Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 59 - Kabanata 59: Isang Bisita mula sa Probinsya

Chapter 59 - Kabanata 59: Isang Bisita mula sa Probinsya

* * *

"Isa ba itong utos ng pagkakabilanggo mula sa Zhao family?" Tila nabuhusan ng malamig na tubig si Zhao Feng.

Siya ang nasa unang puwesto sa summit, pero ganitong klase ng pagtrato ang kanyang matatanggap, sa halip na ipagmalaki bilang isang bayani? Hindi naman siya isang baliw, ang totoong nakipagsabwatan sa Qiu family ay ang dalawang namatay! Noong gabing iyon na pauwi siya, halatang planado ito. Inimbitahan siya ni Qiu Mengyu para bigyan sila ng oras na gawin ang plano. Kapag nagtagumpay sila at namatay si Zhao Feng sa loob ng teritoryo nila, ano ang magiging reaksyon ng Zhao sect? Higit pa roon, ang isang patay na henyo mula sa branch sect ay hindi naman makakapagpaganyak sa mga nakatataas para hanapin ang pumatay.

"Maghinay-hinay ka!" Tugon ni Elder Zhao, "Hangga't nabubuhay pa ako, wala silang kahit anong ebidensya sa iyo. Sisiguraduhin kong malalaman ko ang katotohanan!"

"Salamat sa iyong pagpapahalaga, elder." Punong-puno ng respeto pasasalamat na sambit ni Zhao Feng.

Sa totoo lang, kung wala si Elder Zhao para depensahan si Zhao Feng, hindi lang magiging kasing simple ng hindi pag-alis sa teritoryo ang maaaring ipagawa sa kanya.

Isang utos ng pagkakabilanggo?

"Wala naman akong plano na pumunta kahit saan! Kung kaya anong magagawa mo?" Malamig ang tawang nagmula sa puso ni Zhao Feng at hindi na siya nag-abala pang magpaliwanag.

Isang branch disciple lamang siya kung kaya ang mga nakatataas sa sect ay walang tiwala sa kanya. Kung sasabihin niya naman ang totoo, ang itinatago niyang kapangyarihan at cultivation ay maaaring mabuko at magdulot na naman ng maraming problema..

*****************

Pagkabalik sa kanyang tahanan…

Umupo nang kalmado si Zhao Feng at nagcultivate, ang kanyang mga natamong sugat ay malapit nang gumaling. Gamit ang kanyang cultivation na nasa ikaanim na antas, ang kanyang lakas ay maituturing na top tier ng Sun Feather City, at ang maaari lamang na magbanta o makapaslang sa kanya ay ang mga Martial Masters. Bukod doon, wala namang pwede pang pagtuunan ng pansin si Zhao Feng.

"Iiwan ko na ang Zhao Family, lilisan na rin ako ng Sun Feather City, gusto ko nang makita ang mundo sa labas," ito ang kahilingang nasa puso ni Zhao Feng, hindi niya na maramdaman na nabibilang siya rito.

Mula sa araw na nakita niya ang misteryosong babae sa kanyon, nagkaroon siya ng pagkaulila sa mundong labas. Sa loob ng dimensyon sa kanyang kaliwang mata, ang palm attack ng babaeng iyon ay paulit-ulit na nagpapakita. Hanggang sa ngayon, hindi niya maunawaan ang kasidhian at lalim na nilalaman nito.

**********

Sa isang kisapmata, kalahating buwan na ang lumipas. Binilang ni Zhao Feng ang mga araw at napagtanto niyang labing-apat na taon na pala siya.

Mas higit siyang nagsasanay sa mga lumipas na araw, ang kanyang Lightly Micro Step ay nasa peak level na. Napagtanto niya ring ang kanyang pang-unawa sa high ranked martial arts ay lalong humusay nang maintindihan niya na rin ang One with the Heavens aura. Kaparehas ito ng isang Martial Master na natututo ng low ranked martial arts, isang napakadaling gawain para sa isang nasa ikapitong antas.

