Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 16 - Void Conch

Chapter 16 - Void Conch

Sa loob lang ng isang gabi yumaman si Marvin dahil sa pagpatay niya sa Acheron Gang.

Hindi kailanman naging matipid si Marvin lalo na kapag alam niyang mahalaga ang kanyang pinagkakagastusan. Kung sabagay, mawawalan na rin naman ng halaga ang mga ito kapag nangyari na ang Calamity. Kaya mas mabuting pang gastusin na niya ito sa mga makabuluhang bagay.

Lalo na ang ginto ng mga wizard. Sayang naman kung hindi ito magagamit bago tuluyang bumagsak ang mga siyudad sa katimugan.

Matagal nang alam ito ni Marvin kaya iniba niya ang itsura niya bago siya umalis ng River Shore City at pumunta sa Ranger Guild.

Simpleng organisasyon lang ang Ranger Guild na walang kinakampahan, nagbibigay ng mga quest, at paminsan-minsang nakikpagkalakal.

Tiningnan ni Marvin ang quest board ng Ranger Guild. Wala pa rito ang [Clean up the Scarlet Monastery] na quest kapag nagsimula na ang Calamity. Nangangahulugan lang na nagsasarili pa ang mga scarlet slaves at kaya pa silang manipulahin dahil hindi pa sila gaanong kalakas. At mayroonnang plano si Marvin para sa half-god lich na natutulog.

Nabigo raw itong ma-abot ang godhood at bigla na lang nakatulog ng napaka-lalim mula noon. Pero ang katunayan, nakabuo siya ng Divinity, kaso nga lang bigla siyang pumalya noong patapos na siya.

At nasa ilalim lang ng Scarlet Monastery ang Divinity na ito.

Gustuhin man makuha ni Marvin nag Divinity na to, kulang pa ang lakas niya. Kaya siyang patayin ng hald-god lich na 'yon sa isang iglap.

...

Malaki-laki ang nagastos ni Marvin sa loob ng Wizard Alliance alchemist shop ng Ranger Guild dahil may binili siyang mahalagang bagay. Ang void conch.

[Void Conch]

Quality: Uncommon

Capacity: Four cubic chi¹ empty space.

Requirements: 10 Intelligence.

(T/N: 1 chi = 0,33 meter)

Ang void conch ang pinakamadalas gamiting storage item dahil sa lawak nito. Kaunting remedyo lang at magiging isang kapaki-pakinabang na magic item ito.

Sobrang laki ng pakinabang nito kaya naman gumastos ng 3 wizard gold si Marvin para rito.

Tulad ng mga uncommon item, napakamahal rin ng mga storage item.

Bukod rito, bumili rin si Marvn ng [Wishful Rope]. Uncommon item rin ito per di hamak na mas mura ito dahil 1600 na pilak lang ang halaga nito.

Maraming pwedeng gamitan ang item na ito na sinasabing nagmula pa raw sa kamay ng isang high-elf. Maraming adventurer ang naghahangad magkaroon nito. Marami kasing effect ang kayang gawin nito base sa iba't-ibang uri ng enchantment na mayroon ito.

Sa sobrang mahal nito, hindi ito kayang bilhin ng karamihan ng mga adventurer. Namuti na ang mga uwak bago pa man sila makaipon ng lagpas isang libong pilak.

Pero si Marvin, hindi niya naisip lahat 'yon. Basta ang alam niya kailangan niya ang item na iyon para makapasok sa Scarlet Monastery.

Dahil kung wala iyon, hindi niya malalampasan ang mga Pain Monks sa gate ng monastery.

...

Sa Hall Mountain Range.

Maingat na binaybay ni Marvin ang baku-bakong daan paakyat ng bundok hawak ang twin blades niya at nakasabit sa leeg ang void conch.

Mapanganib ang mga kabundukan ng Feinan. Pagtapos ng Calamity, kakalat naman dito ang mga halimaw na naapektuhan ng chaotic mana. Tatawaging devils ang mga nilalang na ito. Magiging mas agresibo at mapanganib ang mga ito kumpara ngayon.

Maraming siyudad ang mawawasak dahil sa mga halimaw na 'yon

Sa pagkaka-alala ni Marvin, River Shore City lang ang isa sa mga siyudad sa katimugan ang mananatiling nakatayo. Dahil ito sa dami ng manlalaro na nasa River Shore at Jewel Bay na lumaban sa mga halimaw na 'to kaya nakaligtas ang siyudad sa pagkawasak.

