Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 60 - Mad Lich

Chapter 60 - Mad Lich

Mataas ang dexterity ni Marvin, kaya mabilis rin ang kanyang running speed.

Hinid niya inakalang kasing bilis niyang tumakbo ang bata.

Sa kanyang pagkatas, masasabing mahusay ang batang ito.

SInulyapan siya ni Marvin saka niya napagtanto na gumamit ang bata ng [Haste].

Dito mahusay ang mga wizards bago ang pagbagsak ng Universe Magic Pool… Kaya nilang gamitan ng spell ang kanilang sarili para bumilis sila. Halos kasing bilis na nila ang iba pang class dahil dito.

Napakaraming Skeletal Warhorse ang humahabol sa kanila. Sa lakas ng yabag ng mga ito, nayayanig ang kapaligiran!

Sa kalangitan naman, sa taas ng mga warhorse, napakarami ring ghost ang lumilipad.

Namutla si Marvin nang makita kung gaano karami ang mga ghost.

Ang mga ghost na ito ay hindi katulad ng ghost na nakasalamuha niya; matatalinong high level ghost ang mga ito! Kung haharapin niya ito mag-isa maaari siyang makapatay ng hindi lalagpas sa isang dosenang ghost gamit ang holy water. Pero kung ganito karami, walang magagawa si Marvin kundi tumakbo!

"Ano bang ginawa mo? Bakit napakaraming ghost ang humahabol sayo?"

Galit na sinigawan ni Marvin ang bata.

.

Hindi niya inaasahan ang ganito kalaking sakuna.

Bibihira ang ganitong kaganapan sa despair hills.

Laging gusto ng mga Necromancer na sila ang nasusunod. Kaunti lang ang uprising tulad nito sa tuwing minamanipula ang kanilang mga ghost. Napakabihira ng ganito.

:

Hingal na sinusundan ng bata si Marvin:

"Ha? Wala naman akong ginagawa?"

"Nag-propose lang naman ako, 'yon lang!"

...

Nag-propose?

Nabigla si Marvin.

Mabilis naman siyang mag-isip pero wala siyang maalalang koneksyon ng pag-propose at ng isang ghost uprising?!

Napakabilis tumakbo ng mga skeletal warhorse at limitado lang ang stamina ng dalawa. Kapag ipinagpatuloy nila ang ganito, kalaunan ay aabutan rin si la ng mga ito.

'Ano bang pwedeng gawin?' Tanong ni Marvin sa sarili habang nagkakamot ng ulo.

Kahit gaano pa kalawak ang karanasan niya, hindi niya naisip na masasangkot siya sa isang ghost uprising sa despair hills!

Hide kaya?

.

Pero saan naman siya magtatago dito? Isa pa, masyadong marami ang mga skeletal warhorse. Masagasaan lang din siya ng mga ito kapag nagtago siya.

Mag-iba kaya siya ng direksyon na tinatakbuhan?

Mas Malabo! Siguradong binabantayan ang dalawa ng mga ghost na lumilipad. Mahihirapan sila takas an ang mga 'to!

'Masama 'to'

'May natitira pa namang dragon strength, inumin ko na kaya ngayon?'

Napamura muli si Marvin sa bata. Sa kalagayan nila ngayon, ang pag-inom lang ng dragon strength para magamit ang [Flicker] na specialty ang maaari nilang gawin.

Pero sayang naman kung dito lang ito mapupunta!

Nagdadalawang-isip siyang kunin ang bote mula sa void conch.

Nang bigla siyang hinila palapit ng bata at sinabing, "Sumunod ka sa akin!"

Nagpasuray-suray si Marvin at muntik pang madapa dahil sa paghila sa kanya.

Mataas ang strength ng lalaking to!

Nagulat si Marvin at pinagalitan ang bata, "Anong ginagawa mo?"

Hinihingal na itinuro ng bata ang isang puntod sa di kalayuan. "Doon ako nakatira."

"Hindi sila makakapasok doon."

"Sumunod ka sa akin, ligtas tayo doon."

Wala na itong ba pang sinabi at hinila na lang papasok ng puntod si Marvin.

Walang nagawa si Marvin. Dahil napakalakas ng payat na batang ito, hindi niya nagawang kumawala sa kapit nito.

Magkasunod na tumalon ang dalawa sa mababaw na libingan. Biglang may itim na barikada ang tumaklob sa puntod.

"Blag blag blag!"

"Tigidig tigidig!"

Maririnig ang mga kabayo sa taas ng barikada, habang nagtitipon ang di mabilang na warhorse sa tuktok nila.

Parami ng parami ang mga high level na ghost ang umaatake sa barikada.

Kahit na mukhang marupok ang itim na barikadang ito, napakatibay pala nito.

"Hay, natakot ako dun ah!" Umupo ang bata sa lupa, "Napagod ako…"

"…"

Nanatiling tahimik si Marvin.

Hindi pa rin niya maintindihan ang nangyari.

"Dito ka nakatira sa puntod na to?"

"Ano bang nangyayari sa mga ghost na 'to?" Tanong niya.

Hinaplos ng bata ang ulo ni Marvin at may binigkas na incantation. Naramdaman ni Marvin na kumakalma na ang pakiramdam niya.

Fidel ang pangalan ng batang dahilan ng ghost uprising sa despair hills. Kahit mukha siyang bata, kwarenta anyos na pala ito.

Nakatira siya sa ilalim ng isang puntod, isang malawak na kweba sa ilalim ng lupa.

Paniguradong isang necromancer ang nakatira sa ganitong uri ng lugar, pero …kakaiba ang taong ito.