Ramdam rin ni Zhao Feng na kahit ang Star Finger ay hindi na mahirap sanayin. Kasalukuyan, ang kanyang Star Finger ay hindi na nalalayo sa mga huling yugto ng ikaapat na lebel. Sa araw rin na naging labing-apat na si Zhao Feng, isang bisita ang dumating sa Zhao family. Sa ngayon, lahat ng mga nakatataaas na myembro ng Zhao sect ay naparoroon. Bukod kay Elder Zhao na tagabantay ng Martial Arts Library, lahat ng elders ay dumalo rin.

"Ano ho ang meron sa aming pamilya at naparito pa po talaga kayo Master Ye?" Tanong ng head of the sect sa anyong nakaupo sa pinakamataas na luklukan.

Ang taong nakaupo sa pinakamataas na luklukan ay isang hindi gaanong katandaan na lalaki na nasa tatlumpu't lima ang edad. Mukha siyang mortal, isang taong hindi nagcucultivate. Ngunit bawat galaw niya, bawat hininga niya, ikinagugulat ng mga elders. Tanging ang mga nasa ikapitong antas lamang at pataas ang nakadarama ng panganib mula sa lalaki, kahit pa ikinubli niya ang kanyang aura.

"Narinig ko na ang Xin at Zhao family ay parehas na may mga talentadong henyo. Nasa ilalim ako ng utos ni Lord Guanjun para imbestigahan ito," matapos niya itong sabihin, bumilis ang paghinga ng lahat.

Lord Guanjun!

Malamig na pawis ang lumabas sa anit ni Zhao Tiancang. Bilang isang lungsod sa ilalim ng kontrol ng Guangjuan Province City, paanong hindi nila makikilala si Lord Guanjun?

Ang Zhao family ay isa lamang sa labindalawang siyudad na nasa ilalim ng Guanjun province, at ang diktador ng probinsya ay wala ng iba kundi si Lord Guanjun!

Ang kanyang kuwento ay isang alamat na mismo. Si Lord Guanjun ay isa sa mga pitong pangunahing panginoon o seven major lords, nag-uumapaw ang kanyang cultivation. Minsan na siyang pumatay ng dalawang daang libong sundalo, pumaslang ng labingwalong Martial Masters na nasa ikapitong antas pataas, at kinitil rin ang buhay ng isang kalabang heneral na nasa ikasiyam na antas. Kamakailan rin, kumatay siya ng limang high tier na halimaw sa isang atake lang, kapwa lahat ng ito ay mas malakas pa sa Two Winged Sword Teeth Tiger na nakasagupa ni Zhao Feng.

Narating niya rin ang ikasiyam na antas bago pa umabot ng tatlumpung taon. Sampung taon ang lumipas, nagkaroon ng mga tsismis na naabot niya ang maalamat na Holy Martial Path! Hindi na mahalaga kung totoo man iyon o hindi, si Lord Guanjun lang naman ang isa sa mga powerhouses ng bansa!

Ano naman ang Zhao family kumpara rito?

At ngayon nagtungo si Master Ye sa Zhao sect sa utos ng taong iyon. Naging maligalig ang lahat ng naroroon habang nagtitinginan.

"Maaari ho ba naming malaman kung sino ang henyong hinahanap niyo Master Ye?" Pinunasan ni Zhao Tiancang ang pawis na namumuo sa kanyang noo.

Si Master Ye ay nasa ikasiyam na antas at mataas rin ang posibilidad na isa siya sa mga kanang kamay ni Lord Guanjun. Sa buong Sun Feather City, napakaliit lamang ng tsansa na magkaroon ng cultivators na nasa ikawalong antas. Sa lakas na mayroon si Master Ye, kaya niyang patayin ang lahat ng Martial Masters sa siyudad na para bang pumapatay lamang ng mga pusa at aso. Maaaring sabihin na walang laban ang Zhao Family sa kanya.

"Ayon sa aking impormasyon, ang Xin at Zhao family ay parehas na may henyo. Hindi ko pa alam ang kanilang mga pangalan… Kagagaling ko lamang sa Xin family pero ikinadismaya ko ang resulta…" Hindi mapigilang umiling ni Master Ye.

Hindi niya natagpuan si Xin Wuheng, sapagkat naglaho ito matapos ang summit. Wala pa ring kahit anong palatandaan sa kanya matapos ang isang buwan, at bukod kay Xin Wuheng, wala namang kahit anong kakaibang at talentadong kabataan ang Xin family.

