Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 65 - Kaliwang Mata ng Archery God

Chapter 65 - Kaliwang Mata ng Archery God

Hindi lamang nakaabot sa mataas na lebel ang Lightly Floating Ferry ni Zhao Feng, kung 'di naging perpekto din ang kaniyang Lightly Micro Step nang isinabay niya dito ang Flowing Wind Stance. Wala ni isa sa Sun Feather City ang nakaperpekto ng isang high ranked martial art, kahit ang naunang henerasyon.

"Kung mawawalan ka ng utang na loob, huwag mo akong sisihin na hindi ako magpipigil,"ipinakita ni Zhao Feng ang layuning pumatay.

Ngayon lang ay sinubukan siyang patayin ni Liu Guirong at ng dalawang mga elder. Kung hindi siya malakas, siguradong siya'y namatay na.

Katulad ng sinabi ni Liu Guirong, malambot pa rin ang puso ni Xhao Feng. Ang maging mabait sa kalaban ay pagiging marahas sa iyong sarili.

"Breaking Wing Palm, mamatay ka na…"

Kunwaring ginamit ni Liu Guirong ang kaniyang killing move, ngunit ang totoo, patungo talaga ito sa kabilang direksyon.

Takbo!

Ang dalawang elder ay kumilos rin. Naintindihan na nila ngayon kung anong pagkakaiba nila kay Zhao Feng.

"Tigil!" Utos ni Zhao Feng nang tumalon sa hangin at isaksak ang kanyang daliri nang ilang beses.

Sss...sssss...ssss...

Maririnig ang tunog ng pagsirit sa hangin. Tatlong asul na liwanag ang bumutas sa hangin at tumama sa mga target nito.

"Wuu…"

Nanigas ang katawan ni Liu Guirong nang may makitang butas sa kanyang noo na kasinglaki ng isang daliri. Nanatili ang takot at pagkagulat sa kanyang mukha.

Hindi naman lumapit sa kanya si Zhao Feng, kaya paanong nabutas ang kanyang noo? Nakita ng dalawang mga elder kung paano gumalaw si Xhao Feng, ngunit dalawang mantsa ng dugo ang lumabas sa kanilang mga dibdib.

Plop! Plop!

Ang dalawang elder ng ikalimang antas ay bumagsak sa lupa, walang buhay. Ginamit ni Zhao Feng ang kanyang Spatial Star Finger para patayin sila.

Teng!

Pagkatapos, bumagsak muli si Zhao Feng sa lupa. Pinatay niya ang tatlo sa loob lamang ng isang hininga. Ang isang Martial Master ay siguradong mahihirapan sa paggawa nito, ngunit tumaas ang bilis ng reaksyon ni Zhao Feng at nakatutok lamang ang kanyang mga mata sa kanyang mga target.

"Maawa ka sa amin!" Nasindak ng malupit na pamamaraan ni Zhao Feng ang mga sugatang Martial Artists sa lupa.

Sa kanilang mga mata, ang pamamaraan ni Zhao Feng ay kapantay ng sa mga Martial Masters. Hindi sila pinansin ni Zhao Feng habang naglalakad palabas ng pahingahan.

Sa mga sandaling ito, ang mga tao sa sangay ng sekta ay nagbalik na.

Papunta sa pahingahan ng pamilya ng Liu, ang lider ng sect na si Zhao Kayuan at tinignan si Zhao Feng.

"Isa itong babala at halimbawa para sa lahat ng kapangyarihan sa loob ng Green Leaf Village!" Tumayo si Zhao Feng sa bubungan habang umaalinagngaw ang kanyang boses sa nayon.

Isang halimbawa!

Ang puso ng lahat ay nanginig nang maintindihan ang mga salita ng youth. Simula ngayon, ang sino man sa Green Leaf Village ang maglakas-loob na kalabanin ang pamilya ng Zhao, ganiito rin ang kalalabasan.

Ang isang pamilya tulad ng mga Liu ay nakarating na sa ganitong katayuan, ano pang galing sa kanila ang katumbas nito? Kayang takutin ng henyo galing sa pamilya ng Zhao ang lahat ng kapangyarihan sa Green Leaf Village ngayon.

Nang malutas ang problema, iniwan na ni Zhao Feng ang ibang maliit na usapin kay Zhao Kayuan para lutasin. Sa Green Leaf Village siya lumaki, at malapit ang lugar na ito sa kanyang damdamin.

