Chapter 52 - Paanong nanlilimahid ka?

"Ah? Lola…" natulala ng ilang sandali si Ye Wan Wan.

Sa mga oras na iyon, may naalala siyang mga pangyayari sa buhay niya bago pa man siya ipinanganak noon.

Bago siya ipinanganak, dinala rin siya ni Si Ye Han para makilala ang kanyang lola.

Sa pamilyang Si, ang taong pinakamalapit kay Si Ye Han ay ang kanyang lola. Ang matandang babae na ito ang siyang may pinakamataas na posisyon sa pamilya. Mula nang mamatay ang ama ni Si Ye Han, siya na ang nagalaga at nagmahal ng tunay sa apo. Kapag may gusto si Si Ye Han, ibibigay niya agad ng walang hinihinging kapalit.

Ngunit sa dati niyang buhay, naagrabyado niya ang matanda ng matindi.

Sa dati niyang buhay, nang gusto na siyang makita at makilala ng lola ni Si Ye Han, hindi niya mapigilang ikwento ito kay Shen Meng Qi.

Siyempre, si Shen Meng Qi tinuruan siya sa abot ng kanyang makakaya na gumawa si Ye Wan Wan ng mga bagay na kamumuhian ng matanadang babae sa kanya. Natural naman nga niyang sinunod ata ginawa.

Hindi lang sa nakita niya ang matandang babae habang suot ang makapal at nakakasamang hitsura ng makeup, naging seryoso at walang emosyon ang ipinakita niya sa simula hanggang sa huli at hindi man lang siya nagsalita kahit isang salita man lang.

Mahal na mahal ng matandang babae ang kanyang apo na kahit nakita niyang nakakarimarim na ang hitsura ni Ye Wan Wan, ipinakita pa rin niya ang maayos na pakikitungo sa dalaga at hindi na pinansin pa ang hitsura niya.

'Yun nga lang, nagawa ni Ye Wan Wan na galitin na ang matandang babae at dahil 'yun kay Si Ye Han.

Habang nakatira pa siya sa lumang bahay, agad na tumawag si Shen Meng Qi para ipaalam sa kanya na naaksidente si Gu Yue Ze at nauwi sa kritikal na kondisyon.

Paano siya papayagan ni Si Ye Han na pumunta kay Gu Yue Ze?

Mahuhulaan na kung paano ang kahihinatnan kapag nauwi sa malaking pagaaway ang dalawang binata. Sumigaw siya at kinagat na parang baliw at saka siya isinumpa na mamatay na agad.

Nang marinig siyang isinusumpa si SIi Ye Han na mamatay, nagpantig ang tainga ng matandang babae at nahimatay sa sobrang galit. Mula noon, kinamuhian na si Ye Wan Wan ng matanda.

Pero nagawa pa rin niyang isagawa ang layunin--ang pilitin ng matandang babae na iwanan na ng apong si Si Ye Han si Ye Wan Wan.

Ngunit kahit sa kabila ng mga salita ng kanyang lola, hindi pa rin bumitaw sa kanya si Si Ye Han.

Sa huli, nagkasakit ang matanda hanggang sa pumanaw na. Maging sa huling hininga, dala-dala pa rin ng matanda sa isip niya ang iniindang sakit at itinuturing niyang kanser na si Ye Wan Wan, na nananatili pa rin sa tabi ng kanyan apo...

Habang inaalala niya, lalong naramdaman ni Ye Wan Wan ang takot.

Kahit na kinamuhian niya si Si Ye Han, masasabi niyang naging tunay ang sinseridad ng matanda sa kanya. Hindi na niya inisip pa kung gaano naging masama ito sa kanya at maging ang walang interes nito sa pamilyang pinanggalingan niya...

Isang mahabang katahimakan ang bumalot sa telepono at tuluyan nang iniba na ni Si Ye Han ang tono ng kanyang boses, "Kalimutan mo na lang."

Bumalik na sa ulirat si Ye Wan Wan at agad na sumagot, "Gusto akong makita ni lola? Syempre, pupunta ako! Kinakabahan nga lang ako ng konti--kasi 'yun ang magiging unang beses ko na makikita siya! Anong mga gusto niya? May mga hobbies ba siya? Anong dapat kong suotin? Kailangan ko bang magdala ng regalo?"

Habang pinapakinggan ang sunud-sunod na mga tanong ni Ye Wan Wan, nanatili lang na tahimik ang binatang kausap sa kabilang linya.

Nagaalala na si Ye Wan Wan, "Hello? Hello? Nandyan ka pa ba?"

"Oo." Seryoso pa rin ang tono ng boses ng lalaki sa kabilang linya, "Ikaw...gusto mo na bang pumunta?"

"Bakit hindi? Hindi mo pa nga nasasagot mga tanong ko eh!" tanong ni Ye Wan Wan.

"Hindi mo kailangang maghanda ng kahit na ano, basta hintayin mo lang ako dyan na sunduin ka," sambit ni Si Ye Han.

"Paano nating gagawin 'yun, ito ang unang beses na makakaharap ang isang magulang at siyempre, mahalaga ang unang impresyon no--ang sama mo naman!" hindi pa nakuntento si Ye Wan Wan. "Kung ganito na lang, sunduin mo na lang ako ng maaga sa Sabado tapos sabay tayong mamili!"

Kung dahilan man ito ng nararamdaman niyang konsiyensya sa nangyari sa dati niyang bahay o dahil man sa ang matandang babae na ito lang ang tanging tao na makakakontrol kay Si Ye Han, napagdesisyunan niyang importante ang makapagsimula ng isang magandang relasyon sa kanya.