Swerte!
May baul agad ng kayamanan sa unang kwarto.
Kahit na luma na ang baul, hindi naman nawawalan ng halaga ang laman nito sa paglipas ng panahon.
Nilapitan 'to ni Marvin at maingat na inalog.
Wala siyang points sa mga skill na kailangan para mabuksan ang baul, ang [Trap Disabling] at [Lockpicking], kaya karanasan lang ang pwede niyang magamit.
Isang skill ng mga Ranger ang Trap Disabling. Mahalaga ito lalo na sa mga team fight lalong lalo na sa mga dungeon. At dahil magkaugnay na class ang Ranger at Thief, pwede rin magamit ng mga Ranger ang skill ng mga Thief na lockpicking pero doble ang halaga nito para sa kanila. Kaya naman hindi niya na ito pinagtuunan ng pansin dahil sayang lang, lalo pa at di naman niya binalak ang pagpunta sa monastery.
Pwede naman siyang gumamit ng unlock scroll para mabuksan ang mga 'to. Bakit siya magsasayang ng skill points kung pwede naman niyang madaan 'to sa pera.
Pinakinggan ni Marvin kung ano ang nasa loob at nakarinig ng mahinang tunog.
'Wala naman sigurong patibong, simpleng kandado lang 'to'
Gumamit agad siya ng common unlock scroll para mabuksan ang kandadong tanso.
Pero para sigurado, ginamit niya ang maliit na sanga na dala niya para buksan 'to.
Woosh!
Biglang may dart lumabas mula sa baul na tumama sa pader..
Nalungkot si Marvin.
Hindi niya akalaing magkakamali siya. Dahil wala siyang [Listen], wala siyang ibang aasahan kundi ang kanyang sariling pandinig. At dahil dito, nahihirapan siyang malaman kung mayroong malilit na patibong gaya nito.
Buti na lang naging maingat siya.
Nilapitan niya at tiningnan ng mabuti ang dart.
Halatang may laso 'to dahil kulay berde ang talim nito. Namumukhaan niya ang ganoong klase ng dart. Kilalang sandata 'to ng isang special Ninja class sa isang isla sa dakong silangan.
'Mukhang galing sa isang Ninja ang baul na 'to.'
Kinuha ni Marvin ang isang manipis na librong tanging laman nito. Mayroong nakasulat ito sa harapan.
– Introduction to Hidden Weapons –
'Isang skill book! At hindi lang basta-bastas skill book, isang Ninja skill book!'
Hindi ka makakahanap ng ganito dahil swertihan lang kung makakita ka ng ganito. May ilang Ninja rin siyang nakalaban dati noong Ruler of the Night pa siya.
At kahit na tinalo niya ang mga 'to. Manghang-mangha pa rin si Marvin sa dami ng hidden weapons na gamit nila.
Maaring maka-gamit ng 1 hanggang 3 beginner conceal weapons ang sino mang magbasa ng librong 'to, ang -Introduction to Hidden Weapons-.
Hindi sa class nakadepende ang pag-gamit ng skill book kundi sa stats lang ng gagamit.
Halimbawa, kung magkaroon ang isang berserker ng - Burning Hands- na skill book at mayroong siyang sapat na intelligence at casting basics, maari niyang matutunan ang spell na 'yon. Pero alam naman ng lahat na imposibleng marunong ang isang Berseker ng magic o magkaroon ng casting basics.
Mataas na decterity naman ang kailangan sa pag-aaral ng hidden weapons. Kailangan kayang kontrolin ng gagamit ang bawat bahagi ng kanyang katawan. Mahihirapan ang pangkaraniwang taong makuha ito sa loob ng maikling panahon.
Pero para kay madali na lang ito para kay Marvin.
Higit pa sa sapat ang husay ni Marvin sa pag-kontrol ng katawan niya para mabilis niyang matutunan kung paano gamitin ang concealed weapons.
Wala ng ibang laman ang baul kaya itinabi ng mabuti ang skill book.
At nag-Stealth uli siya saka lumabas ng kwarto.
