Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 54 - Enemies are Bound to Meet on a Narrow Road

Chapter 54 - Enemies are Bound to Meet on a Narrow Road

Dahan-dahang kumilos si Marvin.

Mula ng pagpasok niya sa simabahan, umaabot na sa sukdulan ang kanyang bawat kilos.

Pero nag-aalala pa rin siya; lalo pa at hindi matutumbasan ng stealth ng isang ranger ang stealth ng isang thief. Mayroon itong 40% na penalty sa loob ng siyudad. Kung mataas ang perception ng cleric na ito, hindi gagana ang kanyang lihim na pag-atake, at maari itong mapunta sa isang mahirap na labanan.

Hindi naman talaga takot si Marvin na mapunta ito sa isang labanan. Dahil malaki ang lamang niya sa isang makipot na lugar tulad nito.

Mas inaalala niya ang mga spell ng lalaking naka-itim. Kahit na kaunti lang ang mga spell ng isang plague envoy, mahirap itong tapatan.

Hindi man nakamamatay ang mga spell na 'yon, napabababa naman nito ang attributes ng sino mang tamaan nito. Kahit na panandalian lang ito, malaking problema ito.

Mas mabuting tapusin niya agad ito sa isang atake lang.

Binigalan ni Marvin ang kanyang kilos saka tumigil sa kinatatayuan niya…

Nakagapos ang bata sampung hakbang lang mula sa kanya. Kapag umabante ang plague envoy, pasok na ito sa attack range ni Marvin.

'Mas ligtas sigurong gamitin ang Hide!'

Pinilit ni Marvin na ihinto ang pagkilos at ginamit ang Hide.

Dumikit ang kanyang katawan sa isang upuan sa isang hanay na walang tao. Nakayuko ito na parang isang pusang handing tumalon palabas ano mang oras.

Nakakangalay ang ganitong posisyon, pero mas garantisado ang isang pag-atakeng tago kapag ganito ang posisyon.

Lumapit ang plague envoy.

Nakatitig lang ito sa bata!

Sa bawat sekta, ang mga hindi naniniwalang nagkukuwaring tagasunod ay isang malaking insulto. Maari silang patawarin at palampasin ng mababait na god pero hindi isa ang plague god sa mga ito!

Kailangan niyang ipakita ang kanyang lakas.

Ang telang gawa sa sutla na nasa kanyang kamay ay isang uncommon item. Kilala ito sa pangalang suffering silk. Ibinigay sa kaniya ito ng isang High Priest. Kapag nabalot ka nito, mararanasan ng taong 'yon ang lahat ng pagdurusa at sakit samundo.

Sa bandang huli, gagawin niya na ang lahat para magpatiwakal… sa harap ng ibang tagasunod.

Marami na siyang naranasang ganito dati pero ngayon lang niya naranasang siya mismo ang nagsasagawa nito. Tuwang-tuwa siya.

'Isang hakbang pa.'

Nanatiling tahimik si Marvin at hinawakan ng mahigpit ang kanyang dagger. Ang kanyang kanang paa'y handing tumalon ano mang oras!

Pero biglang tumigil ang plague envoy.

May aninong biglang lumitaw sa lagusan sa kanilang basement!

"Bakit ngayon ka lang?" dismayadong tiningnan ng plague envoy ang taong 'yon

Nagulat si Marvin!

'Pucha, tumigil pa siya.'

Kung humakbang pa ng isang beses ang plague envoy, siguradong tinapos na siya ni Marvin sa isang iglap!

Dahil sa isang hakbang na ito, hindi magawa ni Marvin ang kanyang plano. at kung napansin siya ng cleric, malalagay siya sa alanganin.

'Sino ba yun?!'

Galit na si Marvin. Lumingon siya para tingnan.

Payat ang taong 'yon at mabilis ang pagkilos. Mukhang pumasok siya mula sa ibang lagusan.

Mabilis itong nakarating sa harapan ng plague envoy at sinabing, "Bakit? Sakto lang naman ang dating ko. Paparating na ang mga tangang knights."

