Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 51 - Curse and Adventure

Chapter 51 - Curse and Adventure

Nagpadala ng liham ang dati nilang butler. Ipinapaalam nito na mayroong sumpang mahirap alisin sa nakakabatang kapatid niyang si Wayne. Kahit ang mahuhusay na wizard ng Magore Academy ay walang nagawa.

Walang ibang nilalaman ang sulat, pero buti na lang, ang dati nilang butler na sumunod kay Wayne sa Magore Academy ay inilarawang na maayos ang lagay ni Wayne.

"Isang skill ng Twin Snakes Cult!"

Pagkatapos basahin ang ilang detalye, kahit papaano'y alam n ani Marvin kung ano ang nangyari.

Ganoon pala kabagsik ang mga twin snakes cultist. Nangahas silang paabutin ang impluwensya nila hanggang sa Three Ring Towers?

Ang Magore Academy, kung nasaan si Wayne, ay bahagi ng Three Ring Towers. Masasabing ito na ang pinakaligtas sa buong East Coast, 'yon ang buong akala ni Marvin. Hindi niya inaasahang magkakaproblema sa lugar kung nasaan ang kanyang kapatid lalo pa't kakabawi lang niya ng kanilang teritoryo.

Hindi naisip ni Marvin na mangyayari ito.

Bakit naman gagalawin ng mga tagasuno ng twin snakes si Wayne?

'Hindi kaya nakita nila kung sino ako? Pero paanong nangyari 'yon? Sinigurado kong dinukot at dinurog ko ang mga mat ani Miller bago ko siya patayin.'

Tinanggi n ani Marvin sa sarili na ito ang dahilan.

Ayon sa dati nilang butler, nasa kalagitnaan ng paghahanda si Wayne para sa isang mahalagang kompetisyon.

Sa Three Ring Towers, tatlong wizard tower academy ang maglalaban-laban. Kamakailan lang ay nagtulong-tulong ang tatlong high level wizard towers para magdaos ng isang tunay na combat competition.

Hinati-hati nila ang kanilang mga tagasunon isa iba't iibang level at paglalaban-labanin ang mga ito.

Kahit na bata pa ang kapatid n Marvin at kakapasok lang nito sa academy, nagpamalas naman itong ng nakakamanghang talento sa magic.

Tulad ng kanyang talentadong lolo, basta maging masipag siya, madali na lang para sa kanya ang maging isang 2nd rank na wizard. Baka umabot pa nga ito sa pagiging 3rd rank na wizard.

Maituturing na magaling ang ganitong klase ng talent, lalong-lalo na para sa mga mahihina sa Magore Academy.

Sabi rin nila'y mayroong kakaibang wizard battle specialty ang taong ito. Kaya naman, dahil sa rekomendasyon ng kanyang guro, kasama siya sa mga pagpipilian para sa nalalapit na kompetisyon.

Kahanga-hanga ang ipinapakita ni Wayne. Nalampasan na niya ang lahat ng pagsubok at umabot na sa huling pagsubok.

Ngunit, sa gabi ng pagpili, biglang nagkasakit ang 9 na taong gulang na batang ito.

Malinaw na planado ito.

Ginawa ng lahat ng guro sa Magore ang makakaya nila pero hindi nila natanggal ang sumpa.

Wala pa ring itong malay hanggang ngayon kaya malamang ay hindi siya makakalahok sa kompetsyon.

Ang pinakanakinabang sa sitwasyon ni Wayne ay ang kanyang kalabang wizard na nagngangalang White. Hindi makastigo ng mga guro ng Magore si White dahil malakas ang kapit nito.

Kahit n amalakas ang hinala nila dito, wala silang sapat na ebidensya. Wala silang magagawa.

'Wala na nga talaga bias ang mga divination spell.'

Binabasa ni Marvin ang liham ng mabuti dahil ayaw niyang may makaligtaang detalye.

Mayroong kahit isang 3rd rank diviner sa mga guro ng Magore. Subalit, kahit sila'y walang magawa.

