Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 55 - Blade Techniques

Chapter 55 - Blade Techniques

"Anong ginagawa mo? Tumigil ka!"

Noong inakala ni Marvin na sasali na sa laban ang plague envoy, biglang sumigaw si Black Jack ng, "Ako ang papatay sa kanya!"

"Gusto lang naman kitang tulungan…" Sagot ng plague envoy.

"Salamat, pero hindi ko kailangan ng tulong mo!"

Ngumisi lang si Black Jack at sinabing, "Kaya ko siyang tapusin mag-isa!"

"Ang mga tagasunod mo ang problemahin mo!"

Padabog na naglakad palayo ang plague envoy. Lumapit ito sa grupo ng mga kabataan.

'Pagkakataon ko na 'to!' pakiramdam ni Marvin ay sinwerte siya.

Kahit na hindi siya ang kalaban ni Black Jack, maaari siyang makatakas.

Dahil sa sunod-sunod na pag-atake ni Black Jack, pilit na iniilagan ni Marvin ang bawat isa nito.

Sa bawat galaw niya, tila mas lumalala ang kanyang sitwasyon.

Parang tatamaan na siya ng dagger sa bawat atake, pero nagagawa pa rin niya itong maiwasan.

Papalapit rin siya ng papalapit sa pinto sa bawat pag-ilag niya.

Simple lang ang ideya ni Marvin: kung alam mong wala kang laban, tumakas ka na. Kahit na mas mababa ang kanyang dexterity kumpara kay Black Jack, walang gaanong pinagkaiba ito sa mga ganitong sitwasyon.

Kung hindi makikigulo ang plague envoy, maaari siyang makatakas basta makakita ng pagkakataon!

May pagkakataon rin siyang baliktarin ang laban at mapatay niya ang taong 'to!

Mayroong Ring of Prayers si Marvin.

Rainbow Jet ang pinakamalakas na1st circle spell ni Marvin, at ito rin ang alas niya. Pero malaki ang tyansang maiwasan ito ni Black Jack, kung pilit na gagamitin ito ni Marvin sa harap niya, dahil sa taas ng dexterity nito.

Kaya kailangan ng tamang tyempo ni Marvin.

Ting!

Isang itim na curved dagger ang tumama sa kahoy na sahig. Kasama na dito ang isang hibla ng buhok ni Marvin.

Muntik na naman siyang tamaan!

Ngiting demonyo ang dark murderer. Mukhang napapagod na rin siya sa labang ito. Bahagyang nagbago ang postura ng kanyang mga balikat!

'Puta, mukhang na-master ng taong 'to ang isang uri ng [Blade Technique] skill!'

'Sa postura niya mukhang hindi naman 'to [Whirlwind Blade], mukhang [Rushing Thunder Slash]!'

Namutla si Marvin, Nanganganib na talaga ang buhay niya.

Kaya niyang salagin ang mga pangkaraniwang atake. Pero hindi niya kakayanin ang isang blade technique sa lagay ng kanyang mga ability at common curved dagger.

Malinaw ito sa kanya.

Nahulaan n ani Black Jack ang kanyang binabalak!

Alam na ng taong ito na gustong samantalahin ni Marvin ang pagkakataon para makatakas, pero nagkunwari pa rin ito na hindi niya ito alam.

Pinaglalaruan niya ang kanyang kalaban!

Binasag niya ang kumpyansa ni Marvin sa isang iglap.

Lalo pa't sa lakas ng skill na 'to, kahit pa malapit na ang lagusan palabas, hindi na makakatakas ng buhay si Marvin.

"Mukhang nawawalan ka na ng pag-asa, Masked Twin Blades."

"Pagnapatay na kita, tatanggalin ko ang maskara mo para makita ko na kung sino ka talaga!"

"Hahaha!"

Habang tumatawa ang dark murderer, may misteryosong liwanag ang lumabas sa kanyang patalim.

Eto ang hudyat ng paggamit ng isang blade skill.

Wala ng silbi ang pagtakas, special skill ang mga blade technique at kadalasan ay malawak ang sakop nito. Lalo pa at gagamitin ng isang napakalakas na dark murderer. Kung mayroon lang specialty si Marvin na [Flicker], may pag-asa sana niyang maiwasan ito.

Pero dahil tapos na ang bias ng dragon strength, mawawala na rin ang pansamantalang taas ng kanyang stats.

Wala nang mapupuntahan si Marvin. Kailangan niya itong matapatan!

Habang iniisip ito, itinaas ni Marvin ang kanyang dagger at nagkunwaring sasalagin ang atake!

Pero ang katotohanan, nagsimula na siyang magbigkas ng incantation ng ring of prayers na pinupunterya ang pasugod na dark murderer.

[Blade Technique – Rushing Thunder Slash]!

!

Sumigaw ng malakas ang dark murderer. Tila isang anino ang kanyang curved dagger. Nakatutok ang talim nito kay Marvin!

Sa kabuoan, may anim na galaw ang Rushing Thunder Slash. At bawat isa dito'y kilala sa kanilang bilis.

.

Kayang pabilisin ng tatlong beses ng blade technique na ito ang atake ng isang tao.

Halimbawa, kung kayang umatake ni Black Jack ng limang beses sa isang segundo, pagkagamit nito, kaya na niyang umatake ng labing-limang beses sa loob ng isang segundo!

Hindi kakayaning salagin ni Marvin ang ganitong klase ng bilis sap ag atake dahil hindi niya ito masasabayan.

