Chereads / Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) / Chapter 51 - Gusto kang makilala ni Grandma

Chapter 51 - Gusto kang makilala ni Grandma

Sa pagtatapos ng ensayo, hindi pa rin siya magawang halikan ni Si Xia.

Syempre, hindi naman lahat katulad ni Si Ye Han na ang ekstraordinaryo ang mga tipo...

Bumalik na si Ye Wan Wan sa dormitoryo, tinanggal ang kanyang makeup at saka naligo. Plinano na niyang magiging makeup niya bukas at saka binuksan ang kanyang computer.

Hindi na niya kailangan pang magaksaya ng oras sa curriculum ng eskwelahan nila. Handa na siyang bumili ng mga pelikula at dokumentaryo sa online at kunin ang natitirang oras para mag-aral ng directing.

Sa kabila ng lahat, ang makapasok sa unibersidad ay simula pa lamang. Ang tunay na layunin naman niya ay maibalik ang lahat ng nawala sa kanyang ama, ng kanyang tiyuhin, at ng kay Ye Yi Yi.

Bago pa man, wala siyang ibang inisip kundi ang sisihin ang kanyang ama sa pagiging walang kwenta at paghihiwalay sa kanila ni Gu Yue Ze. Pero lingid sa kaalaman niya na siya pala ang magdadala sa buong pamilya niya sa pagkakalugmok.

Sa mga oras na 'yun, ginamit ni Ye Yi Yi ang pangngalan ni Gu Yue Ze para mabitag siya sa abandonadong bahay at pinatikim siya ng drugs para mahilo. Pagkatapos, binantaan naman niya ang tiyuhin niya para pilitin ang tatay niyang isuko ang share niya at umamin sa krimen ng pandadaya sa pondo, kung hindi ay sisirain niya ang buhay ng tiyuhin niya. Gagawin niya nga na bigyan siya ng drugs, isama sa mga lalaki para pagnasaan at saka ilalabas ang video niya na ginagawa ang mga bagay na iyon.

Inalagaan siya ng mabuti ng kanyang ama simula noong bata pa siya, at maging ang buong pamilya niya ay trinato siya na parang mahalagang kayamanan at sinunod lahat ng hilingin niya.

Habang nagaaral siya sa ibang bansa, muntik na siyang mabawian ng buhay dahil sa pagatake ng mga terorista nun at nauwi sa pagkatrauma. Hindi mapigilang sisihin ng mga magulang niya ang mga sarili nila ata agad na sinundo siya pauwi. Simula nun, lalo pa silang naging mahigpit at mapaghalaga sa kanya.

Marahil sa mahigpit na pagpoprotekta sa kanyang ng kanyang mga magulang kaya siya naging makitid ang utak.

Noon pa lang, pinaalalahanan na siya ng kanyang ama na huwag umalis sa bahay ng mag-isa pero para lang makita si Gu Yue Ze, itinuloy pa rin niya. Nagawa niyang makatakas mula sa mga nagbabantay na guwardya.

Sa kabila ng lahat, si Gu Yue Ze pa rin ang dahilan---kahit na umulan man ng patalim, pupunta pa rin siya. Maliban na nga lang sa babala ng kanyang ama na syang pumipigil sa kanya.

Nang makatanggap ng maraming banta ang kanyang tiyuhin nung mga panahong iyon, hindi man lang nagdalawang-isip ang ama niya na protektahan siya kahit na isakripisyo pa ang buong pamilyang Ye.

Matapos mangyari 'yun, natakot ang mga magulang niya na baka sisihin niya ang kanyang sarili, hindi makayanan ang trauma na naranasan, kaya pinili nila na itago na lang ang katotohanan sa kanya.

Naging tanga siya na isiping hindi sinadya na ituloy ni Gu Yue Ze ang pagkikita nila nung mga oras na iyon at wala siyang ideya na ang ginawa niyang katigasan ng ulo ang syang magdadala sa kanya sa kapahamakan. Maging ang iwanan ang kanyang mga magulang ay nagawa niya para lang sa hangal na hindi naman tumupad sa planong pagpapakasal nila, matapos mawalan ng lahat-lahat ang ama niya.

Naging isang malaking pagkakamali niya ang sumunod sa hayop na 'yun para lang sa pagibig at maging ang mga malalapit na kamag-anak niya naging mga kaaway na niya.

Sa puntong iyon, gusto nang sakalin ni Ye Wan Wan ang sarili hanggang sa mamatay.

Pa...Ma...hintayin niyo lang po ako...

Kukunin ko ang lahat ng nawala sa kanila!

Nang mga sandaling iyon, isang pamilyar na ringtone ang tumunog sa kanyang cellphone--tumatawag pala si Si Ye Han.

Inayos ni Ye Wan Wan ang sarili at saka tumindig para sumagot sa tawag.

"Hello?"

"Tapos na klase mo?" tulad pa rin ng dati, isang mababa at malamig na boses ang narinig mula sa tawag.

"Oo, oo--tapos na ang klase ko. Kakatapos lang din naming mag-ensayo at ganun pa rin, ang pangit ng prinsipe na halos masuka ako sa entablado dahil sa hitsura niya. Sa simula nga, gusto kong sabihin sa titser namin na humanap na lang ng kapalit pero ang sabi niya na hindi na raw pwedeng baguhin pa 'yung nangyaring draw lots…" reklamo ni Ye Wan Wan. Sinadya talaga niyang ikwento kay SI Ye Han ang mga nangyayari sa kanya sa eskwelahan para wala nang rasong masabi na may itinatago siyang sikreto sa kanya.

Samantala nakikinig naman ang isang lalaki sa kabilang dulo at maingat na naghihintay sa kwento ng dalaga at nang matapos na, agad siyang nagtanong, "Libre ka ba sa Sabado?"

"Sabado? Oo naman...wala naman akong gagawin…"

Nagpapahintulot naman ang eskwelahan sa mga estudyante na nais umuwi tuwing Sabado at Linggo. Kung gustuhin man ni Si Ye Han na umuwi siya, wala siyang rason para tumutol pa rito. Sa isip niya, bahagyang nanginig ang boses ni Ye Wan Wan sa kaba.

Kahit na dalawang araw lang iyon, paano kung umuwi nga siya tapos na hindi na niya nagawa pang makaalis...

Napakahalaga para sa kanya kalayaan at napakaraming bagay pa ang kailangan niyang gawin. Kahit na kailan, ayaw na niyang bumalik pa sa dati niyang buhay.

"Gusto kang makilala ng lola ko." Inasahan na ni Si Ye Han na kakabahan si Ye Wan Wan kaya iniba niya ang kayang boses na lalong naging kalmado.