Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 23 - Ang Mataas na Antas ng isang High Ranked Skill

Chapter 23 - Ang Mataas na Antas ng isang High Ranked Skill

Pagkatapos ng paking palitang, ang kanilang pagkakaiba ay agad na lumabas.

Napa pirmi narin ni Zhao Guang ang kanyang sarili habang nakititig siya kay Zhao Feng sa gulat.

Si Zhao Feng ay hinid umatake. Kung bilis ang pag-uusapan, mayroon siyang kumpletong tiwala na maging ang ilang cultivators ng ika-apat na ranggo ay hindi siya magagawang talunin.

Sa puntong ito, ang laban sa pagitan nila Zhao Feng at Zhao Guang ay ang pokus ng lahat ng tao.

"Ang kanyang bilis ay mas mabilis pa kaysa kay Zhao Guang!" Ang top three disciple ay nagulat.

"Isang napaka gandang footwork skill!" Ang mga elders na nanonood ay nagulat din,

"Ang kanyang skill ay napaka pamilyar," bulong ng pangunahing tagapag-husga.

"Natutunan niya ang Lighly Floating Ferry! Sigurado ako!" Isang martial artist ay binigyan si Zhao Feng ng isang kumplikadong tingin. Ang Martial Artist na ito ay minsang pinag-aralan ang Lightly Floating Ferry. Gayunpaman, ang footwork ng Lightly Floating Ferry ay masyadong mahirap na sanayinm, kahit isa lamang itong parte ng skill, kaya'y siya nakapagsanay lamang dito ng dalawang taon bago sumuko.

"Yun ay Lighly Floating Ferry!"

"Para sanayin ang Lightly Floating Ferry hanggang sa isang mataas na antas ay nangunguhulugang ang kanyang kumprehensyon ay hindi masama…."

Bagama't ang Lightly Floating Ferry ay isang high rank skill, ito'y kinukunsidera paring isang sirang skill nay may limitadong potensyal.

"Umaatake na si Zhao Feng!"

Si Zhao Feng ay tulad ng hangin, ang kanyang bilis ay masyado talagang mabilis. Ginamit ni Zhao Guang ang lahat ng kanyang lakas, subalit hindi parin niya maiwasan ang mga atake ni Zhao Feng.

"Ang panglimang tindig ng Angry Dragon!"

Ang Angry Dragon Fists ay napaka popular sa gitna ng mga middle ranked martial skills kaya't madali itong nakilala.

Peh! Pah! Beng…

Si Zhao Feng ay inipit si Zhao Guang. Pakiramdam ni Zhao Guang ay tila hindi siya makahinga dahilg ng pressure ay masyadong malakas. Bawat suntok ay pinapaatras siya. Siya'y lubos na kinokontrol ni Zhao Feng.

Kung bilis ang pag-uusapan, madaling siyang nalagpasan ni Zhao Feng. Kung ang lakas ang pag-uusapan, nalagpasan rin siya ni Zhao Feng.

Wah!

Matapos sanggain ang pangwalong suntok, si Zhao Guang ay dumura ng isang bunganga na puno ng dugo at sumuko. Si Zhao Guang, na panglima ang ranggo, ay natalo sa sampung galaw.

Bagama't alam nilang malakas si Zhao Feng at kayang niyang hamunin ang top five, ang mga resulta ay pinamangha parin ang mga tao. Ang pagganap ni Zhao Feng ay hindi mas mahina kila Zhao Yue at iba pa.

"Ang katalinuhan ng batang ito ay napaka taas. Hindi lang niya nagsanay sa isang core rank martial art hanggang pinaka mataas na antas, nagsanay din siya sa Angry Dragon Fists hanggang sa mataas tugatog na antas.

"Kaya niyang talunin si Zhao Guang sa pamamagitan ng kanyang tugatog na antas na middle ranked martial art,"

Ang mga laban ay nagpatuloy.

Mayroon lamang apat na tao ang may sunod sunod na mga panalo: Sina Zhao Yue, Zhao Yijian, Zhao Yufei at Zhao Feng. Ang apat na ito'y kilala bilang 'Malakas na Apat."

"Zhao Feng! Zhao Feng!" Ang mga tao ay nagbubunyi habang si Zhao Feng ay umaakyat sa entablado. Bawat akyat niya, karamihan sa kanyang mga kalaban ay umamin ng pagkatalo o kaya'y natalo sa ilalim ng tatlong mga galaw.

