Bumalik ang ulirat ni Chini. Hindi maipinta ang mukha nito nang makita ang nakakatakot na si Marvin.
"Hindi, hindi ko pwedeng sabihin…"
"Papatayin nila ako."
"Hindi ako ang nakaisip non. Pinilit lang nila ako. Pinilit nila akong gawin 'yon kundi papatayin daw nila ako.." Umiiyak na sabi ni Chini.
Hindi pa rin naniniwala si Marvin.
Marahil naipit lang ito sa sitwasyon, pero hindi pa rin mapapatawad ang paggamit niya ng [Dark Sweet Poison] sa matalik niyang kaibigan.
Hindi kailanman nagpakita ng habag si Marvin. At ang tanging dahilan kaya buhay pa ito ay dahil gusto niyang sundan ito.
Nais lang sanang pagalingin ni Marvin ang plague na dumapo kay Lyle para mayaya si Gru na sumali sa garrison ng White River Valley.
Pero may hindi inaasahang balita ang dumating kung kaya nabago na ang kanyang plano.
May isang quest na biglang lumitaw sa kanyang quest menu.
[Plague Purge]: Nakatagpo ka ng mga bakas ng dark sweet poison sa River Shore City at matagumpay na natanggal ito sa isang batang babae. Maaari kang pang makatulong sa pagpuksa ng pinanggagalingan nito bago dumating ang bagyo.
3000 general exp at hindi bababa sa 1 puntos ng regional myth ang makukuha kapag natapos ito.
Malaki ang pangangailangan ni Marvin ng exp. Kahit na marami pa siyang alam na ibang paraan para mabilis na makapagpataas ng level, delikado ang karamihan dito.
Kaya mukhang walang masama kung tatapusin niya ang quest na ito
'May dalawang pwedeng pagpilian sa quest. Kung magiging isang healer, ibig sabihin kailangan kong ipagpatuloy ang pag-aalis ng dark sweet poison sa mga tao gaya ng ginawa ko kay Lyle. Kapag naabot ko ang nakatakdang dami ng tao, tapos na ang misyon.'
'O pwede kong ring talunin ang plague envoy na nasa loob ng River Shore City. Mas mabilis kung ito ang gagawin ko. Kaso nga lang hindi ko alam ang rank ng plague envoy.'
'Sa lagay ni Lyle, mukhang nasa katamtaman lang ang lakas nito. Hindi hihigit sa 2nd rank. Tutal kadalasan naman mahihina ang mga tagasunod ng plague god. Kahit na makielam ako, kayang-kaya na ng River Shore City ang mga tangang 'yon.'
Kaya naman, kung malalaman ni Marvin kung nasaan ang plague envoy, walang problema sa kanya ang pagdispatya rito.
Kung sabagay, sanay na siyang pumatay. Isa pa, kung mga evil follower pa, hindi mababagabag ang kanyang konsensiya.
Kaunting oras na lang ang mayroon kaya hindi na niya pwedeng piliin ang unang paraan.
…
Wala namang ginawang masama si Marvin kay Lyle noong gabing 'yon.
Pagkatapos niyang punitin ang damit nito, ginamit ni Marvin ang Kingfisher jade dagger para maglagay ng maliit na hiwa sa tiyan nito.
Hindi ganoon kaliit o kalaki ang butas nito. Nasa tatlong sentimetro lang.
Natural ay sisigaw ang walang kamuwang-muwang na si Lyle dahil sa nakakatakot na kilos ni Marvin.
Ang mga sumunod na pagsigaw naman ay dahil may nakita itong kakila-kilabot!
Dahil nang buksan ni Marvin ang maliit na butas, may maliit na uod ang gumapang palabas. Isa itong uod na kulay itim.
Muntik na siyang himatayin dahil sa takot!
Sobrang daming nakakadiring uod pala ang nasa loob ng kanyang katawan!
Mabilis namang hinuli ni Marvin ang mga ito at inilagay sa isang garapon.
Sa ilalim ng usok ng amethyst sprout, padami ng padami ang mga itim na uod ang lumalabas. Di nagtagal nakapuno ang mga ito ng tatlong garapon.
Pagkatapos makuha ni Marvin ang huling uod, sinabi na niyang magiging maayos na ang batang babae.
Inalalayan n ani Marvin ang bata para tahiin ang sugat nito at pinainom ng kaunting alak para makatulog na ito. Nakatulog kaagad ang batang babaeng takot na takot.
Isang parasitikong karamdaman ang dark sweet poison plague.
Isang parasitong kilala bilang black worm.
Una silang makakapasok sa pagkain. Nilalagay ang mga itlog ng black worm sa pagkain. Mapipisa at lalaki naman ang mga ito sa loob ng katawan.
Karamihan sa mga ito'y magkukumpol sa bandang leeg kaya nagkakaroon ng maiitim na batik dito.
Isang nilalang na ginawa ng god ang black worm, lahat ng katangian nito'y naayon sa kagustuhan ng plague god. Kapag sapat na ang bilang ng mga ito sa loob ng katawan, sasabog ang mga ito!
Puputok rin ang katawan ng taong pinaglalagian ng mga ito. Isang nakakatakot na eksena dahil sa pagkalat ng dugo at laman loob.
Ang nakakatakot pa dito'y kapag kumalat ang itlog ng blackworm sa dugo ng tao, ang sinong mang matilamsikan ng dugong ito'y magkakaroon na rin ng ganitong karamadaman.
Sa panahong ito na hindi pa ganoon kaunlad ang medisina, talagang nakakatakot ang ganitong klase ng plague.
Bukod na lang kay Marvin na alam kung paano lunasan ang dark sweet poison.
