Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 62 - Versatile

Chapter 62 - Versatile

Mayroon lang labing-dalawang kalansay!

Maliit na grupo lang kung tutuusin.

Sa kabuoan, ang ganitong klaseng summoning magic hanggang 6 na summon lang ang pwede.

Pero walang limitasyon ang mga necromancer. Basta mayroon silang makuhang mga bangkay, at mayroon rin silang sapat na spell slots, kaya nilang gumawa ng kahit ilang masunuring tauhan.

Kaya naman nakakatakot kalaban ang mga necromancer. Dahil kahit isang expert ay hindi kakayaning harapin ang isang batalyon ng mga ghost.

Pero tulad ng inaasahan, hindi naman gaanong nakakatakot ang mga necromancer apprentice.

'Mukhang level 3 o 4 lang siya.'

'Nakapagsummon siya ng labing-dalawang kalansay pero hindi niya ito gaanong ma-kontrol. Mahina pa siya.'

'Sa tingin ba niya mapapatay niya ko ng ganun-ganun lang?'

Ngumisi lang si Marvin. Yumuko siya at sinaksak gamit ang curved dagger ang kanang tuhod ng isang kalansay.

Simpleng reverse attack lang ito!

"Krak!"

Umalingawngaw ang tunog ng pagkatanggal ng tuhod ng kalansay!

Agad na nawalan ng balanse ito at natumba.

Hindi ito mga [Blue Bones Warrior], mga kalansay lang ito na hindi man lang umabot ng level 2. MAsyadong mahihina ang mga ito para kay Marvin!

Gamit ang kanyang skill at dexterity, walang awa niyang inatake ang mga nakapalibot sa kanyang mga kalansay.

Wala sa kalingkingan ng bilis ni Marvin ang bilis ng mga ito.

Nagulat ang necromancer apprentice dahil walang pang isang minute ay natalo n ani Marvin ang mga ito.

"Ikaw… Paanong?"

Natakot ang necromancer apprentice, nauutal itong magsalita. Huminto ito saglit para isaayos ang sarili. Matapos matalo ang lahat ng kanyang tauhan, umalis na ito at tumakbo papalayo!

Syempre hindi siya pinakawalan ni Marvin!

Humakbang ito ng napakalaki saka binilisan ang pagtakbo. Ilang saglit lang ay naabutan na niya ang necromancer apprentice.

Pero hindi inakala ni Marvin nan ang maabutan niya ito'y lilingon ito at magpapakawala ng isang itim na liwanag mula sa kanyang mga daliri.

Isang 1st circle spell, ang [Ray of Darkness]!

Kapag may tinamaan ng ray of darkness, magkakaroon ang taong 'yon ng kahit anong sakit! Mabilis na kakalat ito sa kanilang katawan. Kahit na hindi ito nakamamatay, delikado pa rin ito.

Kumurap ang mga mat ani Marvin; hindi kakayanin ng kaniyang 9 constitution ang panghihina dahil sa ray of darkness!

[Shadow Steps]!

Sa isang iglap, gamit ang kanyang kaliwang paa, tumalon siya ng malakas. Habang papalapit ito inikot nito ang kanyang katawan pakanan.

"Woosh!" isang napaka itim na liwanag ang muntik tumama sa kanyang tenga.

Pero naiwasan niya ito!

Pero biglang ngumiti ang necromancer at sinabing, "Kaya mo bang gawin ng dalawang beses?"

Habang nagsasalita ay inangat uli nito ang daliri at nagpakawala ng isang pang atake!

Isa pang Ray of Darkness!

Pero sa pagkakataon ito, gumamit ito ng singsing para palabasin ang spell mula sa kabilang kamay nito!

Dahil masyado na silang malapit sa isa't isa, malabong maiwasan pa ito ni Marvin.

Mahusay ang plano ng necromancer apprentice. Hindi pala ito kasing tanga tulad ng inakala ni Marvin. Matapos makutban nitong isang expert si Marvin, agad na nag-isip ito ng plano!

Nagkunwari itong tatakas saka nagpakawala ng dalawang magkasunod na ray of darkness!

Napakagaling. Kung taaman si Marvin, magkakaroon na ng pagkakataon ang necromancer apprentice na gamitin ang iba pa nitong mga spell.

Sayang lang dahil para gumana ang binabalak niya, kailangan hindi makaiwas si Marvin!

Pero hindi ganoon ang nangyari.

Paglabas ng ikalawang ray of darkness, hindi na nag-isip si Marvin.

Agad niyang sinunod ang sa tingin niya'y dapat gawin.

Sa pagkakataong ito, ang kanang paa naman niya ang ginamit para tumalon pakaliwa!

Halos pareho ito ng nauna niyang shadow step!

"Woosh!"

Naka-ilag siya muli!

Gulat na gulat ang necromancer apprentice!

'Paano niya nagawa 'yon?'

'Pwede niyang magamit ang dodging skill niya ng dalawan beses na magkasunod?'

Agad namang umabante si Marvin paharap!

Gumamit siya ng isang malakas na cutthroat gamit ang kanyang dalawang curved dagger!

[You used Cutthroat (46) on the target...]

[Skill successful, critical damage!]

[Target eliminated, you gained 49 battle exp.]

Kahit pa pinilit iiwas ng necromancer apprentice ang kanyang leeg, hindi niya ito nagawang ilagan dahil sa lakas ng melee skill ni Marvin na Cutthroat.

Hanggang sa mamatay ito, hindi pa rin nito lubos maisip kung paano nagawang gamitin ni Marvin ang kanyang dodging skill nang magkasunod.

Medyo hiningal si Marvin matapos niyang dispatyahin ang necromancer apprentice. Naubos ang kanyang stamina dahil lang sa dalawang skill na 'yon.

