Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 13 - Ang Pambihirang Kapatid na Babae

Chapter 13 - Ang Pambihirang Kapatid na Babae

"Tungkol saan ang trabahong ito na worth 2000 RMB?"

Nagulat si Xia Zhi. Wala siyang ideya kung bakit biglang naging mapang-usisa ang ate niya tungkol sa proyekto na sana ay kanyang tatanggihan pero matiyaga niya itong ipinaliwanag. "Ito ay para mag-code sa isang laro. Ginawa ko na ito dati pero inabot ako ng apat na araw. Gusto ng senior na matapos ito ng dalawang araw kaya hindi ako sigurado na matatapos ko ito sa itinakdang araw."

"Patingin ako…" at umupo na si Xinghe sa kanyang higaan. Agad na itatabi sana ni Xia Zhi ang laptop upang pigilan siya sabay sabi, "Sis, huwag ka na kumilos, matatanggal ang swero mo."

"Masyado kang nag-aalala. Patingin nga kung anong klaseng mini-game iyang ginagawa mo.", ngumiti si Xinghe.

Nag-iisang anak na lalaki si Xia Zhi, kaya noong kupkupin ng kanyang ama si Xinghe, nagkaroon siya ng ate na kailanman ay kanyang hinangad ngunit hindi siya nabiyayaan.

Siguro dahil sa kapangyarihang hawak ng mga nakakatandang kapatid sa mga nakababata nilang kapatid, lagi na ay sumusunod si Xia Zhi sa pakiusap ni Xinghe.

Hindi naman kailangang pilitin ni Xinghe ang kapatid na gawin ang mga gusto niya, pero may kakaibang pagsunod si Xia Zhi sa kanyang ate.

May nararamdaman siyang kakaiba at nakakabilib sa kanyang ate kahit na hindi pa niya matukoy kung ano ito. Sa anim na taong naging magkasama sila ay hindi din sapat para mabunyag ang misteryong ito…

"Eto na 'yun," sabi ni Xia Zhi habang inihaharap ang laptop screen sa kanya, "Pero bakit gusto mo itong tingnan, Sis?"

Ginalaw ni Xinghe ang cursor at pinindot ang ilang button. Nalaman niyang isa talaga itong simpleng mini-game.

"Pwede mo bang ipahiram sa akin ang laptop mo ng isang oras?", tanong niya.

Inakala ni Xia Zhi na gusto niyang maglaro dahil sa nababato na siya.

"Sis, dapat ay nagpapahinga ka. Kung nababato ka na, dapat ay natutulog ka. Hindi maganda ang paglalaro sa iyong paggaling…"

"Ibabalik ko din ito sa iyo pagkatapos ng isang oras. May nakita akong ilang libro mula sa iyong bag, basahin mo muna iyon habang ginagamit koi to.", sabi ni XInghe sa matigas na tinig. Agad na sumunod si Xia Zhi.

Gaya ng nabanggit, hindi makahindi si Xia Zhi sa hiling ng kanyang kapatid.

At siya ay lubusang natutuwa kapag nasusunod niya ang hiling ng kanyang kapatid…

Inilabas ni Xia Zhi ang programming text book at nag-aalalang nagsabi, "Isang oras lang kita papayagang maglaro ha? Kung hindi mo iyan ibabalik sa akin makalipas ang isang oras, hindi na kita papayagang maglaro sa susunod."

Hindi siya pinansin ni Xinghe.

Nakatitig siya sa screen habang unti-unting nagiging pamilyar ang kanyang mga daliri sa pagtipa.

Lumipad ang kanyang kaisipan ni Xinghe ng masilayan na ang mga codes sa screen ng laptop.

Nakalimutan na niya ang kaalaman na noon ay naka-imprint sa kanyang utak.

Mayroon pa ding pader na naghihiwalay sa kanyang memorya at sa mga codes na ito kahit na naibalik na sa kanya ang kanyang memorya.

Hindi pa din siya makapaniwala pagkatapos niya magsulat ng isang linya ng code. Hindi niya maiwasan kung tama ba o walang halaga ang code na naisulat niya.

Ngunit patuloy na kumikilos ang kanyang mga daliri na akala mo ay may sarili itong pag-iisip, umaasa siya sa motor memory na nahihimbing sa kanyang utak. Unti-unting lumilinaw ang lahat habang dumarami ang mga natatapos na linya ng codes sa screen ng laptop.

Unti-unti na niyang nababawi ang kumpiyansa sa sarili habang tumatakbo ang oras hanggang sa pabilis na ng pabilis ang kanyang pagtipa.

Nagtaka si Xia Zhi sa ginagawa ng kanyang kapatid.

Pasulong siyang tumungo at tiningnan ang laptop screen. Noong makita niya ang mga linya ng code, halos hindi malaglag siya sa kinauupuan sobrang pagkagulat.

Kailan pa natutong mag code ang ate niya, at paano siya naging magaling dito?

Kinuskos ni Xia Zhi ang kanyang mga mata at tinitigang maigi para malamang hindi siya nagtitipa ng mga numero na pabalagbag lamang.

Hindi nga siya nagkamali at hindi ito guni-guni, isinusulat talaga niya ang code sa mini-game na dapat sana ay kanyang tatanggihan.

Hindi man lamang siya tumigil para mag-isip, sumangguni sa mga aklat, o tumigil para tingnan kung mayroong mali. Tuluy-tuloy lamang siya sa pagtipa sa keyboard ng may bilis na kahit siya ay hindi na niya halos masundan.