, pumasok ka." Hindi nagtagal, si Zhao Feng ay naka-rekober mula sa kanyang kagandahan.
Matapos pumasok ni Zhao Yufei, mabilis niyang sinabi ang punto ng kanyang pagbisita, ito'y upang makipag spar kay Zhao Feng. Malinaw naman, si Zhao Yufei ay medyo hindi payag matapos siyang matalo kay Zhao Feng nung nakaraan.
"Ok, pero wag natin saktan ang isa't-isa." Malinaw namang si Zhao Feng ay hindi siya tinanggihan, dahil siya lamang ang natatanging outer disciple na pwedeng makipag-spar sa kanya.
Hindi nagtagal, ang dalawang pigura ay nagalalaban sa buong hardin. Habang nag-sparring, si Zhao Feng ay itunulak lamang ang Angry Dragon Fists hanggang sa pinaka-mataaas na antas. Kahit ganoon, siya parin ang lamang.
Matapos ang kalahati ng oras na kinakailangan upang masunog ang isang incense, si Zhao Yufei ay natalo. Ang kanyang paghinga ay magaspang habang ang kanyang mga mata ay kumislap. "Ang iyong Inner Strength ay bumubuo at umaatake ng napaka bilis. Binibigyan din ako nito ng isang misyeryoso at lumulutang na pakiramdam, anong klase ng secret technique iyon?"
Sa laban, si Zhao Feng ay kinontrol ang kanyang Inner Strength hanggang sa kaparehong antas ng kay Zhao Yufei. Gayon pa man, ang Inner Strength ni Zhao Feng gumagawa parin ng maraming pressures kaysa sa ng sa kanya. Ito'y dahil sa Air Crossing Breathing Technique.
'Kinu-cultivate ko ang Three Breaths Technique, isang high ranked martial skill na nakatuon sa Inner Strength, subalit hindi ito kasing lakas ng sa kanya.' Si Zhao Yufei ay nagulat sa kanyang puso.
"Hehe,ito'y ang special skills ko, hindi ko sasabihin," malumanay na ngumiti si Zhao Feng. Ang pagtanggi ni Zhao Feng ay sinurpresa si Zhao Yufei, dahil kaunting mga binata lang ng kaparehong edad ang tatanggihan ang kanyang mga mungkahi.
Ang kanyang mga mata umikot habang naka-ngiting sinasabi, "Malinaw namang ikaw ay may ilan paring butas. Kung interesado ka, pwede tayong gumawa ng isang kasunduan na nagpapahintulot upang pareho tayong makinabang."
"Oh? Pag-usapan natin 'yan…" Si Zhao Feng ay agad na naging interesado.