"Sino kaya iyon?" nag-uusisang tanong ni Xia Zhi.
Hindi sila sanay na may tinatanggap na bisita kung kaya't ang kanyang interes ay nagising.
Nabungaran niya ang isang binata na nakasuot ng pormal na damit pang-negosyo pagbukas niya ng pintuan.
"Mawalang-galang na ho, dito po ba nakatira si Miss Xia Xinghe?", magalang na tanong nito.
Tumango si Xia Zhi, "Dito nga pero sino ka at bakit mo hinahanap ang ate ko?"
Ngumiti ang lalaki, "Ako ang personal na assistant ni Mr. Xi Mubai, ako si Chang An. Ipinahatid sa akin ni CEO Xi ang bagay na gusto nyang ibigay kay Miss Xia. Maari ko bang malaman kung narito siya ngayon?"
Mula ng ipagbigay-alam ni Chang An na nagtatrabaho siya para sa pamilya Xi, dumilim ang anyo ni Xia Zhi.
Ngunit mas nanaig ang kanyang kabutihang asal para sabihin na, "Hindi maganda ang pakiramdam ng ate ko ngayon, pero tumuloy ka ho."
"Salamat po."
Hindi maganda ang sound proofing ng dingding ng kanilang apartment at sa sikip ng espasyo ng kanilang apartment ay nangangahulugang agad na narinig ni Xinghe ang usapan nila kahit na naroon siya sa loob ng kanyang silid.
Ang apartment nila ay mayroon lamang dalawang kwarto at isang sala. Ang sala ay sakto lamang ang laki para kumasya ang kakarampot nilang kagamitan sa bahay.
Inihatid ni Xia Zhi si Chang An sa silid ni Xinghe kung saan ang ang maputlang Xinghe ay nakasandal sa ulunan ng kanyang kama.
Ang maingat na ekspresyon sa mukha ni Chang An ay nagbago ng bahagya at ipinakita ang kanyang pagkagulat.
Hindi siya naniniwalang ang babaeng mukhang mahina sa silid na iyon ay ang parehong babaeng kanyang dating pinagsilbihan bilang asawa ng kanyang amo at ang ina ng kanyang young master…
Ang kanyang pagkagulat ay hindi nagtagal at mabilis niyang naayos ang kanyang sarili dahil sa mabuting training, at magalang na iniabot niya ang isang cheke kay Xinghe.
"Nagagalak akong makita kang muli, Miss Xia. Gusto ni CEO Xi na ibigay ko ito sa iyo. Ikaw daw ho ang orihinal na nagmamay-ari nito kaya pakitanggap na lamang po."
Bago pa makita ni Xinghe ang cheke, alam na niyang ito ay isang cheke na nagkakahalaga ng isang daang milyong RMB.
Nahulaan niya ng tama na ngayon lamang nalaman ni Mubai na ang cheke ng alimony na ibinigay sa kanya tatlong taon na ang nakakaraan ay hindi niya kailanman tinanggap.
Hindi niya ito tinanggap tatlong taon na ang nakaraan, at hindi niya ito muling tatanggapin ngayon.
"Pakisabi sa iyong amo na nagpapasalamat ako ngunit hindi ko ito matatanggap. Wala siyang utang sa akin kaya hindi ko kukunin ito sa kanya," malumanay na sambit ni Xinghe.
Nasorpresa si Chang An. Nagtataka, idinagdag niya na, "Miss Xia, hindi mo po ba muna aalamin kung magkano ang nasa cheke?"
"Ito ay isang daang milyon, hindi ba?"
"Oho."", ang pagkagulat ni Chang An ay mas tumindi. Kung alam pala niya kung magkanong pera ang naroon, bakit niya ito tatalikuran?
Napansin ni Xinghe ang kanyang kalituhan kung kaya sumagot siya, "Hindi ko tinanggap ang pera tatlong taon na ang nakakalipas at ang isipin na kuhanin ito ay hindi man lamang sumagi sa isip ko, kaya hindi ko ito tatanggapin. Bumalik ka na at sabihin kay Mubai na ang kabayaran niya sa akin ay bigyan na lamang ng magandang buhay ang anak namin."
"Pero…"
"Xia Zhi, pakitulungan ako na mailabas na si Mr. Chang… Ako ay nahahapo."
"Mr. Chang, narinig ninyo ang ate ko. Hindi naming tatanggapin ang salapi ninyo," ulit ni Xia Zhi habang inaakay palabas si Chang An.
Bago umalis si Chang An sa kanilang bahay, makailang ulit niyang kinukumbinsi si Xia Zhi na tanggapin ang cheke sa ngalan ng ate niya subalit matigas siyang tinanggihan nito.
Hindi maiwasan ni Chang An na magtaka sa pamilyang ito habang tinititigan niya ang nakasaradong pintuan.
Halata namang kailangang-kailangan nila ng pera, bakit hindi na lang nila tanggapin ito?
Ito ay isang daang milyong RMB! Posible ba na hindi nabibili ang dangal nila o naliliitan sila sa halagang ibinibigay sa kanila?
Hindi mahulaan ni Chang An kung ano ang sagot dito.
Humahangos na bumalik siya sa opisina at inireport ang lahat kay Mubai.
Hindi na nabigla si Mubai sa tugon ni Xinghe. Idinagdag pa niya, "Iyon ba lahat ng sinabi niya?"
"Opo. Sabi ni Miss Xia na wala siyang tatanggapin at ang kanya lamang nais ay alagaang mabuti ni CEO Xi ang kanilang anak."
Mahinang napatawa si Mubai, "Anak ko si Lin Lin, aalagaan ko siya kahit hindi pa niya sabihin. Dahil ayaw niya ng cheke, hayaan mo na lang."
"Sige po, CEO Xi. Kung wala na ho kayong ipag-uutos, aalis na ho ako.", at noong patalikod na si Chang An pabalik sa opisina niya, biglang nagsalita si Mubai, "Sandali…"