Kaharap ang ang panglalait ni Zhao Yijian, ngumiti lamang ng maliit si Zhao Feng. Bagama't si Zhao Yijian ay malakas, mayroon siyang aroganteng pananaw. Nangunguhulugang ito'y walang kwnetang pag-uusap sa kanya. Sa mga gawa mo lamang mapapatunayan ang mga gusto mong sabihin
Bagama't si Zhao Feng ay hindi tumugon, ang kanyang, pananaw ay tila mga karayom sa mga mata ni Zhao Yijian.
Ang mga tao medyo nagulat. Si Zhao Yijian ay masyadong nang arogante, subalit ang katahimikan ni Zhao Feng ay may mas ginawa kumpara sa mga masasabing salita.
"Bata, kung hindi ka magsasalita ngayon, hindi mo na magagawang makapagsalita mamaya," malalim na sinabi ni Zhao Yijian.
Jiang!
Ang kanyang espada ay kumislap sa harap ni Zhao Feng.
Si Zhao Yijian ay nagsimula sa Cold Flowing Sword. Bagama't siya ay sobrang arogante, alam niyang si Zhao Feng ay may lakas ng isang quasi Martial Artist, kaya't kinaikailangan ibigay ang kanyang todo.
Si Zhao Feng ay naramdaman ang lamig na nanggaling sa espada,
Ssssss!
Hindi tumama ang espda sa balikat ni Zhao Feng na may layong kalahating pulgada.
"Ibang klaseng high technique! Nakikita ko lang ang mga labing anino!"
Kung mayroon lang siyang lakas ng isang quasi Martial Artist, ay hindi niya mahaharap ang mataas na antas ng Cold Flowing Sword.
Alam ni Zhao Feng na ang kanyang depensa ay hindi kasing lakas nung kay Zhaoa Yue.
Ceng!
Ceng!
Kasing gaan ng isang dahon, si Zhao Feng ay nakalayo mula kay Zhao Yijian.
Kung depensa ang pag-uusapan, si Zhao Feng ay hindi katapat ni Zhao Yijian, hindi maliban kung natuto siya ng isang mataas na ranggong body strengthening technique katulad ni Zhao Yue.
"Saan ka tatakbo!" si Zhao Yijian ay mabilis na tumalon at ginamit ang Cold Flowing Sword habang nasa ere.
Kahit anong pili ni Zhao Feng na umiwas, ang laming ay tuloy parin ang pagsunod sa kanya.
"Hindi na nakapagtatakang ito'y ang mataas na antas ng isang high ranked martial art!" Inisip ni Zhao Feng. Alam niya na bagama't ang kanyang Angry Dragon Fists ay naabot na ang pinaka mataas na antas, ito'y hindi parin isang kapantay para sa Cold Flowing Sword ni Zhao Yijian.
"Ice Cold Flying Explosion!"
Ang mga galaw ni Zhao Yijian ay biglang nagbago. Ang kanyang espda ay lumiko papunta sa lugar na lalapagan ni Zhao Feng.
Masama 'to! Si Zhao Feng ay nasa gita ng ere at sa oras na lumapag siya, hindi niya magagawang maiwsan ang area attack ni Zhao Yijian.
"Ibang klaseng Cold Flowing Sword! Kaya na niyang gumamit ng mga area attacks habang nasa ilalim ng ika-apat na ranggo.
"Tignan niyo, mukhang ang laban ay napag-desisyunan na!" Ang mga nanoonood na nakatatandang henerasyon ay pumuri.
"Bumaba ka!" Ang Ice Cold Flying Explosion ni Zhao Yijian a nagpadala ng isang nagngangalit na pagsabog patungo sa mababang parte ng katawan ni Zhao Feng.
"Lightly Floating Wave!" Si Zhao Feng ay huminga ng malalim habang sinisiksik niya ang lahat ng kanyang mga dugo, na nagpahintulot sa kanya upang makatalong habang nasa gitna ng ere.
Teng!
Ang kanyang katawan ay iniwan ang hila ng gravity habang tinalunan niya ang pamatay na tira ni Zhao Yijian.
Paano… ito naging posible? Si Zhao Yijian ay tulirong nakatayo nang makita niyang 'tinalunan' ni Zhao Feng ang kanyang pamatay na tira.
"Ano! Sinanay ni Zhao Feng ang Lightly Floating Ferry hanggang sa isang mataas na antas!" ang pangunahing tagapag-husga ay pumuri habang hinihimas niya ang kanyang balbas.
"Lighly Floating Wave! Ito ang ultimate move ng Lightly Floating Ferry, paano na nagawa ito?" Sigaw martial artist na minsa'y nagsanay sa Lighly Floating Ferry habang siya'y tumayo sa gulat.
