Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 64 - Sino ang Hunter?

Chapter 64 - Sino ang Hunter?

"Bakit tayo susuko? Dapat tayong magpunta doon at patayin silang lahat." Nagulat ang karamihan sa sinabi ni Zhao Feng.

Atakihin ang Liu family?

Puno ng takot si Zhao Kayuan. "Hindi! Ang Liu family ang Panginoon ng Green Leaf Village…"

Sa kanilang isipan, ang Liu family ay walang kapantay. Tanging pagsuko lamang ang maaari nilang gawin. Sa pagtanggap ng hamon, hindi na sila nagtangka na isipin pa ito maliban kung sa tingin nila ay masyadong mahaba na ang kanilang buhay.

"Ako na ang bahala."

Nag-iwan ng afterimage si Zhao Feng kung saan siya nanggaling. Kasunod nito ay tumalon siya sa bubong at nawala sa loob lamang ng ilang paghinga.

_Hindi ito mabuti!_

Nakaramdam ng pagkabalisa sina Zhao Kauan at Zhai Tinyang. Paano matatalo ng isang bata ang Liu family?

"Sundan niyo siya!" sigaw ng dalawa mula sa loob ng silid. Gayunpaman, walang nakahabol sa Green leaf Village kay Zhao Feng. Kahit ang bilis ni Zhao Kayun ay mababa pa sa kalahati ng kaniya.

Sa labas, pina-ikot ni Zhao Feng ang Lightly Floating Ferry at lumipad sa pagitan ng mga puno. Ang kaniyang mga paa ay hindi na halos sumasayad sa lupa sa kaniyang pagtakbo. Ang kaniyang Lightly Floating Ferry ay umabot na sa mataas nitong lebel. Ngunit kapag ginamit niya ang skill na ito, maaari ring gamitin ni Zhao Feng ang Flowing Wind Stance kasabay nito.

Ang Flowing Wind Stance ang pinakamadaling hakbang sa apat na incomplete Holy martial arts. Sa sandaling ito, nang ginamit niya ang Flowing Wind Stance at Lightly Ferry, nagmistula siyang hangin sa kaniyang bilis at liksi.

_Teng! Teng!_

Naramdaman ni Zhao Feng ang mas gumaan ang kaniyang katawan at mas naging banayad ang kaniyang paglipad.

Sa isa pang iglap, nadagdagan pa ang kanyang bilis.

_Shua!_

Isang anino ang dumating nang may kahanga-hangang bilis. Hindi maitago ni Zhao Feng ang kaniyang saya, ang Flowing Wind Stance ay may kahanga-hangang epekto. Makikita na nawala sa tamang tuntunin si Zhao Linlong noong inakala niyang offensive skill ito.

****************

_Green Leaf Village, Liu family..._

"Elder, ang henyo mula sa Zhao family ay dumating at sinaktan ang ating mga kapatid," dali-daling sabi ng cultivator ng Liu family.

"Hm? Ang munting Zhao family ay nagtangkang saktan ang ating mga tauhan?" Ang matabang lalaki na hindi katandaan ay umupo sa silid.

Habang nagsasalita siya, dahan-dahan pa siyang uminom ng kaniyang tsaa. Siya ang hari ng Green Leaf Village at lahat ng nagtangka na hamunin siya sa nakalipas na mga taon ay naglaho. Ang Zhao family ay langgam lamang sa mga mata ng Liu family. Kung hindi lamang para sa pangunahing sekta ng Zhao, ang Liu family ay kanila nang tinapos.

"Elder, kailangan mo kaming tulungan. Hindi kasama sa kanilang mga tinitignan," hinaing ng mga mandirigma ng Liu family.

"Sabihin mo sa Zhao family na bibigyan natin sila ng isang araw upang ibigay nila sa atin ang batang iyon," malamig na sambit ng matabang lalaki.

"Oo, sige." Ang ekspresyon ng mga mandirigma ng Liu family ay naging malugod.

