Damo's POV
"Itinuturing na bayani ng koponang Ateneo Blue Eagles ang third year student ng John Gokongwei School of Management na si Darren Sy III o maskilala sa palayaw niyang Thirdy matapos tanghaling kampion ang kanilang koponan at hirangin siyang most valuable player ng UAAP Season 80. Si Thirdy ang natatanging tagapagmana ng pinakamalaking business empire sa buong South East Asia ang Sy-De Loyola Group of Companies kaya naging mahirap umano para sa unibersidad na ipasok ang binata sa team nang dahil sa labis na pagtutol sa paglalaro nito ng basketball ng kanyang ina na si Madam Thetis De Loyola-Sy, ang tumatayong chairman ng SD Group, ang binansagang goddess of wealth of Asia na may net worth na humigit kumulang na 80 billion US dollars. Ayon sa mga eksperto magiging mas matagupay pa si Thirdy kumpara sa yumao nitong ama na si Darren Sy Jr. dahil sa hindi mapantayang kakayahan nito sa stock trading, at sa murang edad na 21 ay nakapagpatayo na ito ng sarili niyang korporasyon. Naging malaking tulong sa koponang Blue Eagles si Thirdy sa unang season pa lang nito sa UAAP," video paused.
Ito ang mga naririnig kong ingay nang magising na ako sa hospital at kita ko sa orasan na 9 AM na pala ng umaga, nahila ko ang damit ni Papa kaya natigil siya sa panonood sa kanyang cellphone.
"P-pa... hindi ko alam kung ilang beses mo nang inulit-ulit panoorin 'yang video na kinunan mo sa TV."
Avid fan kasi siya ng Thirdy na iyon, kung sino man siya, MVP daw ng season 80 ng UAAP, takte, Pa asikasuhin mo ako.....
"Anak saglit lang," si Papa at ibinangon ko na lamang ang sarili ko sa kama dahil parang hindi na ako pinapansin ng ama ko, haist!
"Pa nagugutom ako, may pagkain ba diyan???"
"Anak, pasensya na," mabilis niyang inabot ang supot na may naka-pack na pagkain.
Bumukas ang pinto, "Mars, huwag mong ipakain yan sa inaanak ko!" malakas na tili ng Ninang Matmat ko na may dala-dalang take-out ng Jollibee. Kasama niya si Mama at ang bunso kong kapatid na si Jayson na Grade 10 Junior High School student.
Maduduwal na ako nang mapansin kong puto't dinuguan pala ang biniling pagkain ni Papa sa akin.
"Ano ka ba DS, ba't mo pakakainin ng dinuguan ang anak mo!" galit na si Mama at kinuha ang pagkain na nasa tabi ko.
"Ako na ang kakain diyan! Hmpf, wala namang allergy ang anak mo sa dinuguan," sabay agaw ng pagkain kay Mama bago niya ito maitapon sa basurahan.
Ito ang aking pamilya, sa tabi ko ay ang aking mabait at magandang Ninang Matmat, siya ay isang transgender at batikan sa larangan ng gay beauty pageant, best friend ni Papa. Katabi ng bunso kong kapatid na magkasamang kumakain ng dinuguan ay ang Papa kong kamukha ni Gardo Verzosa, pogi pero hindi mahilig sa chicks in short beki rin gaya ng ninang ko, hehehe otherwise lagot siya kay Mama. Sa tabi ni Papa ay si Mama, maganda siya, kamukha ni Sylvia Sanchez pero tibo kaya astigin kaya takot sa kanya ang mga adik at sunog baga sa amin, kay mama siguro ako nagmana?? Hehehe. Tanggap at mahal na mahal ng mga magulang ko ang isa't isa kahit away bati ang mga ito. Sinasabi ng iba na hindi daw normal ang aming pamilya dahil bakla at tomboy ang mga magulang namin, pero....nasanay narin kami ni bunso kaya hindi narin kami naapektohan sa mga pangungutya ng ibang tao, basta binuhay nila kami ng marangal at pinalaki ng maayos, iyon pa lang ay proud na kaming dalawa na magkapatid sa mga magulang namin.
"Nasabi mo na sa anak mo???" si Mama kay Papa, at napansin kong nagtinginan sila Ninang Matmat at Papa.
"Ah.... Eh.... Hindi pa Ma," bigkas ni Papa na parang nagaalanganing sabihin ito sa akin.
Ha??? Ano 'yon??? Hmmmm... at hindi ko na inalis ang aking tingin kina Papa at Ninang.
"Ano 'yon Pa???"
"Sabihin mo na nang hindi na mag-isip at mabigla ang anak mo...." si Mama.
"Oo nga mars go!" si ninang.
"Ganito kasi anak..... uhmmmm..." at biglang hinila ni Papa ang kamay ni Mama palabas ng pinto.
