Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 29 - Scouting

Chapter 29 - Scouting

Isang gabi, sa isang kalsada sa labas ng River Shore City.

Mag-isang naglalakad pauwi si Marvin nang bigla siyang nakaramdam ng matinding kalungkutan.

'Naramdaman ko rin ang lungkot…'

'Bakit kahit alam kong mamamatay si Anthony nararamdaman ko pa rin ang lungkot?'

Natigilan si Marvin sa kanyang kinatatayuan, at unti-unting nakabawi.

Nabigla si Marvin. Ngunit hindi dahil sa naramdaman niya.

Hindi man alam ng mga ordinaryong tao kung ano ang kalungkutang 'yon, pero alam 'to ni Marvin. Bilang isa sa mga aktibong legendary wizard na buhay. Isa si Anthony sa mga pumipigil sa kasamaan, at siya rin ang pinakamalakas pagdating dito.

Maging twin snakes cult man o mga lower plane na evil spirit, hindi nila basta-basta nagagawa ang kagustuhan nila dahil sa Eye of the Bright Sun ni Anthony.

Ang dakilang legendary wizard ang tagapag-alaga ng East Coast. Isa rin siya sa pinakamatataas na miyembro ng south wizard alliance.

Walang sapat na salita para mailarawan ang ganitong klase ng tao.

Isang siyang malaking kawalan sa Feinan Continent. Kaya naman makakaramdam ng kalungkutan ang mga mabubuting tao.

Una pa lang ito.

Dahil ang legend na ito ang naunang namatay nang magsimula ang Great Calamity.

Sa pagsasabwatan ng mga god, maraming wizard ang mankind ang mamamatay. Isa-isang magaganap ang mga kaganapang 'yon base sa alaala ni Marvin.

Hindi magtatagal, kakalat ang balita ng kamatayan ni Anthony. At dahil dito, magsisimulang maglabasan mula sa kanilang lungga ang mga masasamang nilalang.

Ito na ang panahon ng pag-usbong ng [World-endong Twin Snakes]. Mga tagasunod ng [Plague God], ang mga [Living Puppets]… Simula pa lang ang lahat ng 'to.

Mababalot ng kaguluhan ang buong Feinan.

Mawawalan ng kapangyarihan ang mga wizard at magiging mga halimaw. Dahil sa paghihirap, magsisimulang magdasal sa mga god ang mga mortal.

Eto ang gusto ng mga mapagmataas na mga god.

At siyempre ang ikaapat na Fate Tablet.

Hindi na mapipigilan ang lahat ng 'to. Ang tanging magagawa ni Marvin ay ang bumuo ng ligtas na lugar sa gitna ng isang magulong mundo.

May kahirapang gawin 'to!

Pero dahil si Marvin 'to, hindi siya basta-basta susuko.

Tadhana ang nagdala sa mundong 'to. Isa pa, mayroon silang kasunduan ng tunay na may-ari ng katawan kaya kailangan niya itong tuparin.

Ito ang pangako ni Marvin sa kaluluwang 'yon, at dahil doon, kailangan niyang ipagtanggol ang teritoryo nito kahit pa ikamatay niya ito.

'Hindi kaya mabuti rin ang kalooban ko?'

Tiningnan ni Marvin ang maitim na ulap na nasa dakong silangan at natawa sa kanyang sarili.

Tatagal ng ilang araw ang malakas nap ag-ulan na manggagaling sa ulap na 'yan. Uulanin ang buong East Coast.

Isa itong babala para sa sangkatauhan ng Feinan na namatay na ang legendary wizard na si Anthony. Isang delubyo ang paparating.

Huminga ng malalim si Marvin at sinamantala ang kadiliman para bilisan ang kilos.

Walang katao-tao sa kalsadang 'yon. Kakaunti lang ang taong naglalakad ng mag-isa kapag gabi. Sa katunayan, ang kalsadang ito'y pinagawa ng kauna-unahang White River Valley lord, na lolo ni Marvin.

Mula nang bumagsak ang White River Vallet, wala ng caravan ang pumupunta rito. Dahil sino nga naman ang makikipagkalakal sa mga gnoll?