Kaya niya lang itong tapatan!

Umaasa siya sa [Repel] na epekto ng rainbow jet.

Eto lang ang pagkakataon ni Marvin para maipanalo ang labang ito!

Hindi rin binigyan ng lalaking ito si Marvin makainom ng gamot!

Nararapat lang siyang tawaging elite hitman ng Shadow Spider.

Parang isang anino sa bilis ang talim ng curved dagger na sasaksak kay Marvin. Gayun din na malapit nang mapakawalan ang rainbow jet.

Pero sa puntong ito, maririnig ang pagdagundong ng lupa!

Isang malaking butas ang biglang lumitaw sa itaas ng dalawang lalaki.

Hindi mabilang na tipak ng bato ang bumagsak. Kaya naman parehong nakansela ang kanilang mga skill!

Hindi dahil sa mga bumabagsak na bato kundi dahil sa dagundong nito!

Sa isang sulok, sinamantala ni Marvin ang pagkakataon para magtago at tingnan ang kanyang battle log.

Ang skill niya ay naudlot dahil sa isa pang skill na [Divine Grace – Mind Blast] ang pangalan!

May gumamit ng [Mind Blast] para gumawa ng butas patungo sa basement. Isa itong intimidation type na skill na may malawak na sakop, at kayang pigilan ang karamihan ng mga skill.

'Sino 'yon?'

Nakita ni Marvin mula sa sulok ang isang matangkad na lalaking tumalon mula sa butas!

Kulay mais ang buhok nito at maayos ang itsura. May dala itong matalas na espada at may suot na silver badge sa kanyang tiyan!

[Silver Light]!

"Isang silver light knight!'

"Isan knight? Teka, teka… Kanina may pinag-uusapan silang knight, ito kaya 'yon?'

Nakilala siya ni Marvin. Ang lalaking ito ay isa sa mga pinakasikat na knight sa River Shore City. Bilang isa sa mga guardian ng Silver Church, madalas itong magpakita sa madla.

Dahil mayroong kasunduan ang Silver Church at River Shore City, kinailangan nilang magpadala ng mga guradian knight para sumama sa mga patrol ng River Shore City.

Isa sa kanila ang Gordian na ito.

Siya ang namamahala sa patrol ng wealthy district.

Kasama si Gordian, ang makapangyarihang 2nd rank silver light knight, sa mga patrol na pinadala niya sa daungan noong gabing pinatay niya si Miller.

"Mga tagasunod ng Plague God, mamamatay kayo ngayong gabi!"

Tumayo lang si Gordian at tinitigan ang pangyayari sa basement.

Pero biglang naglaho ang lahat sa paligid, walang naiwan kundi ang ilang kabataan.

Mukhang biglang nawala ang dark murderer at plague envoy.

Sumikip ang dibdib ni Marvin, nakaramdam siya ng sabwatan.

Dahil base sa usapan ng dark murderer at plague envoy kanina, alam nilang paparating ang silver knight.

'Mukhang hindi rin tuso ring kausap ang Silver Church. Pinagkakitaan nila ang mga tagasunod ng plague god sa pagpapa-upa ng simabahan pero kasabay nito, nagpadala sila ng knight para hulihin ang mga ito, Mga sakim.' Hula ni Marvin.

Tapos nito, ang ilang lalaking nakasunod kay Gordian ay inaresto na ang mga kabataan.

Habang si Gordian, nakatayo pa rin habang pinagmamasdan ang kapaligiran. Bigla itong naglakad.

Wala ng natira.

Subalit, alam ni Marvin na may mga detection type na spell ang mga class na tulad ng Guardian Knight.

Madali lang hagilapin ang bakas ng plague envoy.

At tulad ng inaasahan, ngumisi si Gordian at sinabing, "Akala mo Matatakasan mo ko? Wag ka ng umasa!"

Agad itong tumakbo patungo sa dilim nang mag-isa.

Mayroon palang tagong lagusan sa pwestong 'yon!

Hindi tiyak kung saan ito patungo pero malamang patungo ito sa isang lugar sa loob ng siyudad.

'Alam ko na!'

Biglang may naisip si Marvin na nakatago pa rin sa sulok habang iniinda ang bahagi ng katawan na tinamaan ng bato.

Isa 'tong patibong. Pakay talaga nilang habulin ni Gordian mag-isa ang plague envoy.

Marami na sigurong nahuling tagasunod ng plague god ang Silver Light Knight na ito, kaya nagalit na ang plague envoy dahil dito.

Kaya, nag-imbita sila ng isang shadow spider assassin para mahulog ito sa patibong. Kapag nagsanib pwersa ang dalawa, kaya nilang patayin si Gordian,

Pero hindi nila inakalang, makakaharap nila ang [Masked Twin Blades] sa gitna ng kanilang operasyon.

'Nakakatuwa naman.'

Ngumiti si Marvin.

'Sinagad mo ang kakayahan ko. Hindi ko na palalampasin ang pagkakataong ito. Pasensyahan na lang tayo Black Jack.'

'Pero kailangan ko ring mag-ingat, kahit na kinamumuhian ng silver light knight ang plague envoy, mayroon rin akong arrest warrant.'

'Gayon pa man, oras na para sumunod at magmasid.'

Tahimik na gumamit si Marvin ng stealth at nanatiling malaki ang distansya kay Gordian.

Ang dalawang lalaki, isang nasa harap at isang naiiwan sa bandang likuran, ang umabot muli sa isa pang basement.