Halata naman na hindi na gumagana ang mga divination kung hindi, sapat na isang [Truth Recollection] para mahuli ang may sala.

Nagsisimula ng mawalang ng kapangyarihan ang mga wizard.

Sumunod na dito ang paghina ng mga iba pang mga eskwelahan ng magic. Pagkatapos nito'y unti-unti nang mawawala ang impluwensya ng mga wizard.

Kung sabagay, mga god ang kanilang mga katunggali.

"Bitawan niyo ako, Master Marvin," ika ni Anna.

Umiling si Marvin.

Hindi basta-basta ang sitwasyon na ito. Parehong -pareho ang pananatiling walang malay ni Wayne sa epekto ng taktika ng mga tagasunog ng twin snakes.

Ang mga pangkaraniwang tao, o kahit ang mga wizard, ay walang alam patungkol sa taktikang ginagamit ng mga twin snakes dahil matagal na nilang hindi nakakalaban ang mga ito.

Kung sabagay, nakakayamot naman talaga ang mga sumpa. Kung gusto mong tanggalin ang sumpa, kailangan mong dispatyahin ang pinanggagalingan nito. Walang expert sa MAgore Academy ang may kakayanang gawin ito.

'Bukod na lang kung ayos lang sa kanya na resolbahin ito.'

'Pero mukhang imposible 'to.' Sabi ni Marvin sa kanyang sarili.

May koneksyon ang Magore academy sa isang master sa rainbow tower. Isang wizard na nagngangalang Hathaway, na malapit nang maabot ang legendary na rank. Ayon sa balita, sa buong South Wizard Alliance, siya na ang may pinakamalaking pagkakataon na umangat sa legendary na rank. Tanda ni Marvin na noong naglalaro pa lang siya, nagawang umabot ng babaeng ito sa legendary rank bago pa man maganap ang Great Calamity. Maswetre nitong naiwasan ang pinsalang maidulot ng pagsabog ng universe magic pool.

Isa siya sa kakaunting legend level na wizard na aktibo pa rin matapos ang Great Calamity. Sa kasamaang palad, pinatay siya ng isang god, isang taon matapos ang Great Calamity.

Mukhang ang Shadow Prince ang may kagagawan nito, katulad ni Anthony. Hindi ginamit ng lalaking 'yon ang panlabas na anyo ng isang god. Madalas ay nagkakatawang tao ito para tambangan ang mga legen wizard ng sangkatauhan. Hinding-hindi siya nabibigo.

Kung hindi nagkakamali si Marvin, mapag-isa ngayon si Hathaway dahil sinusubukan niyang maabot ang legend rank.

Kahit na magsalubong ang langit at lupa sa Magore Academy, walang siyang pakielam dito.

Lalong-lalo na kung isa lang itong batang wizard na nagkaroon ng di maipaliwanag na sumpa.

Kung hindi lang nakikitaan ng potensyal ng mga guro ng MAgore si Wanye, malamang ay inabandona na nila ito.

Dahil kung tutuusin, mahal ang mga gamut at spell na ginagamit para mapigilan ang pagkalat ng sumpang ito.

Malinaw ang sulat ng dating butler patungkol sa sitwasyon. Sa kalagayan ni Wayne ay baka hindi na ito umabot ng sampung araw.

Pinagpaliban rin muna ang pamimili, pero mayroon pa namang dalawang lingo si Marvin para gumawa ng paraan.

"Ako na mismo ang pupunta." Naninindigang sabi ni Marvin.

"Pero ang White River Valley…" Nauutal na sagot ni Anna.

"Sabihin mol ang sa kung sino mang magtanong na nagpapagaling ako. At wala na silang ibang magagawa," ika ni Marvin. "Ipagpatuloy niyo lang ang pagpapatupad ng mga kautusan ko. Kayo na ang bahala dito."

"Naiintindihan ko." Sagot ni Anna habang tumatango.

"Mahina pa ang aking teritoryo sa ngayon. Pero kailngan ko munang unahin ito."

"Si Gru at ang Bramble ay mga talentadon tao, at mukhang hindi naman sila magiging mga adventurer habang buhay."

