Nagpatuloy lamang ang matanda sa pagkukwento tungkol kay Si Ye Han, naging maaliwalas ang paligid ng dining hall.
Habang patuloy siyang pinapabango sa mga salita ng sarili niyang lola, hinayaan na lamang ito ni Si Ye Han.
Maikli man siya magsalita pero kaya niyang sabihin na kapag kaharap na ang kanyang lola, mas maalaga at maasikaso siya kumpara sa karaniwang niyang malamig at tahimik na inaasal.
Naghanda na ang matandang babae ng kanilang mga makakain. Ang bawat nakahandang ulam ay pawang masasarap. Sa umpisa, pinipigil pa ni Ye Wan Wan ang sarili sa pagkain dahil nga naman unang beses pa lang siya nakabisita sa bahay. Si Si Ye Han naman, hindi man siya nagsasalita pero halata sa mga galaw ng kamay niya hindi pa siya tumitigil na maglagay ng pagkain sa plato ng kasintahan. Bago pa man niya mapagtanto ang kinakain niya, nakatapos na pala siya ng tatlong mangkok ng kanin.
"Naku, huwag mo na akong bigyan ng pagkain. Hindi ko na kaya! Busog na ako!" reklamo ni Ye Wan Wan habang nakatitig sa ga-bundok na pagkain sa kanyang mangkok.
Ayaw naman niyang isipin ng lola na mayroon siyang hindi nabubusog na tiyan sa unang beses pa lang ng pagkikita nila.
Tiningnan ni Si Ye Han ang yamot na mukha ng dalaga, kinuha niya ang mangkok nito at saka siya na ang umubos para sa kanya.
Itong lalaking 'to...hindi ba maselan siya...
Nabigla si Ye Wan Wan pero nang makita na tinulungan siya sa pagkain, nakahinga na agad siya ng maliwag.
Pinanood lamang sila ng matandang babae habang naguusap at ramdam niya sa kanyang puso ang kaginhawaan sa nakikita.
Oo nga, tunay nga ang kwento ng apo ko tungkol sa babaeng ito. Hindi siya maarte sa pagkain. At malakas nga talaga siyang kumain. Maigi na rin 'yun kumpara naman sa mga sosyal na babae na kakarampot lang ang kinakain.
Matapos ang hapunan, nagaalala ang matanda kay Wan Wan na baka nababagot nang kasama siya. Malambing siyang nagsalita, "Little 9th, ito ang unang beses na pagbisita ni Wan Wan dito, ilibot mo naman muna siya sa lugar natin."
"Hm", pagtanago lang ni Si Ye Han.
"Sige, alis na muna po kami lola," paalam ni Ye Wan Wan sa matanda saka sumunod na kay Si Ye Han patungong patyo.
Malamig ang gabi, napuno ang kalangitan ng mga bituin at maging ang hangin ay presko sa pakiramdam at amoy sariwang mga bulaklak.
Kakaiba't nakakahanga man ang pagpapatayo sa hardin ng Jin, ang antigong bahay ay may sariling estilo sa disenyo rin. Ang maglakad patungo sa hardin pagkatapos kumain ng hapunan ay nakakasiya.
Napansin ni Ye Wan Wan na nawala ang hindi niya mapalagay na damdamin simula nang pumasok siya sa antigong bahay.
Habang humahanga sa anyo ng gabi na walang anumang sagabal, pansing may iniindang problema na naman ang katabi niyang si Si Ye Han.
Mukhang maayos naman siya kanina habang kumakain sila pero parang ngayon ay kakaiba ang kanyang kinikilos na parang may maling nangyayari.
Iniangat ang kanyang tingin sa mukha ng binata at napansin na bakas sa kanya ang kalungkutan, maging ang mga lakad niya ay biglang bumilis.
Hindi man lang makahabol ang maliliit na hita ni Ye Wan Wan at tuluyan siyang naiwan sa may likuran.
Kailan ko ba napikon na naman ang lalaking 'to? May nasabi ba akong mali kanina sa lola niya? Parang wala naman...
Medyo takot si Ye Wan Wan sa dilim. Ayos lang sa kanya basta iyon kung may kasama, pero ngayon natatakot na siya dahil magisa na lamang siya.
Ang makita ang binata na mawala sa gitna ng gabi, hindi na nakapagisip pa si Ye Wan Wan. Agad siyang tumalon at nagmadaling humawak sa mga kamay ni Si Ye Han.
Mukhang sa mga oras na iyon nang hinawakan niya ang kamay ni Si Ye Han, agad na nawala ang panlalamig ng binata sa kanya.
Nang mabuhay siya ulit, naging mapangunawa na siya sa mga emosyong ipinapakita ni Si Ye Han kaya siguradong hindi na siya nagkakamali sa mga hinala niya.
Napakurap ang mga mata ni Ye Wan Wan sa pagkabigla.
Kaya ba tahimik siya at mukha nang magmamaktol kanina at dahil sa hindi ko hinawakan ang kamay niya habang naglalakad kami?
Si Ye Han...isip-bata, hindi kaya?