Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 20 - The Lich’s Severed Finger

Chapter 20 - The Lich’s Severed Finger

'Pucha! Akala ko ba sabi ng mga katulong nasa laboratoryo siya kapag gabi?'

Napamura na lang sa kanyang sarili si Marvin nang makita ang pares ng sapatos mula sa ilalim ng kama.

Sa buong Boknin tanging ang city lord lang na si Morris ang maaaring pumasok sa kwartong 'to.

Isang 2nd rank Evil Spirit Sorcerer at Evil Spirit Envoy, magiging mahirap 'to.

Kung maingat na tao ang matandang 'to...

Kahit na maging maingat din si Marvin, kakailanganin pa rin niyang malampasan ang mga hindi inaasahang pangyayari gaya nito. Walang kasiguraduhan hindi siya makakagawa ng pagkakamali.

Wala siyang magagawa kundi hilingin na hindi makita ng Evil Spirit Sorcerer ang pinagtataguan niya.

Ang tanging ikinatuwa niya ay alam niyang pareho lang ang perception ng isang tao at ng mga Evil Spirit Sorcerer. Kaya halos imposibleng matunton siya nito.

...

May hawak na kandila si Morrris at nagpaikot-ikot ng ilang beses sa kwarto.

Binuksan niya bigla ang isang kurtina.

Isang aparador lang ang nakita ni Marvin na nasa likod ng kurtina.

May salamin siguro sa loob ng aparador na 'to.

Biglang lumuhod ang matandang lalaki at inilagay ang kandila sa ulo niya saka nag orasyon.

Biglang umalon ang salamain na parang lawa..

Pumatak ang pawis mula sa noo ni Marvin.

'Sinong Lower Plane Lord kaya ang tinatawagan niya?'

'Pucha naman! Natyempuhan pa kung kelan may tatawagan siyang Lower Plane Lord!'

Kalmado pa rin siya dahil nakaisip na siya ng tatlong paraan para tumakas pero nakadepende 'to kung kaya bang maglabas pasok ng evil spirit lord sa Boknin.

Dahil sa dinami-dami ng god seals, hindi maaring pumunta ang mga evil spirit lords sa Feinan Continent. Pero kahit na ganoon, nasa painting world siya!

Nasa Boknin!

Walang silbi ang dami ng experience ng isang level 4 Ranger sa isang superior na legendary evil spirit lord!

Wala siyang magawa bukod sa paghiling na hindi sana siya makita ng sino man sa evil spirit lord o evil spirit envoy.

...

"Dakilang [Nefarious Devil], ano ang iyong kautusan."

Dinig sa buong kwarto ang magalang na pananalita ng matandang lalaki.

"Morris, matagal na panahon ka na ring nananatili sa painting world." Ika ng isang boses sa painting. "Mayroon akong kailangan ipagawa sa iyo. Gawin mo ito sa lalong madaing panahon! May apat na lagusan ang Boknin patungong Feinan world, at maari mong magamit ang dalawa roon. Hanapin mo ang [Avenger] na si Fegan dahul matutulungan ka niya."

"Nakita ko ang ilang bahagi ng hinaharap. Malamang hindi papayag ang lahat ng mga god sa kalangitan na mapag-iwanan. Hindi nga lang nila inasahan na eto na ang panahon ng mga evil spirit. Ang panahon natin."

"Kailangan mong magtanim ng mga binhi…"

Hindi na maintindihan ni Marvin ang mga sumunod nilang pinag-usapan.

Nag-uusap sila gamit ang lenggwahe ng lower plane, bawat pangungusap nito, nagdudulot ng takot sa mga human.

Pero ikinagulat at ikinatuwa ni Marvin na hindi siya napansin ng dalawa sa buong pag-uusap nila.

Sinuwerte siguro siyang hindi siya napansin na may iba pang tao na nasa loob ng kwarto ng city lord.

...

Tumagal ng 10 minuto ang pag-uusap nila at pagtapos nito, tinakpan na muli ng itim na tela ang salamin.

Nagmamadaling umalis ng kwarto ang Evils spirit envoy na si Morris.

Pinunasan ni Marvin ang pawis niya at nakahinga na ng maluwag. Hindi na siya nagtagal sa kwarto. Gumamit na siya uli ng Stealth at mabilis na umalis sa palasyo ng city lord.

Mahirap man makapasok, madali naman makalabas. Mas malakas kasi ang effect ng Stealth tuwing gabi.

Di nagtagal, nakalabas rin siya at dumaan sa isang makitid na daanan.

Subalit, nadama niyang parang may nagmamasid sa kanya.

Biglang nagliparan ang mga uwak na pula ang mga mata. May narinig siyang isang malaking boses pagtapos.