"Iiwan mo ba ang mga tagasunod mo?"

'Mga knight?'

Nabigla si Marvin, pero bago pa man siya makapag-isip ay nakita niya ang mukha ng lalaki!

Hindi man masyadong maaninag ang itsura ng lalaking 'yon dahil sa sulo, tandang-tanda ni Marvin ang mukhang ito.

'Muli't muling magtatagpo ang landas ng mga taong magkalaban'

Ngumisi si Marvin.

Ang shadow spider assassin!

Napakalaki ng River Shore City pero tatlong beses nang nagtagpo ang landas nila sa loob ng maikling panahon!

Una sa Deathly Silent Hills. Hinayaan lang siya nito sa di malamang rason.

Ang pangalawa nilang pagkikita ay sa labas ng bahay ni Miller. Kung hindi niya ito nauto malamang napahamak na siya!

At ngayon naman, sa isang seremonyas ng plague god ang ikatlo nilang pagkikita!

'Hindi maganda 'to! Sobrang lakas ng perception ng taong 'to!'

'Kapag napansin niya ako…'

Bumilis ang tibok ng puso ni Marvin. Nakita na siya nito sa kagubatan kahit gamit niya ang Hide!

Mayroong advance thief class na [Dark Murderer] ang assassin na 'to na may mataas ang perception at dexterity. Napakahusay din ng blade skills nito.

Kung magsasanib pwersa sila ng plague envoy, paniguradong matatalo si Marvin!

Hindi siya nangahas na igalaw kahit ang kanyang daliri!

Mas malakas ang Hide kumpara sa Stealth, kaya kung hindi siya gagalaw, pwede siyang makalusot at hindi makita. Dahil kapag gumalaw siya malaki ang posibilidad na makita siya ng dark murderer!

'Paano nangyari ito!'

Napailing na lang si Marvin sa kanyang isipan. Inihanda na niya ang kanyang sarili. Kahit na sayang naman ang muling paggamit ng dragon strength, mas mahalaga sa ngayon ang buhay ni Marvin.

"Wag ka mag-alala, nakapagdesisyon na ako."

Sumulyap ang plague envoy sa mga kabataan at sinabing, "Bukod sa dalawang may malakas na paniniwawal, wala ng kwenta ang iba pa.."

Naintindihan ng dark murderer ang kanyang plano. Gagawing alay ang iba pang tagasunod.

Nagkibit balikat lang ito at umabante na parang may gustong sabihin.

Nang biglang gumalaw ang kanyang balikat!

Napakaliit na kilos lang nito!

Pero nakita na ni Marvin, na pinapanuod ng mabuti ang kilos ng murderer, ang galaw na ito.

'Nakita na niya ako!'

Ito ang galaw ng pagbunot ng murderer ng kanyang dagger. Noong nagtatago si Marvin sa puno, pinanuod niyang mabuti ang bawat kilos ng taong itong dahan-dahang pinapatay ang brown bear. May mga napansin rin si Marvin sa kanyang dagger skills.

Dahil nakita na siya, wala na siyang magagawa kundi lumaban!

Sa isang iglap, agad na tumalon paalis ang anino ni Marvin mula sa kanyang pinagtataguan patungo sa plague envoy.

Kasabay nito ang mabilis na pagsugod ng dark murderer sa kanya!

"Brak!"

Nahiwa ng patalim ng dark murderer ang upuan at tumalsik ang ilang piraso nito!

Kita ang gulat sa kanyang mukha, "Ano?"

Nagawang iwasan ni Marvin ang kanyang atake.

'Naging komplikado na ang lahat.'

At sa sandal ring 'yon napunta si Marvin sa harap ng plague envoy. Nagulat ito pero hindi natinag!

Mukhang isang fighter na maraming karanasan din ang envoy na 'to.

Dahil sapat na sa kanya ang espasyo ng isang hakbang na 'yon para maka-iwas siya!

Pero hindi ito umatras. Sa halip, gumamit ito ng isang Putrefaction Whirlpool!

