[Divine Spell – Divine Gift]: Madadagdagan ng +2 ang Strength sa loob ng anim na minute.
Saktong-sakto ang divine spell para kay Marvin.
Kahinaan na niya talaga ang mababa niyang strength noon pa man. Ito ang dahilan kung bakit muntik na siyang mamatay sa kamay ng dark murderer.
Ang misyon niya ay ang patayin ang plague envoy; saka na niya iisipin ang iba pang mga bagay.
Ilang hakbang lang, umabot na si Marvin sa harap ng plague envoy.
Sa pagkakataon ito, hindi na magagamit ng plague envoy ang ano mang divine spell tulad ng putrefaction whirlpool.
Dahil nagamit na niya ito bago pa man dumating so Gordian, at isa lang ito sa iilang mga interrupting divine spell.
Napamura ang plague envoy habang nakikitang papalapit si Marvin. Bigla nitong inilagay ang kamay sa kanyang likuran at hinugot ang isang two-handed na espada!
Nagulat si Marvin at agad na iniwasan ito!
....
'Puta!'
'Fighter pala ang taong 'to!'
Sumakit ang ulo ni Marvin sa sitwasyon!
Hindi niya inakala na isang fighter pala at hindi isang priest ang plague envoy.
San ba nahagilap ng plague god ang nilalang na 'to? Kahit na hindi naman imposibleng maabot ang ganito… dahil naging isang plague envoy siya mula sa pagiging fighter, mas malala ang kakayahan niyang gumamit ng divine spell kumpara sa karamihan ng plague envoy!
Kaya naman pala naramdaman ni Marvin na sobrang maingat ito sa paggamit ng mga divine spell.
'Fighter pala ang hayop na 'to!'
Hindi nagamitan ni Marvin ito ng inspect dahil nag-aalala siyang baka maramdaman ang presensya niya noong naghahanda siyang umatake ng palihim.
Sa puntong ito, agad niyang ginamit ang inspect pagka-ilag nito sa espada.
Hindi alam ni Marvin kung dapat ba siyang matawa o maiyak sa nakita niyang resulta. Ang kalaban niya'y may mga sumusunod na class:
[Fighter lvl5 – Plague Envoy lvl2]
'Ano ba 'to? Kung fighter siya, hindi ba mas magandang piliin ang class na [Plague Knight]?'
Napangisi si Marvin. Medyo huminahon siya ng kaunti nang makita ang resulta.
Dahil mas madali pang kalabanin kesa sa kanyang inaakala ang plague envoy na 'to.
Ang tuloy-tuloy na pagbato ng kalaban niya ng mga sumpa ang pinakang kinakatakot ni Marvin. Kung tinamaan siya ng kahit alin dito, kahit na mapatay pa niya ang plague envoy, malalagay sa peligro ang buhay nito.
Pero isang fighter ang kalaban niya, ibig sabihin lang nito na nagamit na nito ang lahat ng spell na maari niyang gamitin!
Mahusay ang paghawak at paggamit niya sa kanyang espada, ngunit…
Si Marvin ay isang taong naabot na ang sukdulang 20 na dexterity, at natural lang na matalo ng mga ranger ang mga fighter!
Biglang bumilis ang kanyang mga yapak, sinamantala niya ang pagwasiwas ng plague envoy sa espada nito. Isang maliit na katawan ang sumingit sa ilalim ng mga braso ng plague envoy!
[Shadow Steps]!
Tila kidlat siya sa bilis! Walang nagawa ang plague envoy!
Iniangat ni Marvin ang kanyang mga curved dagger pahiga, at mahusay na itinulay ang susunod na skill, ang [Cutthroat]!
[You used cutthroat (46) on your target…]
[Skill failed…]
….
"Krak!"
Isang kakaibang tunog ang umalingawngaw, hindi gumana ang cutthroat!
Dahil ginamit ng plague envoy ang kahuli-hulihan niyang divine spell sa kritikal na sandal, ang [Locust Division]!
Ang locust ang paboritong hayop ng plague god.
Sa sandaling binigkas ang divine spell, naging isang locust ang plague envoy at nagpalipad-lipad.
Isa o dalawa lang sa mga ito ang tinamaan ni Marvin.
Lumipad papalayo ang iba pa.
"Locust division? Tatakas ka?"
SI Gordian na kinakalaban naman ang dark murderer ay sumigaw ng napakalakas. Agad itong naglabas ng isang malaking supot!
Mukhang gawa sa tela ito, pero hindi makakailang isa itong magic item!
'Dahil isa siyang silver church knight; kahit paano'y mayaman din siya. Isang 2nd rank knight na mayroong dalawang magic item!'
Naiingit na nanuod lang si Marvin!
Bilang isang transmigrate, iilan lang ang nakuha niyang uncommon item. Kahit nga ang kanyang mga twin dagge ay parehong common item lang. Paano nangyari ito!
Nakilala niya ang supot na ito, isa itong exorcism pouch na gawa rin ng isang high level na silver church priest.
Ang pouch na ito ay parang wishful rope, pwedeng magamit sa iba't ibang bagay. Napakahalaga at malaking tulong nito.
Pinanuod niya lang si Gordian habang binubuksan ito. May bugso ng hangin na lumabas mula dito at bumagsak sa lupa ang karamihan sa mga locust!
Nais na sanang tumakas ng envoy, pero handa si Gordian para rito!
Ang hangin na lumalabas ay may espesyal na epektong ikinakalat ang divine power, pero mahina lang ang bisa nito. Walang epekto ito sa mga tunay na divine spell.