Nakaharap ni Zhao Feng maging si Zhao Kun.

"Sumusuko na ako!" Kinagat ni Zhao Kun ang kanyang mga labi at gustong maghukay ng butas para magtago sa loob nito.

Ang lakas ni Zhao Feng ay nalagpasan ang lakas ng kanyang kuya, paano pa kaya siya mananalo?

Ang 'Apat na Malakas' ay itinuloy ang kanilang pagdodomina sa kanilang mga laban. Maramami ang nag-aantay kung kalian mag sasagupa ang 'Apat na Malakas'.

Sa huli, matapos ang animnapung panalo, si Zhao Yue, na una ang ranggo ay nakaharap laban kay Zhao Yijian, na pangalawa nag ranggo.

"Zhao Yue! Zhao Yue!"

"Zhao Yijian! Zhao Yijian!"

Maraming tao ang sumigaw sa pag-aabang.

"Zhao Yue! Mula nung laban na natalo ako sayo, sa wakas ay nagkita muli tayo!" si Zhao Yijian ay puno ng fighting will.

Sa mga outer disciples, si Zhao Yue ay napaka low-key. Ang ginagawa lang niya araw-araw ay mag cultivate at kaya't ang kanyang pundasyon ang pinaka solido, na nagpapahintulot sa kanya na manatiling nakaupo sa numero unong upuan.

"Gawin mo na ang 'yong galaw, makikita natin kung ang iyong Cold Flowing Sword ay mas malakas kaysa sa aking Metal Body." Ang tangkad ni Zhao Yue ay mas tumatakip sa ibabaw ni Zhao Yijian,

Jiang!

Inilabas ni Zhao Yijian ang kanyang espada mula sa lalagjyan nito.

Sa sandaling ang Cold Flowing Sword ay ginamit, ang hanging ay tila nagyeyelo.

"Metal Palm!" Ang katawan ni Zhao Yue ay matigas na nakatayo habang ang kanyang kamao ay sumuntok patungo sa espada.

Peng!

Ang mga pagsabog ay ginawang mapanginig ang mga eardrums ng mga mas mababang cultivators.

Si Zhao Yihian umaatras ng dalawang hakbang, pagkatapos ay umikot para sumaksak sa mababang parte ng katawan ni Zhao Yue.

"Isa sa kanila ay depensiba habang ang isa ay opensiba."

Malinaw namang ang lakas ni Zhao Yijian at Zhao Yue ay kayang tumalo sa mga quasi Martial Artists.

Kung hindi nabuo ni Zhao Feng ang kanyang chi, hindi niya magagawang makapasok sa mga depensa ni Zhao Yue.

Ding! Ding! Beng…

Ang laban nila Zhao Yue at Zhao Yijian ay umabot na sa sukdulan. Ang espada ni Zhao Yijian at naging pabilis ng pabilis. Nag napaka lamig na hangin ay bumalot sa katawan ni Zhao Yue. Patuloy paring sinasangga ni Zhao Yue ang espada ni Zhap Yijian.

Kung ito'y isa pang nasa ikatlong ranggo sa halip ni Zhao Yue, sila'y matatapos sa isang galaw.

"Ang pundasyon ni Zhao Yue ay napaka solido at ang kanyang espesyalidad ay depensa. Kung hindi magawa ni Zhao Yijian na mananalo sa kalahati ng oras upang magpakulo ng tsaa, siya'y hindi mananalo…" sabi ng pangunahing tagapag-husga.

"Hehe, kalahati ng oras upang magpakulo ng tsaa? Hindi niya kailangan ng ganoon katagal," Tiwalang sabi ng may katandaang lalaki, na am ani Zhao Yijian.

"Oh?" The main judge's expression changed.

At this moment, the battle suddenly changed.

Hu!

Hu!

Si Zhao Yue ay umungol nang ang kanyang braso ay nahiwa.

"Paana nawasak ang aking Metal Body…? Namuti ang mukha ni Zhao Yue.

Ang Metal Body ay isang skill na ginagawang kasing tibay ng bakal ang katawan ng isang tao. Kasama ang Metal Fists, ang kanyang lakas at depensa naabot ang isang mataas na antas. Naniniwala siyang walang sinuman sa ilalim ng ika-apat na ranggo ang kayang butasin ang kanyang depensa.

