Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 64 - Mirror World

Chapter 64 - Mirror World

Nabalot na ng hamog si Marvin at mabilis nang lumipas ang oras.

Di nagtagal, natapos din ang sampung minuto.

Pero hindi lumabas ang inaasahan niang kalaban.

"Uhm?"

Mayroong kakaiba.

Nagulat si Marvin pero agad itong naghanda!

Hinding-hindi magsisinungaling ang red copper dragon. Sabi niya sampung minuto, at lumipas na ang sampung minute!

Siguro nasa mirror world na siya?

Hindi mapakali si Marvin.

May naramdaman siya at bigla na lang siyang umikot at iwinasiwas ang kanyang dagger!

Pero wala naman tao!

Alam ni Marvin na nandito na ang kalaban niya!

Nakakapag-stealth ang mga ranger!

'Magaling…'

Nakasimangot na tiningnan ni Marvin ang kapaligirang puno pa rin ng makapal na hamog.

Parang may mali. Base sa laro, hindi dapat ganito kagaling ang kalaban niya.

Kadalasa'y umaatake kaagad ito.

"Totoo ba… May pinagkaiba ang realidad at ang laro?'

Huminga ng malalim si Marvin at nag-isip nang mabuti.

Hindi niya inakalang malalamangan kaagad siya. Mahirap 'to.

Ang mirror world ay ang lugar kung saan hinahamon ng mga class holder ang kanilang mga sarili.

Mga skill at sandata lang ang pinahihintulutan sa lugar na ito. At ang kalaban ni Marvin ay isang clone niya na ginawa ng red copper dragon.

Halos pareho ang mga attribute at fighting strength nito sa tunay na Marvin.

Mayroon kaparehong level ng dagger mastery na [Beginner] ang unang clone.

Aangat ng isang level ang dagger mastery ni Marvin basta matalo niya ito.

Magiging [Intermediate] na ito!

Pagkatapos ng Intermediate ay Expert at pagkatapos nito ay Master. Master level ang dagger mastery ng dark murderer ng shadow spider.

Dahil doon kaya nagawa niyang talunin si Marvin!

Noong ginamit niya ang mga dagger, kahit na pareho lang sila ng atake, mas malakas ng 60% ang attack power ng dark murderer!

Ito ang lakas na dulot ng weapon mastery.

Pamilyar man si Marvin sa mga dagger pero hindi pa siya dalubhasa rito. Kaya naman ngayon, gagamitin niya ang kanyang karanasanan para pataasin ang kanyang dagger skill.

At ang mirror world ng red copper dragon ang pinakamadaling paraan para gawin ito.

Tahimik na hinigpitan ni Marvin ang kapit niya sa kanyang dagger. Lilingon siya sa ibang direksyon kada tatlong segundo.

Medyo mababa ang kanyang perception.

Kahit na may mga puntos siya sa Listen, alam niyang sa lagay ng kanyang perception, mahihirapan siyang mapansin ang kanyang sariling stealth.

At halos sarili niya mismo ang kalaban niya sa mirror world.

Noon pa man ay mahirap na trabaho ang talunin ang iyong sarili,

Mahilig sa mga masasayang bagay ang red copper dragon Professor. Ikinatutuwa niya rin ang mga taong matatapang na nagagawang hamunin ang kanilang mga sarili. Dahil dito, ginawa niya ang mirror world.

"Parang hindi yata tama…" Kumuha ng mineral ang red copper dragon sa labas ng mirror world gamit ang kanyang buntot at kinain ito. Dumighay ito at sinabing, "… na gamitin ko ang aking fighting consciousness para pahirapan ang isang bagong silang na ranger. Bagaman, nararapat lang siyang purihin dahil sa kanyang katapangan."

Hininto niya ang pag manipula sa clone na nasa loob ng mirror world at ginamitan ng [Magic Intelligence].

Nagbibigay ng talino ang spell na ito. Mas mahina ang epekto nito kumpara sa pag-kontrol ng red copper dragon sa mirror world.

Natural na walang kamalay-malay dito si Marvin na nasa mirror world. Basta nararamdaman lang nito na mayroong tao sa likuran niya.

'Ubos na agad ang pasensya niya?'

Medyo nagulat si Marvin pero hindi ito gumalaw.

Sinimulan na niyang sundan ang tunog ng yapak ng kanyang kalaban.

Alam ni Marvin na maaari siyang maabot nito ano mang oras gamit ang kanyang shadow step. Kaya naman nagkunwari itong hindi niya nararamdaman ang kanyang kalaban.

'Malapit na.'

'Dito!'

Sa isang iglap, humakbang pasugod si Marvin!

Nang biglang lumabas mula sa hamog ang isang anino. Kamukhang-kamukha ito ni Marvin. Parehong-pareho din ang dagger na hawak nito!

Shadow Step!

Tulad ng naisip ni Marvin, shadow step ang unang gagawin ng kanyang kalaban. Mabalis itong nakarating sa kinatatayuan ni Marvin.

Kung hindi naka-iwas si Marvin, siguradong cutthroat na ang susunod na gagawin nito!

Ginagamit na ngayon laban kay Marvin ang mga atakeng ginagamit niya sa kanyang mga kalaban.

'Hindi, hindi pwede 'to!'

Ngumisi si Marvin at banayad na umikot, walang habas niyang iwinasiwas ang kanyang twin daggers!

Halatang panandaliang hindi makagalaw ang kanyang mirror image matapos gamitin ang shadow step.

