Malinanaw naman na ang mga salita si Zhao Feng ay nagsanhi ng ilang pang-aalipusta. Lalo na sa ikapitong grupo, halos lahat sila ay kinamumuhian si Zhao Feng.
"Hmph! Masyadong arogante ang lalaking 'to"
"Zhao Chengang! Pabagsakin mo siya!"
Ang kaguluhan ay nagdulot sa iba para tumingin.
"Core rank martial art? Iyon ay medyo interesante," isang tahimik na babae ang ngumiti habang nakatingin siya ng may interes. Siya si Zhao Qin, pang-apat mula sa mga inner disciples. Bilang isang inner disciple, si Zhao Qin ay hindi na kinakailangang pumasok sa preliminaries. Gamit ang kanyang cultivation, ay kaya niyang talunin ang lahat ng nandito. Maging kung ikukumpara kay Zhao Yue, ang kanilang diperensya ay masyadong malaki.
"Sige...sige…sige! Makikita ko… kung gaano kalakas ang core rank martial arts mo!" Ang mukha ni Zhao Chengang ay nakamamatay. Ang mga salita ng kanyang mga kalaban ay sinasampal ang kanyang mukha!
"Flowing Wind Fist!" Nilunok ni Zhao Chengang ang kanyang galit at ginamit ang high rank skill na Flowing Wind Fist. Ang fist skill na ito ay gumgamit ng lakas at bilis para magapi ang kalaban. Ang atake nito ay parang isang rumaragasang bagyo.
Ang lakas ni Zhao Chengang ay nasa loob ng ekspektasyon ng mga tao. Ang kanyang kapangyarihan ay nalalapit na sa isang quasi Martial Artist at hindi sila binigo. Gayunpaman, karamihan sa kanila ay mas nakatuon kay Zhao Feng. Kaharap ang outer disciple na ikapito sa ranggo, gagamit parin ba siya ng core rank martial arts?
Ang kanyang mga aksyon ay pinatunayan ang kanyang mga sinabi.
"Flaming Metal Fist!" Ang simpleng suntok ay nagbigay ng isang pulang liwanag.
Ito'y core martial arts muli!
"Ito ay Flaming Metal Fist muli!|
"Gumagamit parin siya ng core rank martial arts?" Ang mga Zhao sect disciples ay nagulat. Marami sa kanila ay inakalang nagbibiro lamang si Zhao Feng at hindi niya ito gagawin.
Gayunpaman, ang totoo ay, mas baliw siya kaysa sa inaasahan!
"Bata, bumagsak ka!" Ang mga mata ni Zhao Chengang ay nagbubuga ng apoy habang ang kanyang dalawang mga kamao ay pabagsak kay Zhao Feng. Ang kapangyarihang nasa loob ng kanyang mga kamao ay nagawang pasigawin ang maraming Zhao sect disciples.
"Ang mga normal na cultivators ng ikatlong ranggo ay hindi magagawang tanggaping ang isang suntok na ito."
"Hindi na masama, ang kanyang Flowing Wind Fist ay naabot na ang mababang antas, malinanaw na nag sanay siya ng mabuti! Maging ang ilan sa nakatatandang henerasyon ay tinango ang kanilang mga ulo.
Peh!.
Ang dalawang pigura ay magkasamang nagbanggaan, suntok laban sa suntok.
"Bumagsak ka!" Itinulak ni Zhao Chengang ang kanyang Flowing Wind Fist hanggang sa sukdulan. Kung gumamit siya ng isang high rank martial art at hindi magawang pabagsakin si Zhao Feng sa dalawa o tatlong galaw, papaano pa kaya siya makakatapak sa loob ng top ten outer disciples.
fist.
"Buksan!" Si Zhao Feng ay kalmado. Ang kanyang mga kamao ay tila buhay at madaling nasangga ang kamao ni Zhao Chenggang.
Boom!
Ang paso sa kamao ni Zhao Chengang ay ginawang pamaanhidin ang kanyang kamay habang dalawang hakbang siyang naitulak ng paatras. Habang si Zhao Feng ay nanginig lamang pero hindi gumalaw.
"Paano ito posible?" si Zhao Chengang ay nagulat. Akala niya'y mapapabagsak niya si Zhao Feng sa isang suntok. Pero sa katotohanan, siya'y madaling nasangga ng isang core rank martial art!
"Anong nangyayari!" Ang mga Zhao sect disciples sa paligid ay napahinto.
"Hindi ako naniniwala...Ito's isang aksidente! Aksidente nitong tinamaan ang kahinaan ng aking galaw!" Sumigaw si Zhao Chengang habang muli siyang sumunggab ng pasulong gamit ang Flowing Wind Fist.
Pah!
Muling naitulak ng paatas si Zhao Chengang. Bagama't ang unang dalawang galaw ay magkapantay, si Zhao Chengang ay napipigilan.
