Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 52 - Follower

Chapter 52 - Follower

Isang gabi sa River Shore City, sa Commoner District, sa isang maliit na bahay na may dalawang palapag.

Isang makapal na usok ang kumalat sa isang makalat na kwarto sa loob ng bahay.

Sa loob ng kwarto, may nakahigang batang babae sa kama, humahalinghing ito. Naninilaw ang kanyang mga balat at tila nanghihina.

Pero punong-puno ng sigla ang kanyang mga mata.

"Itay…" bulong ng bata, "Malapit na ata akong mamatay."

isang matangkad na lalaki hirap magpigil ng kanyang luha ang naka-upo sa tabi ng kama. Hinawakan niya ang kamay ng kanyang anak at sinabing, "Nakahanap na ko ng paraan para pagalingin ka Lyle!"

"Gagaling ka na, magiging maayos na ang lahat."

May isa pang tao sa loob ng kwarto. Isang batang babae na ka-edad ni Lyle at kapareho rin ng estado ng buhay base sa kanyang pananamit. Nakaupo rin ito sa tabi ng kama habang tinitingnan si Lyle.

"Salamat, Chini," sabi ni Gru. " Salamat sa pag-aalaga sa kanya habang wala ako."

"Dapat ko lang naman po itong gawin Mr. Gru," malungkot na sabi ni Chini. "Matalik na kaibigan ko si Lyle."

"Ang pag-aalaga sa kanya ang magagawa ko. Pero ang katawan niya…"

Lumingon ito dahil hindi magawang tingnan ng bata ang kaibigan.

Eto ang bahay ni Gru. Bilang isang low level na adventurer, na nagpursiging magtrabaho sa River Shore City, hindi naging madali para sa kanya ang makabili ng ganitong bahay sa commoner district.

Sa gabing ito, binigyan siya ng libro ng Baron ng White River Valley at sinabing hahanapin ng Masked Twin Blades ang kanyang bahay.

Sobrang saya niya dahil dito.

Sa wakas, may pag-asa na ang kanyang anak. Kahit na maliit ang posibilidad, gusto pa rin niya itong masubukan.

Ang usok sa loob ng kwarto ay isang makalumang pamamaraan ng panggagamot. Epektibo raw ang pagpapataas ng temperature ng kwarto laban sa ano mang sakit.

Marami na ring pinapuntang doktor si Gru pero walang sino man sa kanila ang nakapagpagaling kay Lyle. Walang nagawa ang mga ito kundi sumubok ng ilang paraan.

Si Chini, na kagigising lang, ay umupo saglit bago nagpaalam umalis. "Uuwi na po muna ako, total nakabalik na po kayo."

Tumango si Gru.

Paalisin n asana niya ang batang babae ng biglang may aninong pumasok mula sa labas!

"Wag!"

Klang!

Isang curved dagger ang tinutok sa leeg ni Chini.

"Anong ginagawa mo?" gulat na tanong ni Gru.

Sinubukang sumigaw ni Chini pero natakpan na agad ni Marvin ang bibig nito bago ito makapagingay.

Suot naman niya ang [Ghaslty Gloves]. Kaya wala siyang mararamdaman kahit subukan siyang kagatin nito.

"Anong ginagawa ko?"

"Dapat siguro siya ang dapat mong tanungin niyan." Sabi ni Marvin.

Pinunit niya ang damit ni Chini!

Isang kakaibang simbolo ang makikita sa leeg nito. Parang kalahati lang na tato.

"Hindi kita maintindihan. Kaibigan ni Lyle si Chini," sagot ni Gru. "Mr Masked Twin Blades, pakawalan niyo siya."

"Buksan mo ang libro, sa pahina 670, tingna mo ang nakaguhit." Ika ni Marvin.

Kasabay nito, nanginig ang buong katawan ni Chini.

Makikita ang takot sa mga mata nito.

Sinubukan niyang pumiglas pero kahit na pangkaraniwan lang ang strength ni Marvin, sapat na ito para pigilan ang isang bata.

Dahil sa takot nito sa curved dagger, tumigil rin ito sa pagpalag.

Dali-daling kinuha ni Gru ang Libro at binuklat ito sa pahinang sinabi ni Marvin.

Nagbago ang mukha nito!

"Tagasunod ka ng Plague God?"

"Paanong nangyari 'yon? Chini?"

Gulat na gulat si Gru!

Nakita ang libron ito sa aklatan ni Baron Marvin. Isa itong maksaysayang libro na ipinasa-pasa mula sa kanyang lolo. Sa loob nito makikita ang mga sikreto ng mga tagasunod ng mga masasamang kulto.

Kasama na rito ang mga patungkol sa Plague God.

Hindi bulag si Gru; kitang-kita niya ang tato sa leeg ni Chini. Kopyang-kopya nito ang nasa libro kung natapos ito.

Sinisimbolo nito ang mga tagasunod ng Plague God!

Grupo sila ng mga kamuhi-muhing mga tao. Malaki ang paniniwala nila sa mga plague, at gusto nilang ikalat ito, pero sila mismo ay hindi maapektuhan nito dahil sa basbas ng Plague God.

Punong-puno ng poot ang mga taong ito.

Si Lyle na nakahiga sa kkama at hindi naiintindihan ang nangyayari ay nagugulahang tinanong, "Anong ginagawa mo?"

"Itay, wag mong hayaang saktan niya si Chini."

Hindi natutuwa si Marvin. TInira niya ang batok ni Chini para mawalan ng malay.

"Baliw!" galit na sabi ni Lyle. Namumula ang kanyang mukha sag alit.

"Manahimik ka!" Malungkot na sigaw ni Gru.