Walang nagawa si Marvin kundi tumalon patungo sa isang upuan para maiwasan ang mala-ipo-ipong bugso ng hangin!

Ang [Putrefaction Whirlpool] ay isang 1st circle cleric spell. Isang spell na gamit gn mga cleric ng plague god. Kakaiba ang epekto nito. Kapag tumama sa balat ang Putrefaction Whirlpool magnanaknak ito.

Hindi naman nakakamatay ang pagnanaknak nito. Gagaling rin ang isang malakas na tao paglipas ng dalawa o tatlong araw.

Pero paniguradong makaka-apekto ito sa pakikipaglaban ni Marvin kung tinamaan siya nito!

Wala siyang magagawa kundi iwasan ito!

Pero dahil sa pag-iwas niya mas lumaki ang agwat niya at ng plague envoy.

Matiwasay naman siyang nakalipat sa kabilang bahagi ng silid.

"Ikaw? Masked Twin Blades?!" Sigaw ng gulat pero natutuwang dark murderer.

Nakangiti niyang tiningnan si Marvin at sinabing, "Natutuwa ako at nagkita tayong muli."

"Tanda ko pa pang-uuto mo sa akin noong huli nating pagkikita. Tatadtarin kita ng pinong-pino ngayon. Natatandaan mo yung brown bear? Pareho kayo ng kahahantungan ngayon!"

Sa kabilang banda, tinititigan rin siya ng plague envoy na ani mo'y isang tigreng nagmamasid sa isang usa.

"Akala mo mahuhuli mo ko sa pag-atake mo?"

Sumimangot si Marvin.

Nadagdagan na naman ang kanyang kalaban, malaking problema 'to.

Napaligiran na siya ng dalawa. Mahihirapan siyang makatakas sa dalawang ito.

Lalo pa at parehong 2nd rank class holder ang dalawang ito. Habang isang level 5 ranger lang si Marvin.

Kahit pa uminom siya ng potion, mahihirapan na siyang kalabanin kahit isa lang sa dalawang ito.

"Ipaubaya mo na siya sa akin!" Sabi ng killer habang tumitingin sa kanyang paligid. "Kailangan kong makabawi sa taong 'to!"

Sumimangot ang plague envoy at sinabing, "Bilisan mo, wala na tayong oras."

"Akong bahala. Dahil natanggap ko na ang pera, siguradong tatapusin ko ang pinapagawa mo! Ako si Black Jack at lagi kong tinutupad ang mga pangako ko!"

Pagkatapos nitong magsalita ay agad naman itong tumakbo pasulong na kasing bilis ng isang bala!

Napakabilis!

Halos hindi masabayan ni Marvin ang kanyang bilis!

"Ting!"

Muntik na niyang hindi masalag ang atake gamit lang ang kanyang common na curved dagger!

Dahil dito sumakit ang kanyang mga kamay. Kahit na hindi pa siya nadurog sa lakas ng kalaban, hindi na malayong mangyari ito!

Parehas silang gumagamit ng twin dagger, pero hindi bababa sa [Master] level ang mastery ni Black Jack sa kanyang twin daggers!

Nasa [Beginner] na level lang si Marvin!

Mahabang panahon ang kailangan gugulin para sapag-master ng sandatang ito. Mahahasa lang ito sa paglipas ng panahon. Kahit na pamilyar si Marvin sa paggamit ng twin blades sa dati niyang buhay, maipapamalas lang ito sa pamamagitan ng matinding dagger skill at mahusay na paggamit dito.

Alam ng lahat na malaki ang agwat ng isang Master level na mastery ng curved dagger sa beginner level. Sapat na ito para matalo siya!

"Ting! Ting!"

Nahirapan si Marvin na salagin ang walang habas nap ag-atake ng kanyang kalaban. Mangilang beses siyang gumulong palayo para lang maiwasan ito.

Nang biglang umabante ang plageenvoy na parang bang gusto na niyang tapusin ito.

"Malas naman!" Nabuburyong sinabi ni Marvin.

Wala nang mas hihirap pa sa sitwasyong ito!