East Coast, sa Holy Light Tower.
Isang matandang lalaking tila may malubhang karamdaman ang nakatayo sa isang mataas na platform.
Isang matang mukhang araw ang nagpapalutang-lutang sa harapan nito.
"Mamamatay na ako." kulubot na ang kanyang mukha, tiningnan niya ang mata at sinabing, "Isang oras na ang lumipas, hindi ko na kayang pigilan 'to."
Kung nandito si Marvin, makikilala nito ang legendary iconic item na nasa tuktok ng holy light tower. Ang [Eye of the Bright Sun].
"Sino 'yan?" sabi ng isang boses na nanggaling sa loob ng eye ng sun
"Papunta na kami," ika ng isa pang boses.
"Huli na ang lahat," Sagot ng Legendary Wizard na si Anthony. "Wag niyo na kong isipin, nakapagdesisyon na sila. Malapit na ang katapusan ng lahat ng mga Wizard."
At biglang tumahimik ang sun eye.
"Kahit na. Hindi natin pwedeng hayaan masunod na lang ang kagustuhan ng mga punyetang god na yan." Isang naninindigang babae ang nagsalita at sinabing, "Regalo sa ating ni Lance ang Universe Magic Pool. Hindi tayo dapat pumayag na bastusin nila 'to."
"Chloe, hindi na natin sila mapipigilan..." Napabuntong hininga na lang si Anthony. "Hindi ko na kayang pigilan ang Eye of the Bright Sun, at malapit nang maghasik ng lagim ang twin snakes cult. At ikaw naman…"
Na-uutal na siya. Nang biglang pumasok ang isang lalaki.
"Guro, May nahanap akong gamot na makakagamot sayo," sabi ng lalaki.
"Ano?" Gulat na tiningnan ni Anthony ang kanyang estudyanteng papalapit sa kanya.
Biglang nag-iba ang itsura ng kanyang estudyante. Dalawang maliit na twin snakes, isang berde at isang pula, ang nagpaikot-ikot sa mga mata nito.
"Ikaw…"
Agad naman na bumaon ang unique dagger sa likod ng Legendary Wizard at hindi man lang natapos ang kanyang sinasabi nito.
"Anthony!"
"Anong nangyari?"
Ang mga sigaw ng mga Legendary Wizards ay nanggaling mula sa Eye of the Bright Sun.
Tumawa ang lalaki, "Ang magaling na [Scarlet Patriarch] mismo ang gumawa ng cursed dagger na 'to."
"Gaano ka katagal mabubuhay? Mahal kong guro?"
...
River Shore City, Sa Wealthy District, gabi ng kadiliman.
"Ginamit ni Miller ang lihim na lason ng Twin Snake Cult para patayin ang dati niyong lord. Kaya kung gusto niyong makaganti, susundin niyo ang mga utos ko."
Dalawampung tao ang nagtipon sa labas ng villa 31.
"Nahahati sa tatlo ang villa ni Miller. Maraming naka-abang sa ating mga sentry na nakatago sa pinakalabas na bahagi ng villa. Kayo na ang bahala sa mga mercenary sa ikalawang bahagi ng villa." Bulong ni Marvin.
Tinuro niya ang anino ng dalawang Phantom Assassin na nasa likuran ng mga gwardya habang sinasabi 'yon.
Kahit na nagtataka pa rin si Andre kung saan nakahanap ng ganoong karaming experto ang kanyang lord, hindi na siya umalma pa dahil aprubado na 'to ni Miss Anna.
Kalmado lang siyang tumango.
Mercenary lang naman ang mga 'yon kaya kampante silang kaya na nila ang mga 'to.
"Mag-ingat kayo," babala ni Marvin. "May malalakas na 2nd rank sa mga mercenary. Kahit na lima o anim lang sila, mahirap pa rin silang kalabanin."
"Alam ko," Ngayon lang nagpakita ng tikas bilang pinuno ng mga gwardya si Andre at sinabing, "Labing-isang tao lang ang kailangan ko para dito. Ang walong natira pa ay handang sundin ang kahit anong iutos mo."
Masayang tumango lang si Marvin.
Magaling sa pagsunod sa mga uto ang mga kabataan ng White River Valley.
Oras na para gumanti!
Biglang ginamit ni Marvin at agad naman sumunod ang dalawang Phantom Assassin na gumamit naman ng [Strong Stealth].
Nilapitan ng tatlo ang ilang sentry na malapit sa villa. Isa ang pumunta sa harap at dalawa naman ang dumeretso sa likuran.
Wala ang buwan sa gabing ito.
Madilim ang kalangitan; tamang-tama para sa pagpatay at pagsunog.
…
...
May kalayuan ang Wealthy District sa River Shore City. At kadalasan, walang pakielam ang mga tao sa kung ano ang nangyayari sa kanilang mga kapit-bahay.
Nagkalat ang mga patrol sa paligid.
Sa kasamaang palad, lahat ng patrol ay nasa dock area ngayong gabi a mukhang matatagalan bago sila makabalik.
Ngayong gabi pinakakaunti ang proteksyon sa bahay ni Miller. Kaya naman hinding-hindi palalampasin ni Marvin ang pagkakataong 'to.
Dahil sa pagbagsak ng Acheron Gang, mukhang mas naging maingat si Miller. Ang daming nakita ni Marving karagdagang mga sentry na nakatago at nagbabantay sa villa.
Kasama na dito ang isang maliit na grupong may anim na miyembrong pasulpot-sulpot na rumoronda sa paligid.
'Malaking pera ang inilabas niya..'
