Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 60 - Sunduin si Zhao Feng

Chapter 60 - Sunduin si Zhao Feng

Tunay na nagpakitang gilas si Zhao Linlong. Isinantabi ang katotohanan na siya ay mayroong pinakamataas na cultivation, sa bawat skill na kaniyang pinakita ito ay naging perpekto. Ang kaniyang Spatial Cloud Finger ay mas lalo pang gumaling kaysa noong Summit, at ang kaniyang Shadow Step ay papalapit na sa pagiging perpekto.

Nagsimulang magsumikap pa lalo si Zhao Linlong pagtapos ng kaniyang pagkatalo at sa ilalim ng kaba, ang kaniyang lumakas ay lalo pang tumaas. Kahit pa ilan sa mga sixth ranks ng mas matandang henerasyon ay hindi siya kalaban.

"Hindi na masama." Ang pinuno ng sect at ang mga elders ay tumango. Mula sa kanilang paningin, ang lakas ni Zhao Linlong ay tunay na top tier sa Sun Feather City. Lumipat sila kay Master Ye.

"Master Ye, kumusta ang pakiramdam niyo…?" Hindi mapigilang magtanong ni Zhao Tiancang.

Sa oras na mapili ang kaniyang stepson ng Guanjun Palace, ang kaniyang kinabukasan ay hindi na matatantsa. Maikling panahon lamang bago ang Sun Feather City ay kontrolado ng sect ng Zhao. Ang ibang mga elders ay tumingin ng may pag-asa.

"Puwede na." Ang mga salitang ito ay tila martilyong mabigat na tumama kay Zhao Tiancang.

Paanong ito ay...Puwede na?

"Puwede na?" Namula ang mukha ni Zhao Linlong.

Nilamon ng galit ang kaniyang puso. Bilang henyo na may pinakamataas na cultivation sa loob ng Sun Feather City, siya lang ay nakatanggap ng pagsusuring puwede na?

"Ay oo nga pala! Linlong! Diba't nakatanggap ka ng isang bagay galing sa partial Holy martial art?" Pagtatanong ng lider ng sect.

Partial Holy martial art!

Yes!

Nagliwanag ang mata ng mga elders.

"Hehe." Mayroong interes na sa wakas ay makikita sa mga mata ni Master Ye.

"Opo, father." Huminga ng malalim si Zhao Linlong at ipinikit ang kaniyang mga mata.

Biglaan, nagbago ang kaniyang aura.

Hu~

Sa pagkakataong ito, mayroong aura si Zhao Linlong na mayroon si Xin Wuheng noong araw ng summit, subalit mas mahina, siguro ay mga sampung porsyento lamang ng kay Wuheng.

"Wind Flowing Stance!"

Hua!

Isang hindi makitang alon ng hangin ang humawi sa lahat ng nasa loob ng ilang mga metro. Ang simpleng hawi na ito ay talagang maaaring puminsala ng karamihan sa mga cultivators na mas mababa sa seventh rank.

"Magaling, magaling!" Hindi mapigilang pumalakpak ng mga elders.

Ito ang tunay na naramdaman nila sa kanilang mga puso, hindi sila nagkukunwari. Ang kanilang mga kabatiran na nakuha sa partial Holy martial art ay hindi mas malakas kaysa kay Zhao Linlong. Pagtapos ng kanilang kagalakan, sila ay muling tumingin ng may pag-asa kay Master Ye.

Siguro ay wala ng mga problema ngayong oras, tama ba? Isang bahagyang ngiti ang lumitaw sa mukha ni Zhao Linlong.

"Ito na ang tinatawag mong kabatiran mula sa partial Holy martial art? Ang kapangyarihan nito ay hindi man lamang mas malakas kaysa sa iyong Spatial Cloud Finger! Hindi mo man lamang pa nahahawakan ang sulok ng isang Holy martial art! Walang kuwenta!" Ang malamig, walang ekspresyon na boses ay tumunog galing sa loob ng kuwarto.

Lubhang tahimik ang nakapaligid.

Paano ito naging posible?

Tila hindi naging kuntento si Zhao Linlong. Subalit, ang lalaking nakaupo roon ay isa sa mga iilang ninth ranks ng bansa.

Ninth rank ng Martial Path!

Kahit na sila ay hindi nakuntento, wala silang lakas ng loob upang pagsabihan siya.