Mababa ang dark vision ni Marvin pero buti na lang nakalabas ang buwan ngayong gabi. Nakakita pa rin siya sa malayo dahil sa Mark of the Moon.

Binilisan niya ang kanyang pagtakbo dahil ayaw niyang mag-iwan ng kahit anong bakas. Nagdesisyon siyang magpapahinga lang siya tuwing umaga at maglalakbay tuwing gabi.

Isang gabi, makalipas ang dalawang araw. Nakarating na siya sa wakas, sa White River Valley.

…...

...

Sa Northern Mine.

Malakas ang hangin na tumatama sa mga beech tree na nasa grove, habang papalapit naman ang malakas na ulan. Eto na ang dulo ng pangunahing kalsadang 'to, at nahahati na 'to sa dalawang makipot na daan pagtapos.

Gumamit si Marvin ng stealth sa pagtawid niya sa grove.

Nakarating siya sa krosing at napansin ang isang karatula.

Pamilyar si Marvin sa karatulang 'to. Tinuturo nito ang daan patungo sa Northern mine at sa palasyo sa dakong timog.

Pero mayroong berdeng nakasulat sa tuktok nito!

Pinalitan ang mga dating nakasulat ng kung ano-anong pangit na salita.

'lenggwahe ng mga gnoll! Tangina! Mga hayop na 'yon!'

Nagngalit ang mga ngipin ni Marvin.

Kahit na siya gaanong kagaling sa lenggwaheng 'to, nahihinuha niya na malamang ang ibig sabihin nito'y teritoryo nila 'to.

Isang hakbang pa'y nasa teritoryo ka na ng mga gnoll!

Siguradong isang tribo ng mga gnoll ang sumugod sa kanyang palasyo kung hindi, hindi sana babagsak agad-agad ang depensa nito.

Sadyang magulo ang gabi 'yon kaya naman walang masyadong naalala o nakuhang impormasyon ang bata para kay Marvin.

Kaya kailangan niyang pumunta at makita mismo ang sitwasyon.

Pero may nakita na agad siyang problema sa may krosing.

Mayroong mga sentinel na gnoll.

Mga common sentinel lang ang mga 'to. Dalawang fighter at dalawang archer, na may hawak na mga malulupit na armas. Sa isang tingin lang ay malalaman mong sila mismo ang may gawa ng mga 'to. Kayang makagawa ng isang slingshot na mas malakas pa sa mga bow ng gnoll ang isang magaling na human weaponsmith.

Hindi siya gaanong natatakot sa mga gnoll sentinel. Ang dalawang matatangkad na anino sa likod ng mga 'to ang nakapukaw ng pansin ni Marvin.

Gumamit si Marvin ng Inspect.

Mutated Aardwolf¹!

Isang level 4 na beast na umaabot sa 200 ang hp at melee fighting ability na maikukumpara sa mga tigre.

Ang mga mutated aardwolf na ito ang nanguna sa unang pagsalakay sa palasyo. Sinubukang salagin ng hukbong nagbabantay sa palasyo 'to ngunit mabilis lang nasira ang mga kalasag nila.

Si Marvin mismo ay muntik mapatay ng isa sa mga mutated aardwolf!

Buti na lang nailigtas siya ni Anna.

Alam ni Marvin na nangangalaga ng mga aardwolf ang mga gnoll.

Pero hindi ang ganitong klase ng mutated aardwolf ang kayang paamuhin ng isang gnoll.

'Mayroon kaya silang isang rare beast tamer?' Hula ni Marvin.

Isang malaking problema ang kinakaharap niya ngayon.

Hinaranagan ng mga ito ang kalsada kaya kung gusto niyang makapasok, kailangan niyang dispatsahin ang mga sentinel na 'to.

pero pumunta lang siya dito para magmanman.

Kailangan niyang malaman ang bawat kilos ng tribo ng mga gnoll, ang mga lakas ng mga sundalo nito, ang level ng pinuno, at kung ano-ano pa.

Kailangan niyang magawa ito ng tahimik at walang nakaka-alam.

Pero hinaharangan ng mga sentinel at aardwolf ang kanyang daraanan.

Mahihirapan siya dito.