Sa entablado…
Si Zhao Feng ay tumatakbo hang si Zhao Yijian ay sinusubukang makahabol. Hindi nagtagal, ang Cold Flowing Sword ni Zhao Yijian ay papalapit na sa mataan sa lebel, ang pinsala at bilis nito ay mabilis na nadadagdagan.
Si Zhao Feng hindi rin masama. Ang kanyang Lighky Floating Ferry ay ginawa siyang kasing gaan ng isang balahibo at bagama't ito'y mukang bahagya lamang na naiiwasan ang espada, ang espda ay ni minsang hindi siya nasagi nita,
Dumaan ang oras. Habang tumatakbo su Zhao Feng, sinubukan niyang humanap ng kahit na anong butas sa skill ni Zhao Yijian upang siya't makaganti.
Gayunpaman, bigla niyang napagtanto na hindi man lamang siya makalapit kay Zhao Yijian o kaya't haharapin niya ang isang pamatay na tira. Ang kanyang Angry Dragon Fists hindi kayang sanggain maging ang isa sa mga saksak ng espada ni Zhao Yijian. Kung susubukan niyang sumangga ng isa, siya ay masusugatan.
"Kailangan ko bang gamitin…" Huminga si Zhao Feng habang ang inner strength sa loob ng kanyang katawan ay nabuhay, ngunit nawala.
Gamit ang Hiding Air Technique, naitago niya ang kanyang inner strength.
Habang nasa ere, biglang nilagay ni Zhao Feng ang kanyang enerhiya patungo sa kanyang kaliwang mata.
Peh! Peh!
Sa oras isinaaktibo ang kanyang kaliwang mata, si Zhao Feng ay nagpunta sa isang super vision mode.
Bagama't ang espada ni Zhao Yijian ay mabilis, ito'y bumagal sa kanyang mga mata.
Kaya niyang makita maging kung saan natitipon ang lakas ni Zhao Yijian, at sa pamamagitan nito, kaya ni Zhao Feng ay hulaan kung saan susunod na aatake si Zhao Yijian.
Teng! Teng!....
Madaling naiwasan ni Zhao Feng ang lahat ng mga atake.
"Agnry Dragon Fist!" At sa isang punto, si Zhao Feng ay gumanti.
"Ice Cold wind!" Si Zhao Yijian ay hindi maka-iwas o ipagtanggol ang kanyang sarili. Sa halip ay ang kanyang espada ay nagpunta para sa lalamunan ni Zhao Feng.
Si Zhao Feng ay walang magawa. Hindi siya makahanap ng butas sa mga galaw ni Zhao Yijian, hindi siya maka-atake dahil hindi niya magagawang iwasan ang espada ni Zhao Yijian.
'Ang Cold Flowing Sword ay nagpopokus sa kataliman at opensa. Wala itong anumang depensa! Gayunpaman, sinanay niya ito hanggang sa mataas na antas kaya't ang kanyang mga butas ay maliliit at mayroon lamang akong limampung porsiyentong pagkakataong manalo,' pinag-aralan at hinulaan ni Zhao Feng sa kanyang isipan.
Abg pinakamalaking diperensya sa pagitan niya at ni Zhao Yijian ay ang antas ng martial art skill. Upang matalo si Zhao Yijian, mayroon lamang siyang dalawang pag-pipiliian.
Ang una ay mag-aksaya ng oras, mag-aksaya hanggang ang kalaban ay mapagod. Si Zhao Feng ay may buong kumpiyansa, na sa pamamagitan ng kanyang kaliwang mata at inner strength, ay kaya niyang madaig si Zhao Yijian.
Ang pangalawang daan ay gumamit ng inner strength at manalo gamit ang puwersa!
Habang si Zhao Feng ay pinag-iisipan ito…
"Judge, sa tingin ko'y sila'y parehong mga henyo at kung ito'y magtatagal at isa sa kanila ay malubhang masaktan o mamatay, paparusahan tayo ng sect."
Kadalasan, kung sila'y mag-aaksaya ng oras, si Zhao Yijian ay mayroong limampu hanggang animnapung porisyento ng pagkapanalo, subalit mayroon siyang kakaibang pakiramdam na ang pag-aaksaya ng oras ay hindi isang maganda ideya.
"Pero…hindi pa sila tapos." Ang tagapag-husga ng laban ay nag-aalinlangan dahil ang cultivation ni Zhao Tianjian ay naabot na ang ika-anim na ranggo at ang kanyang estado ay hindi mababa.
