Chereads / My Type of Man / Chapter 3 - Beneath The School

Chapter 3 - Beneath The School

----------------------------------------

Flashback

Ethan's POV

Tumayo ako pagkatapos nung nasa harap ko. "Hello everyone, I'm Ethan Magtanggol..."

Nag-pretend na may hawak na kutsilyo yung kulot na lalake sa likod, sabay sinaksak yung nasa harap niya na seat. "Save me, Ethan," sinabi niya sarcastically. Tumawa ang mga kaklase ko maliban kay Miles at Juancho.

"... I Lo..."

"Okay, next," pagalit na sinabi ni Ma'am Dolores. Ni Hindi ko lang man nasabi ang hobby ko.

End of Flashback

----------------------------------------

Miles POV

Ano pala meron sa last name niya?

By number pala mga seats dito, 1 to 6 sa front, at 19 to 24 naman sa last row.

Seat 16, naka-upo si Ethan; Seat 24, si Juancho; at Seat 19 naman ako.

Kainis naman, di ko katabi si Juancho.

12:02pm

Nilabas ko yung notebook ko with a heart cover at may isinulat ako.

Tumayo yung katabi kong red-haired na babae habang nakatitig sa akin, kaya agad kong tinago yung notebook ko.

Umupo siya sa table ko. Kung tama ang pagkakaalala ko, "Uhh, Aubrey, right?"

"Audrey. Nice to meet you, Miles."

Awkward chuckles "Ay, sorry! Nice to meet you, Audrey."

"You can call me Riri. Anyways, have you heard about the school underground? Juancho asked me to invite you to watch him compete para sa first day of school event plus party celebration after for the 8th anniversary..."

Tuloy-tuloy lang sa pagsasalita si Riri.

Ininvite ako ni Juancho?! Teka, anong school underground? Omygod, first-ever party ko ata 'to! Paano kung painumin ako? Mababa alcohol tolerance ko-shit, need ko i-notify si Chris tungkol dito!

"...So, ano? Sasama ka ba?"

Nag-panic akong sumagot, "Oo, alangan! Ako pa ba?"

"Okay, cool! Wag ka muna umuwi after class, I'll be your tour guide. Again, don't tell anyone about this."

"Okay, thank you." Lumabas na ng room si Riri at sumunod si Juancho.

Lumabas na rin ang iba kong mga kaklase at konti lang kami na may baon.

Napa-kamot ako sa ulo sa sobrang frustrated. Shet, shet, shet, shet, pumayag ako, ano baaaa Miles, kaka-transfer mo lang! Agad ko nilabas yung phone ko at nag-chat agad ako kay Chris habang nginunguya yung baon kong saging.

Typing... "Chris, I made a huge mistake...."

Hindi siya nag-reply, kaya kinain ko muna yung lunch ko.

Pagkatapos ko kumain, may narinig akong paa na tumatakbo.

Biglang dumating si Chris sa pintuan, tumingin siya sa paligid.

Nagulat ako, "Chris? Bat siya andito?"

Napiyok niyang boses, "Uy, Mil-es."

Nagsitawanan yung mga kaklase kong naiwan, tinarayan sila ni Chris at hinawi niya ang mahabang buhok niya pagalit, kahit wala naman siyang mahabang buhok.

Lumapit si Chris sa akin at umupo siya sa tabi ko. "Jusko, sa kabilang dulo pala room niyo, mag-reply nalang ako sa susunod beh ah..."

"Sino ba kasi nag-sabi na pumunta ka?"

"...So, invited ka din pala?" Binangga-bangga ako ni bakla gamit ang shoulder niya. "Ikaw ah, ikaw ah."

"Uy, para kang tanga, invited ka din naman pala."

"Rory ba yun? Oo, si Rory. Tour niya daw tayo mamayang uwian. Wait nyo ko, beh ah, mag-make up pa ko sa CR."