Ang hindi nito paggalaw ay isang malaking pagkakataon para kay Marvin.

Kung patas man ang kanilang lakas, magkaiba naman ang kaalaman nila sa pakikipaglaban!

Bukod pa rito, mayroong mga bagay na hindi nakukuha sa mga attribute.

Matapos lumabas ng kanyang mirror image, alam na alam na ni Marvin ang kahahantungan ng laban na 'to.

"Ting! Ting!"

Tuloy-tuloy ang pagsasalubong ng mga curved dagger sa loob ng mirror world. Hindi na magawang makabawi ng pag-atake ng kanyang mirror image dahil sa husay ni Marvin.

Isa't kalahating minuto lang ang lumipas, napatay na ni Marvin ang kanyang mirror image!

Kahit na kamukhang-kamukha niya ito, hindi siya nagpakita ng kahit kaunting awa.

Matapos niyang laslasin ang leef nito, naging tipak ng lupa ang mirror image hanggang sa maging buhangin na lang ito.

"Binabati kita, nalampasan mo ang unang palapag."

"Sa totoo lang, namanghanga ako sa bilis mong natapos 'to!"

"Pero, di hamak na magiging mas mabalasik ang mirror image ng ikalawang palapag kumapara sa nauna. Pero bago 'yon, bibigyan muna kita ng premyo.

Nagmula ang gulat na boses ng red copper dragon sa labas ng mirror world.

Hindi niya inaasahang, mapapatay ni Marvin ang mirror image noong hindi siya nanunuod!

Masyado bang mahina ang magic intelligence?

'Ano kayang dapat kong ibigay sa kanya? Hindi dapat gaanong malaki ang premyo para sa unang palapag. Pero dahil sa kanyang ipinakita, hindi dapat ako maging kuripot!'

Saglit na nag-isip ang red copper dragon, saka naglabas ng isang bagay mula sa kawalan.

[Natalo mo ang iyong mirror image sa laban. Nahasa na ang iyong skill sa laban.]

[Dagger Mastery +1]

[Your Dagger Mastery level rose: Intermediate]

Masinsing sinuri ni Marvin ang kanyang battle logs. Tiningnan niya rin ang kanyang dagger mastery.

Tumaas nga ito.

Naging mas komportable ang pakiramdam ni Marvin sa paghawak ng kanyang twin dagger.

Umangat ng 5% ang kanyang attack power.

Ito ang benepisyo ng pagtaas ng level ng weapon mastery. Lalong-lalo na sa mga melee class.

Unti-unting nawala ang hamog at naiwan ang isang baul ng kayamanan.

Alam niyang ito na ang premyo mula sa red copper dragon.

Binuksan niya ito. Nagulat siya na may lamang libro sa loob!

"Skill Book?"

"Blade Technique?!"

Nabigla si Marvin.

Nag-aalala siyang wala na siyang oras na matutunan ang ilang skill book lalo na ang mga blade technique. Tandang-tanda niya ang blade technique na ginamit ng dark murderer. Ang mga blade technique ang pinakang kailangan niya sa ngayon. Mas mapapakinabangan niya ang kanyang skill sa paggamit ng dagger.

Binigyan ng red copper dragon si Marvin ng librong "Blade technique – Rapids." Ito ang pinakamadaling uri ng mga blade technique. Maaari nang makapagensayo si Marvin.

Dahil sa dagger mastery, ang ano mang blade technique ay maaring matutunan ni Marvin ang gawing personal skill. Para namans a level ng skill, nakadepende na ito sa pagkakaintindi ni Marvin sa nasabing skill. Ang field na ito ay may koneksyon sa intelligence.

[Blade Technique – Rapids]: Isa sa mga pinakamadaling balde technique. Maaari mong maitaas ng bahagya ang iyong attack speed ng matagalan.

'Medyo pangkaraniwan lang 'to, pero mas mabuti na 'to kesa wala." Itinabi n ani Marvin ang libro.

Kung ikukumpara sa [Blade Technique – Rushing Thunder Slash] ng dark murderer, di hamak na mas mahina ang [Blade Technique – Rapids]. Pinatataas ng sobra ng Rushing Thunder ang attack speed panandalian, habang pinatatas lang ng bahagya ng Rapids ang attack speed ng matagalan. Mayroong kanya-kanyang kalakasan ang dalawa. Pero sa katotohanan, mas hanap ng mga ranger, lalo na ang mga dual wielding ranger, ang panandaliang buga ng lakas.

Pero dahil itinataas nito ang attack speed, pwede rin itong maituring na karagdagang kamay sa gitna ng laban. Mas mabuti na ito kesa wala,

Sa lagay ni Marvin, wala siyang karapatang maging mapili.

"Bakit hindi mo pa agad inaral nag skill na 'yon?" Tanong ng isang nagtatakang boses mula sa labas ng mirror world.

"Dahil gusto ko nang ipagpatuloy ang hamon."

Mahinahong dagdag pa niya, "Kapag inaral ko na 'to ngayon, paniguradong alam na rin ng susunod na kalaban ako ang blade technique na 'to. Kaya sa tingin ko, mas mabuting mamaya ko na 'to matutunan."

"Matalinong bata." Ika ng red copper dragon.

"Mag-ingat ka, mayroong 120% ng mga ability mo ang ikalawa mong makakalaban. Mas mataas rin ang dagger mastery nito ng isang level!"