Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 17 - Ghost Hallway

Chapter 17 - Ghost Hallway

Naramdamang gumalaw ni Marvin ang mga papel nang hawakan niya ang mga 'to.

Pamilyar sa kanya ang lenggwahe pero hindi niya ito maintindihan.

Eto ang lenggwahe ng mga Ancient Gnomes. Napaka-ganda ng sibilisasyon ng mga ito bago tuluyang bumagsak ang mga Gnomish clan. Nakikipagsabayan sila sa mga elves sa larangan ngengineering.

Walang gaanong nalalaman si Marvin patungkol sa pagbagsak ng mga ito, ngunit alam niyang magaling ang mga ito sa engineering.

'Mukhang galing sa isang inhinyero ang lamang kaalaman nito.'

'

'Wala akong engineering class, at kahit pa gamitin ko ang nobility knowledge field ko, hindi ko pa rin mabasa.'

'Kailangan ko pa ring itago 'to ng mabuti, baka magamit ko 'to'

Hindi maintindihan ni Marvin ang nakasulat sa bandang itaas nito pero naiintidihan niya kung ano ito.

May isang makatotohanang symbolo sa ibabaw ng tumpok ng mga papel. Kung tama ang hinala niya, ito ang Mechanical Gargoyle, isang kilalang makinarya sa engineering.

Mukhang hindi nahukay kung saan ang baul na ito, mukhang ipinipasa ito kada henerasyon.

Kinuha ni Marvin ang mga papel kasama na ang mga gem na nakita niya at itinago niya ng mabuti.

Marami ang mga asul na gem na nakita niya pero hindi niya alam kung saan ito nagmula dahil bagito lang siya pagdating sa [Geology] at Jewel Appraisal]

Kailangan niya munang makahanap ng isang jewel appraiser.

Mukha namang galing sa maayos na lugar ang mga gem na ito dahil kasama nito ang blueprint ng Mechanical Gargoyle.

....

Hindi na ganoon ka-dumi ang tingin ni Marvin sa kwebang ito dahil sa tumpok ng papel ng Ancient Gnome na nahanap niya.

Masayang binaybay ni Marvin ang makipot na daan.

Di nagtagal narating na ni Marvin ang dulo ng kweba at sinimulang kapaain ang mga bato. At isang platform ang lumitaw nang mapindot niya ang isang bato. 

Mul sa malayo, makikitang palubog na ang araw at kumakapal lalo ang hamog sa lambak.

Tumayo si Marvin sa platform at tumingin pababa.

Tanging ang gate papasok ng monastery ang nakikita niya. Binabantayan pa rin ang dalawang Pain Monks at walang kaalam-alam sa kung ano ang nangyayari.

Nagtatago ang mga Scartlet Slave sa Backdoor ng Ghost Hallway para magdasal. At hindi lumalabas ang mga ito kung hindi kinakailangan.

Kaunti lang rin naman ang mga Demon God Enforcers sa buong monastery. Umaasa na lang si Marvin sa swerte at naniwalang hindi niya makakasalubong ang mga 'to dahil sa lawak ng monastery.

Mayroong maliit na punong malalim ang kapit ng mga ugat.

Tinali ni Marvin ang isang dulo ng Wishful Rope sa puno habang tinali niya sa kanyang baywang ang kabilang dulo nito.

Mahigpit na hinawakan ni Marvin ang rope at kasabay ng paglubog ng araw, unti-unti na siyang bumaba papasok sa lambak.

Kahit na makapal ang hamog, makikita ang anino ni Marvin na pababa ng bangin.

3 minuto lang ang lumipas nang madama na ni Marvin na umabot na siya sa pinakababa.

'Whooo, Nakababa rin ako'

Tumingin muna siya sa paligid para makita kung mayroong Demon God Enforcer sa paligid.

Walang naiwang bakas si Marvin dahil matapos niyang sabihin ang incantation, kusang natanggal ang buhol ng rope sa baywang niya at pumulupot paakyat.

Nandoon lang ito hanggang sa pagbalik ni Marvin. Kailangan niya lang sabihin uli ang incantation at kusa na muling bababa ang lubid.

Eto ang skill ng isang high-elf. Tanging sila lang ang makakagawa ng ganitong klaseng gamit.

