Miles POV
Alarm Ringing * Alarm Ringing * Alarm Ringing * Nalaglag yung bedside table alarm ko at tumama sa ulo ko. Agad-agad akong tumayo at dumiretso sa CR, nag-toothbrush at naligo.
Nanalamin muna ako saglit, inayos ang bangs ko, at ni-ponytail ang buhok ko. Isinuot ko na rin ang red na eyeglasses ko.
Umakyat na ako sa second floor at pumasok sa kwarto ko. Nakita ko yung alarm clock sa sahig, pinulot ko ito at binalik sa bedside table. "O.M.G! 6:23 na!" Nagmadali ako at pinasok ang mga librong nasa sahig sa aking bag. Bigla kong napansin ang notebook ko na may heart cover na nasa sahig. Nagdalawang-isip pa ako kung dadalhin ko pa ba ito.
----------------------------------------
Flashback
11:09pm
Mama's POV
Nasa first floor ako at naririnig ko pa rin tong batang 'to na nagpapatugtog. Pasigaw kong sinabi, "Elsa (nickname ko), hindi ka pa ba tapos mag-review diyan? Anong oras na, ha? May exam ba talaga kayo sa first day of school?" Sabay kamot sa ulo, pabulong kong sinabi, "Tinatarantado ata ako nitong batang 'to."
Miles POV
11:10pm
Let it Go - (Frozen) is now playing
Couldn't keep it in, Heaven knows I tried "Couldn't keep it in, Heaven knows I tried"
Don't let them in "Don't let them in"
Don't let them see "Don't let them see"
Be the good girl you always have to be "Be the good girl you always have to be"
Naka play sa speaker ko na kuromi
The song continued playing at a low volume.
Nagsusulat ako sa notebook ko na may heart cover: "11:11, sana ma-meet ko na ang dream man ko." Sulat pa ako nang sulat hanggang sa nakatulog na ako sa sahig. 1:23 AM.
End of Flashback
----------------------------------------
Miles POV
Pag ka tapos ko mag ready, Kinuha ko na ang phone ko na naka-charge. 6:30 AM. 8 missed calls.
Bakla sa labas, pasigaw sinabi, "Mileeeeeeees, ano ba, aalis na ako!"
"Wait lang, Chris, palabas na ako."
"Anyare sa'yo, teh? May towel ka pang dala?"
Hinagis ko yung towel sa pinto namin. "Late na ba tayo?"
"Kung tatakbo tayo, hindi."
Tumatakbo kami habang sinusuot ko ang sapatos at kumakain ng pandesal. Pasigaw kong sinabi, "Kuya, Crimson International School po!"
Pasigaw na sinabi ni kuya driver, "Di abot, tricycle, Iha!"
Umalis na ang tricycle at tumawid kami nang biglang may huminto na lalakeng naka-motor at suot ang full black suit & helmet. "Get on my back."
Tinuro ko ang sarili ko pati si Chris na nasa tabi ko.
"Yes, get on already, we're late."
Ay, red flag, naninigaw. Sumakay na si Chris at yumakap sa lalakeng naka-black. "Ano beh, hindi ka ba sasakay?"
"Ay, una na kayo, Chris. Mag-tricycle at jeep lang ako para makabisado ko."
Umalis na sila Chris at naghintay naman ako ng masasakyan.
Pagdating ko sa school, agad kong hinanap ang section ko.
"Excuse me po, san po yung section Ruby?"
May tatlong lalakeng lumapit.
Lalakeng may bandage sa kamay at band-aid sa ilong, "Ethan, nice to meet you."
Nagulat ako kasi ang out of nowhere.
"Uhm, rub-Miles po, nice to meet you."
Napansin ko na may kanya-kanyang sugat sila.
Ethan "Gusto mo sabay na tayo pumasok? Ruby din ako."
"Ay, una lang kayo, may hinihintay pa po kasi ako."
Ethan "Okay, by the way, 4th floor, 2nd building yung room natin. So, you better hurry since 6 minutes na lang at before mag start yung class."
"Ahh okay okay, thank you."
Naglakad na papunta sa Building 2 si Ethan. Narinig ko na may binulong yung kasama niyang lalake, "Ganda non, pre, ah, chix." Sabay tumingin ulit si Ethan sa akin, kumaway siya, at ngumiti. Tinarayan ko siya at umalis ako ng titig, baka akalain pa niyang sinusundan ko siya ng titig.
Pagdating ko sa room, 7:29 AM, nakita ko yung lalake na naka-motor kanina. Nakatalikod siya, hinuhubad yung suit.
Gusto ko Sakin ka lang - Robledo Timido is now playing
Nalinaw ko na bang gusto ko Sakin ka lang
'Pagkat 'di ako sa'yo, 'la ka nang pakialam
Kung bakit naging gan'to sa madaming dahilan
Tinignan ko siya mula ulo hanggang... biceps, pinupunasan niyang pawis niya sa mukha gamit ang uniform. Oh my god, 6 packs! Papaharap siya sa akin nang biglang may nagsalita sa likod ko, "Oh, bakit di ka pa nakaupo?"
Tinignan ko ang paligid at may nakitang bakanteng upuan sa pinaka top left, malapit sa pinto, at umupo. Anlayo ko sa lalakeng yon, nasa pinaka top right siya.
"Good morning, everyone. I'm Mrs. Dolores Estrada, and I'll be your Oral Communication teacher this year."
Tumingin si lalakeng naka-black suit sa akin, mukhang namukhaan ata ako. Umalis ako ng titig.
"Good morning, Ma'am Dolores."
"Alright, let's get to know each other! Tell us your name and share one interesting thing about yourself-it could be a hobby, a talent, or something you're passionate about."
Lunch break na at nakapag-introduce na kaming lahat. Kanina, nakilala ko na rin ang mga pangalan ng classmates ko pati na rin ang iba kong teachers. 24 students nga pala kami per room, at 30 students naman ang last section, which is Quartz.
Si Juancho pala yung naka-motor kanina. Napansin ko din na may black eye siya at putok pa ata yung labi.
And si "Ethan Magtanggol"...