'Patay na! Nabisto ako!'

'Siguradong may imprint 'yong ulo para malaman ni Morris pag lumabas 'to ng palasyo.'

Isang bagay lang ang nasa isip ni Marvin.

Kailangan niyang makaalis agad sa mundong 'to.

Buti na lang malapit lang siya sa locust tree.

Tumakbo agad siya ng napakatulin nang maisip niya 'to.

...

Umalingawngaw sa buong laboratoryo ng palasyo ang galit na sigaw ng evil spirit envoy.

"Putanginang thief! Tawagin ang crow patrol at ang dark horsemen! Patayin niyo siya at ibalik sakin ang ulo ng pinakamamahal kong slave!"

Di mabilang na uwak ang lumabas mula sa tuktok ng krus. Habang papalipad sila palayo, makikita ang isang luray-luray na katawan ng isang taong nakatali sa krus.

Dumagundong ang mga yabag ng kabayo sa bawat paglabas ng horseman mula sa dilim.

...

Mabilis na tumatawid ng taniman ang anino ni Marvin.

Hindi niya na maitago ang sarili sa dami ng mga uwak sa kalangitan.

Kaya hindi na niya inisip na magtago pa at buong lakas na tumakbo na lang papunta sa lugar kung nasaan ang puno.

Galit na galit na inaatake ng mga crow si Marvin para mapabagal ang pagtakbo nito.

"Mamatay na kayo!"

Galit na rin si Marvin.

Iwinasiwas ni Marvin ang curved dagger niya na tila paghahabi ng tela.

Sa isang iglap, nasa 5 o 6 na uwak ang napatay niya.

Ngunit padami ng padami ang sabay-sabay na sumusugod. Kaya walang magawa si Marvin kundi gumulong para maiwasan sila saka muling babangon.

Nahasa ang kanyang skill sa dami ng PKing. Mukha siyang kaawa-awa sa ganitong klaseng pag-iwas pero kapaki-pakinabang ang skill na 'to.

Sa kabila nito, nagawa pa ring pabagalin ng mga uwak ang pag-usad ni Marvin.

Duguan na siya bago pa man umabot gubat at mayroon ring dark horseman na ang aatake mula sa gilid.

Habang pasugod ang horseman sa kanya, nakakita siya ng isang malaking hugis sa harap ng puno na nakaharang sa daan niya.

Clang!

Binunot ng horseman na nakasuot ng helmet ang malaking espada nito. Inangat niya ang espada gamit ang isang kamay habang minamaniobra ang kabayo gamit ang kabilang kamay.

Mabilis na pasugod kay Marvin ang kabayo.

Kadalasan, isang hukbo silang sumusugod kapag nasa masukal na lugar, pero mag-isa lang sila ay kayang-kaya nilang durugin ang kalaban. Dahil sa charging power ng mount, walang adventurer ang mangangahas na kalabanin sila bukod sa mga barbarian.

Nanlisik ang mga mata ni Marvin. Mag-isa lang siya!

'May pag-asa pa ko!'

Binunot niya ang dalawang curved dagger at tumakbo paikot papasok ng gubat.

Walang tigil naman siyang sinundan ng horseman.

Humakbang ng malaki si Marvin at inikutan ang isang malaking puno.

Agad namang pinatigil ng dark horseman ang kabayo, at pinaikot din 'to sa puno.

Pero sa pagkakataong ito, may blind spot ang horseman.

Pag-ikot nito sa puno, biglang lumitaw sa harap nito si Marvin.

"Mamatay ka na!"

Tumalon siya ng napakataas at kumapit sa isang sanga saka sinipa ng malakas ang katawan ng horseman.

At sa puntong 'yon, mas nakasama ang bilis ng pagtakbo ng kabayo paras sa horseman.

Hindi niya napigilang malaglag mula sa kabayo at bumagsak sa lupa.

At dahil sa matinding flexibility ng katawan ni Marvin, hindi niya inaasahang siya ang mapupunta sa kabayo.

[Getting on a horse in motion… Check in progress (Dexterity 19)...]

[Horsemanship (30) used… Skill successfully used!]

...

'Buti na lang marunong ang katawang 'to ng [Horsemanship]!'

Pakiramdam tuloy ni Marvin, kailangan niyang bawiin ang sinabi niyang walang kwenta ang skill na 'to. Isa sa mga benepisyo ng pagiging noble ang pag-aaral ng horsemanship.

Hindi kaya ng pangkaraniwang tao ang mahal sa pagkatuto ng horsemanship. Ni hindi nila kayang magpalaki ng isang kabayo dahil mahal 'to.

