Chapter 58 - Madaling makatulog

Naisip ni Ye Wan Wan baka masyado lang siyang nagiisip ng kung anu-ano.

Kung anuman ang mali sa lalaking 'to, mas maigi na ngang hawakan ang kanyang kamay para hindi na siya magaalala pa sa paghabol.

Sa laki ng lugar, madali talagang maiwan at mawala.

Matapos niyang hatakin ang kamay ng binata, unti-unting bumagal sa paglalakad si Si Ye Han pero nanatiling tahimik at saka siya inilibot sa antigong bahay.

Habang naghahanda na lumibot ulit ang binata, nakaramdam na ng pagod na si Ye Wan Wan. "Si Ye Han, pagod na mga hita ko. Pwede bang umupo muna tayo?"

Sumulyap sa kanya si Si Ye Han, mukhang ayaw pang tumigil sa paglilibot pero sa huli nama'y pumayah na rin maupo sila.

Nakaramdam ng ginhawa si Ye Wan Wan, bumitaw sa pagkakahawak sa binata, nag-unat at saka bumulong, "Ang bait talaga ni lola no. Sa una talaga natakot ako."

Tiningnan agad ni Si Ye Han ang kanyang palad na walang nakahawak, saka tumitig ulit, "Hindi pwede."

Sa katunayan, bukod pa sa magandang inasal ni Ye Wan Wan, isang malikang bagay talaga na makakatulong sa kanya na malaman ang impresyon ng lola ay nakadepende pa rin kay Si Ye Han. Tulad nga ng kasabihan, kung anong siyang bunga, siya ring puno.

Hangga't hindi niya ginawa ang mga mali ng nakaraan, magiging maayos ang lahat. At syempre, ang pagpapakita ng lambing kay Si Ye Han ay hindi ganun naman kahirap.

"Oo nga pala, Si Ye Han, bakit Little 9th ang tawag sa'yo ni lola tapos 'yung iba naman, 9th young master?" pagtataka ni Ye Wan Wan.

Ayon sa nalalaman niya, mayroong nakakatandang kapatid si Si Ye Han. Pero hindi ba dapat ikalawa siya?

Sumandal si Si Ye Han sa upuan, tinitigan ang mga bituan sa langit, "Naging mahina at masasakitin kasi ako noong bata pa ako, kaya ito 'yung paraan para maiwasan ang nakatadhana."

Matapos marinig iyon, doon naintindihan ni Ye Wan Wan, "Ito pala ang dahilan. Narinig ko na rin ang kwento na ito dati pa. Kaya ba ang bawat miyembro ng pamilya niyo tinatawag kang 9th young master sa halip na 2nd young master ay para maiwasan mo si kamatayan na nangunguha ng kaluluwan, ha?"

"Hm."

"Totoo man o hindi, mas maigi nang magkamali sa pagiingat."

Gayunpaman, buhay pa rin si Si Ye Han at nabuhay bilang isang demonyo na maging ang multo at tao ay kapwa kinakakatakutan siya. Isang nabubuhay na hari ng impyerno.

Minsan nang inatake sina Si Ye Han at ang kanyang ama. Namatay agad ang kanyang ama. Matapos mabalian at masaktan sa nangyaring insidente, nahirapan nang makabalik sa maayos na kondisyon ang katawan niya.

Alang-alang sa kung paano nalagapasan ni Si Ye Han ang trahedyang nangyari sa kanya sa maagang edad pa lang, kung paano siya nagagaw-buhay, bukod pa sa iniinda niya ngayong insomnia at posibleng natitirang mga araw niya sa mundong ito, hindi na maikakaila kung paano siya minamahal at pinapahalagahan ng sobra ng kanyang lola.

Dahil sa maayos na kapaligiran, tinanong ni Ye Wan Wan ang tila ipinagbabawal na tanong, "Si Ye Han, bakit kaya ang kaakit-akit na lalaking gaya mo ay hirap makatulog ngayon?"

Naghintay si Ye Wan Wan sa isasagot ni Si Ye Han ngunit walang narinig, nakaramdam tuloy siya ng bigat sa damdamin.

Inilingon niya ang kanyang ulo at nakita niya nakapikit na pala si Si Ye Han habang nakasandal sa kanyang balikat. Malambing na humihinga...unti-unti na pala siyang nakatulog.

"Hay…" nayamot ang ekspresyon ni Ye Wan Wan at saka na lamang nilunok ang tinanong kanina.

Mukhang mahimbing na natutulog si Si Ye Han habang humihilik. Hinid na nagawa pang gumalaw ni Ye Wan Wan at hinayaan na lamang ang binata na makatulog sa kanya.

Kaso nga lang, masyado nang lumalamig ang gabi at kapag nagpatuloy siyang matulog ng ganito, maaaring sipunin na siya sa lamig...

Hindi napansin ni Ye Wan Wan na sa malayo, may dalawang taong nakatayo.

Napansin ng matandang babae na hindi pa bumabalik ang magkasintahan, kaya dumeretso siya patungong hardin kasama ang tagapamahala ng bahay para hanapin sila.

Ang nagpagulat pa sa matanda ay ang makita ang dalawang bata na nakaupo sa bangko at ang apo ay nakapikit ang mga mata, habang nakasandal pa sa balikat ng dalaga. Mukha ngang nakatulog siya...

Pero...Paano nangyari iyon?!