Nagdalawang-isip si Marvin, saka siya nagdesisyon na magtago sa likod ng isang beech tree at gumamit ng stealth.

"Kailangan kong maging matyaga at mahinahon."

Naghintay si Marvin ng dalawang oras sa gitna ng maginaw na simoy ng hangin.

Biglang walang humpay ang pagbuhos ng ulan mula sa kalangitan.

Eto ang spell na ginawa ng legendary wizard na si Anthony bago siya mamatay para balaan ang masasamang nilalang sa Feinan.

At tulad ng sabi ni Marvin, takot sa tubig ulan ang ma gnoll. Mahihirapan silang patuyuin ang mga balahibo nito kapag nabasa at mabubulok dahil sa mga parasite.

Dahil dito, pipiliting magtago ng mga ito sa kahit anong siwang.

at nang magsimulan umulan, nagkagulo ang mga sentinel at tumakbo papunta sa isang siwang na nasa may burol.

Sinundan ang mga ito ng mga aardwolf.

Natuwa si Marvin at gumamit ng stealth habang umuulan. Tahimik siyang naglakad papasok.

Wala ng ibang sagabal paglagpas niya sa unang checkpoint.

Tahimik na tumungo si Marvin sa northern mine.

Napagalaman niyang walang kalam-alam ang mga gnoll sa pagmimina. Pagkatapos niyang palikasin ang mga minero, mga 20 fighter na gnoll lang at dalawang aardwolf ang depensa ng minahan na 'to. Mukhang level 3 Officer ang isa sa kanila.

'Mukhang nilagay ng pinuno nila ang karamihan ng mga gnoll para bantayan ang palasyo. Sa dami ng mga aardwolf nila mukhang nasa katamtaman ang laki ng tribo na mayroong 300 o higit pang gnoll. Di na nakakapagtaka kung bakit kami natalo noong gabing 'yon. Masyadong Malaki ang destructive power ng mga mutated aardwolf. Kakailanganin ng 2nd rank na expert para lang matalo sila.'

Pinaalalahanan ni Marvin ang sarili na: kailangan niya munang dispatyahin ang mga aardwolf kung gusto niyang mabawi ang teritoryo niya.

Dahil kung tutuusin, kaya naman nilang palibutan at talunin ang mga gnoll na fighter.

Pero mas interesado siya sa kung sino ang nag-breed sa mga mutated aardwolf.

Ang mga ordinaryong aardwolf at mga level 2 na beast, at ang isang aardwolf ay makikita sa grupo ng mga gnoll na nasa 10 o higit pa ang bilang. Pambihira ang lakas ng master nito kung mapapaabot ang mga ito sa level 4.

'Siguro isa siyang ranger advanced class – Tamer?'

Hindi sigurado si Marvin. Pero malamang ang master ng mga mutated wolf na 'yon ang pinuno.

Walang rason para hind imaging pinuno ang ganoon kalakas na nilalang.

Matagal rin siyang nagisip, at makikita na sa valley ang anino ng palasyo.

Malakas pa rin ang ulan pero hindi nagpadalos-dalos si Marvin lalo pa at may alam siyang lihim na lagusan patungo sa palasyo. Kaso nga lang, madulas ang daan papunta roon. Isang pagkakamali lang madudulas siya at mahuhulog sa kawalan.

Kailangan niyang hintaying tumila ang ulan sa labas.

Kaya binalak niyang pumunta sa burol kung nasaan ang palasyo para maghanap ng bahay, na hindi tinirhan ng mga gnoll, para magpalipas ng gabi.

Maingat niyang iniwasan ang mga mga gnoll na rumoronda. Pumili ng pamilyar na bahay at saka pumasok.

Nakalikas naman na siguro patungo sa countryside ang may-ari nito. Sandali lang naman manunuluyan si Marvin dito kaya wala naman sigurong problema.

Pero sa di inaasahang pagkakataon, may maririnig na sigaw mula sa bakuran ng bahay.

'boses ng isang babae!'

____________________

1 – maikling paliwanag – ang aardwolf ay isang mamal na kumakain ng mga insekto. Kabilang sila sa uri ng hyena. Ang ibig sabihin ng aardwolf ay earth sa dutch at africans.