Chereads / The Fall of Achilles / Chapter 1 - Prologue

The Fall of Achilles

guapitomapilyo
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 83.5k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prologue

"Fuck!!!!! Aaaaarrrrrggghhhhhh.... tang-ina, tama na!!!!!!!" alingawngaw ng isang nagmamakaawang lalaki ang bumasag sa katahimikan ng gabing ito dito sa bakanteng loteng kinaroroonan ko ngayon. Madilim, natatakpan ang buwan sa kalangitan at tanging mga huni lamang ng mga kuliglig ang iyong maririnig....ngunit ang pagsigaw ng isang lalaki sa hindi kalayuan ang nagpatindig ng aking balahibo.

Inikot-ikot ko 'tong hawak kong flashlight sa buong paligid, wala namang akong nakita at ako lang talaga ang mag-isa rito.

Hindi ko alam kung multo ba 'yong narinig ko o sigaw talaga ng isang lalaki? Bigla rin kasing bumalik sa katahimikan ang gabi.

Napakamot ako sa aking ulo sabay buntong hininga, "dito ba talaga nawala ni John Lloyd ang susi ng kanyang apartment?" at nagpatuloy akong suyurin itong bakanteng lote na siyang katapat ng isang luma at abandonadong factory. Hindi ko kasi alam kung bakit sa dinami-dami ng lugar ay dito pa talaga nalaglag ng gagong iyon ang kanyang susi, o sinadya lang niya akong papuntahin dito???

Nagtext si John Lloyd, "DJ nahanap ko na ang susi, narito lang pala sa secret pocket ng bag ko, bumalik ka na rito sa resort."

Kung hindi lang ako natalo sa pustahan namin kanina ay hindi ako pupunta sa lugar na ito, haist! Makabalik na nga.

"Fuck.....fuck, aaaaaaaaarrrrggghhh! FUCK!!!!!!!" daing at pagmumura ng isang lalaki, ngayon ay mas malakas na ang alingawngaw na naririnig ko nang mapalapit ako sa abandonadong factory habang naglalakad pabalik ng resort.

Ano 'yon?????

Napalunok ako at bigla akong nakaramdam ng matinding kaba. Nang tapatan ko ang gawing kanan ko ay napansin ko ang kalawanging gate.

"Mang Pepe's all around sarsa!" pagkabasa ko sa luma at kinakalawang na signage ng factory.

Naglakad ako papasok ng gate. Na-curious ako sa narinig ko, ang akala ko kanina ay multo na 'yong boses ng lalaking sumisigaw.

Kaagad kong napansin ang apoy sa hindi kalayuan, may bonfire at napapalibutan ito ng limang naka-topless na lalaki, sa tingin ko mga kasing edad ko lamang ang mga ito na nasa 18-22 years old. Pinatay ko ang hawak kong flashlight at nagtago sa may gilid nang hindi ako mapansin ng mga ito. Kita ko ang mga mamahalin nilang mga motorbike na nakapark sa loob, at ang mga damit nilang mga branded gaya ng Armani, Gucci, Lacoste at kung ano-ano pa.

Naglakad ang isang lalaking bukod tanging may pang-itaas na nanonood mula sa isang upuan kanina. Nakasuot ito ng itim na leather jacket at pantalon na punong-puno ng logo ng Louis Vuitton.

"Zobel, lagyan mo ng piring si Gatbonton....dali!" utos nito na mukhang siya ang kanilang leader.

"Opo Master Sim," tugon ng lalaking nagngangalang Zobel.

Gatbonton? Zobel? Maybe it's their last name, hmmm...

Sim????? Who is he? Matangkad ito, siguro nasa 6 feet ang height, athletic ang katawan, at moreno.

Matulin kong tinitigan ang lalaki dahil parang pamilyar ang mukha nito sa akin pero hindi ko na matandaan kung saan ko ito nakita.

"Is this hazing???" mahina kong pagkakasambit habang nanlalaki ang aking mga mata nang makita kong pinaghahampas nila ng dos por dos ang kasamahan nilang pinangalanang Gatbonton.

Lumapit ako ng kaunti, umupo at nagtago sa tabi ng isa sa mga motorbike na nakapark sa gilid, at muli kong ibinaling ang tingin sa kanilang leader....ngunit hindi ko pa rin matukoy kung saan ko siya nakita habang pinagmamasdan ko ito.

Tsk, tsk, tsk, tsk.... Napapailing na lamang ako ngayon sa aking nasasaksihan.

Nang maibaling ko ang aking tingin sa isang sulok nitong lumang factory ay may nakita akong isang lalaki na walang malay at hubo't hubad na nakahandusay.

"Is that blood on his ass???" nanlaki ang mga mata ko't mabilis kong tinakpan ang aking bibig. Sana hindi nila ako narinig, at mukhang hindi naman dahil hindi sila naantala.

Inilabas ko ang telepono ko't kinuhanan ng video ang kaganapan. Hindi pwede itong ginagawa nila dahil labag ito sa batas. Mabuti na lang at nakuha ko kanina sa isang outpost ang cellphone number ng Antipolo City police station bago kami tumuloy ng resort ng kaibigan kong si John Lloyd para sa aming Junior High School reunion.

Bakit ako magdadalawang isip na hindi ito ireport sa kinauukulan? Lakasan mo ang loob mo DJ, this is not right and you need to take action!

"May hazing na nagaganap dito sa may Mang Pepe's factory," ito ang mensaheng ipinadala ko sa pulisya.

