Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 24 - Twin Snakes Cult

Chapter 24 - Twin Snakes Cult

Mararamdaman ang tension sa mga gwardya.

Walang kinatatakutan ang mga kabataang 'to. Para sa kanilang Lord, handa nilang sugurin ang gate mismo ng Rive Shore City.

Sila ang mga gwardya n White River Valley, at tanging ang mga uto lang ng kanilang Lord ang kanilang susundin.

Pero ngayon, kailangan nilang sundin ang pamumuno ng hitman?

Medyo hirap pa rin silang tanggapin dahil kahit na kararating lang nila sa River Shore City, marami na silang nababalitaan tungkol sa hitman na'to.

Usap-usapang tinumba raw nito mag-isa ang isang gang. Doon pa lang ay matatakot na ang kahit sino.

"Miss Anna…"

Hindi maipinta ang mukha ni Andre habang tinitingnan si Anna.

Nang biglang matigas na sinabi ni Anna, "Eto ang utos ni Master Marvin!"

Tumango na lang si Marvin at sinabing, "Masusunod!"

"Tapos na ba kayong magsayang ng oras? Hindi madaling paalisin ang patrol. Kaya dapat mabilis ang pagkilos nating ngayong gabi. Tara na, bilisan mo!" Sabi ni Marvin sa isang mas mababa at malalim na boses.

Nawala bigla ang anino ng Masked Twin Blades sa eskinita.

Agad na sumunod ang 20 na gwardya.

At nagpaiwan si Anna.

May mas mahalaga siyang dapat asikasuhin.

….

Mahusay na binaybay ni Marvin ang mga eskinita, lalo pa at alam niya ang systema ng kapangyarihan.

Ang City Lord ang pinakamakapangyarihan sa lahat. Walang nakakatalo sa kanya at malapit na rin siyang maging isang legendary wizard. Ang pinakamalakas niyang heneral ay ang pinuno ng Wizard Corps.

Ang patrol ang sumunod diyan. Bawat sundalo sa patrol ay malalakas din dahil mga 2nd rank na fighter ang bawat isa sa kanila.

Sila ang nangangasiwa sa seguridad ng River Shore City.

Kaya wala dapat ikatakot si Marvin basta nasa malayo ang patrol.

Kahit pa mayaman si Miller, malamang ay nasa 5 hanggang 6 na mercenaries lang at 2nd rank holders ang nasa defensive courtyard nito.

Ayon sa plano ni Marvin, papatayin nila si Miller.

'Walang awa niyang nilason ang sarili niyang kapatid.'

'Hindi ko ako papayag na manatiling buhay ang taong tulad niya.'

Napamura siya sa kanyang sarili.

Nakarating na sila sa isang abandonadong lugar pagkatapos nilang lumiko.

Isang matandang goblin na nakapince-nez ang nag-aabang sakanila. Bane ang tawag sa kanya, sa panlabas ay may-ari lang siya ng isang sanglaan pero sa likod nito, marami siyang kapit sa maraming iba't-ibang gang sa lugar nila.

Basta tama ang halaga, bebentahan ka nila ng kahit ano.

Tinubos ni Marvin ang kwintas ng kanyang ina pagkabalik na pagkabalik niya sa River Shore City. Pagkatapos, ginamit niya ang katauhan ni Masked Twin Blades para makipagkasundo sa matandang goblin na si Bane.

"Sir Masked Twin Blades, dito po tayo."

Humagikgik si Bane at dinala sila sa isang villa sa loob ng wealthy district.

Kabadong nagmasid sa paligid ang mga gwardya.

SInamantala ng grupo ang dilim para umikot sa villa, at biglang naglabas ng susi ang matandang goblin para buksan ang pinto.

Puno ng mga kahon ang maliit na bodegang 'to.

"Nasa loob lahat ng 20 na leather armor at mga sandatang pang militar para sa pagsasanay."

Tumawa ang goblin at sinabing, "Basta sapat ang pera niyo, kaming Black Claw chamber of commerce ay handang magbenta sa inyo ng kahit ano."

