Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 58 - Night Walker

Chapter 58 - Night Walker

Hindi sumagot si Marvin. Basta pinuntahan niya lang ang bangkay ng plague envoy at kinapkapan ito.

Sumimangot si Gordian, halatang naiinis siya sa ikinikilos ni Marvin.

Pero dahil si Marvin ang nakapatay dito, tama lang naman na maghanap siya ng mga bagay na maaari pang mapakinabangan.

Walang masyadong nakuha si Marvin, isang supot lang na mayroong lamang ilang ginto ng wizard at tatlong powered magic staff.

ito ang may pinakamababang level sa mga powered magic staff, pero napakamahal pa rin ng mga ito. Gamit na ang dalawa dito, pero pwede pa ulit itong magamit kapag nakargahan na.

May nakakabit na 1st circle spell sa bawat isa sa mga magic staff. Matapos tingnan ang mga nakasulat dito, napag-alaman ni Marvin na mayroong [Freezing Rain] na spell na nakakabit sa staff na hindi pa nagagamit.

Meron lang itong pangkaraniwang Area of Effect (AOE), magagamit ito para itaboy ang malaking grupo ng mga gnoll.

Hindi na kinuha ni Marvin ang iba pang mga gamit.

Tagasunod ng plague god ang plague envoy. Mahirap nab aka mapansin siya ng plague god dahil may kinuha siyang hindi dapat mapunta sa kanya.

Tumayo si Marvin matapos siyang mangalkal.

"Naniniwala ka bas a mga pinagsasasabi ng shadow spaider hitman?"

Tinitigang mabuti ni Gordian si Marvin.

Kahit na napakatindi ng kanyang naging laban sa dark murderer, nasaksihan pa rin nito ang lakas na taglay ni Marvin.

Siguradong hindi ito pangkaraniwang nilalang. Iisa lang ang kilala at sikat na taong gumagamit ng dagger, at si Masked Twin Blades ito.

Pero umiling lang ito habang nakahilig pagilid.

Mahinahong umalis si Marvin.

Ang arestuhin o patayin talaga ang tunay na pakay ng Silver Light Knight. At dahil nangyari naman ito, hindi na ito maghahanap pa ng iba pang gulo.

Kahit na si Masked Twin Blades nga 'yon…Iniligtas naman nito ang kanyang buhay. Kahit na gaano pa kalakas si Gordian, kung hindi dahil sa tulong ni Marvin, baka napaano na siya dahil sa pagtutulungan ni Black Jack at ng plague envoy… Kaya, pinabayaan n ani Gordian na maka-alis si Marvin.

Hindi pa rin dito natatapos ang problema ng dark sweet poison kahit na nadispatya na nila ang plague envoy.

Dahil nakapagkalat na ang plague envoy ng mga itlog ng black worm sa ilang mga tao, kaya kakalat at kakalat pa rin ang dark sweet poison, hind nga lang kasing lawig ng tulad ng nasa laro. Siguradong maapektuhan nito ang takbo ng kasayasayan lalo pa at alam ni Marvin kung ano ang mangyayari. Hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan nito.

Malaking tulong kay Marvin ang ang 3000 general exp sa sitwasyon niya.

Kinakailangan ng malaking experience para sa advance class. Kailangan ng 4800 exp para lang umabot sa level 6 ang ranger. Pinlano n ani Marvin ang kanyang advancement path.

Maraming advance classes ang mga ranger, saklaw nito ang iba't ibang uri ng path. Mayroong hindi baba sa 15 na advance classes. Ito ang pinaka kumplikado sa lahat ng mga class. Dahil, maaring gawin ng mga ranger ang kahit ano.

Kaya nilang tumira mula sa malayo, kaya nilang lumabana sa melee range, kaya rin nilang magpa-amo ng mga halimaw at makipag-isa sa kalikasan. Kaya naman mayroong iba't ibang uri ng advancement path.

!

Pero iisa lang ang path na maaring humantong sa pagiging Ruler of the Night!

[Night Walker]

Isang tila pangkaraniwang 2nd rank class, hindi ito kasing bagsik ng [Dark Murderer], o kasing balasik ng [Elite Marksman]. Isa itong advanced class na kadalasa'y hindi pinapansin. Parang pangkaraniwan ang lahat ng skill nito. Kakaunting ranger lang ang pumipili ng Night Walker bilang panimulang class.

Bukod sa pangkaraniwan lang ang mga ability ng class na ito, medyo mahirap rin ang pag-usad dito. Walang sino man ang gustong gumawa ng isang baga na nakakapagod at tila walang patutunguhan.

Hanggang sa may natuklasan silang property ng Night Walker. Nagkaroon ang hindi mapantayang lakas sa pakikipaglaban ang mga ito sa tuwing sasapit ang gabi.

Dahil ito sa hidden specialty na [Night Kill] sa Night Walker na class.

[Night Kill]:

Level 1: Attack Power +3%, Attack Speed +3%, Movement Speed +3%, Burst Power +3%, Reaction Speed +3% sa tuwing lumalaban kapag gabi.

.

Special effect: May makukuha kang bahagi ng kaluluwa ng taong mapapatay mo sa gabi.

Mapapataas ang level ng [Night Kill] sa patuloy na pagkuha ng mga bahagi ng kaluluwang ito.

3% bonus level lang ang ibinibigay ng level 1 Night Kill sa mga stats.