"Ang henyong hinahanap ko...ay hindi siya," mariing sinabi ni Master Ye.

Sa araw ng summit, hindi alam ng dalawang Guanjun Corpsmen ang mga pangalan ni Zhao Feng at Xin Wuheng, ngunit nakita nila ang kanilang mga potensyal at talento. Ang potensyal ng dalawang iyon ay ranked sa top five ng Guanjun Province. Ang pagganap ni Zhao Linlong ay hindi man lang kinayang umabot sa top twenty.

"Master Ye, ang cultivation ni Linlong ay ang pinakamataas sa lahat ng nakababatang henerasyon," kaawa-awang sinabi ni Zhao Tiancang.

Sa pagkakataong ito, napagtanto ng ibang mga elders kung sino ba talaga ang tunay na gusto ni Master Ye, subalit binilanggo nila ang taong iyon. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya binabanggit ni Zhao Tiancang.

Ilang mga segundo ng katahimikan ang sumunod.

"Tawagin ang lahat ng kabataan na nasa fifth rank o mas mataas papunta dito," pag-uutos ni Master Ye.

Dali-daling ginawa ni Zhao Tiancang ang inutos sa kaniyang gawin.

***************

Hindi kalaunan…

Sila Zhao Yufei, Zhao Chi, at Zhao Han ay lahat nagtungo sa kuwarto. Mayroon lamang limang kabataang nakaabot sa fifth rank: Zhao Linlong, Zhao Feng, Zhao Yufei, Zhao Chi, and Zhao Han. Subalit mayroon lamang apat na naroroon.

"Ang taong ito ay mula sa Guanjun Province. Kayong lahat ay dapat magpakitang gilas at kapag kayo ay napili, maaari kayong maidala sa Guanjun Palace," paliwanag ni Zhao Tiancang.

Dali-dali, ang kagalakan ay lumitaw sa kanilang mga mukha. Kumpara sa Guanjun Palace, ang kanilang pamilya na Zhao ay langgam lamang. Kung sila ay mapili ng Guanjun Palace, hindi maaaring masukat ang kanilang kinabukasan.

Ang unang taong pumunta ay si Zhao Han. Nang siya ay nagpunta, isang makapangyarihan, at malamig na Inner Strength ay dumaloy palabas mula sa kaniyang katawan.

"Ang pagtuon sa cultivation lamang ay hindi maganda," umiling si Master Ye.

Ang pag-asa ay naglaho sa mga mata ni Zhao Han. Sa mga mata ni Master Ye, ang kaniyang pagpapakitang gilas ay basura. Ang eksena ay nagdulot upang bumuntong hininga si Zhao Linlong at bahagyang gumanda ang kaniyang pakiramdam. Si Zhao Chi naman ang sumunod.

"Pangkaraniwan, makakayanan na ang iyong pang-unawa." Ang pagsusuri ay bahagyang mas mabuti kaysa kanina.

Sa wakas, Si Zhao Yufei na ang susunod. Si Zhao Yufei ang pinakabata at kaya naman, siya ang huli. Dali-dali niyang pinakita ang kaniyang Spiritual Wind Slice at gamit ang Air Crossing Breathing Technique, lahat ng kaniyang galaw ay maganda.

Sa wakas, isang liwanag ang lumitaw sa walang ekspresyon na mga mata ni Master Ye, "Hindi masama."

Hindi masama!

Ito ang pinakamagandang pagsusuring ibinigay niya. Lubhang sumama ang mukha ni Zhao Linlog. Kung lakas at cultivation ang pag-uusapan, madali niyang nalagpasan si Zhao Yufei. Ngunit si Zhao Yufei ay labing apat na taong gulang lamang, at kaya naman ang kaniyang potensyal ay lubhang mas malaki.

Natulala ang mga elders, hindi nila inakala na ang pinakamahalagang taong titignan ni Master Ye ay si Zhao Yufei. Ngunit kung pinag-isipan lang nito sa lohikal na paraan, nagmula si Zhao Yufei sa isang sangay ng pangunahing sect at sa ilalim ng mga kondisyon ng mayroong mababang resources, nalapasan pa rin niya ang mga nakamit ni Zhao Linlong sa kaniyang edad.

"Ayos lang siya, ngunit hindi siya ang nasa ulat." Gumalaw ang mga kilay ni Master Ye.