Yumuko lang si Marvin habang kumakaripas papalapit sa puno ang kabayo.

Parami ng parami ang mga naririnig niyang kabayo sa magkabilang panig ng gubat.

Napapaligiran na siya ng mas maraming dark horseman.

Halos hindi na huminga si Marvin sa kaba. Binuhos na niya ang lahat ng lakas niya para pabilisin ang pagtakbo ng kabayo.

Kaunti na lang ay ma-aabutan na siya ng mga dark horseman, itinaas ng isa sa kanila ang espada nito at iwinasiwas paharap.

'Ngayon na!'

Inapakan ni Marvin ang estribo at tumalon. Hindi lang siya nakaiwas sa pagsugod, lumipad pa 'to patungo sa horseman.

'Malaglag ka na!'

Hinila ni Marvin ang baywang ng horseman at naihulog niya 'to sa kabayo.

Pero sa di inaasahang pagkakataon, bumalikwas din ang kabayo at natumba.

Natalisod din si Marvin at nahulog.

Sampung hakbang na lang ang layo niya sa puno!

Nang may isa na namang horseman ang umaatake sa kanya.

Huminga ng malalim si Marvin at itinaas ang kanang kamay:

"Vs'bon!"

Rainbow Jet!

Lumabas ang nakakatakot na rainbow ray at humulma na parang lambat. Pinigilan nito ang pag-abante ng mga dark horsemen.

Sinamantala na ni Marvin ang pagkakataon at tumayo saka tumakbo papunta sa puno.

'Muntik na ko dun ah!'

Tumilapon ang katawan ni Marvin sa ghost hallway.

At nakakaglat na wala na ang painting ng headless girl sa pader.

"Salamat.Sinara ko na ang lagusang 'to kaya wala ng halimaw galing Boknin ang makakalabas sa ngayon."

Umalingawngaw sa likuran niya ang kaaya-ayang boses.

"Eto na ang ulo mo…"

Dahan-dahang nilapag ni Marvin ang kahon sa lapag.

"Salamat. Maraming salamat. Malaya na ko … sa wakas."

Biglang kusang bumukas ang kahon at may liwanag na lumabas mula dito.

Kumabog ang dibdib ni Marvin at lumingon.

Isang magandang babae ang nakatayo sa likuran niya. Nasa soul state na siguro siya dahil naibalik na ang ulo niya. Isa na siyang regular na ghost.

"Gusto kong umalis na sa lugar na 'to. Dapat umalis ka na rin," sabi ni Vanessa. "Habang binabawi mo ang ulo ko, binuksan ko na para sayo ang magic lock na nasa baul na 'yon. Ituring mo na lang 'tong pasasalamat ko sayo."

Pahina ng pahina ang boses niya habang unti-unti siyang nawawala. Hanggang sa ngiti na lang niya ang nakikita.

Bahagyang yumuko si Marvin at inilagay ang kanang kamay sa dibdib. Pagbibigay respeto sa magandang babae.

Busilak ang kaluluwa niya. Malalakas ang evil spirit na nanggaling sa ganito kabusilak na kaluluwa. Kaya pala gustong-gusto siyang makuha ng evil spirit envoy na si Morris.

Nalaman ni Marvin ang mga gawain ng mga evil spirit. Hindi malalabanan ng isang pangkaraniwang tao ang ganito pero kinaya ni Vanessa.

Nahiwalay ang ulo niya sa kanyang katawan at nakatanggap ng iba't ibang klase ng pagpapahirap araw-araw pero hindi siya nagpatalo.

Bibihira ang ganitong lakas.

Dahil mahina ang sangkatauhan

Pero ika nga ng isang sage, dakila rin ang sangkatauhan. Hindi dahil nahihigitan ng mga 'to ang potensyal ng ibang race, kundi dahil kahit sa gitna ng kadiliman at kasamaan, may liwanag pa rin dahil sa mga taong busilak ang mga puso. Hindi sila nabahiran ng kasamaan ng mortal na pamumuhay at sila ang dahilan kung bakit hindi tuluyang bumabagsak sa kasamaan ng sangkatauhan.

...

Paglisan ng kaluluwa ng babae, isang platycodon flower ang naiwan, na naghugis accessory. Ito ang reward ni Marvin para sa quest na natapos niya.

At isang regalo naman para sa kanya ang magic treasure chest.

Kinuha ni Marvin ang baul at binuksan. Higit pa ang nakita niya sa inaasahan niya.

Nagulat si Marvin dahil may isang putol na daliri sa loob.

Pero hindi lang 'to basta-basta isang daliri.

[You obtained the severed finger of a half-god lich…]

[Knowledge – Gods +8]