Ngayong may sapat na siyang lakas, malamang ay kanya itong poprotektahan. Nagtagal lamang ng isang araw si Zhao Feng sa nayon bago umalis.

Ang hangarin niya ay nasa labas ng mundo. Hindi siya kayang pigilan ng Green Leaf Village at Sun Feather City.

******************************

Ilang oras ang nakalipas, si Zhao Feng ay nakabalik na sa punong pamilya ng Zhao. Bukas, iiwanan niya ang lugar na ito at mag-uumpisa ng panibagong yugto.

Bukod pa dito, mayroon pang pilak na pana na napagdesisyonang kunin ni Zhao Feng. Ngunit sa hindi inaasahan, ang mga may mataas na lebel ay nagkasundong bigyan siya ng mas maganda dito.

"Alam naming mahusay ka sa paggamit ng pana, kaya ibibigay namin itong Golden Stairs Bow sa'yo. Isa ito sa mga sandata ng aming ninuno at tanging mga Martial Masters ang nakagagamit ng ganap na kapagyarihan nito," iniabot ni Elder Zhao ang isang kahong gawa sa kahoy.

Pagbukas ng kahon, isang gintong pana ang nakalagay sa loob. Mukha itong simple, ngunit ang tali nito ay may mahinang gintong liwanag. Dahan dahan, hinila niya ang gintong tali, at nalamang medyo mahirap itong hilahin. Kailangang malaman ng isang tao na ang Metal Wall Technique ni Zhao Feng ay nakaabot na sa ikalimang lebel, kaya kung base lamang sa lakas ay mas malakas pa siya kaysa sa mga Martial Master.

Weng!

Nanginig ang tali nang bitawan niya ito. Sigurado siyang nalampasan ng Golden Stairs Bow ang Silver Bow sa iba't ibang paraan.

"Kailan pa naging mabait ang pamilyang ito para bigyan ako ng pilak at mga sandata?" kahit sinabi ito ni Zhao Feng, hindi maitatago ang kanyang pagkatuwa sa pana. Sa tulong ng Golden Stairs Bow, maaari na niyang pagbantaan ang buhay ng mga cultivator ng ikapitong antas.

Ng araw na iyon, hindi lumabas ng kanyang silid si Zhao Feng, sinusuri ang pana. Sa kanyang isip, nagsama ang kanyang Flowing Meteor Archery at ang kanyang isip.

"Kailangan kong pagsamahin ang lahat ng archery skills para magamit ang kalahati ng kakayahan ng kaliwang mata ko."

Si Zhao Feng ay may malaking kalamangan pagdating sa pagpana, ang normal na archery skills at hindi nakatulong sa kanya. Malinaw na kailangan pa niya ng ilang araw para pasamahin ang lahat ng archery skills na ito.

******************

Nang sumunod na umaga...

Parehong dumating nang maaga sina Zhao FEng at Zhao Yufei. Tumingin at ngumiti ang dalawa sa bawat isa. Pagkatapos ng summit, ang dalawa ay nakatayo na ngayon sa tuktok ng Sun Feather City.

Hindi nagtagal, ang pinuno ng sect ay dumaring na rin. Habang nakaharap kina Zhao Feng at Zhao Yufei, lahat ng mga elder ay gumagalang sapagkat alam nilang hindi masusukat ang kinabukasan ng mga ito. Sa kanilang potesyal, maaari pa nilang pangunahan ang pamilya ng Zhao sa mas maraming tagumpay.

Shua!

Isang asul na anino ang lumabas sa bubungan at isang gwapong lalaki ang mamamataan. Ito ay si Master Ye, ngunit walang nakapansin sa kanyang pagdating.

""Zhao Feng, Zhao Yufei, tatlong araw na ang nagdaan, kayong dalawa ay sasama na sa akin patungo sa Guanjun Province City," napangiti si Ye Linyun.

"Oo," sabay na sagot ni Zhao Yufei at Zhao Feng.

Isa sa pinakamalakas sa Cloud Country ang lalaking nakatayo sa harap nila, walang laban ang buong pamilya ng Zhao sa kanya.

Ceng! Ceng!

Sinundan ng dalawa at umupo sa karwahe papunta sa hilaga.

*******************

Sa ilalim ng lilim ng puno sa labas ng gate ng pamilya ng Zhao...