Sinamantala ni Marvin ang kaunting liwanag na natitira, hinanda na niya ang kanyang sarili para pakiramdaman ang daan papasok. At nakarating na nga siya sa first hall.

Nang biglang mayroong kabayong maririnig na paparating mula sa loob ng lambak.

'Nako, patay!'

'May Demon God Enforcer!'

'Malapit na siya.

Biglang lumapit si Marvin sa may bangin at nakakita ng maliit na siwang.

Hide!

[Hide (41+9) skill successfully used!]

[Wilderness bonus effect…]

[Environment (Mountain Wall, Dense Fog) bonus...]

...

Dumating ang isang malaking horseman na naka-armor ang dumating sakay ng isang nakakatakot na warhorse sa bakanteng lote sa labas ng Ghost Hallway.

Mga asa 10 metro ang layo nito sa pintuan.

Kabadong-kabado si Marvin kaya hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang curved dagger.

Hindi niya kakayaning talunin ang Demon God Enforcer na tulad nito.

Halos 2 metro ang taas ng Demon God Enforcer na ito na nakasakay sa isang nakakatakot na warhorse. Ni hindi nga aabot si Marvin sa baywang nito.

Balot na balot pa ito ng matinding armor na isa sa mga kahinaan ng Ranger class.

Kung susubukang niyang saksakin ang ganyang klaseng armor, mababali lang ang kanyang curved dagger. At kung ang mga kritikal na bahagi ng katawan naman ang usapan...

Hindi na sila tinatablan ng kahit anong pag-atake sa ganoong dahil dati na silang namatay.

Ipagpalagay man nating 2nd rank lang ang nilalang na ito, at isang Phantom Assasin na nasa 2nd rank si Marvin, mahihirapan pa rin siyang kalabanin ito. 

Sapat na ang mataas nitong defense at vitality para mahirapan ang kahit na sino.

Pwede sanang gumana ang holy water kaso nga lang, isang common na holy water na may mababang concetration lang ang dala niya.

Sobrang labnaw ng holy water na binebenta ng Silver Church. At kung susumahin malamang wala pa sa 1/100000 ang lamang holy water nito.

Kahit na gumana ito sa mga zombie, hindi ito gagana sa isang Demon God Enforcer. Para mong sinubukang apulahin ang apoy sa nagliliyab na puno gamit ang isang basong tubig. 

Wala nang ibang magagawa si Marvin kundi hilingin na gumana ang skill niya na hide.

Lalagpas na dapat kay Marvin ang Demon God Enforcer nang bigla itong tumigil.

Halos mahulog ang puso ni Marvin.

Pero hindi pala ito tulad ng inaakala niya, umungol lang ito at nagsabi ng kung ano-anong salita.

Di nagtagal biglang bumukas ang gate ng monastery.

Pinaikot ng Demon God Enforcer ang warhorse at pumasok sa loob.

Hindi pa rin gumagalaw ang mga Pain Monks hanggang sa sumarado na muli ang gate.

Kumalat sa hangin ang alikabok.

...

'Buti na lang hindi mabagal ang pagbaba ko kung hindi, baka nakita ako ng Demon God Enforcer'

Tatlong minuto pa lang ang lumilipas pero halos maligo na si Marvin sa pawis. Wala na siyang planong magtagal doon kaya agad siyang pumasok sa Ghost Hallway.

Na-iligtas siya ng kanyang Hide. Hindi rin siguro naisip ng Demon God Enforcer na may makakalusot kapag mayroong 2 Pain Monk na nakabantay.

At kung nagkataon na naka-bitin pa siya, wala siyang magagawa para maitago ang sarili pati ang kanyang mga gamit.

Galing siguro sa isang misyon ang Demon God Enforcer na 'yon. Nasa third hall ang amo nilang si Fegan na isang [Avenger], na napaka ambisyoso.Alagad lang siya dati ng sleeping lich pero bigla niyang napagdiskitahan yung divinity.

Sa madaling salita, isa siyang nakakayamot na tao. At hindi naman pumunta dito si Marvin para makipagkaibigan sa kanya.

Ang labingwalong kwarto lang na nasa pagitang ng 1st hall at Ghost hall ang ipinunta niya rito.

Marahil mayroong mga scarlet slave monster sa mga kwartong 'yon. Hindi pa sila patay pero tinanggalan ng kakayahan mag-isip ang mga ito ng mga Demon God Enforcers. Wala namang makukuha si Marvin sa mga ito bukod sa napaka-liit na experience.