"Bagama't hindi pa sila tapos, hindi mo ba nakikita kung sino ang mas lamang?" Si Zhao Tianjian ay nagbigay ng isang 'marunong' na tingin patungo sa entablado ng tagapag-husga. Malina na kung ito'y magawa ng mabuto, magkakaroon ng mga malalaking gantimpala…
"Sige," sabi ng tagapag-husga, "Numero isang daan at walumpu't walo, Zhao Feng, ikaw ay nalulugi, kung ito'y magtatagal pa ang judge ay may karapatang gumawang desisyon."
Ayos lang 'to?
Nakaramdam ng alon ng galit si Zhao Feng sa kanyang puso. Ang tagapag-husga ay malinaw kumikiling patungo kay Zhao Yijian. Halata namang, ang tagapag-husga ay hindi kayang hayagang sabihin na nanalo si Zhao Yijian, subalit bilang tagapag-husga, sila ay mayroong karapatang gumawa ng desisyon matapos ang ilang saglit. Halimbawa, ang tagapag-husga ay maaring gumawa ng desisyon kung a laban ay masyadong magtatagal.
Ang desisyon ng tagapag-husga ay nagdulot ng ilang kaguluhan.
"Bagama;t si Zhao Feng ay nalulugi, hindi rin siya natatalo."
"Hmph, ang kaya lang niya ay tumakbo! Inaaksaya lamang niya ang ating oras!"
Ang mga tao ay pinag-usapan ito ng tahimik.
Bagama't ang pakiramdam ilan sa mga nakatatandang henerasyon ay hindi ito makatarungan, hindi sila handa upang galitin si Zhao Tianjian at ang kanyang anak para lamang sa isang branch sect disciple.
"Sige! Hindi ako tatakbo!" Mapait na tawa ni Zhao Feng habang siya'y huminto.
"Bata! Tanggapin mo ang espada ko!" Si Zhao Yijian ay buong pasalamat na tumingin sa kanyang ama.
Si Zhao Tianjian ay tumayo habang ang kanyang mga kamay ay nasa kanyang likod, ngumingiti ng maliit. Sa puntong ito, ilang tao, katulad ni Zhao Kun ay may nalulugod na mga mukha.
Si Zhao Xue ay tumingin sa pamilyar na anino na yoon at nagbuntong hininga. Mayroon siyang kumplikadong pakiramdam patungo sa kanya, ang ilan ay naawa, ilan ay malamig.
Sssss!
Bago pa man makalapit ang Cold Flowing Sword ni Zhao Yijian kay Zhao Feng, ang huli ay hindi gumawa ng kahit anong galaw para umiwas.
"Angry Dragon Fists!" Binuhos ni Zhao Feng ang lahat ng kanyang galit sa suntok na ito.
Arogante! Ang ilan sa mga elders ay iniling ang kanilang ulo.
"Ai," ang tagapag-husga ng entablado ay nagbuntong hininga rin.
"Hahaha! Wala na yang kabuluhan. Madurog ka!" Tumawa si Zhao Yijian habang iwinawagayway niya ang kanyang kumikintab na espada.
"Bumukas ka!" Si Zhao Feng ay huminga ng malalim ay naglabas ng isang napaka makapangyarihang aura.
Hu~~~
Isang mahinag berdeng ilaw ang lumabas sa mga braso at kamao ni Zhao Feng. Mukha itong napakaganda sa ilalim ng liwanag ng araw.
Bago pa man dumanting ang kamao, ang mga hangin ay tinamaan na ang katawan ni Zhao Yijian.
Peh!
Bilang si Zhao Feng ay nasa gitna, ang alikabot sa ilalim ng hindi nakikitang puwersa ay unti-unting lumutang pataas,
"Ano! Yan ay…"
"Ito'y…" Ang pangunahing tagapag-husga ay napatayo, ang kanyang mukha ay puno ng eksaytment.
Masamo 'to! Ang ekspresyon ni Zhao Tianjiang ay pumangit.
"Anong nangyayari!" Nakaramdam si Zhao Yijian ng isang hindi kilalang pressure na hinihila siya pababa, na ginagawa rin siiyang hindi makahinga.
Dang! Kraaaak——
Si Zhao Yijian ay dumura ng isang bunganga na puno ng dugo.
Clang!
Ang kanyang epada ay nahati sa dalawang piraso at nahulog sa lupa. Mayroon ding isang hindi nakikitang puwersa na dumaan sa espada patungo sa kanyang katawan.
"Ah!"
Si Zhao Yijian ay umungol nang tumalsik siya ng dalawampung metro paatras.
Hu~
Nang ibinibaba ni Zhao Feng ang kanyang mga kamaom ang mga alikabok ay nahulog pabalik sa lupa.
Hindi kung gaano katagal na ang lumipas, may kung sinong sumigaw, "Inner Strength ng Martial Path!"
Si Zhao Feng ay may chi!
Isang mahinang berdeng liwanag ang kumislap sa buong katawan ni Zhao Feng…