Nagulat si Lyle. Kailanman hindi siya kianusap ng ganoon ng kanyang ama.

"Si Chini ang may gawa nito!"

Mahinahon inulit ni Gru na,"Si Chini ang dahilan ng sakit mo."

"Ano? Imposible?!" Umiling-iling si Lyle. Makikita ang pagkadismaya sa kanyang mukha!

Tinakpan ng kanyang kaliwang kamay ang kanyang tiyan at humagulgol. Mahigpit ang hawak ng kanyang kanang kamay sa kumot, at napunit ito sa saobrang higpit.

Napakasakit nito!

Agad na niyakap ni Gru si Lyle, habang nagmamaka-awang tiningnan si Marvin.

Huminga ng malalim si Marvin at sinabi kay Gru, "Kung gusto mong iligtas ang buhay niya, makinig ka sa akin."

Pilit na tumango si Gru.

Sa puntong ito, wala na siyang magagawa kung makinig sa sinasabi ng Masked Twin Blades.

Tinanggal na nila ang pampausok at tanging isang malaking pang-siga lang ang natira.

May isang kakaibang halaman ang nasusunog sa pang-siga. Kilala ang halaman na ito sa pangalang [Amethyst Sprout], isang bitter grass na walang sustansya. Tanging ang mga mahihirap lang ang gumagamit nito.

Maglalabas ng nakakairitang kulay ubeng usok ang Amethyst Sprout kapag sinunog, pero kahit ganoon sinabi ni Marvin kay Gr una isara ang pinto at mga bintana.

Itinali nila ang mga kamay at pa ani Lyle sa kama.

"Pwede ka ng lumabas."

"Hindi mo gugustuhing makita ang mga susunod na mangyayari," mahinahong sabi ni Marvin. "Kung gusto mong manatili, kailangan mong ipangako sakin na hindi mo ko pipigilan ano man ang gawin ko sa anak mo!"

"Itay! Wag mo kong iwan! Ayokong maiwan dito kasama ang baliw na 'to!"

Sigaw ni Lyle.

Hindi maipinta ang mukha ni Gru.

Walang rason para saktan siya ni Masked Twin Blades. Kinagat niya ang kanyang labi at pumunta sa tabi ni Lyle, "Anak, magtiwala ka sa akin. Kahit na parang baliw ang taong ito, nagpunta siya dito para pagalingin ka."

"Kailangan mong magtiwala sa akin, Mahal na mahal kita, anak."

Hinalikan niya sa noo si Lyle bago tinitigan si Marvin, saka lumabas ng kwarto.

Tangin si Marvin at ang umiiyak na si Lyle ang naiwan sa kwarto.

"Isa kang tanga."

"Hindi ka naman siguro ganoon katanga para hindi mapansin na may kinalaman ang kaibigan mo sa sitwasyon mo ngayon, hindi ba?"

Kinuha ni Marvin ang Kingfisher Jade Dagger habang kalmadong nagsasalita.

Inubo na si Lyle dahil kumalat na sa buong kwarto ang kulay ubeng usok.

Natahimik siya panandalian, bago pinagpag ang kanyang ulo. "Imposible, walang rason si Chini para gawin sakin 'to."

"Gagawin ng mga tao ang lahat para mabuhay."

Lumapit si Marvin kay Lyle at sinabing, "Mahal na mahal ka ng tatay mo."

Tiningnan ni Lyl si Marvin. "Anong gagamitin mo para mapagaling ako?"

"Pop!"

Hindi man lang niya natapos ang kanyang sasabihin, ginamit na agad ni Marvin ang kanyang dagger para punitin ang damit nito.

"Aaah!" umalingawngaw sa kwarto ang kanyang sigaw.

Si Gr una nakaupo sa labas ay naisipang tumakbo papasok, pero pinigilan niya ang sarili niya.

Iba't ibang klase ng hiyaw ang narinig niya sa lumipas na siang oras.

Sa puntong 'to'y namaos na siya.

Namimintig ang mga ugat sa ulo ni Gru. Ilang beses niyang naisipang sirain ang pinto para makapasok.

Kung may ginagawang masama ang Masked Twin Blades sa kanyang anak…

Hindi niya alam ang kanyang gagawin.

Hanggang sa bumukas ang pinto at makikita na ang kaganapan sa loob.

Lumabas ang Masked Twin Blades na may karga-karga sa kanyang Balikat.

"Ako na ang bahala sa isang 'to."

"Maayos na ang lagay ng anak mo."

"Matinding laban ang pinagdaanan niya. Pakalmahin mo siya. Sa tingin ko makakabuti sa kanya ang malayo sa lugar na ito. Lalo pa at delikado na ngayon sa River Shore City. Ano sa tingin mo Mr. Gru?"

Tinitingnan ni Gru ang natutulog na si Lyle. Kahit na medyo namumutla pa ito, mas payapa na itong natutulog ngayon.

Ngayon lang uli siya nakatulog ng mahimbing!

"Anong ibig mong sabihin, Mr. Masked Twin Blades?" Biglang bumalik sa ulirat si Gru.

Bumaba na si Marvin sa hagdan na bitbit pa rin si Chini, "Mukhang maganda sa White River Valley."

"Maganda ang kapaligiran at mababait ang mga tao."

Malaki ang pasasalamat ni Gru kay Marvin.

"Naiintindihan ko."

Habang lumalalim ang gabi, sa isang kwarto sa isang abandonadong bodega.

"Splash!"

Isang balde ng tubig ang ibinuhos sa mukha ni Chini.

"Sabihin mo sa akin kung saan kayo nagtitipon-tipon."

Sabi ni Marvin sa isang nakakatakot na tono.