"Basta wag niyong susugurin ang mansyon ng City Lord gamit ang mga 'yan. Hindi naman sa nag-aalala ako sa inyo pero baka hindi na kayo makalabas ng buhay."

Isang panget na biro ni Bane.

Walang sino man ang gagamit ng mga itinapong armas ng mga militar para sugurin ang mansyon ng City Lord.

Ito ang era ng mga wizard. Kayang pawalain ng sino mang wizard na gagamit ng [Greater Ice Ring] ang lakas sa pakikipaglaban ng kalahati sa mga gwardya. Kaya naman, isang katangahan ang lumabas sa mga wizard as mga panahon 'to.

Hindi pa nangyayari ang The Great Calamity dahil buo pa ang Universe Magic Pool at hindi par nakakapagdesisyon ang mga Heavenly Gods sa ngayon.

"Pumasok kayo." Utos ni Marvin, "Isuot iyo 'yang mga leather armor. Alam kong mayroon na kayong kaunting military training, pero mga propesyonal na mercenary ang makakaharap ninyo."

"Nangako ako sa lord ninyo na walang mamamatay sa inyong ngayong gabi."

"Kaya naman, higpitan niyo ng mabuti ang mga leather armor niyo mga rookie!"

Nag-uutos si Marvin na tila isang taong marami ng karanasan sa mga ganitong bagay, kaya hindi na natutuwa si Andre. Pero sa di malamang dahilan ay hindi niya magawang magalit.

Sa katunayan, noong naglalaro pa lang si Marvin, na isang pro scout noon, naging bahagi siya ng isang underground human city expedition na nakipaglaban sa mga dark elf. Kaya nagkaroon siya ng mas maayos army training kumpara sa mga batang 'to. 

Mas malalakas ang mga underground human kumpara sa mga human sa lupa. Wala naman siyang masabi tungkol sa mga dark elf. Dahil sa pananaw ni Marvin, mahirap tukuyin ang mga maliliit na pagkakamaling nagawa ng mga'to.

Hindi pa man nagsisimula ang labanan, nagpakita na agad ng tikas at lakas sa mga bata si Marvin .

Ito ay para makinig sila sa kanya dahil kailangan nilang sumunod sa mga sasabihin niya sa mga ganitong uri ng labanan.

Maganda ang naging pagsasanay ng mga batang 'to at mabilis lang din nilang naisuot ang mga leather armor.

Mahalaga ang proteksyon sa mga labanan dahil medyo may kahinaan ang katawan ng mga human. Hindi kayang maiwasan ng lahat ng class holder, na hindi pa umaabot sa 3rd rank na [Heavenly Enlightenment], ang mga pinsala sa katawan kapag wala sila nito. Bukod na lang siyempre sa mga wizard. Walang binatbat ang skill ng ibang class sa magic nila. Kaya nga wizards ang naghahari sa panahong 'to.

Sabi rin nila na may paborito pa rin kahit ang pinakamagaling na god. Tulad na lang ni old god Lance, ginawa niyang pantay-pantay ang lahat ng race sa feinan, pero kita pa rin na mas malapit sa kanyang puso ang mga wizard.

Pero malapit nang magbago ang lahat ng 'to.

...

"Balita ko nasa dock area raw ang buong patrol?" tanong ng matandang goblin sa gilid habang tinatapos ng mga gwardya ang pagsusuot ng armor. Hindi niya napigilang magtanong at linawin ang nasa isip niya.

"Hindi dapat masyadong maramign tanong ang mga negosyante." Sagot ni Marvin

Tumawa si Bane at sinabing, "Ah oo naman, tama ka. Pero hindi ata ang patrol ang pinakamalaking hadlang sa inyo." Biglang ngumisi ang goblin. "Sir Masked Twin Blades, Kilala ko kung sino ang pinupuntirya niyo. Ang matabang si Miller ng wealthy district 31. Mayroon akong mahalagang impormasyong ibebenta sa inyo."

Sumimangot si Marvin.

Halata naman ang nais ng goblin sa pakikipagpalitan niya ng impormasyon.