Nang bigla siyang nakakita ng aninong dumaan.
Ano yun?!
Gulat na gulat si Marvin. Tiningnan uli niya kung saan niya nakita pero walang tao.
'Guni-guni ko lang ba yun?'
Napaisip si Marvin sa nakita.
Tiningnan niya uli ang kanyang battle logs at stats window pero wala siyang nakitang bago.
Madilim na sa labas at halos walang ma-aninag na liwanag mula sa buwan dahil sa kapal ng hamog.
Walang dark vision si Marvin kaya hindi siya gaanong nakakakita sa dilim. At ganoon din ang mga scarlet slave. Kandala lang ang ilaw nila kaya mas madali sila patayin.
'Yung puting anino, ano kaya yun?
Kinabahan si Marvin. Hindi pa siya nakakaranas ng ganito.
Mayroong kakaiba sa lugar na ito. Mukhang kailangan niya agad makuha ang ipinunta niya.
Alistong-alisto si Marvin hanggang sa dumating siya sa pinto ng ikalawang kwarto.
Wala sigurong scarlet slave dahil sobrang dilim sa loob.
Binuksan niya ang pinto at pumasok.
...
Kung susumahin, mayroong 18 na kwarto at 10 scarlet slave.
Umabot ng 2 oras bago madaanan ni Marvin ang 18 kwarto.
Nakakuha siya ng 90 na battle exp at 6 na baul ng kayamanan. Sa 6 na 'yon, isa lang ang may magic lock habang ordinary lock na lang ang nasa iba.
Bukod sa nakuha niyang skill book, nakakuha rin siya ng supot ng bareta na ginto, kwintas, bote ng gamot na hindi niya kilala,at isang ancient book ng kasaysayan ng Scarlet Monastery.
Nakita na dati 'to ni Marvin. Mukha lang 'tong isang pangkaraniwang libro pero nasa loob nito ang isang malaking sikreto ng Scarlet Monastery.
Pero kailangang ng pambihirang lakas lakas para siyasatin 'to at ang sleeping lich. Kya naman itinabi na muna ni Marvin ang libro.
Pwedeng maipalit sa napakalaking halaga ng pera sa siyudad ang mga baretang ginto dahil mataas ang purity ng mga 'to. Kapag pera ang usapan, mas marami mas masaya.
Habang ang bote ng gamot naman ay tulad ng asul na gem, kailangan muna ng appraisal. Hindi apothecary si Marvin kaya hindi niya 'to ma-aapraise.
Ang kwintas lang ang pwedeng mapakinabangan agad-agad:
[Mark of the Moon (Necklace)]
Quality: Uncommon
Effect: Field of view in moonlight +50
May Faniya's sight guide your path.
Requirement: 14 Intelligence.
…
...
Faniya ang pangalan ng moon deity
Nagkataon naman na pasok ang intellegence ni Marvin sa 14 na kinakailangan. Hindi siya nag dalawang isip at inequip agad 'to.
[You equipped Mark of the Moon…]
[Moonlight vision +50…]
Lumiwanag ang paningin ni Marvin. Malinaw na niyang nakikita ang kapaligiran niya.
Eto ang karagdagang 50 moonlight vision na natanggap niya.
Maraming iba't ibang klase ng vision. Sunlight Vision ang pinaka-pangkaraniwan. Mayroong 100 points na sunlight vision si Marvin dahil sa kanyang human na race.
Ibig sabihin nito, kung nasa patag na lugar si MArvin, kaya niyang makita ang kahit ano kahit na 1000 metro ang laro nito.
May mas malakas na skill naman ang mga Ranger na tinatawag na [Long Range Vision] na nagbibihay ng kakayahang makakita ng mas malayo pa.
Pero limitado lang sa sunlight vision ang skill na 'to.
Dark vision at moonlight vision naman ang kabaliktaran nito. Walang bonus ang mga human sa dalawang 'to. Nasa 10 lang ang moonlight vision at nasa kaawa-awang 1 lang ang dark vision.
Kaunti lang ang gamit ng moonlight vision ngunit gagana ang mga effect nito basta mayroong liwanag galing sa buwan.