Naaakit ang mga uod na 'yon sa usok na nagmumula sa nasusunog na amethyst sprout.
Kaya naman nahuli ng nakagwantes na si Marvin ang mga ito paglabas sa katawan ni Lyle.
Lahat ng garapon ay may lamang suka.
Takot sa suka ang mga black worm. Mamamatay sila kapag isang oras silang ibinabad dito.
At magiging nerve paralysis venom naman ang mga likido nito!
Mas nakabuti pa ito kay marvin na laging kulang sa mga lason. Matagal na niyang gustong ilubog ang kanyang mga cruved dagger, straight dagger, at iba pang sandata sa lason pero wala siya nito.
Maari niyang magamit ang tatlong garapon na iyon para dito.
Gusto na sana niyang umalis kaagad pagkatapos nito, pero biglang lumitaw ang quest kaya kailangan niyang baguhin ang kanyang naunang plano.
…
"Di ko alam kung anong ginawa nila sayo. "
"Pero dalawa lang ang pagpipiliian mo. Magsalita ka at pakakawalan kita, pero lalayuan mo ang pamilya ni Gru. At kung hindi ka naman magsasalita, papatayin na kita."
.
Isang malamig na curved dagger ang itinutok ni Marvin sa leeg ni Chini.
Sadyang nakakatakot tingnan si Marvin lalo kapag siyang nakamaskara.
Ang boses niyang walang emosyon ay bagay na bagay sa imahe niya bilang isang mamamatay tao.
Nanlaki ang mga mata ni Chini. Tumili ito at halos himatayin, "Magsasalita na ko! Magsasalita na ko!"
"Wag mo kong papatayin, magsasalita na ko."
"Sa isang simbahan sa loob ng commoner district. Pagmamay-ari ito ng Silver Church pero inupahan nila 'to sa isang silver church priest…"
Ngumiti si Marvin.
'Gahaman talaga ang mga Silver Church Priest. Pinaupahan niya ang kanyang sariling simbahan sa mga taong hindi niya alam ang pinagmulan.'
'Hindi ba magagalit ang Silver God? May nagpalaganap ng salita ng Plague God sa kanyang sariling simbahan, tsk tsk…'
.
Sikat ang god na ito pati ang kanyang mga priest.
Nang makuha ang kasagutan, hindi agad pinakawalan ni Marvin sa Chini. Bagkus, pinatulog niya uli ito.
Kailangan muna niyang makita ang sitwasyon.
…
Binubuo ang commoner district ng mga taong nagmamay-ari ng lupa pero hindi rin sila gaanong mayaman.
Kadalasan mga adventurer, merchant, craftsmen, na may rank ang mga taong ito. Hindi ganoon katas ang siguridada pero sapat na ito.
Sa dakong hilagang-kanluran ng commoner district, makikita ang isang maliit na simbahan. Dito nagsesermon ang isang silver church priest. Pero hindi nagtagal, tinalikuran rin ito ng priest dahil sa kawalan ng pananampalataya ng mga tao at maliliit na donasyon ng mga ito. Umalis na lang siya bigla at pinaupahan ito.
Isang seremonyas ang idinadaos sa loob ng simbahan tuwing hating-gabi.
Lagpas sa sampung kabataan ang nakaluhod at binibigkas ang salita ng plague god!
Isang lalaking nakasuot ng itim na balabal ang nasa entablado ang pinanunuod lang ang mga ito.
Kitang-kita sa mga mukha nito ang pagiging panatiko!
Ngunit hindi lahat ay buo ang kanilang paniniwala!
Kailangan niyang pumuli ng tapat sa paniniwala para gawing tagasunod. Nang sa gayon ay magawa niya ang nais ng plague god.
Kung sa bagay, maliit kung maituturing ang kanyang buhay kumpara sa mga plague envoy.
Pero kahit na ganoon, nagawa pa rin niyang magpakadalubhasa sa mga cleric magic.
[Distinguish Faith]!
Isang black halo ang lumabas mula sa mga kamay nito;
Pinalibutan ng liwanag ang mga kabtaan, nagpapaikot-ikot ng paulit-ulit sa kanilang mga katawan.
Ilan sa kanila ang bahagyang nasilaw, habang wala namang reaksyon ang iba na tila hindi napansin ang ilaw!
Biglang lumitaw ang ilang sinulid sa harap ng lalaking nakaitim.
Nanggagaling sa katawan ng mga kabataan ang mga sinulid na ito.
Maninipis ang mga sinulid, inilalarawan ng mga ito kung matatag ba o hindi ang kanilang paniniwala.
Mukhang kuntento na ang lalaking naka-itim. Sa grupong ito, dalawa ang malakas ang paniniwala!
Mabibigyan ng dalawang ito ang plague god ng malaki-laking faith power.
Pero hindi siya ganoon kasaya!
Dahil ang isa sa mga ito'y wala talagang lumabas!
"Mayroong isa sa inyong nagpanggap lang na tagasunod!"
"Sa tingin niyo ba madadaya niyo ang makapangyarihang god?"
Ngumisi ito at itinuro ang isa sa mga kabataang kitang-kita ang takot sa mukha. "Makikita niyo kung anong kinahahantungan ng mga hindi naniniwala!"
Pagkasabi nito'y ilang telang may maiitim na kulay ang lumabas mula sa mga kamay nito!
"Wag! Wag!...."
Sinubukang pumiglas ng bata pero wala rin siyang nagawa!
Ilang kabataang sinusubukang patunayan ang sarili ang naguunahan para itulak siya pababa.
Tumawa lang ang lalaking nakaitim habang nilalampasan silang lahat.
Sa mga oras na 'yon, isang anino ang nagkukubli sa kadiliman ang tahimik na papalapit.