Pero sa pagkakataong 'to, Masama ang kutob ni Marvin dahil baka wala ang tinatawag ng natives na mga "gold children"

At kung ganoon nga ang mangyari, kaya nga kayang ipagtanggol ng River Shore City ang sarili nito.

Pero Maituturing pa ring ligtas sa River Shore City pagtapos ng calamity, lalo na sa kabundukan. Hindi kasi makalapit ang mga nilalang na 'yon dahil sa slight suppression ng Divinity na 'yon.

Nababawasan ang pasanin ni Marvin dahil dito.

Binaybay lang ni Marvin ang isang makipot na daan at di nagtagal, nakarating din siya sa lambak na nababalot ng hamog. Nasa pangunahing lagusan ng Scarlet Monastery na siya.

Mayroong 2 napakatangkad na Pain Monks ang nakatayo roon na tila ba mga rebulto dahil sa tikas ng tayo at layo ng tingin. Pareho itong may hawak na bakal na pamalo.

Sa katunayan, hindi naman talaga buhay ang mga 'to. Pero sa oras na mayroong dayuhang dumating, nabubuhay ang mga ito sa tulong ng enchantment magic ng lich.

Dalawang Level 3rd rank class holder,[Monk lvl5 – Ascetic Monk lvl 5 – Pain Monk lvl 2], ang kailangan harapin ni Marvin,

Isa sa pinaka-magaling ang melee abilities ng isang Pain Monk sa mga class na nasa 3rd rank. Bukod pa rito ang half-god lich na naglagay ng samu't-saring curse sa mga katawan nito. Kung gusto mong talunin ang mga ito, hindi dapat baba ang level mo sa Legend.

O pwede ka ring magpadala na lang ng batalyon ng mga 2nd rank na adventurer.

...

Kaya naman walang balak dumaan dito si Marvin. Balak niyang pumuslit papasok.

Itinayo ang Scarlet Monastery sa isang lambak na napapaligiran ng mga matarik na bangin. Kaya naman imposible ang pag-akyat dito.

Pero laging mayroong ibang paraan.

May alam si Marvin na kwebang malapit lang doon. Kailangan mo lang mapaalis ang ilang Gnomes at may makikita kang maliit na platform

Mula doon, pwede na siyang bumaba patungong Scarlet Monastery gamit ang kanyang wishful rope.

Ngunit mapanganib ito.

Bukod sa mga scarlet slave, mayroon ring mga Demon God Enforcers sa loob ng Scarlet Monastery. Di tulad ng mga scarlet slave na hindi umaalis sa kanilang pwesto, laging nag-iikot at rumonda ang mga Demon God Enforcer. Kung kaya mas mahihirapan si Marvin para makapasok.

Kung sabagay, may panganib naman talagang kasama ang lahat ng bagay.

Dumaan si Marvin sa isang makipot at paikot-ikot na daan para ma-ikutan ang lambak patungo sa tuktok.

Makalipas ang kalahating oras, nakita na ni Marvin ang lihim na daan na nakakubli sa likod ng mga dayami.

Ito na ang kweba ng mga gnome. Kadalasan, nasa anim o walo ang mga Gnome sa loob nito at maaring may mga dala itong sandata. At dahil marahas ang mga ito, batutang bakal ang madalas gamitin ng mga 'to.

Karaniwang nasa level 2 ang mga Gnomes na 'to. At maari namang magkaroon ng mga miyembrong mas mataas sa 1st rank ang isang malaking tribo ng mga Gnome.

Hindi man kayang tumalo ng isang Gnome ni Marvin dati bago siya maging isa adventurer, iba na ang sitwasyon ngayon. Dahil naabot na niya ang pagiging isang level 4 ranger matapos ang laban niya sa Pyroxene bar. Malaki-laking battle experience ang nakuha niya, salamat kina Diapheis at mga tauhan nito.

Magugulat ang sino mang maka-alam kung gaano kabilis ang kanyang pag-level up dahil kamakailan lang isa lang siyang mahinang noble.