Kinakabahan ako kung buhay pa ba ang lalaking nakahandusay sa may gilid. Kailangan nang makarating ang mga police sa lalong madaling panahon nang mahuli na ang mga walang hiyang ito.

Nagmakaawa ang binatang pinaghahahampas nila na itigil na nila ang pagpapahirap sa kanya.... "Master Sim......hindi k-ko na kaya, parang awa niyo na....i-itigil niyo na 'to......." gumapang ang lalaki sa mga paa ng lalaking tinatawag nilang Master Sim.

"Alam niyo naman na ganito ang sasapitin niyo, pero bakit malakas parin ang loob niyong banggain kami!!!???" hinawakan ng Master Sim kung tawagin ang baba ng lalaki na ngayon ay nakaluhod na sa kanyang harapan.

"Patawad po...patawad...."

"Huh!!! Ba't pa kailangan ng mga police kung madadaan naman ang lahat sa pagpapatawad??? Ha????? Tanda mo pa ba ang mga salitang ito????"

"Opo... opo..." takot na takot habang napapatango ito ng paulit-ulit, mukhang sagrado ang mga salitang sinabi ni Sim sa kanya.

"Pinalagpas na ni Thirdy ang ginawa niyo....pero ba't pa kayo umulit!!!!!!!!!!!"

Thirdy???? Sinong hinayupak na Thirdy ang binanggit nitong si Sim????

"Patawad... patawad...."

"Sige last mo na ito, mapapatawad kita kung...." natigil at napangisi si Sim habang binubuksan ang zipper ng kanyang pantalon. Nagulat ako nang ilabas nito ang kanyang pagkalalaki, "isubo mo!!!!!!!"

Nandidiri at kitang-kita mong napipilitang ibinuka ang bibig ng lalaking nakaluhod.

Kamuntikan ko pang mabitawan 'tong hawak kong cellphone sa kahangalang pagsunod ng lalaki sa kagustuhan ni Sim.

Kitang-kita mo sa mga mukha ng mga miyembrong nakapaligid ang tuwa sa sapilitang pagsubo ng binatang nagngangalang Gatbonton sa pagkalalaki ng kanilang Master Sim.

Napalingon sa gawing kanan si Sim, "Beer!" bigkas nito at mabilis siyang inabotan ng serbesa ng lalaki, siguro bodyguard niya ito, mahahalata mo sa kanyang kasuotan. May isang lalaki pa pala sa gilid, hindi ko man lang napansin.

Sarap na sarap si Sim sa pagsubo sa kanya habang sinasabayan niya ito ng pag-inom ng beer hanggang sa biglang nag-ring ang hawak kong telepono at naantala ang pagbi-video ko sa kaganapan at napalingon ang lahat sa direksyon kung saan ako nakatago.

"What the fuck!!!!" sigaw ni Sim nang makita niya akong tumayo habang mabilis akong tumakbo papalabas ng gate.

Numero ng Antipolo City police station ang tumatawag, nasagot ko ang tawag at ibinulsa ko na lamang ang telepono ko.

Pero huli na ang lahat para makatakas nang may biglang humarang sa akin na dalawang lalaki sa may pinto nitong lumang factory.

Mabilis kong ipinusisyon ang aking sarili at humanda sa pag-atake nila. Walo silang lahat, at naniwala na lamang ako sa aking sarili na kaya ko silang labanan at patumbahin! Hindi ko sasayangin ang walong taon kong pagsasanay sa Taekwondo, kaya this it.....bring it on!

"Itumba niyo na 'yan!" agresibong sigaw ni Sim habang magkakasabay silang papalapit sa akin.

Mabuti at walang daladalang armas ang dalawang lalaki subalit may mga pamalo ang mga alagad ni Sim. Nakakita ako ng dalawang bote ng beer at mabilis ko itong dinampot at ibinato sa grupo ni Sim. Nakatikim naman ng isang flying kick sa mukha nang sugurin ko ang isa sa dalawang lalaking humarang sa akin, at mag-asawang suntok sa mukha sa kasama nito. Nawalan na ng malay ang nakatanggap ng flying kick at na-restraint ko rin ang kasama niya't humandusay na rin ito sa sahig.

Maya-maya't nakalapit na ang isang hahampas sa akin ng dos por dos ngunit nakailag ako't naagaw ko sa kanya ang pamalo at mabilis ko itong na-head bat.

May tatlong sumugod sa akin, agresibo sila ngunit mas naging agresibo ako. Pagkasipa ko sa mukha ng isa ay kasabay nito ang paghampas ko sa ulo ng dalawang kasama niya.

Medyo napaatras ang apat na natitira nang makita nilang nakahandusay na ang kalahati ng kanilang grupo.

Ngunit nabitawan ko ang aking armas nang tutukan ako ng baril ng bodyguard ni Sim.

"Hindi na ako manlalaban," sabay taas ko ng dalawang kamay.

"Luhod!" ma-awtoridad na utos ng bodyguard. Sumunod ako sa sinabi niya. Nanginginig ang buo kong kalamnan, natatakot, iniisip na sana hindi na lamang ako pumasok dito sa lumang factory.

Sa ngayon ay umaasa na lamang ako sa pagdating ng mga pulis bago mahuli ang lahat.

Nilapitan ako ng bodyguard, "yuko at ilagay sa likod ang dalawang kamay!"

Ipinikit ko ang aking mga mata at sumunod sa kanyang utos.

Hanggang sa makaramdam ako ng isang malakas na paghampas sa aking batok, at natumba akong walang malay sa sahig.

----------

written by J J Tilan

THE FALL OF ACHILLES