"Mataas na antas ng isang high rank martial art skill!' sumigaw ang judge.

Mataas na antas ng isang high rank martial art? Ang mga malapit na disciples ay huminga ng isang malamig na hininga.

Para sa karamihan ng mga high ranked martial arts, ay sapat na itong mahirap para sanayin hanggang sa mababang antas. Para sanayin ang isa hanggang sa mataas na antas ay mas mahirap.

Gayunpaman, kapag narating nito ang mataas na antas, ang pinsala ng skill ay limampung porsiyentong mas mataas kaysa sa kung ano ito sa mababang antas.

Ang Flowing Cold Sword ay isa nang nakakatakot na high rank offense skill. Kapag ang sinumang nasa ikatlong ranggo ay sinanay ito hanggang sa mababang antas, siya'y magkakaroon ng lakas ng isang quasi Martial Artist. Kung sinanay niya ito hanggang sa mataas na antas, kaya na nitong pagbantaan ang mga Martial Artists.

"Mataas na antas ng isang high rank martial art! Hindi na nakapagtataka! Kongratyulisyon Zhao Tianjian, sa pagkakaroong ng isang napaka talentadong anak," ang pangunahing tagapag-husga ay ngumiti sa ama ni Zhao Yijian..

"Salamat elder!" Si Zhao Tianjian ay nagulat dahil ang pangunahing tagapag-husga ay isang elder, na ang estado ay higit na mas mataas kaysa sa kanya.

Sa entablado…

:Ice Cold Flash!"

Pinabilis ni Zhao Yijian ang kanyang espada.

Fssssh!

Ang damit ni Zhao Yue ay nagka-pirapirasao habang ang kanyang katawan ay nahiwa ng maraming beses.

"Panalo si Zhao Yijian!" agad na sinabi ng tagapag-husga.

"Mataas na antas ng isang rank martial art. Hindi ako natalo ng hindi makatarungan," Sabi ni Zhao Yue habang nagbuntong hininga siya.

Matapos talunin si Zhao Yue, ang momentum ni Zhao Yijian ay hindi na mapigilan.

"Zhao Yijian! Zhao Yijian!"

Ang mga tao sa ibaba ay nagpugay. Maraming mga kabataan ay tumitingala ng may paghanga sa kanya. Si Zhao Yijian na ngayon ang hari ng mga outer disciples.

Pinagmasdan ni Zhao Yijian ang paligid at ang kanyang mga mata ay napadpad kay Zhao Feng. Ang kanyang mga labi ay kumulot patungo sa isang malamig na ngiti habang naka nanglalait na naka ngiti kay Zhao Feng.

"Brother Jian!" Si Zhao Xue na ang mukha ay pulang pula ay tumakbo patungo sa kanya. Naniniwala siya na ang lakas niya ay hindi matatalo. Sa parehon oras, sumulyap siya patungo kay Zhao Feng.

Si Zhao Feng ay walang ekspresyon.

Ngayon, may tatlong tao nalang ang natitira na may perpektong rekord. Si Zhao Yijian, Zhao Feng at Zhao Yufei. Gayunpaman, wala ng halos ekpektasyon ang natitira ngayon.

Sa opinyon ng mga tao, si Zhao Yijian ay hindi matatalo sa kahit sinumang mula sa mga outer disciples! Siya't mataas rin ang mararanggo sa mga inner disciples.

"Mataan na antas ng isang high rank martial art?" Bulong ni Zhao Feng.

Ang kanyang perpektong rekord ay patuloy lamang na tumataas at hindi nagtagal ay naabot na ang animnapung panalo… animnapu't isang mga panalo…

Gayunpaman, ang laban sa pagitan nila Zhao Yijian at Zhao Feng ay hindi maiiwasan.

Sa huli, sa kanyang animnapu't siyam na panalo, si Zhao Feng ay nakita ang binatang nakasuot ng lila na nakatayo sa entablado.

Ito'y si Zhao Yijian!

Ang mga tao ay nanahimik habang ang dalawa ay hinaharap ang bawat isa. Matapos ang lahat, si Zhao Feng ay mayroon din isang perpektong rekord.

"Zhao Feng! Hindi ka naman siguro aamin ng pagkatalo, di ba? Mapang asar na sinabi ni Zhao Yijian.

Sa kanyang opinyon, ang tanging kalaban lang niya ay si Zhao Yue, ang iba ay mga basura.