Chapter 26: Ning Xi, marami pa tayong mga araw.
"Ahem ahem ahem…" ramdam ni Ning Xi na nadaig siya ni Lu Tingxiao kaya mabilis niyang binawi, "Joke lang…nagbibiro lang ako…"
Mukhang adik na nga si Lu Tingxiao sa pamimigay ng susi dahil may isa pa ulit siyang inabot kay Ning Xi. "'Di madaling pumara ng taxi dito sa area namin saka baka inconvenient papunta sa trabaho mo kaya dalhin mo na lang 'tong sasakyan."
Ning Xi: "…"
Bakit…
Saglit lang naman siyang titira dito ah, bakit pakiramdam niya kabit siya?
Ay hindi, mali, kung kabit siya, itatago siya sa labas tapos hindi bibigyan ng susi sa bahay at responsibilidad sa isang bata…
Wow, para siyang bagong kasal…
Bigla niyang naalala 'yung unang beses na nakilala niya si Lu Tingxiao at kung pa'no 'to biglang nag-propose sa kanya…
Akala niya naiintindihan na niya ang mga lalaki pero itong nasa harapan niya, parang isang computer program na may top-notch firewall na 'di niya kayang i-hack. 'Di niya alam kung 'yung pagpayag niya sa request nito dahil sa awa at kahinaan ay magiging sakuna o magandang kapalaran.
Dahil may pagka-unstable ang kondisyon ng pag-iisip ni Little Treasure nang gabing 'yun, para makaiwas sa dagdag na gulo, tinabihan siyang matulog ni Ning Xi sa kama ng bata.
Sa gitna ng gabi.
Dahan-dahan at tahimik na bumukas ang pinto sa kwarto.
May mga papalapit na yapak at lumuhod ang isang lalaki sa tabi ng kama.
Sa malilim na ilaw mula sa bedside lamp, makikitang mukhang tinatapik ng babaeng nasa kama si Little Treasure bago ito nakatulog, mababaw ang paghinga niya at may lambing ang ekspresyon. Parang mga rosas ang mapupula niyang labi na medyo magkahiwalay at tila nang-iimbita…
Makalipas ang ilang saglit, may aninong saglit na umagaw sa liwanag nang papalpit ang anyo ng isang lalaki…
Isang hininga na lang ang layo niya – kaunti na lang magdidikit na ang mga labi nila. Pero pinigilan niya ang sarili bago mag-iwan ng mahinahong halik sa noo ng babae.
Ning Xi, marami pa tayong mga araw.
…
Kinabukasan.
Akala ni Ning Xi noong una ay 'di siya makakatulog sa kama ng iba pero sobrang himbing tulog niya kagabi ni wala siya panaginip.
Pagkagising niya ay napansin niyang gising na rin si Little Treasure.
Seryosong nagbabasa ng libro ang bata sa tabi niya at hindi gumagawa ng kahit anong ingay.
Halatang mabait siyang bata, 'di niya lubos maisip kung pa'no ang siopao na 'to kapag naghahasik ng pag-aalboroto.
"Darling, good morning," umupo si Ning Xi at magiliw siyang binati.
Masayang tumingala mula sa libro si Little Treasure nang marinig 'to. Kahit na wala siyang sinasabi at 'di nagbago ang ekspresyon sa mukha ng bata, masasabi mula sa mga mata niya kung gaano siya kasaya.
Namangha si Ning Xi at hinawi ang ilang magulong buhok. "'Di kailangang magtrabaho ni Tita ngayong araw, pwede kitang samahan!"
Sa mga salitang 'yun, lalong halata ang tuwa ng bata, ngumiti pa nga siya ng kaunti.
Nanggigigil sa tuwa si Ning Xi sa ka-cute-an ng bata. 'Di niya naiwasang pisilin nang bahagya ang malilit na pisngi ni Little Treasure. "Darling, ngiti ka pa mas madalas ah. Sobrang cute mo kapag ngumingiti!"
Matapos maligo, bumaba siya at nakahanda na ang almusal.
'Di niya nakita si Lu Tingxiao at wala ring kasambahay na nagbanggit na kailangan siyang hintayin kaya inisip niyang umalis na siya para sa trabaho.
Pagkatapos ng agahan, nag-alala si Ning Xi na baka 'di siya marunong mag-alaga ng bata. Ano na lang ang gagawin niya kapag hindi niya napag-ingatan nang maayos si Little Treasure…
Sa huli, wala ring nagawa ang pag-aalala niya.
Buong umaga, nasa sofa lang siya at nagbabasa ng script, habang si Little Treasure naupo malapit sa kanya at nagbasa ng mga libro o nag-drawing. Hindi nila inistorbo ang isa't isa, pareho silang nagkasundo sa katahimikan.
Isang beses lang nagpakita ang mga kasambahay buong umaga, para lang magdala ng ilang dim sum at prutas. Sobrang tahimik at gaan rin ng mga kilos nila na parang takot silang maistorbo ang bata.
Makikitang gusto talaga ni Little Treasure na tahimik at payapa lamang ang paligid.