Humahanap siya ng paraan para taasan ang kanyang presyo.

Handa na sina Andre at ang iba pa. Nagulat sila nang makita nilang nag-uusap pa rin ang dalawa. Sundalo lang naman sila kung kaya hindi ganoon kabilis ang mga utak nila.

"Magkano?" Tanong ni Marvin.

"5 ginto."

Manggagantso!

Sa isang iglap, nasa leeg na ng matandang oblin ang curved dagger ni Marvin.

"Wala na bang tawad?" Sabi ni Marvin.

Nanatiling mahinahon ang goblin,"pwedeng mailigtas ng impormasyon na 'to ang buhay mo."

Shing!

Itinago na uli ni Marvin ang curved dagger at naglabas ng 5 pirasong gintong galing sa void conch.

Nasilaw sina Andre sa kinang na dulot ng nakita nilang ginto.

Mahihirap na bata lang sila na nagmula sa White River Valley. Hindi pa sila nakakakita ng ganito karaming pera!

"Boss, bakit ang laki ng kinikita ng isang hitman?"

"5000 na pilak ang katumbas niyan!!" Bulong ng isang miyembro.

Napangiti na lang si Andre na naguguluhan pa rin.

Hindi naman siguro ganoon kayaman ang lord nila hindi ba? San siya nakahanap ng napakahusay na expert?

Simple lang na tao si Andre, kung hindi niya maintindihan ang isang bagay, ayaw na niyang subukan.

Ah basta, kung ito ang utos ng Lord, susundin nila.

...

Biglang nag-iba ang reaksyon ng matandang goblin habang dinadampot ang mga ginto, "Alam kong binayaran ka para dispatyahin ang pamilya ni Miller pero, higit pa sa inaakala mo ang tinatagong lakas ng lalaking 'yon."

"Walang dudang kaya mo silang iligpit ngayong gabi, pero maraming posibleng maging problema."

"Pumapatay ako, hindi ako takot sa mga problema."sagot ni Marvin.

Suminghal si Bane, "Narinig mo na ba ang pangalan, Twin Snakes Cult?"

Biglang natulala si Marvin.

Twin Snakes Cult!

Narinig na niya ang pangalang 'yon dati!

Hindi lang basta narinig, ilang beses na silang naglaban ng mga 'yon sa dati niyang buhay.

Tandang-tanda pa niya na noong unang beses siyang namatay sa laro, isang twin snakes cult follower ang kalaban niya. Namatay siya dahil pinasabog ng baliw na 'yon ang sarili niya.

Isang kahihiyan 'yon sa reputasyon sa laro ni Marvin.

BAkit niya nakalimutan?

"Miyembro si Miller ng Twin Snakes Cult?"

Biglang natahimik si Marvin.

'Kaya pala wala kaming balita sa taong 'to hanggang sa yumaman siya at bumalik sa River Shore City. kung miyembro nga siya, nagiging mas malinaw na ang lahat'

"Teka lang!"

Biglang may naisip si Marvin.

Magmula noon, palihim na kumilod ang mga miyembro ng Twin Snakes.

Namatay ang anak na babae ng legendary wizard ng East Coast Holy Light Tower dahil sa mga Twin Snakes. At dahil doon, hindi nagtangkang kumilos ang Twin Snakes Cult hanggang buhay ang taong 'to dahil gumamit 'to ng [Eyes of the Bright Sun] para manmanan ng maigi ang mga 'to.

Pero biglang nagpapakita na sa River Shore City ang mga miyembro ng Twin Snakes Cult.

Kung tama ang hinala ni Marvin, ibig sabihin nito, malapit nang mamatay ang legendary wizard na si Anthony.

Hindi natural ang pagkamatay ni Anthony.

Dahil 'to sa isang go na tinatawag na [Shadow Prince].

Eto ang unang hakbang para masira ang Universe Magic pool.

'Kailangan kong magmadali!" Natatakot na insip ni Marvin. "Mas mabilis kesa sa inaasahan ko ang pagdating ng Great Calamity!'