Chapter 1373: Inaakit Kita
Tahimik na tumingala si Ning Xi para tingnan ang lalaki sa harap niya. Walang liwanag sa mga mata niya. "Wala kang pakielam… na hindi ko na first time? Eh, sige… paano kung five years ago, noong 18 pa lang ako, tapos hindi na ako virgin? Paano kung nakipag-sex ako sa hindi ko kakilala at nabuntis ako? Tapos patay na siya noong pinanganak ko siya?!"
Noong masabi niya ang mga huling salita, naging hysterical si Ning Xi at nanginig ang kanyang katawan.
Umulit-ulit ang mga salitang iyon sa utak ni Lu Tingxiao. Bigla siyang nagulantang. May kakaibang ekspresyon ang kanyang mukha, para bang napalaya siya…
Natakot si Lu Tingxiao na baka makapagdulot siya ng ligalig sa babaeng ito. Marahan at mahina niyang tinanong, "Ning Xi… Iyong gusto mong sabihin sa'kin ngayon… ito ba iyon?"
Tinikom ni Ning Xi ang kanyang kamao na para bang naubos na ang lahat ng kanyang enerhiya at naghihintay siya ng paghuhukom. "Oo."