"Hindi ito mabuti! Ang kabataan mula sa Zhao family ay nandito na!" Sa sandali lamang iyon, sigawan ang nangibabaw sa labas.

_Plop! Plop!_

Isang anino ang dumating sa mansyon ng Liu family at wala ni isa ang nakapigil sa pagkilos nito.

"Sect leader! Sect leader! Ang bata ay pumasok sa loob ng mansyon at sinaktan ang sampu hanggang dalawampung mga tao!"

Kaguluhan ang nangibabaw sa mansyon.

Sa silid-pahingahan ng Liu family, ang head ng Liu family na si Liu Guirong, ay naka-upo kasama ang dalawang elders at ng sixth rank.

"Sobrang bilis ng lalaking iyon," saad ng isang elder na kasing payat na ng tangkay.

"Kailan pa nagkaroon ang Zhao family nang ganoong kahusay na kabataan?" Taimtim ang ekspresyon ng matabang elder.

Sa kanilang ikalimang antas sa cultivation, hindi na nila halos makita ang paggalaw nito. Mabuti na lamang na ang mga panahong ito ay naging payapa ang mansyon sa hindi na muli paglitaw ng kabataan.

Lahat ng mata ay nabaling sa head ng sekta, na may pinakamataas na cultivation. Puti na ang buhok ni Liu Guirong, ngunit mayroon pa rin ang kaniyang itsura. "Pagdating sa liksi, Hindi ako mas mabilis sa kaniya."

_Paano nangyari iyon!?_ Kumirot ang kanilang puso. Sa kabila ng lahat, Ang cultivation ni Liu Guirong ay nakaabot na sa ika-anim na antas, kalahating taon ang nakalipas at naging pinakamalakas na tao siya sa Green Leaf Village.

Ano ang maaari nilang gawin? Naramdaman ng Liu family na ito ay mahirap.

"Walang duda, kapag nilabanan niya ako, sigurado akong mananalo ako." Tanging ang sect leader lamang ang mahinahon.

"Hmph! Kapag tinangka pa muli ng batang iyan na pumunta rito, Sisiguraduhin kong 'di na siya makakabalik," sigaw ng lahat.

Sa sandaling ito, walumpung porsiyento ng mga high levels ang naroon at ang kanilang lakas nila ay kayang sumira ng kahit anong puwersa sa Green Leaf Village.

Kung dumating ang batang mula sa Zhao family… Ito ay plano na ginawi ni Liu Guirong.

"Haha, lahat kayo ay magkakasama. Mabuti iyan! Hindi niyo na ako papahirapan na hanapin kayong lahat," isang tawa ng bata ang sumulpot mula sa kisame.

Ang ekspresyon ng mga cultivators na naroon ay nagbago. Kailangan pa siya nakarating sa kisame?

_Boom!_

Yumanig ang kisame nang butasin ito ng bata at nagtungo sa gitna ng silid.

Ang taong iyon ay si Zhao Feng. Ang kanyang pinatunguhan ay eksaktong gitna ng silid, nangangahulugang siya ay napalilibutan.

"Hahaha… Salamat sa pagdating!" Masayang saad ng matabang elder.

Lumitaw ang ngiti kila Liu Guirong at sa mga payat na elders. Ang anim na cultivators ng ika-apat na antas ay puno rin nang kagalakan.

"You're indeed excellent, but just a bit young."

"Ikaw nga ay tunay na mahusay, ngunit medyo bata pa."

Bakas sa mukha ni Lui Guirong ang katagang 'Ako ang mananalo'. Kung hindi dumating si Zhao Feng, wala silang magagawa sa kaniya dahil sobrang liksi nito. Pero ngayon… Binigyan sila ng pagkakataon ni Zhao Feng na harapin sila.

Sa sandaling ito, tinitignan nila si Zhao Feng nang mayroong 'isa kang tanga' sa kanilang mukha. Naintindihan agad ni Zho Feng ang nangyayari.

"Mukhang hindi niyo ata naiintindihan kung sino ang hunter at sino ang nahuli," ngumiti si Zhao Feng.