"Ito'y isa ngang core rank martial art skill… paano niya nagawa 'yon?"
"Paano nagawa ng isang core rank martial art na makuha ang kalamangan habang kaharap ang isang high rank martial art?"
The Zhao sect disciples were confused.
Ang mga Zhao sect disciples ay nalito.
Isang galaw… dalawang galaw…tatlong galaw…bawat oras, si Zhao Chengang ay naitulak ng paatras.
Kapag ang dalawang tao ng kaparehon ranggo ay naglaban, normal na makakuha ng kalamangan ang isang panig. Gayunpaman, gamit ang isang core rank martial art habang lumalaban sa isang high rank martial art ay hindi pa naririnig. Anong nangyayari?
Si Zhao Chengang ay nabaliw ng ginamit nila ang lahat ng kanyang kapangyarihan.
Marami ang tumingin sa tagapag-husga at sa nakatatandang henerasyon ng sect.
"Ang kamalayan ng labanan ni Zhao Feng at skill ay malayo ng nalampasan ang kay Zhao Chengang." Hindi tiyak na sinabi ng tagapag-husga. Ang pagsusuri ay hindi pinasaya ang mga tao.
Hehe, ang batang 'to ay sinanay ang isang core ranked skill hanggang sa perpeksyon," isang matandang boses ang nagsalita mula sa gitna ng mga tao. Ito'y isang matandang may punting balbas. Ito'y ang pangunahing tagapag-husga ng paligsahan.
Perkpeksyon?
Ilan sa mga tagapag-husga ay mabilis na tinango ang kanilang mga ulo. Alam ng lahat na, ang mas mataas na antas ng kasanayan ay mas mataas ang pinsalang naidudulot nito. Gayunpaman, hindi ito ang kaso para sa lahat.
Halimbawa, kapag ang isang tao ay sinanay ang isang low rank martial art hanggang sa mataas na antas at sinanay ang isang high rank skill hanggang sa mababang antas, ang high rank martial art ay hindi magiging kasing lakas ng low rank martial art.
Karaniwan, ang mga antas ay: Baguhan, mababa, mataas at pinakas mataas na antas. Ang pinaka mataas na antas ay nangunguhulugang naabot na nito ang siyam na pung pursyento o mas mataas.
Kadalasan, isang taong nagsasanay ng isang martial art hanggang sa pinaka mataas na antas ay napaka bihira. Gayunpaman, ang pinaka mataas na antas hindi nangunguhulugang ito ang limitasyon. Sa taas ng pinaka mataas na antas ay ang perpeksyon! Ang perpeksyon ay nangunguhulugan na ang skill ay nasanay hanggang sa kahit papano'y siyamnapu't siyam na porsiyento ng buo nitong potensyal.
"Bagama't mukhang maliit lang ang pagkakaiba sa pagitan ng perkpeksyon at pinaka mataas na antas, ang pagitan ay napaka laki! Ang pagkakaiba ay mas Malakai maging sa pagkakaiba sa pagitan ng mababang antas at ng mataas na antas!" Ang pangunahing tagapag-husga ay ngumit ng maliit.
"Subalit kung ganoon nga, dapat si Zhao Feng ay kaya lamang makipag sabayan kay Zhao Chengang." Isang martial artist ay hindi parin naiintindihan.
Matapos ang lahat, ang high ranked martial art skills ay tatlong antas na mas mataas kaysa sa core ranked martial art skills at si Zhao Chengang ay sinanay ang high rank martial art hanggang sa mababang antas.
"Tama ka! Ang pinaka mataas na antas ng isang core rank martial art ay kinakaya lamang na bahagyang labanan ng sabayan ang mababang antas ng isang high rank martial art. Pero, katulad nn nakikita niyo, ang tibay ng katawan, bilis ng reaksyon, kamalayan sa laban ni Zhao Feng ay malayo ng nalagpasan yung kay Zhao Chengangn," papuri ng pangunahing tagapag-husga. Sa pamamagitan ng kanyang paliwanag, buong naintindihan na ngayon ng mga tao.
Sa sandaling ito, ang laban sa ikapitong entablado ay nagbabago.
"Magisisimula ng umatake si Zhao Feng ngayon!"
"Diyo ko po! Anong klaseseng bilis!|
Peh! Pah! Beng…
Ang mga mata ng mga manonood ay naakit sa sa ikapitong entablado para makita lamang na maging opensa ang depensa ni Zhao Feng. Ang kanyang mga kamao ay nalagpasan na ang mundo na kayang maabot ng Flaming Metal Fists.
Ang bilis at lahat ng kanyang lakas ay tinamaan ang mga kahinaan ng kanyang kalaban. Si Zhao Chengang na nasa estado ng isang matinding galit, ay biglang nanghina at tinamaan ng isa sa mga suntok ni Zhao Feng.
