Chereads / Hidden Marriage (Tagalog) / Chapter 27 - Fauvism

Chapter 27 - Fauvism

Chapter 27: Fauvism

Sa isang sulok, tahimik na inobserbahan ng matandang mayordomo ang dalawang tao sa sala.

Napansin niyang hindi umaasta si Ning Xi tulad ng inaasahan niya. Akala niya desperado nitong gagawin ang kahit ano para makuha ang loob ng young master nila, sa halip buong araw lang 'tong nagbasa ng script.

Samantala, ang munting young master nagbabasa lang at nag-dodrawing gaya ng nakagawian. Wala masyadong pinagkaiba pero kung oobserbahang mabuti, mapapansing paminsan-minsan ay sumusulyap ang bata kay Ning Xi at lalong nabubuhay ang diwa.

Ang mga babaeng masyadong maganda, minsan nagdudulot ng insecurities sa iba. Kaya nang unang makita ng matandang mayordomo si Ning Xi, nag-alala siya na baka nalinlang lang ang pinakamatandang young master nilang si Lu Tingxiao.

Mula sa nakikita niya sa ngayon, wala namang ginagawang mali si Ning Xi, pero pwede ring naghihintay lang siya ng tamang pagkakataon…

Ang daming mga babae ang minamata nang may kasakiman ang posisyon bilang Mrs. Lu at nagbabalak ng mga paraan para maging stepmother ni Little Treasure.

Dalawang taon ang nakaraan nang may kakila-kilabot na insidenteng naganap dahil doon at sa munting young master…

Kaya nang makita ng mayordomo na nakuha ni Ning Xi ang tiwala ng pinakamatandang young master at hindi nangingialam ang second young master sa mga pangyayari, at maging ang munting young master ay gustong-gusto ang babaeng ito, napagdesisyunan niyang mapagmatyag sa kanya. 'Di niya maiwasang maging maingat.

'Di kapansin-pansin at dalawang oras na ang lumipas.

Patapos na si Ning Xi sa script niya nang natapos naman ni Little Treasure ang drawing nito na siyang dinala at ipinakita ng bata.

Inangat ni Ning Xi ang kanyang ulo para tignan ang drawing at nagulat. "Ako… ako ba 'tong nasa drawing?"

Walang makakapagsabi na habang laging mukhang kalmado at tahimik si Little Treasure, ang drawing style pala niya ay Fauvism.

Ang mga Fauve artists kadalasan gumagamit ng matitingkad at mabibigat na mga kulay at mga diretso at madiin na kumpas, kaya nakakabuo ng mga makapangyarihang artworks na nagpaparating ng emosyon at damdamin.

Kahit medyo kakaiba ang tao sa drawing, nahuli nito ang mga importanteng aspeto kaya madaling nakilala ni Ning Xi ang sarili.

Tumango si Little Treasure habang kabadong nakakapit sa drawing na parang takot na takot kung 'di magugustuhan ni Ning Xi.

"Sobrang… ganda! Pwede ko bang picture-an para gawin kong wallpaper ng phone ko?" hindi ito sinasabi ni Ning Xi para ma-flatter si Little Treasure – sadyang ganun ang nararamdaman niya. Lagi niyang nagugustuhan ang Fauve style dahil sa matingkad na contrast ng mga kulay nito. Habang tinitignan niya ang drawing ni Little Treasure at sa kabila ng basic niyang mga nalalaman tungkol sa art, pakiramdam niya isa ng master ang bata sa style na 'to!

Nahihiya si Little Treasure at lalong pinagdikit ang labi at binigay kay Ning Xi ang drawing.

Itinuro ni Ning Xi ang sarili. "Binibigay mo sa'kin?"

Tumango si Little Treasure.

"Salamat! I love it so much!" niyakap ni Ning Xi si Little Treasure at hinalikan ito sa malalambot na mga pisngi.

Saglit na natigilan si Little Treasure bago namula ang mukha sa pag-bablush. Ang kadalasang blangko at walang buhay niyang mga mata ay kumikinang sa buhay.

Habang nag-uusap sila, nakarinig si Ning Xi ng mga yapak mula sa taas.

Lumingon siya at nakita si Lu Tingxiao na pababa ng hagdan. Simple lang ang suot niyang pambahay at medyo magulo ang buhok, mukhang bagong gising pa lang siya.

Nakakahumaling na ang karaniwang itsura ni Lu Tingxiao pero 'yung layo ng bagong gising na itsura niya mula sa pang-araw-araw ay sobrang laki at mas malakas pa ang dating. Ang sexy niya tignan at walang lunas ang pagkahumaling sa kanya.

Natulala saglit si Ning Xi bago nakabalik sa realidad. "Mister Lu, hindi ka pumasok ngayon? 'Di ba Monday ngayon?"

"Oo, I took the day off," pagsang-ayon ni Lu Tingxiao.

Katanggap-tanggap naman sa tingin ni Ning Xi. Sa bagay, kakapirma lang niya ng isang major deal at malaman ay malaking effort ang kinailangan para ma-secure 'yun. Natural lang na magpahinga pagtapos noon.

Kahit pala si Big Boss Lu alam ang pag-sleep in. 'Di man inaasahan, parang umikli ang distansya sa kanilang dalawa…