"Ninang....ano po 'yon???" parang may something na hindi ko maipaliwanag sa pakiramdam ko, may secret ba sila Mama at Papa sa akin na ayaw nilang sabihin??? Hmmmm... Busy naman sa pagkain ang kapatid ko at panonood ng replay ng opening ng UAAP kahapon (sa TV screen ay mukha ni Stephen Curry leading the oath taking of UAAP Season 81) kaya wala rin siguro itong alam sa sasabihin sa akin ni Papa.
"Inaanak, sila Mama at Papa mo na lang ang magsasabi sayo nito...."
"Okay po...."
"Kamusta ang pakiramdam mo?" si ninang na bakas ang pagaalala sa akin.
"Mabuti naman na ninang, hindi ako napuruhan ng mga gago..."
"Mabuti at dumating kaagad ang mga pulis, kung hindi lagot silang lahat sa akin kapag may masamang nangyari sa'yo.... DJ proud na proud sa'yo ang ninang...." sabay yakap nito sa akin.
"Bakit po???"
"Tinatanong pa ba 'yan....sikat na sikat ka na ngayon sa news! Binansagan kang super hero ng mga kabataan, nainterview nga kami ng Papa mo kanina sa labas ng hospital..."
"Po?????" nanlaki ang mga mata ko at napakamot sa ulo....gusto ko ng tahimik na buhay at ayokong humaharap sa mga journalist! "Ninang ayoko pong may kakausap sa akin na press.... Please????"
"Sinabihan na sila ng Papa mo kaya kami na kanina ang nakipag-usap sa kanila..."
"Mabuti naman kung ganoon..."
"Yeah!!!! Astig!" si Jayson na napapapalakpak sa harapan ng TV habang pinapanood ang replay ng opening ng UAAP kahapon, naifocus kasi ang mukha ng isang player na taga Ateneo na nanonood sa bench at sa screen nakalagay ang pangalang Darren Sy III "Thirdy" MVP UAAP Season 80.
Nalingon sa akin si Jayson, "Kuya DJ 'pag nakita mo si Thirdy sa Ateneo ha, kuhanan mo ako ng fansign sa kanya ha?" at pinanlakihan siya ng mga mata ng Ninang Matmat kaya natigil ito sa pagsasalita.
"Fansign? Ateneo? Kailanman hindi ako magagawi ng Ateneo, at saka wala akong hilig sa basketball, kahit makasalubong ko 'yang Thirdy na 'yan sa daan, hindi ko 'yan papansinin." Nagkamot ng ulo ang kapatid ko at ibinaling na lang ang tingin sa TV.
Biglang bumukas ang pinto, "Pa saan kayo galing???" tanong ko sa kanila.
"Ah, anak.... heto," sabay pakita ng mga VIP ticket. Ito ba 'yong gusto nilang sabihin sa akin, ang manood ng UAAP????
"Wow Pa!" si Jayson na abot tainga ang tuwa at mabilis na inagaw ang mga tickets kay Papa at pinagkukunan ito ng larawan sa kanyang cellphone.
"Ano 'yon???" sabay turo ko sa mga ticket na hawak-hawak ni bunso.
"Anak manonood tayo ng basketball mamaya sa MOA," si Mama.
"Ma, Taekwondo ang hilig ko alam niyo yan, kung hindi ako naospital ay nasa Macabebe College ako ngayon nag-eensayo kasama si Shane (si Shane, ang best friend ko since grade school at Taekwondo buddy ko, Gold medallist ito ng SEA Games kaya proud na proud ang buong Macabebe College of Arts and Sciences sa kanya).
"Anak family bonding natin ito, tayong lima pupunta...huwag ka ngang kill joy!" si Papa na tila nagtatampo kung hindi ako papayag na sumama sa kanila.
"Okay sasama na ako," napipilitan kong sagot.
Pagkadischarge ko sa hospital ay nagtaka ako kung ba't sa likod kami dumaan at may sumundo pa sa amin na magarang sasakyan....at ang sabi ng Ninang ko ay kotse raw ito ng boyfriend niyang foreigner kaya hindi na ako nagtanong pa.
Umuwi na sila Mama at Papa sa Payatas para asikasuhin muna ang junk shop business namin (sa Payatas kami lumaki, hindi sa may dump site pero medyo malapit na rin doon). At kami nila bunso at Ninang Matmat ay tumuloy na sa aming inuupahang kwarto sa Loyola Heights, Loyola Heights pero hindi sa lugar ng mayayaman, sa squatters area kami umuupa nila Ninang dahil malapit lang ito sa Macabebe College kung saan kami nag-aaral ng kapatid ko.
----------
written by J J Tilan
The Fall of Achilles