Alam naman ni Marvin na hindi naman fighter ang lahat ng twin snakes cult, pero alam din niyang marami pa silang tinatagong pamamaraan. Mukhang mahihirapan sila ngayong gabi.
Pero madali lang naman dispatyahin ang mga sentry na nakatago.
Wala pang sampung minuto, nailigpit na ni Marvin at ng dalawang phantom assassing ang lahat ng sentry sa labas ng bahay ni Miller.
Kasama na rito ang maliit na grupong may anim na miyembro. Mabilis silang napatay ng tatlo.
Nasaksihan ng mga gwardya ni Marvin na nakatago ang lahat ng pangyayari.
"Sobrang lakas…"
"Kung titingnan, halatang Ranger lang si Masked Twin Blades, pero bakit ang galing niya pagdating sa mga assassination techniques?"
"Kung tayo ang punterya nila…"
Takot na bulungan ng mga gwardya.
Isang kamalasan kapag nakasagupa mo ang mamamatay na tao na 'to.
Sa puntong 'yon nagpapasalamat si Andre dahil hindi sila ang kaawat ng Masked Twin Blades.
Masaya siyang kakampi nila ang nakakatakot na hitman.
Pagkatapos siguraduhing ligtas na ang paligid, sumenyas si Marvin para magsimula na ang kanilang plano. Lumiko siya sa kanto at pumunta sa pintuan sa likod ng villa.
Nang makita ni Andre na nakatawid na ang tatlo sa bakuran, naglabas ito ng long sword at ngumisi:
"Ngayon na ang oras mga kasama! Mula't sapul hindi ko na gusto 'yang si Miller. Tapos pinatay pa niya ang ating dating Lord at nakipagsabwatan pa sa mga gnoll. Inanyayahan ng ating lord si Masked Twin Blades para patayin siya. Pero kailangan rin nating pumatay ng ilang sundalo para mailabas ang ating galit.
...
Magkaharap na nakaupo si Miller at ang kanyang panganay na anak na si Bob sa isang kwarto.
Sa kabilang banda ng sala ay may nakatayong anino ng dalawang matangkad na lalaki. Dama ni Miller at ng kanyang anak na ligtas sila sa tuwing nakikita nila ang dalawang 'yon.
Tunay silang malalakas na fighters!
Hindi nasayang ang bayad sa isang 2nd rank [Berserker]!
Mala-hayop ang instincts ng mga barbarians kaya mayroon silang dalawnag malalakas na bantay dahil walang makakalapit basta-basta.
Inalis na ni Bob ang kanyang tingin sa mga bantay at sinabing, "Mukhang di na nakapagpigil ang mga gnoll. May nakita raw silang mahahalagang bagay sa mga lagusan ng palasyo."
Nanlisik ang mga mata ni Miller na parang ahas, "Sinasabi ko na nga ba, hindi tutuparin ng mga 'yon ang pangako nila. Nang sakupin nila ang White River Valley inakala siguro nilang para sa kanila na ang lugar na 'yon."
"Anong gagawin natin?" Nag-aalalang tanong ni Bob.
"Tanga! Suportado tayo ni Sir [King Cobra] tapos natatakot ka sa mga gnoll?" ika ni Miller. "Basta mamatay si Marvin, pipilitin ko agad ang munisipyo na magpadala ng hukbong magpapalayas sa mga gnoll! Ni hindi sila makakapalag."
Natatakot na tiningnan ni Bob si Miller, "Itay, kailan niyo ho ba ako ipapakilala kay Sir [King Cobra]?
"Wag kang magmadali," mahinahon sagot ni Miller. "Medyo komplikado ang mga batas ng Twin snakes, tanging ang mga tunay na naniniwala lang ang pwedeng sumali. Hindi pa ganoon kalalim ang iyong pananampalataya. Lalamunin ka lang ng buhay ni Sir King Cobra kung makikilala mo siya ngayon."
Biglang may lumabas na dalawang ahas, isang pula at isang berde,sa mga mata nito habang nagsasalita at nagpaikot-ikot, "Hindi ko inakalang makukuha ko ang lahat ng nararapat para sa akin, hindi ko rin inasahan na magiging miyembro ako ng twin snakes of doom cult. At ngayong, patay na si Jean, Wala nang hahadlang sa mga plano ko…"
"Kung ganoon kalakas ang twin snakes of doom cult, bakit mo pa kailangang kumilos?" Tanong ni Bob.
"Kinukwestyon mo ba ang Twin Snakes of Doom cult?!" Biglang sigaw ni Miller na halos lumabas sa mga mata ang dalawang ahas sa mata.
Tila isang leon siya sa galit at sinampal si Bob na tumalsik naman sa may bintana.
Nahilo si Bob at namaga ang mukha dahil sampal.
"Patawarin mo ako itay!" Agad siyang lumuhod at humingi ng tawad.
"Kahit anak kita, hindi ko maaring babaan ang kaparusahan," walang awang sabi ni Miller. "Lumapit ka rito at akin na ang 'yong kaliwang kamay."
Hindi na nangahas umapila si Bob at sumunod na lang.
Nang biglang may isang mapang-asar na boses ang naririnig:
"Pasensya na, naabala ko ata ang pagpaparusa niyo. Mukhang ayaw niyo rin sa mga hindi imbitadong bisita?"
Bang!
Biglang nabasag ang bintana.
Isang anino ang pumasok at gumulong sa sahig. Napakahusay ng paggalaw nito.
Sa isang iglap, maririnig ang pagbunot ng mga dagger, at ang nakaluhod na si Bob ay biglang nawalan ng ulo.
"Masked Twin Blades! Ikaw na naman!"
Nagulat si Miller at nagalit!