"Um… Kung hindi niyo ho alam ang pangalan, hindi po natin malalaman kung sino ang tinutukoy niyo," isang liwanag ang kumislap sa mga mata ni Zhao Tiancang.

Kaswal na sinabi ni Master Ye, "Madali lang iyan, ilabas niyo lang ang pinakatalentado niyon tao."

Ang head of the sect at ang mga elders ay nagpalitan ng tingin. Kung pag-uusapan nila ang pinakatalentadong kabataan, kailangan nilang pumili sa pagitan ni Zhao Feng at Zhao Linlong. Pero si Zhao Feng ay nasa ilalim pa ng obserbasyon at ang teritoryo ng Zhao ang magsisilbing kanyang kulungan, higit pa roon, may hinala silang nakikipagsabwatan ito sa Qiu family.

"Haha, mukhang hindi yata nalalaman ng Zhao sect kung sino ang kanilang henyo?" Tumawa si Master Ye nang ilabas niya ang kanyang aura.

Sa pagkakataong iyon, mukhang tumataas ang temperature. Isang panggigipit ang nangyayari kay Zhao Tiancang at sa iba pang mga elders.

"Mayroon-mayroong isa," mabilisang sabi ni Zhao Tiancang, "Mayroon kaming henyo sa sect, siya ang anak ko na si Zhao Linlong. Naabot niya na ang ikaanim na antas bago pa maglabingwalong taong gulang at nakakuha na rin siya ng mga kabatiran sa Holy Martial Arts noong mga nakaraang araw."

Agad namang nagsitanguan ang mga elders bilang senyales ng pagpayag. Totoo namang si Zhao Linlong ang may pinakamataas na cultivation sa kanilang mga kabataan. Higit pa, mayroon na siyang mga kabatiran sa partial Holy martial arts, ito ay isang bagay na kahit ang ibang elders ay hindi kayang magawa.

"Oh? Ilabas niyo siya." Mukhang interesado si Master Ye.

"Pakisundo na ngayon si Zhao Linlong!"

***********

Hindi nagtagal…

Pumasok sa silid si Zhao Linlong na nakasuot ng gintong roba at binati ang lahat ng naroroon. Nang makita niya na hindi nakaupo ang head of the sect sa pinakamataas na luklukan, nagulat siya.

Mula sa sitwasyon, mukhang ang lahat ng elders ay takot sa taong ito…

"Hmm… Labingwalong taong gulang, ikaanim na antas, meh, katamtaman." Bahagyang tumango si Master Ye, tila hindi siya nasisiyahan.

Katamtaman?

Galit ang namuo sa puso ni Zhao Linlong. Mukhang pati ang mga elders ay nagulantang. Tanging si Zhao Linlong lang naman ang nakaabot ng ikaanim na antas bago maglabingwalo.

Halatang hindi nila alam na si Xin Wuheng at Zhao Feng ay parehas nang nasa ikaanim na antas, nasa peak na rin ng ikaanim ng antas si Xin Wuheng. Kahit malapit nang maglabingwalo si Zhao Linlong at si Zhao Feng naman ay labing-apat at nasa ikalimang antas pa lamang ang kanyang cultivation, kitang-kita na ang kanyang potensyal ay nakahihigit kay Zhao Linlong.

"Ipakita mo sa akin ang iilan sa iyong mga skills," walang ekspresyon na sinabi ng lalaki.

"Opo, Master Ye." Hindi na mapigilan pa ni Zhao Linlong ang pagkamaligalig. Mula sa pakahulugan ng mga mata ng kanyang ama-amahan, alam niyang ito na ang kanyang tsansa para baguhin ang kanyang tadhana.

Spatial Cloud Finger!

Bumulalas si Zhao Linlong at ginamit ang kanyang pinakamalakas na atake. Kasabay nito, ginamit rin niya ang Shadow Step. Matapos ipakita ang kanyang skills, punong-puno ng kumpiyansa si Zhao Linlong. Bawat finger attack na pinapakita niya ay parang isang pagsabog sa kalangitan.

"Napakagaling! Napakagaling!"

Hindi mapigilan ng mga elders na tumango at humiyaw para sa kanya. Pero sa mula sa pinakamataas a luklukan, wala pa ring ekspresyon ang mukha ni Master Ye. Walang nakakaalam kung ano ang iniisip niya.

* * *