Magiging nakakatakot lang ito kapag naagtagal. Mas malalaki ang bonus at may mga panibagong effect na lalabas!

Sa tuwing gabi, kaya niyang tapatan ang isang Night Walker na mayroong level 3 na Night Kill ang tatlong expert na may parehong level.

Kaya naman kilala rin ang Night Walker na class bilang [Night Devil]!

Hinahanda na nila agad ang kanilang mga kutsilyo paglubog ng araw. Para silang mga demonyong nagkukubli sa dilim ng gabi.

Kahit na hindi pa rin nito naiaangat ang mga pangkaraniwang skill nito, marami pa ring naging expert dahil dito. 

Maari ring masabing isang class ito na hindi balanse. Mahina sa umaga, sobrang lakas naman sa gabi.

Itong ang dahilan kung bakit hindi ganoon katatag ang class na ito.

Subalit!

Iba si Marvin!

Hindi siya nagkukulang sa skill sa pagpatay. Mahusay siya sa lahat ng skill ng phantom assassin. Nagagamit niya sa laban ang mga ito at ginagamit ang battle experience para matutunan pa niya ang iba pa. Marami siyang paraan para mapunan ang mga pagkukulang ng pagiging isang [Night Walker].

'Higit pa rito, aakitin ng pagkasira ng Universe Magic Pool ang isang ancient heavenly beast papunta sa Feinan Continent.'

'Kahit na nagtulong-tulong ang mga god para mapatay ito, sinakop pa rin ng bangkay nito ang malaking bahagi ng kalangitan.

'Mula noon, mas humaba na ang gabi kumpara sa araw sa Feinan. 14 na oras tumatagal ang gabi habang 10 oras lang ang umaga.

Isa ito sa mga dahilan kung bakit desididong pinili ni Marvin ang Ruler of the Night na advancement path.

Dahil ang Night Walker ang pinaka akmang gamitin sa Feinan!

Pero kung gugustuhin niyang maabot ang Night Walker, kailangan pang makahanap ni Marvin ng guro.

Hindi kasing simple ng ranger class ang secret class na ito. Kung saan isang liham lang ang kailangan niya.

Mayroong organisasyong kakaunti ang miyembro ang mga Night Walker. Pero kailangan mo munang maipasa ang isang pagsusulit bago makapasok.

Alam ni Marvin kung nasaan ang isa sa mga miyembro ng organisasyong ito. Nasa bandang Three Ring Towers lang siya!

Kaso nga lang… kakaiba ang lalaking 'yon.

.,,

Pero matapos ang laban niya sa dark murderer, nalaman ni Marvin na mayroon pang kulang sa kanya.

Kahit na mabilis ang pagtaas ng kanyang level, hindi pa rin ito sapat. Lalo na kung hindi niya maipagtatanggol ang kanyang sarili o ang mga mahal niya sa buhay.

Planado na niya ang advancement. Marami namang pwedeng gawin para mapalakas pa ang kanyang sarili.

Halimbawa, oras na para bumili ng magaganda at maayos na curved daggers. May alam siyang pwedeng pagbilhan ng mga sandatang kailangan niya.

Baka mapataas pa niya ang kanyang dagger mastery habang papunta rito.

Hindi katanggap-taggap na isa pa ring [Beginner] ang isang dating Ruler of the Night!

Ngunit, mayroon pa siyang kailangan gawin bago umalis ng River Shore City.

May aninong mabilis na papalapit sa gate ng siyudad.

Isang 2nd rank Phantom Assassin!

Agad na umalis si Marvin na nakatago sa pader ng siyudad nang makita itong paparating.

"Lord!"

Sumaludo si Kyle Amber kay Marvin nang makita ito.

Bilang isang elf na binuo lang ng elven god, hindi maaring lumakas si Amber. Pero hindi pa rin pwede maliitin ang tauhang ito ni Marvin na isang 2nd rank assassin.

Ginamit ni Amber at Agate ang desperate strike para lang mapatay ang dalawang barbarian. Matagal na panahon na ang lumipas pero unti-unti pa rin nilang binabawi ang kanilang lakas.

Hindi pa rin nanunumbalik ang buong lakas ng mga ito. Kitang-kita kung gaano kalupit ang skill na ito.

Hindi lang ito malupit para sa kalaban kundi pati na rin sa gumamit.

Planado ni Marvin ang paglitaw ni Amber sa River Shore City.

Kaya lang niya hinayaang maka-alis ang Lynx ay para masundan ito at malaman kung sino ang taong nag-utos sa kanila.

Sa katunayan, palihim na sinundan ni Amber ang mga ito nang umalis patungo sa River Shore City.

"May nalaman ka ba?" Tanong ni Marvin.

Wala naman talagang pakielam si Marvin sa mga Lynx dahil isag grupo lang naman sila ng mga adventurer.

Ang gusto niyang malaman ay kung sino ang nag-utos sa kanila.

"Meron ho," mabilis na sagot ni Amber. "Alam ko na kung sino ang nagbayad kina Verne para manggulo,"

"Toshiroya ang pangalan niya, anak ng northern city lord."

"Medyo mayaman siya at sinasabing kamag-anak ito ng kasalukuyang proxy ng city lord."

"Nakinig ako sa usapan nil ani Verne. May gusto siyang makuha na nasa loob ng White River Valley. Pero base sa sinabi niya, mayroong nangyari…kaya naman nahinto ang plano niya para sa White River Valley."