Kaya naman tuwang-tuwa sa effect ng uncommon na kwintas na 'to.
Madali na lang ang paglalakad sa ilalim ng liwanag buwan sa susunod
…
...
Nasa harap ni Marvin ang huling baul na mayroong magic lock.
Medyo mahirap buksan ang baul na 'to. 2 magic scroll na ang nagamit niya pero di pa rin niya mabuksan.
Kahit gumamit ng unlock scroll, hindi pa rin garantisado ang pagbukas ng mga kandado. Ibig sabihin lang nito, malakas ang enchantment sa kandadong 'yon.
Mayroon pa siyang 2 pang magic unlock scroll kaso nga lang 3 scroll lang ang pwedeng gamitin sa isang kandado.
Sumakit ang ulo ni Marvin dahil kapag hindi pa rin gumana ang pangatlo, hindi na gagana ang kahit anong scroll dito.
Aasa na lang ba siya sa swerte o maninigurado at dadalhin na lang ang baul at saka bibili ng advanced unlock scroll.
'Wag na nga lang, mas mabuti nang sigurado. Dadalhin ko na lang 'to'
Hindi naman gaanong kalaki ang baul kaya kakasya 'to sa Void Conch.
Pero nang subukan na ilagay 'to ni Marvin, nagulat siyang hindi 'ito pumapasok.
'Storage rejection!?'
'Anong klaseng storage item 'to? Bakit nagre-reject ng item?
'O di kaya ang baul mismo ang nire-reject?
Dahil dito hindi na pwedeng dalhin ni Marvin ang baul, kailangan na lang niyang isugal ang huling scroll na pwede niyang gamitin.
Binuksan ni Marvin ang huling magic unclock scroll at kalmadong hinintay kung anong mangyayari.
Pumasok ang asul na susi sa kandado at biglang "kacha!"
'Gumana na?'
Natuwa si Marvin.
Ngunit biglang nabasag ang susi.
Nanginig ang magic lock bago bumalik sa dati.
Hindi pa rin nita nabuksan ang baul.
Nalungkot si Marvn. Maganda siguro ang laman nito, pero nakakainis dahil hindi niya 'to mabuksan.
Nang biglang may malamig na simoy ng hangin ang dumaan.
Kinilabutan SI Marvin.
'Yung puting anino na naman!'
'Sinusundan ako!'
Binunot ni Marvin ang curved dagger at lumingon.
Sa pagkakataong 'to may nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa kanya.
[Strong Light}!
"Hindi uubra yan!"
Pumikit si Marvin nang makita ang liwanag. Tama ang naging desisyon niya at dahil ito sa kanyang fighting instinct.
Hindi niya 'to inurungan. Sa halip ay tumakbo siya papalapit dito habang hawak ang kanyang twin daggers.
Nalagyan na niya ng holy water ang mga dagger nita kaya kung ano mag demon o ghost pa ito, sigurado patay sila dito.
"Sandali lang.."
"Hindi kita sasakatan."
Isang mahinhing boses ang nagsalita, "Pwede bang wag kang dumilat? Ayokong makita mo ang itsura ko. Ayokong may makakita sa akin."
"Natigilan si Marvin."
Boses 'to ng isang babae.
"Wag kang didilat!"
Nilampasan siya ng puting anino nang buksan niya ang mga mata niya.
"Hindi mo ko pwedeng makita kundi masusumpa ka!"
Biglang nabahala ang babae.
"Sino ka?" Tanong ni Marvin habang hinihigpitan ang hawak sa kanyang dagger.
Pinagpapawisan na ang kanyang palad.
Ngayon lang siya nakasalamuha ng ganito. Wala namang ganitong pangyayari noong pumunta siya sa Scarlet Monastery dati.
Hindi kaya dahil siya ang unang taong nakapasok sa monastery?
"Ako si Vanessa."
"Headless girl ang tawag nila sa akin." Sabi ng boses sa likod ni Marvin.
Headless Girl… Vanessa?!
Parang may biglang naalala si Marvin.