Kadalasan, masama ang tingin ng mga necromancer sa mga ordinaryong tao. Pero walang naramdamang kahit anong bahid ng kasamaan si Marvin kay Fidel. Sadyang kakaibang necromancer lang ito. Bukod sa parang malapit agad ito simula palang, mahilig rin siyang magkwento… Umaabot na sa puntong napakadaldal nito.

Habang nagtatago mula sa ghost uprising sa labas, kailangan ring tiyagain ni Marvin ang pakikinig sa mga reklamo ni Fidel.

Pero sa totoo lang, naguguluhan pa rin si Marvin sa nangyayari,

"Napamahal ka sa isang lich? Teka… diba walang kasarian ang mga lich?"

"Dati siyang isang magandang babae? Kaya ka niyaya mo siyang magpakasal?"

"

"Mukhang tinanggihan ka. Tapos nagalit mo siya kaya ginamit niya ang mga ghost niya sayo? Edi hindi ito ghost uprising kasi may nag-uutos sa kanila?"

Hindi makapaniwala si Marvin.

Isang necromancer at isang lich… Ngayon lang ata siya nakarinig ng ganito. Sila lang ata ang ganito sa buong Feinan

Sandali lang…

Biglang may naalala si Marvin!

"Necromancer… Fidel… Lich!"

Hindi kaya siya ang magiging Mad Lich Fidel ng despair hills sa hinaharap?

Isang kakaibang nilalang na tinatalo ang lahat ng manlalarong pumapasok sa despair hills?

Ibang-iba ang itsura niya.

Inaalala ni Marvin ang paglalarawan ng mga naglalaro kay Mad Lich Fidel. Parang hindi naman siya ang madaldal na naecromancer na 'to… Teka, May nakapagsabi nga na madaldal siya.

Kahit na una siyang napadpad sa Jewel Bay dati, at halos dito na nanirahan, minsan lang siya napadpad sa despair hills.

Patungkol naman sa kwento ng mad lich, may kaunti siyang nalalaman pero wala siyang gaanong naalala.

"Pucha… Pumalpak man ako ngayon, sigurado akong magagawa ko na 'to sa susunod!" Sabi ni Fidel sa kanyang sarili.

Pinagtimpla nito si Marvin ng tsaa. Pero hindi ito ininom ni Marvin. Malay niya bas a kung anong inilagay ng necromancer sa kanyang tsaa.

"Malaki ang ginastos ko para makabili ng 999 na rosas mula sa isang madayang northern merchant… Bakit kaya hindi nagustuhan ni Sasha?"

Malungkot lang na nakaupo si Fidel. Napakalalim ng kanyang pag-iisip at halos hindi na niya namalayan na naroon pa rin si Marvin.

Sasha?

Biglang nagliwanag ang isip niya.

Natatandaan na niya!

Sasha ang pangalan ng lich. Ang sabi isa raw itong napakagandang babae bago naging isang lich.

May ilan pang bagay na naalala si Marvin, hanggang sa maalala na niya ang kabuoan ng kweno hinggil sa mad lich.

'Yon nga lang, nakaramdam siya ng lungkot.

Tumayo siya at tinapik ang balikat ni Fidel. "Ayos lang 'yan. Sa susunod makakabawi ka rin."

Medyo nakakatawa ang kwento ng mad lich pero nakakalungkot din.

Matalik na magkaibigan si Fidel at Sasha. Dati silang mga wizard apprentice na may pagtingin sa isa't isa.

Pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari, naging isang lich si Sasha.

BIglang naging kalansay ang isang magandang dalaga. Hindi ito makapaniwala kaya nagbago rin ang ugali nito.

Kahit na mayroon siyang malakas na kapangyarihan, nawala naman sa kanya ang katawang tao niya. Naging marahas, iritable, at lumayo ito sa mga tao.

Pero may isang taong nanatili sa tabi nito. Si Fidel.

Sinundan ni Fidel si Sasha sa despair hills at naging isang necromancer.

Sa loob ng mahabang panahon, hindi pinansin ni Sasha si Fidel. Sa tuwing susubukan ni Fidel na mapalapit muli dito, gagamit si Sasha ng malakas na magic para itaboy ito.

Subalit, hindi naman nito intensyong saktang si Fidel.

Kaya nga hindi sila naabutan ng mga skeletal warhorse kahit na dapat ay walang hirap na maabutan ng mga ito sina Fidel at Marvin.

Minamanipula ng lich ang mga ito.

Ayaw niyang makita ng taong mahal niya ang kanyang kalagayan. Kaya mas pinili niyang sapilitang itaboy ang lalaki.

Sa laro, hindi sumuko si Fidel sa pagsuyo niya kay Sasha kahit na naging isang lich ito.

Matapos pumalya ang isa na namang pagsuyo, naisip niyang kaya siguro ayaw sa kanya ni Sasha dahil isa siyang tao at isang lich naman si Sasha.

Kaya naman hiniling niya sa isang high level lich na gawin rin siyang isa sa kanila Sa ganitong paraan, maaari na silang magsama ni Sasha.

Naging matagumpay ang seremonya.

Pero nakakalungkot ang kinahinatnan nito: Matapos maging isang lich, hinanap ni Fidel si Sasha pero bumalik na ito sa dating anyo.

Pinaghirapan ni Fidel na maging isang lich habang pinaghirapan naman ni Sashang mabawi ang kanyang anyong tao.

Naging matagumpay sila pareho. Nabawi niya ang kanyang katawan sa pamamagitan ng revival skill.

Pero hindi na tao si Fidel noong mga panahong 'yon.

Hindi sila nagkatugma.

Isang malungkot na kapalarang binigay sa kanila ng tadhana.

Isang araw ay nagkita ang dalawa at nabaliw si Fidel nang matuklasan ang nangyari.