Mayroong 90 HP si Marvin sa ngayon. Bumili rin siya ng leather armor sa Ranger Guild na mapoprotektahan siya pero hindi makakasagabal sa dexterity niya. Nadagdagan siya ng 24 skill points dahil sa level up na 'to kaya umabot na sa 42 ang lahat ng skill points niya.

Ginamit ni Marvin ang 20 sa mga skill points na 'to para sa isang bagong skill na [Climb].

Kung tutuusin, kailangan ni Marvin ng hindi bababa sa 30 points para magamit ang rope. Pero dahil sa hidden bonus ng Wishful Rope, bumaba na sa 10 points ang kailangan. Kaya naman 20 na puntos lang ang kinailangan niyang gamitin at itinabi na niya ang 22 pang natira.

...

Hinawi niya ang mga dayami at yumuko bago pumasok.

Sinindihan niya rin ang isang sulong binili niya rin sa Ranger Guild para magkaroon ng kaunting liwanag sa loob ng kweba.

At biglang umalulong ang isang kakaibang sigaw na nagmula sa kadulo-duluhan ng kweba.

Hawak ang sulo sa kaliwang kamay at ang curved dagger sa kanan, sinimulan nang lumaban ni Marvin papasok.

30 segundo lang ang lumipas, ilang bangkay na ang humandusay sa lapag.

Hindi sibilisado ang mga ito kaya hindi mo sila maaring kausapin. Mahina lang ang mga ito kaya naman mabilis lang silang nadispatsa ni Marvin.

Nangangamoy ang mga nabubulok na bangkay sa loob ng kweba. Sa ganitong sitwasyon, umaalis na agad ang karamihan ng mga tao pero pinagpatuloy lang ni Marvin ang pagpasok dahil baka may mahanap siyang mga kayamanan.

Nagbakasakali pa rin si Marvin kahit na alam niyang mahirap lang ang mga 'to dahil baka makakita siya ng mga bagay na hindi inaasahan.

At nakakita na nga si Marvin sa isang sulok ng isang baul.

Mayroon 'tong kandadong gawa sa tanso at mukhang may sumubok na sapilitang buksan 'to. Sino pa ba ang gagawa nito kundi ang mga Gnome.

'Mayroong kaunting putik. Na-hukay siguro nila 'to sa isang kalapit na swamp. May halong magic ang kandado, kaya baka isa itong magic lock. Ngunit, dama ni Marvin na medyo mababa ang magic nito. Marahil isang low rank na enchanment lang ito.

'Ano kayang nasa loob nito?'

Nag-aalinlangang kinuha ni Marvin ang isang scroll mula sa void conch.

Ito ang [Lesser Magic Unlock Scroll]. Isang mamahaling scroll na ginagamit para pamalit sa Thief skill na Unlock.

Maroong dalawang uri ng unlock scroll, nagbubukas ng mga ordinaryo kandado ang isa habang nakakapagbukas naman ng kandadong may enchantment ang isa pa na mas mahal kumpara sa nauna. Bumili ng 10 common unlock scrolls at 5 magic unlock scroll si Marvin.

Maraming lugar na pwedeng pagtaguan ng mga baul ng kayamanan sa loob ng Scarlet Monastery. At ang mga iyon ang pakay ni Marvin.

Kaya hindi niya alam kung tama lang bang gamitan niya ng isang magic unlock scroll ang napakaliit na baul na nasa harap niya.

'Sa pagkaka-alala ko, mayroong tatlong baul na may magic lock sa second hall, habang mayroong ordinary lock na lang ang iba pa.'

'Mayroong corpse seeker na umaaligis sa second hall na napakalakas ng pang-amoy. Sa level ko ngayon, hindi ko na ko mangangahas subukan pumuslit.'

'Wala naman sigurong mawawala kung bubuksan ko 'to'

Nakapagdesisyon na si Marvin at agad na kumuha ng Lesser Unlock Scroll.

Isang puting susi ang lumabas sa scroll at binuksan ang kandado.

Clank! Bumukas na ang kandado.

Sinubukang pakiramdaman ni Marvin ang laman nito. Wala naman sigurong patibong sa loob nito pero para sigurado, lumayo si Marvin at gumamit ng sanga para buksan 'to.

At gaya ng inaasahan, walang patibong sa loob.

Nakahinga ng maluwag si Marvin at nilapitan ito.

Nakita ni Marvin ang isang dilaw na papel kasama ng isang kulay asul na hiyas.