HINDI na halos makatayo si Celestine sa swivel chair na inuupuan niya sa loob ng kaniyang opisina at mukhang wala na talaga siyang balak pang tumayo dun. Halos magdamag siyang nakababad sa mga papeles na mukhang makapal pa kahit na ilang pahina na ang tiningnan at inalisa niya. Ni kahit umagahan o tanghalian ay isinawalang bahala niya na lang.
Kung hindi lang sana umuwi sa probinsya ang sekretarya niya ay may katulong sana siya sa pag-aasikaso sa mga papeles nila ngayon, kahit papano sana ay nagkakaroon siya ng oras para magpahinga. Pero kanino pa ba siya aasa kundi sa sarili niya lang. Sa ngayon ay siya na muna ang gagawa ng lahat ng mga gawain sa kompanya na ipinamana sa kaniya ng kaniyang retiradong ama.
Simula nang ipinamana na sa kaniya ang kompanya ay naging gawain na niyang magpuyat at magbabad sa laptop. Araw-araw ay ganun ang ginagawa niya, pupunta siya ng opisina para magtrabaho magdamag tapos uuwi sa condo niya na pagod at gigising naman kinabukasan ng maaga na puyat.
Naging routine na niya iyon at sa halos tatlong taon ay nasanay na rin siya sa ginagawa. Ano pa bang magagawa niya? Sa kaniya ipinamana ang kompanya bilang nag-iisang anak ng mga magulang niya kaya wala na siyang ibang pagkakaabalahan pa kundi ang itutok ang sarili para sa kapakanan ng kompanya. After all, siya rin naman ang makikinabang sa benefits and shares na makukuha nila.
"Aba, Sis. Baka hindi ka na abutin ng trenta anyos niyan at mas mauna ka pa kay Lola Tisay na maiburol dahil sa lagay mong iyan. Naku, baka pinababayaan mo na ang sarili mo dahil sa kakatutok mo dyan sa trabaho mo ah?" Saad sa kaniya ng pinsan na si Carlie habang nagtitimpla ng kape.
Ang lola nilang magpinsan ang tinutukoy nito na nasa halos nobenta anyos na ang edad ay nakakalakad at malusog pa rin ang pangangatawan. Hindi nila ito mabisita dahil abala siya sa trabaho niya at malayo rin ang probinsya kung saan nakatira ang Lola nila.
'At dinamay pa nga si Lola Tisay.'
Napahawak na lang sa leeg si Celestine at ini-stretch ito dahil kanina pa siya nangangalay kakayuko kakaasikaso sa mga papeles sa kaniyang harapan.
"Hindi ko naman pwedeng pabayaan lang na nakatambak ang mga ito dito." Saad niya rito habang nakatutok pa rin ang tingin sa papeles na hawak at nililipat ang pahina nito.
"Nasan ba ang sekretarya mo? She can help you with that or much better na siya ang gumawa niyan. Anong silbi ng pagiging sekretarya niya kung sayo lang din naman iaasa ang lahat ng gawain na siya dapat ang gumagawa? Ano, ikaw na lang ba palagi ang aasahan?" Iritado nitong sambit at naglapag ng tasa sa lamesa niya.
"Thank you." Kinuha niya ang tasa at ininom ang tinimplang kape na hindi inaalis ang tingin sa papeles na hawak.
"Wala siya ngayon, nagleave siya ng letter for excuse. Kailangan niya daw kasi puntahan ang tatay niyang may sakit sa probinsya nila para alagaan. Lumala na daw kasi ang kalagayan kaya kinailangan nang dalhin sa hospital. Kaya pinayagan ko na siya. Alangan naman na pagbawalan ko, kawawa naman yung tao."
Paliwanag niya. Palipat-lipat lang siya sa ginagawa, pupunta ang tingin sa laptop para magcheck at mag-analisa ng files tapos babalik ulit sa papeles.
Minsan naman ay sinisingit niya yung pagsusulat ng sariling kwento saka inililimbag.
Matagal na rin siyang nagplano na magpatayo ng sariling bookstore sa harap lang ng kompanya niya na matatapos na sa susunod na buwan.