"Mamatay ka na!"

Lumapit ang mga cultivators sa kaniya habang sila ay punong-puno ng kagalakan, tanging ang head ng sekta ang may pangamba sa mga mata. Ngunit napalibutan na si Zhao Feng, kaya wala na dapat problemahin.

"Hulihin nyo siya!" utos ng matabang elder.

Howling Tiger Fist!

Stone Shattering Palm!

Flying Cloud Leg!

Gumamit ng iba't ibang skills ang mga cultivators sa pag-atake kay Zhao Feng. Hinarap ni Zhao Feng ang anim na ito sa isang bagsak. Binantayan ni Lui Guirong at ng dalawang elders ang daan upang mapigilan ang pag takas ni Zhao Feng

_Peng! Peng! Bang..._Iba't ibang skills ang natanggap ni Zhao Feng.

Metal Wall Rebound!

Naging metal ang buong katawan ni Zhao Feng at bumalik ang mga atake.

_Craaaaaack..._

Mga tunog ng nadudurog na buto ang patuloy na maririnig.

_Plop! Plop! Plop…_

Bumagsak ang anim na lalaki sa lupa, lahat sila ay may matinding pinsala. Ang senaryong iyon ay gumulat sa dalawang elders at kay Lui Guirong.

"Paano… Paano niya ito nagawa?" Sigaw ng matabang elder.

"Ikaw naman." Hinarap ni Zhao Feng ang tatlo.

"Sir, maaari natin itong pag-usapan nang maayos." Ang ngiti na mas pangit pa sa pag-iyak ang lumitaw sa mukha ni Liu Guirong. Ang lakas na ipinakita ni Zhao Feng ay humigit sa inaasahan nila. Maging si Liu Guirong ay walang tapang na talunin si Zho Feng.

"Bibigyan kita ng isang araw upang alisin ang buong Liu family at umalis sa Green Leaf Village, kung hindi ay sisirain ko lahat ng iyong cultivations," saad ni Zhao Feng.

Nanirahan siya sa Green Leaf Village nang halos buong buhay niya at alam niya kung paano kadalasang kumilos ang Liu family. Kaya ang parusa ni Zhao Feng ay maituturing pang madali.

"Sige sige sige!" Mabilis na sagot ni Liu Guirong at tumingin siya sa dalawang elders.

_Pumayag sila agad?_

Habang iniisip ito ni Zhao Feng… 

Smashing Wind Palm!

Liu Guirong's Inner Strength exploded as he shot out a high level martial art at Zhao Feng's forehead.

Sumabog ang kaloobang lakas ni Liu Guirong sa kaniyang paggamit ng high level martial art papunta sa noo ni Zhao Feng.

"Mamatay ka naaa!" Umatake ang dalawang elders mula sa magkabilang gilid.

Sa loob nang maikling pagitan at malakas na mga atake ng dalawa sa ika-limang antas at isa sa ika-anim na antas, nahuli nila si Zhao Feng.

"Bata, masyado ka pang bata!" Tumawa si Liu Guirong kasabay ng pag-abot ng kaniyang kamay sa noo ni Zhao Feng.

"Tanga!" Malamig na tumawa si Zhao Feng at nag iwan ng bakas mula sa kanyang pinanggalingan.

_Hindi ito mabuti!_

Ang mga atake ni Liu Guirong at ng dalawang elders ay hindi tumama, ni hindi man lamang nila na-hawakan ang damit ni Zhao Feng.

_Shua!_

Nang sumunod na sandali, muling sumulpot si Zhao Feng sa gitna nilang tatlo sa eksaktong posisyon niya kung babalik ang oras.

_Ano!?_

Malamig na pawis ang pumuno sa likuran nila Liu Guirong at nang dalawang elders.

"Mataas na antas ng martial arts… peak level?" Hindi na halos mabigkas ni Liu Guirong ang mga salitang ito.

Sa sandaling ito, napagtanto nila kung gaano kasindak-sindak ang kabataang ito.

Related Books

Popular novel hashtag