Gayunpaman, maraming kayamanan ang nasa loob ng mga kwartong 'yon. At 'yon ang pinupunterya ni Marvin.

Gumamit si Marvin ng Stealth at dahan-dahang naglakad sa Ghost Hallway.

Hindi man isang underground city ang Scarlet Monastery, at mababa ang posibilidad na mayroong mga patibong, kailangan pa ring mag-ingat ni Marvin dahil delikado ang ginagawa niya.

Hindi siya pwedeng makatama ng patibong, lalo na 'yong maiingay.

Maraming nakasabit na mga painting sa mga dingding ng Ghost Hallway. Puro litrato ng mga Knight, Noble, Wizard, Scholar….

Lahat sila'y nakangiti, pero may kakaiba sa mga ngiti nila.

Kikilabutan ka kapag tinitigan mo ng matagal ang mga 'to.

Dahil pakiramdam mo tinitingnan ka rin nila pabalik. Parang mayroong masamang balak sa likod ng ngiti nila.

May kakaiba sa mga painting na ito.

Pero hindi na ito pinansin ni Marvin dahil madalas naman siyang pumunta rito. Basta hindi niya ito pansinin, hindi siya mapapahamak.

Binaybay niya lang ang Ghost Hallway hanggang sa mahati sa tatlo ang daanan.

Tatlong magkakaibang daanan na mayroong tig-anim na magkakaparehong kwarto. Labingwalo lahat kung susumahin.

Nasa dulo ng 3 daanan na ito ang first hall.

'Ang pinakadulo.'

Sinimulan niya sa daanang nasa pinaka-kaliwa. Balak niyang limasin ang lahat ng laman ng bawat kwarto.

Baka mayroong mga uncommon item sa loob ng mga baul na ito. Minsan nang nakakuha si Marvin ng uncommon na dagger sa lugar na ito dati. Maganda ang effect ng dagger kaya matagal-tagal niya rin itong ginamit.

Sa mga oras na iyon ay biglang nahagip ng paningin niya ang isa sa mga painting.

May kakaiba sa painting na 'yon na kaya naakit si Marvin.

'Ang painting na 'to… parang hindi ko to nakikita dati?'

Bahagyang nagulat si Marvin habang tinitingnan ang pinakahuling painting sa kaliwang dingding ng Ghost Hallway.

Isang dalaga ang nasa painting, napakaganda ng kanyang ngiti at kulay puti ang buhok.

Ibang-iba ito sa iba pang mga painting. Tunay ang ngiti niya.

'Kakaiba 'to ah'

Eto ang unang pinagkaiba ng tunay na mundo ni Marvin at mundo na nilalaro niya.

Hindi niya mapigilang tingnan at basahin ang deskripryon ng painting.

Napa-atras sa takot si Marvin nang makita ang pangalan nito.

[Headless Girl!]!

Isa palang Ghost 'to?

Parang isang mahinhing babae ang dalaga sa painting.

Biglang may naramdamang kakaiba si Marvin.

Kinikilabutan siya at biglang napatingin sa kanyang stat window at mga battle log.

Wala namang nangyari.

'Guni-guni ko lang ba 'to?'

'Walang curse at wala ring willpower, nabawasan ba ang courage ko?'

Bulong ni Marvin sa sarili habang napapa-atras.

Nagmadali siyang pumunta sa unang kwarto, dahan-dahan niya itong binuksan para magkaroon ng kaunting liwanag.

Mayroong siyang nakitang isang kama na gawa sa kahoy na may nakaupong isang lalaki.

Scarlet slave!

Sinipa ni Marvin pabukas ang pinto at gumapang papalapit bago umatake.

Nagising ang scarlet slave at pasigaw na sana pero nalaslas na agad ni Marvin ang leeg nito gamit ang kanyang curved dagger.

Walang dugo, walang ingay.

Basta na lang namatay ang scarlet slave ng ganun-ganun lang.

Hindi naman sila mga soul puppet kaya 11 exp lang ang nakuha ni Mavin sa pagpatay dito.

Mas mababa pa sa isang low level Thief.

Pero mayroon na bang ibang kapalit sa loob ng kwartong 'yon.

Isang lumang baul na gawa sa kahoy ang nasa tabi lang ng kama.