Chapter 1247: Anong Pakiramdam Ng Mabuhay Gamit Ang Isang Babae?
Pagkatapos irecord ang show, nagluto pa si Ning Xi ng ilang putahe para sa audience at mga fans bilang Easter gift. Ikinasabik ito ng lahat ng mga babae at inaya siyang magpakasal. Sa huli, may mga ilang lalaki din ang nagpahayag ng pagmamahal para sa kanya.
Sa isang resting room sa backstage na walang laman, pagkasarado ng pinto, biglang nilamon ng halik si Ning Xi…
Nang makita niya ang "i love you" sa pagkain, gusto na niya itong gawin...
"Mmm, galit ka?" Naisip ni Ning Xi na baka nagseselos si Lu Tingxiao dahil sa reaksyon ng mga fans.
"Hindi." Sagot ni Lu Tingxiao.
Tumaas ang kilay ni Ning Xi. "Sigurado ka?"
Isang buntong hininga na sinundan ng mapupusok na halik ang lumapat uli sa kanyang mga labi. "Ako lang naman ang makakagawa nito sa iyo."
Hindi na siya nakapagsalita. Sige na nga, hindi na siya makikipagtalo sa kanya…
…