Biglang nagtakbuhan mga students sa labas papasok sa kanya-kanyang room, kaya agad lumabas si Chris. Palayo, sinabi ni Chris, "See you later, Mileeeees."

12:00 PM

Nag-ring na yung bell. Nagtapos lang pala yung break time, kala ko kung ano na nangyari.

Pumasok at umupo na rin si Riri at iba ko pang classmates. Teka, nasaan si Juancho?

5:00 PM

Uwian na namin. Nagligpit na ako ng gamit at umupo ulit sa seat ko. Nagsilabasan na ang mga kaklase ko. Lumapit si Riri sa akin at umupo ulit sa lamesa ko.

"Ano, ready ka na ba?"

Awkward akong tumingin at sinabing, "Ay, oo. Wait lang natin si Chris. Ay, oo nga pala, asan nga pala si Juancho?"

Sinabi niya, "I don't know eh, but I checked his motorcycle earlier outside and it wasn't there," habang nagtatali ng buhok gamit ang red chopstick.

May kinuha siya sa bra niya-lipstick-at naglagay siya sa labi niya. Sabay sabi, "Miles, wag ka gumalaw."

Nilagyan niya ako ng lipstick. "Close, open your mouth, Miles. Ayan, bagay sa'yo!"

May kinuha ulit Siya sa bag niya-compact mirror-at hinarap Niya sa akin. Omygod. ang Ganda! Ka-color ng eyeglasses ko

"Do you like it?"

napangiti ako at sumagot ng yes gamit ang facial expression.

May kinuha nanaman siya sa bag niya, this time suklay naman. Lumapit ulit sya saken, inalis ang pony tail ko, at biglang ipinasok yung crochet sa bra ko. Nagulat ako at hinampas ko nang mahina ang kamay niya.

"We're twins, so don't worry about me touching your chest," sabi niya, nakangisi

Sinuklay niya ang buhok ko at ni-style ito sa hime cut, pero patagilid ang bangs.

Pinakita nya ulit sa akin look ko sa mirror. "Now, do you love it?"

Napalakas boses ko, "Yes!!" Sabay kiss sa cheeks niya. "Thank you, Riri!!"

Bigla siyang tumingin mula leeg ko Hanggang paa, kaya napatingin din ako sa sarili ko.

"May dumi ba?" tanong ko

"Let's fix your look later."

Ay, di pa Pala tapos

Biglang dumating si Chris.

Habang nag lalakad papunta saamin...

Rampa - Vice Ganda is now Playing

Walk with confidence, lumakad nang may angas

Strike a pose, umawra nang wagas, yeah

Tapangan ang mata, talbog lahat Sila

Own the moment, damhin ang musika

"How do I look?" sabay pretty eyes.

Riri: "Damn, girl, you look goooooood! I like your thick cheek blush-it suits you so well!"

"I know, rightttt!" Ngayon lang ako napansin ni Chris. "Omygod, what did you do to my Miles?! Napaka-bongga! PERFECT!"

Nag-march-march pa ang paa ni Chris sa tuwa, tapos hinawakan niya ang dalawang kamay ni Riri. "Thank you, Roryyy! You're the best!!"

Nag-smile si Riri, pero sarcastic. Tumingin siya sa kamay ni Chris na nakahawak sa kanya, tapos low-key niya itong inalis. Pataas ang kilay niyang sinabi, "What about me? How do I look?"

Pinatong ni Chris ang kamay niya sa balikat ni Riri at sinabi, "You. Are. So-"

"Ang ganda mo, Riri!! Gusto ko yung hair mo, ano tawag d'yan?"

"Thank you, twin! This is called Elegant Bun."

Kinuha ni Riri ang bag niya mula sa locker-red Coach (brand) bag-sabay kumuha ng red bubblegum at kinain ito. Habang nginunguya niya, tiningnan niya kami ni Chris at sinabing, "What are you looking at?..."

Nakanganga lang kami ni Chris the whole time. Nang mapansin niya, agad niyang sinuot ang bag niya.

"Let's go."