"Wag mong alalahanin ang pera, gawin mo ang lahat para makuha natin sila."

"Kung nandito ang Bramble, mas magiging ligtas ang White Tiver Valley." Utos ni Marvin.

Tumango lang si Anna.

"Iiwan ko sayo si Agate. Kahit na medyo mahina pa siya, baka matulungan ka niya sa ilang bagay."

"At kung may batang babaeng magpunta kasama an kanyang ina na nanggaling sa River Shore City, alagaan niyo sila. Isabelle ang pangalan niya."

"Tsaka…"

Binigyan siya ni Marvin ng mga bagay na dapat niyang gawin.

Umabot ito ng humigit kumulang isang oras. Binigyan niya si Anna ng mga kailangan niyang gawin.

At ang masipag na butler na 'to ay patuloy na isinusulat ang lahat ng ipinaguutos sakanya ni Marvin.

Bigla itong pumalakpak, "Tulungan mo kong makuha si Gru, sabihin mo sa kanya nahanap ko na ang librong magpapagaling sa kanyang anak."

Nag-aatubiling sinabi ni Anna, "Ayaw nio bang sabihin na lang ang totoo?"

Tumawa si Marvin, "Syempre hindi."

"Sasabihin ko sa kanya na sabi sa akin ni Masked Twin Blades na pwede silang magkita nito sa River Shore City."

"Sige na. Kapag nagawa mo na ang mga 'to. Maghahanda na ko para sa paglalakbay ko."

...

Masyadong mabilis ang mga pangyayari; kahit na magaling naman si Marvin sa mabilis na pagresolba ng mga bagay, hindi niya maiwasang isipin na magiging mahirap ang kanyang gagawin.

Sa normal na ruta ka dumaan. Baybayain mo ang kalsadang patungo sa River Shore City na patungo sa bandang hilagang kanluran tapos dumaan ka sa daan na nasa gitna ng Deathly Silent Hills at Despair hills, bago mo marating ang Moonlight Forest.

Pagkatapos, ituloy mo lang ang paglalakbay mo pa-hilaga hanggang sa marating mo ang Three Ring Towers.

Nasa isang linggo ang aautin ng paglalakbay.

Matatagalan siya kapag dito siya dumaan.

'Kung dadaan ako mismo sa Despair Hills, makakarating ako ng mas mabilis sa moonlight forest. At kung swertehin ako, maabutan ko ang hot air balloon at makakarating ako ng Three Ring Tower Kinabukasan.'

Gumihit ng linya si Marvin sa mapa, biglang lumilitaw ang mga alaala niya sa lugar na 'yon sa kanyang isipan.

Malaking tulong ang kanyang karanasan sa sitwasyong ito.

Maraming mapapanganib na lugar sa rutang ito, pero marami rin namang lugar na maayos.

Malapit lang naman sa Jewel Bay ang Deapair Hills, isang ugar kung saan mas pamilyar si Marvin.

'Kung papalarin ako, makakauha ako ng magandang curved dagger bago makarating sa Three Ring Tower.'

Habang tinitingnan ni Marvin ang ilan pang lugar sa mapa, lumalabas ang ilan pang mga alaala.

Pero bago 'yon, kailangan muna niyang dumaan sa River Shore City.

Kailangan mapagaling ang plague ng anak na babae ni Gru sa kahit anong paraan.

Kung pumalya si Anna sa paghikayat sa kanya, magandang paraan ang pagtulong na ito para makumbinsi siya.

Umaasa siyang bago siya umalis sa pagkakataong ito, kahit papano'y lumakas ang kanyang garrison.

Dahil kahit na patuloy ang pangangalap ng bagong miyembro, kung tutuusin ay mahina pa rin ito.

"Mga ganito siguro.'

'Magpahinga ka ng isang oras, saka ka umalis.'

Naglagay na si Marvin ng mga kakailanganin niya sa void conch, saka ito nagpahinga.

Pagsapit ng hating-gabi, isang mabilis na kabayo ang lumabas mula sa castle town, at patungo itong River Shore City.