Pero hinahati ng locust division ang divine power sa maliit na bahagi para makatakas ito isa-isa. Kahit na kapaki-pakinabang ito sa pagtakas, hindi nila kakayanin ang bugso ng hangin na tulad nito.
Isa-isang nagbagsakan sa lupa ang mga locust!
Pagbagsak ng mga ito'y gumagapang na lang sila.
Matagumpay ang plano. Hindi nakatakas ang plague envoy!
Isang malaking ngiti ang makikita sa mukha ni Gordian.
Nang biglang nagpakalawa si Black Jack ng isang atake, imbis na subukang tumakas, sinamantala nito ang pagkakataon para maka-atake!
[Blade Skill – Abyss Phantom]!
Nabalot ang kanyang katawang ng itim na hamog, at palusob patungo kay Gordian!
Nagbago ang itsura ni Gordian!
Isa itong high level na blade technique, hindi ito pangkaraniwan gaya ng Rushing Thunder Slash. 'Saan niya natutunan 'yon?'
Kung ipagpapatuloy niya ang paggamit ng exorcism bag, mapipira-piraso siya ng abyss phantom!
Subalit, may ilan pang locust ang sumusubok tumakas!
"Punyeta!"
Galit a pinadyak ng silver light knight ang kanya paa, itinago ang pouch at itinaas ang espada para salubungin ang atake ni Black Jack.
…
Kumalat ang hangin sa madilim na basement.
May mga locust pa rin na sinusubukang lumipad pataas. May isang bintana sa may itaas, a tila gusto nilang dumaan doon.
Medyo mataas na ang lipad ng mga 'to at hindi na sila maabot ni Marvin kahit tumalon pa siya!
Pero may naisip ng paraan si Marvin.
'Swertihan na lang!'
Itinabi n ani Marvin ang mga curved dagger at kumuha ng dalawang dart na nakasukbit sa kanyang baywang.
[Hidden Weapon – Darts (24) launched!]
"Woosh! Woosh!"
Isa-isang nagliparan ang mga dart.
Tinamaan ng ika-anim na dart ang isang locust at naipako ito sa kisame!
Ang ika-labing-tatlong dart ay nakatama rin ng isa.
Pero malapit na sa bintana ang ikatlong locust.
Basta may isang locust ang nakatakas, makakatakas na ang plague envoy.
Mauuwi sa wala lahat ng pinaghirapan nila Marvin at Gordian!
May oras pa siya para maghagis pa ng dalawa pang dart
Medyo mababa ang kanyang accuracy.
'Bahala na!'
Agad na nakapagpasya si Marvin.
Kumuha siya ng tig limang dart sa magkabilang kamay.kung mahina ang kanyang accuracy, dadaanin na lang niya sa dami!
Kung sabagay, maliit lang naman ang bintana!
Nilakasan ni Marvin ang pagbato, labo-labo ang posisyon ng sampung dart na pinakawalan ni Marvin. Lahat ito'y pinupunterya ang maliit na bintana!
Maliit lang ang katawan ng locust, pero nang ibato niya ang mga dart, binilisan pa nito ang pagaspas ng kanyang mga pakpak.
"Tlag!"
Dinig na dinig ang tunog. TInamaan na ang locust ng isa sa mga dart.
Unti-unting lumaki ang katawan nito para muling maging ang plague envoy. Bumagsak muli ito sa lupa matapos subukang tumayo.
Patay na siya.
…
Nakahinga ng maluwag si Marvin. Sinwerte siya, dahil ibinato lang niya ito basta-basta.
Dahil rin sa hanging ibinuga ng exorcism pouch humina ang mga locust.
Kung hindi, hindi na siguro tinamaan ang alin man sa mga ito!
Matapos mapatay ang plague envoy, tapos na rin ang kanyang quest
.
[Plague Purge] (Completed).
Quest reward obtained: 3000 general exp.
Pero hindi pa rin lumalabas ang regional myth. Sa tingin ni Marvin, mamayang gabi pa ito liliwat kapag kumalat na ang balita tungkol sa nangyari.
Hindi na rin masama ang kill exp ng plague envoy. Nakakuha si Marvin ng 560 battle exp.
Natuwa at nakuntento na dito si Marvin.
Sa kabilang banda, natuwa si Gordian nang makitang matagumpay na napatay ni Marvin ang plague envoy.
Nang makawala ang kanyang mga kamay mula kay Black Jack, hindi na ito masyadong pumalag lumaban!
Ang dalawang assassin naman na hindi nagtagumpay sa kanilang mga desperate strike ay nakatakas na rin.
Nagsisisi si Marvin dahil hinayaan niyang makawala ang mga dalawang tumpok ng experience na 'yon, Kailangan niya kasing harapin ang plague envoy.
"Dahil patay na ang kumuha sa akin. Wala na akong rason para lumaban pa!"
Biglang umatras si Black Jack at lugmok na tiningnan si Gordian, "Tatandaan kita, Silver light knight."
"Pero kilala mo ba kung sino 'yang katabi mo? Kilala ko 'yan, siya ang kasalukuyang gumagawa ng ugong sa River Shore City, ang Masked Twin Blades!"
"Siguro dapat mo na siyang hulihin ngayon!"
Biglang humina ang boses nito at biglang nawala!
[Secret Skill – Vanish]!
Nanlumo si Marvin. Napakalakas ng taong 'to pero gumamit pa rin ito ng ganito pamamaraan. Kaya pala pakiramdam niya'y ligtas na ligtas siya.
Pero hindi na maganda ito, tanging si Marvin na lang at Gordian ang naiwan sa basement.
Dahan-dahang humarap ang silver light knight kay Marvin at seryosong sinabing:
"Ikaw si Masked Twin Blades?"