Hindi maganda!

Ang mga puso ng mga elders at ni Zhao Tiancang ay sumikip. Subalit sa sumunod na oras ang pinaka hindi gustong eksena ang nangyari.

"Master Ye, mayroon pang isang henyong lubos na mas magaling sa akin," sambit ni Zhao Yufei kay Master Ye.

Sa oras na pumasok siya sa kuwarto, nagtaka na siya kung bakit wala roon si Zhao Feng. Hindi niya alam na si Zhao Feng ay nasa ilalim ng confinement orders dahil sa paghihinalang siya ay may kinalaman sa pagtatraydor, at sa ilalim ng mga kondisyon na iyon, hindi naging kabilang si Zhao Feng.

"Hmmm? Mayroon pang isa?" Nangtim ang mukha ni Master Ye habang pinagmamasdan ang mga elders. Naramdaman ng mga taong tinignan ni Master Ye na sila ay tila hiniwa ng isang balisong.

"Master Ye, ang sitwasyon ay ganito… Mayroon pang isang bata na nasa sect, subalit siya ay nasa ilalim ng paghihinala ng pagtatraydor sa pamilya…"

"Manahimik ka!"

Puno ng galit ang mukha ni Master Ye. "Wala akong pakialam kung siya ay isang traydor o hindi, kailangan ko lang ang punye**ng henyo na iyon!"

Ang makapangyarihan niyang boses ay bumanda sa loob ng kuwarto. Si Zhao Linlong at ang iba pang mga nakababatang henerasyon ay nakaramdam ng paglamig ng kanilang mga balat. Ang kaniyang boses pa lamang ay kaya nang magpakaba. Mahirap isipin kung anong klaseng kapangyarihan ang mayroon ang mga nasa ninth rank.

"Sunduin si Zhao Feng," napilit ni Zhao Tiancang ang sarili niya upang magsalita.

Bumuntong hininga ang mga elders sa kanilang kaloob-looban. Ang mga kamao ni Zhao Linlong ay nakatikom at ang kaniyang mga ngipin ay nakatiim, puno ng pag-aalinlangan.

Paanong ang pinakahenyo ng pamilya ng Zhao ay napalitan ng isang nasa sangay ng sect?

"Hindi mapipili si Zhao Feng ng lalaking iyon. At kahit siya ay mapili, ano naman? Magagawa ko pa ring mapahiya siya!" Madilim na pagkakasabi ni Zhao Linlong.

****************

Sa isang sandali...

Isang guwapong bata ang tuwid na lumakad patungo sa kuwarto.

Sino ang pumunta sa pamilya ng Zhao ngayong araw?

Mula sa sitwasyon, nagmukhang nasa ilalim ng utos mula sa lalaking nasa top seat ang mga elders at ang mga lider ng sect. Pagkabukas na pagkabukas niya ng kaniyang kaliwang mata, naramdaman ni Zhao Feng ang makapangyarihang puwesang nanggagaling sa lalaki. Ang mas nakakagulat pa ay ang kaniyang Inner Strength ay umabot sa pinakamataas na level.

Kung sinasabi nila na ang Inner Strength ni Zhao Linlong ay tila isang malamig na tubig, kung gayo'n ang sa pinuno ng sect ay maaaring sabihin na isang paliguan na may kumukulong tubig. Ngunit kumpara sa lalaking ito na nakaberdeng kasuotan ang kaniya ay tila metal! Ang bilang at kalidad ay nakaabot sa peak state.

"Napakalakas!" Mabilis na sinarado ni Zhao Feng ang abilidad ng kaniyang kaliwang mata.

Ang tao sa harap niya ang pinakamalakas na taong nakita niya hanggang sa ngayon, maliban sa grupo ng babae na nasa kuweba.

"Ano ang pangalan mo?" Tanong ni Master Ye.

"Zhao Feng." Tuwid ang kaniyang boses.

"Hindi masama." Interes ang lumitaw sa mukha ni Master Ye.

Ang aura mula sa kaniyang paghinga ay hindi nagdulot upang ang bata sa harap niya ay kabahan at kahit paano… Mayroon siyang pakiramdam na hindi niya makita ang loob niya. Ang totoong cultivation ni Zhao Feng ay nasa sixth rank at nais niya itong tuluyang itago, kahit si Master Ye ay hindi agad ito makikita...