Pah—
Si Zhao Chengang ay nagbigay ng isang sigaw habang ang kanyang balikat ay napunit sa kinalalagyan nito.
"Numero isang daan at walumpu't walo ang nanalo!" idineklara ng tagapag-husga ng ikapitong entablado habang naglabas siya ng isang hininga.
Hua!
Ang ikapitong grupo ay nagkagulo.
"Tinalo ni Zhao Feng si Zhao Chengang gamit lamang ang isang core ranked martial art!"
"Hindi kapanipaniwala! Si Zhao Chengang ang unang ranggo sa grupo…"
Napanalunan ni Zhao Feng ang kanyang ikalabinlimang laban. Nangunguhulugan ito na siya na ang pinaka malakas sa ikapitong grupo.
Sa sandling ito, si Zhao Yue, Zhao Yijiam at Zhao Yufei ay tumingin.
"Perkpeksyon? Nung ang martial artist ay isinagawa ang lekytur, naramdaman ko ang lahat ng galaw ng Flaming Metal Fist ay nawala mula saking isipan…ito siguro ang dahilan kung bakit," Sawakas ay naintindihan narin ni Zhao Feng.
Nang bumalik siya mula sa lekyur, naramdaman niya na ang kanyang core rank martial art ay nakaabot na sa isang tuktok na kung saan ay kaya na nitong lumaban laban sa mga quasi Martial Artists. At ang lakas ni Zhao Chengang ay bahagya lamang na naabot ang lakas ng isang quasi Martial Artist.
"Hindi na masama. Mukhang ang mga outer disciples ay mayroong isang itim na kabayo," Ang pangunahing tagapag-husga ay ngumiti.
"Core rank martial art…Bagama't sinanay niya ito hanggang sa mataas na antas, matatalo parin siya sa aking anak na si Zhao Yijian. Matapos ang lahat, ang core ranked martial arts ay isa lamang core ranked!" Isang may katandaang lalaki ang mahinang ngumiti.
"Oh?" Ang pangunahing tagapag-husga ay nagbigay ng isang interesadong tingin patungo sa may katandaang lalaki.
Ang may katandaang lalaki ay ang ama ni Zhao Yijian. Ang may katandaang lalaki ay tumawa habang ang kanyang mga mata ay sumulyap kay Zhao Yijian ng may isang kompiyansang ekspresyon.
"Totoo… ang potensyal ng core ranked martial arts ay limitado…siguro'y naglaan ng madaming at pagsisikap si Zhao Feng para masanay ito hanggang sa perpeksyon, na nangunguhulugang wala na siyang masyadong oras upang sanayin ang iba pang skill…napaka malas," Ang pangunahing tagapag-husga ay nagsalita at iniling ang kanyang ulo.
"Hmph! Perpeksyon ng isang core ranked martial art?" Kumukutyang tumingin ni Zhao Yijian kay Zhao Feng. Sa kanyang mga mata, ang mga core ranked martial arts ay mga basura.
Ang babaeng nakasuot ng putting damit ay tumingin kay Zhao Feng, gulat. "Brother Yijian, kailangan mo siyang talunin."
"Xue, ayos lang yan. Kailangan ko lang ng tatlo hanggang sampung galaw sa pinakamataas! Pero hindi ko siya papapkawalan ng ganoon kadali, papahiyain ko rin siya," kompiyansang sabi ni Zhao Yijian. Ang kanyang boses ay malakas, kaya't madaming tao na naroon ay narinig ito.
Sa oras na ito, ang mga mata ni Zhao Feng ay napunta ay napadpad sa kanya. Ang kanilang mga titig ay nagbanggaan. Hayang ang mga mata ni Zhao Feng ay malamig, si Zhao Feng ay may isang mahinang ngiti.
"Number isang daan at walumpu't walo laban kay numerp dalawang daan at talumpu't tatlo!" Ang paligsahan ng grupo ay tuloy parin.
Matapos talunin ni Zhao Feng si Zhao Chengang, wala ng kalaban na kapantay niya sa ikapitong entablado.
Labing anim na panalo...labinpitong panalo…labing-walong panalo…
Karamihan sa mga tao na nakatagpo ni Zhao Feng ay umamin ng pagkatalo. Ang para sa mga may lakas ng loob na lumaban, sila'y natapos isa isang suntok.
"Masyadong nakakahiyang matalo laban sa isang core ranked martial art!"
Ang mga Zhao sect disciples at nakatingin kay Zhao Feng na tila ba siya'y may isang sakit.
Labing-walong panalo…labing-siyam na panlo…dalawanpung sunod sunod na panalo.
Sa wakas, si Zhao Zhao Feng ay nanalo ng dalawampung beses ng sunod-sunod, na nagpahintulot sa kanya na magpatuloy sa susunod na round.