Ito ang tunay na lakas ng mga wizard; nagagawang sagarin, kahit ng isang apprentice, ang lakas ni Marvin.

Napakabangis at napakabilis ng mga 1st circle spell. Hindi ito masabayan ng constitution ni Marvin. Kaya wala itong magawa kundi umiwas.

Sinasalamin ng dalawang magkasunod na pag-iwas ni Marvin ang lawak ng kanyang karanasan.

Sa kanyang unang hakbang pa lang ay ginamit n ani Marvin ang shadow step!

Sa isang pangkaraniwang tao, kung hindi sila kaliwete, gagamitin nila ang kanilang kaliwang paa para tumalon pakanan.

Pero sinanay ni Marvin ang kanyang reverse skill!

At 'yon ay ang pagsipa sa lupa gamit ang kanang paa para tumalon pakaliwa!

Madalas niyang nagagamit ang two-step combo na ito para patayin ang kanyang mga kalaban.

Kahit na hindi isang skill ang ikalawang shadow step, at hindi ito kasing epektibo ng nauna, dahil sa pagsasanay ni Marvin, halos perpekto na ito.

Magandang skill ang technical move na ito.

Imposible ang ganitong klaseng pagdedesisyon sa isang iglap kung hindi dahil sa ilang taong pagsasanay. At kaya nagamit ni Marvin ng maayos ito ay dahil sa kanyang instinct.

Matapos sumanib ng kanyang kaluluwa sa katawang ito, halos umabot na sa pagiging perpekto ang kontrol niya dito.

Pero gayunpaman, nakaramdam pa rin siya ng kaunting sakit sa kanyang kanang paa.

'Natapilok ako ng kaunti.'

'Hindi pa ganoon kalakas ang constitution ko, hindi pa sapata para magamit ang ganitong klase ng skill na gumagamit ng maraming lakas.'

Napailing si Marvin at sinimulang kapkapan ang necromancer apprentice.

Mayroon sigurong amo ang necromancer apprentice, kaya naman ayaw nang magtagal pa ni Marvin sa lugar na 'yon. Kinuha na niya ang ilang gamit nito at umalis.

Mahirap lang ang lalaking ito, at wala siyang gaanong pera.

Ang kapaki-pakinabang lang sa kanya ang ang singsing na suot nito. Tiningnan ni Marvin ng mabuti ang singsing at nalamang para itong powered magic staff. Kaya nitong mag-imbak ng spell at kayang palabasin sa oras ng pangangailangan. Pero, mas maganda pa rin ang pagkakagawa sa mga powered staff kumpara dito. Hindi rin ito maaring kargahan uli tulad ng powered staff.

'Pwede pang makapaglabas ng isa pang ray of darkness.' Sinuot niya ito sa kanyang kaliwang kamay.

Nakakuha rin siya ng ilang libro ng mga necromancer. Pero walang silbi ang mga ito kay Marvin.

'Teka, mukhang maganda 'tong pass na 'to ah.'

Natuwa si Marvin nang makitang mayroong sheepskin scroll sa bangkay. Isa itong kilalang pass para sa despair hills.

Mukhang miyembro ng isang grupo ang apprentice na ito. Hindi na mahihirapang makalabas si Marvin ng despair hills dahil sa pass na 'to.

Pagkatapos niyang makuha ang lahat ng kailangan niya, iniwan na lang ni Marvin ang bangkay dahil wala siyang ganang iligpit ito.

Nilalapastangan namn ng mga necromancer ang mga patay, at siya rin naman ang naunang umatake, kaya hindi siya nakokonsensya sa pag-iwan dito.

Habang binabaybay ang makikipot na daan ng despair hills, tiningnan ni Marvin ang kanyang battle logs.

Nagulat siya sa mga nakita:

[Dahil paulit-ulit mong ginamit ang skill ng ibang class sa laban, ang isa sa mga specialty mo ay magiging katulad nito. Personal skill progress: 100/100]

[Dahil madalas ang paggamit mo sa skill ng ibang class at mahusay rin ang paggamit mo nito, isang personal skill ang nabuo para sayo!]

[Nakuha mo ang personal specialty na – Versatile]

'Ayos, Versatile!'

Tuwang-tuwa si Marvin.

Ang specialty na to ay parehong uncommon at mysterious na specialty. Hindi nakuha ni Marvin ang specialty na ito kahit sa nakaraan niyang buhay.

Hindi naman niya kasi inaakalang magiging isang ranger siya. Napakaswerte! Dahil kung thief ang pinili niya, hindi niya magagamit ang skill ng ibang mga class.

[Versatile]: Maaari kang magkaroon ng karagdagang secondary class. Hindi kasama ang unang secondary class sa mga experience penalty.

Simple lang ang specialty description, pero nakakamangha ang nilalaman nito.

Mahigpit ang mga class restriction sa Feinan World.

Maaari lang magkaroon ang isang tao ng hindi lalagpas sa dalawang battle class, isang main class at isang secondary class.

At sa oras na pumili ka na ng secondary class, magkakaroon ka ng experience penalty. Pero kahit na ganoon, mas pinipili pa rin ng mga tao na magkaroon ng secondary class.

Dahil maraming pwedeng makuha sa pagkakaroon ng secondary class; tulad ng karadagang skill. Malaking tulong ang mga ito sa laban.

Nakuha na ngayon ni Marvin ang Versatile specialty.

Ibig sabihin, pwede na siyang makakua ng dalawang karagdagang class, at hindi magkakaroon ng experience penalty ang una niyang pinili.

Sobrang laking tulong nito.

Pero agad ring napaisip si Marvin. Ano kayang dapat niyang piliing secondary class?