"Mas mabuti na ang ganito... kasama ng potesyal at sikreto ni Yufei…" Pinaandar ng isang matandang lalaking may isang sandata ang karwahe gamit ang kanyang mga mata.

Sa mga sumunod na araw, pumunta sina Zhao Feng at Zhao Yufei sa Guanjun Province City. Apat na araw na paglalakbay ng karwahe ang katumbas ng distansya sa pagitan ng Guanjun Province City at Sun Feathe City. Sa sandaling ito, napagsama na ni Zhao Feng ang diwa ng archery skills para makabuo ng sarili niyang skill.

Dahil nabuo ang skill sa ilan pang ibang skills at kanyang kaliwang mata, napagdesisyonan niyang tawagin itong 'Archery God's Left Eye.' Ang Left Eye ay kumakatawan sa sarili niyang mata na nanggaling sa Ancient God. Hindi nagtagal, nag-umpisa nang mabuo ang skill.

"Ang Archery God's Left Eye ay nakadepende sa kakayahan ng kaliwang kong mata. Ang diwa ng skill ay siguradong nakalalampas sa peak ranked martial arts," pagtantsa ni Zhao Feng.

Medyo bihira ang archery skills, walang peaked rank na archery skills sa Martial Arts Library ng pamilya ng Zhao.

Sa kanilang paglalakbay, ginugol ni Ye Linyun ang halos lahat ng kanyan oras na naka-de-kwatro, nagkucultivate.

Napabuntong hiniga si Zhao Feng sa loob loob niya. Nakaabot na si Ye Linyun sa ikasiyam na antas ngunit siya'y nagsusumikap pa rin.

Kung mawawala ang Holy Martial Path, hindi ba ibig sabihin nito ay ang ikasiyam na antas na ang pinakamalakas?

Tila nararamdaman ang pagtingin ni Zhao Feng, dumilat si Ye Linyun. "May kalahating araw pa bago natin marating ang Guanjun Province City. Mayroon ka bang mga katanungang nais mong sagutin ko?"

Magtanong sa isang Martial Master ng ikasiyam na antas? Nakita nila Zhao Feng at Zhao Yufei ang tuwa sa mata ng bawat isa.

"Anong uri ng realm ang Holy Martial Path? Agad na tanong ni Zhao Feng.

"Isang realm sa itaas ng ikasiyam na antas ang Holy Martial Path, ngunit wala akong ibang masabi sa'yo dahil hindi ko pa ito narating. Ngunit sabi sa mga aklat, kapag nakarating ang isang tao sa Holy Martial Path, ang kanyang katawan ay magkakaroon ng mga pagbabago at hahaba ang kanyang buhay," sagot ni Ye Linyun.

Higitan ang hangganan ng katawan ng tao?

Hindi maiwasang maalala ni Zhao Feng ang Burning Wing Stance. Tila sisirain ng galaw na ito ang anumang madaanan nito, at ang isang mortal na katawan ang hindi kakayaning maglabas ng ganitong kapangyarihan.

"Lahat ng nakaabot na sa Holy Martial Path ay mga henyo. Mabibilang mo lamang sila sa isang kamay sa Cloud County."mababakas ang paghanga sa mga mata ni Ye Linyun.

Parehong nagtanong ulit sila Zhao Feng at Zhao Yufei.

"Ang siyam na antas ng Martial Path ay nagsasanay sa iisang katawan, ang daan mula sa balat papunta sa mga laman. Samakatuwid, mas mabuting magkaroon ng buong pundasyon para sa mas mataas na pagkakataong maabot ang Holy Martial Path," paglilinaw ni Ye Linyun.

Itinatak ito ni Zhao Feng sa kanyang puso, hindi malinaw na napagtanto na hindi binibigyang-diin ng siyam na antas ng Martial Path ang pagpatay o pakikipaglaban.

"Malapit na tayo." Bumagal ang pag-andar ng karwahe.

Sa isang banda, isang maliit na itim na tuldok ang nagpakita sa kanila.

Sa paningin ni Zhgao Feng, unti-unting lumaki ang itim na tuldok at di kalaunan, naging isang napakagandang siyudad na apat na beses na mas malaki sa Sun Feather City. Tila isang napakalaking halimaw habang nilamon ng mga gate nito ang mga hindi nauubos na kabayo, karwahe, at mga taong pumapasok...