"Pero hindi mo naman kailangan na gawin yan lahat. Dapat nagpatawag ka na lang sa pwedeng gumawa niyan at pumalit muna sa sekretarya mo habang wala pa siya. Baka nakakalimutan mong ikaw ang Boss dito ah. Oo nga't parte na ng trabaho mo bilang Boss dito na tulungan ang mga empleyado sa mga gawaing pangkompanya, pero hello! You don't need to work it all, as if na kaya mong ihandle lahat."
Napailing-iling na lang siya sa mga sinasabi nito habang patuloy pa rin sa ginagawa.
Kinuha nito ang isang papel sa lamesa niya saka inisa-isang tingnan. Pinukol niya pa ito ng masamang tingin nang magtangka na naman itong magbungangera tungkol sa mga papeles niya kaya itinikom na lamang nito ang bibig.
Si Carlie ay malapit niyang pinsan na tinuring na rin niyang kapatid kaya Sis na ang tinatawag nito sa kaniya. Bata pa lang sila ay magkalapit na silang dalawa. Sa lahat niyang mga pinsan ay ito lang ang malapit sa kaniya.
Hindi kasi siya masyadong nakikipagkaibigan nung mga bata pa sila. Si Carlie rin ang lumapit sa kaniya at nakipagkaibigan. Ito rin ang naging dahilan kung bakit nagkakaroon rin siya ng mga kaibigan. Halos araw-araw ba naman itong nagdadala ng mga kaibigan sa kanila para ipakilala sa kaniya.
Bungangera rin si Carlie, palasermon sa kaniya at matapang na babae. Maraming nang-aaway sa kaniya na mga babae dati noong high school pa lang sila dahil yung mga hinahangaan nila ay sa kaniya nagkakagusto at nanliligaw, gayunpaman ay hindi siya pinabayaan ni Carlie at ito rin ang nang-aaway pabalik sa mga babaeng maharot.
Matanda rin ito sa kaniya ng dalawang taon 27 na siya, 29 naman si Carlie. Kaya palagi rin siguro siyang napagsasabihan nito kapag madalas siyang nakakagawa ng maling desisyon.
"Maiba ako, naalala mo ba si Chiara? Yung pinakilala ko sayo last month na kaibigan ko? She is getting married next week and she invited me. Actually, you're invited too that's why I came here to tell you about it." Maarte nitong sambit na hindi niya naman tinapunan ng tingin.
"I'm afraid I can't go there, Carlie. As you can see I'm a busy woman and there's still a lot of work to do that I still need to finish. Infact, I don't attend events like that, I might get bored if I go there."
"Oh, really! Kaya di ka na makahanap ng makakarelasyon eh. Masyado kang workaholic. Para sabihin ko sayo Sis ah, hindi ka matutulungan niyang pagbababad mo sa work to get a happy life. It doesn't suit you, honestly." Maarte nitong saad.
"Matanong ko nga, ikaw ba Sis eh may balak pang mag-asawa or kahit maghanap man lang ng makakarelasyon? You're already twenty-seven this year and after three years from now, thirty ka na. But guess what? Siguradong hindi ka pa mag-aasawa sa edad na iyon with that case. Just look at you now."
Umupo ito sa isang silya at nag Indian sit pagkatapos ay ipinagkrus ang dalawang braso sa ibaba ng dibdib.
"Hayy naku Sis, masyado mong tinutuon ang sarili mo sa trabaho, can't you atleast do something else other than work? Like, magbakasyon ka muna or pumunta ka sa mga places na makakapaglibang sayo. Or maybe, subukan mo ulit na makipag-date with some other guy. Malay mo may makita ka nang tamang tao na para na talaga sayo." Saad ulit nito na nakapagpatigil sa kaniya.
Naisip na rin niya ang tungkol sa bagay na iyon ngunit sa tuwing nais niyang subukang muli ay naaalala lang niya ang mga masaklap na nangyari sa kaniya sa dating karelasyon tatlong taon na ang nakakalipas.
Tila isa itong bangungot na hindi na mawala-wala sa kaniyang isipan na hanggang ngayon ay dala-dala na niya. Mukhang ayaw pa nga yata siyang payagan ng tadhana na lumigaya dahil palagi na lamang siyang napag-iiwanan ng mga lalaking dumaan na sa kaniyang buhay kaya palagi rin siyang nasasaktan.
Kaya mas pinili na lamang niyang maging single at kung pagpipilian siya ay siguradong mas pipiliin na lamang niyang maging single hanggang sa pagtanda. Tama na iyong nakaranas siya ng sakit mula sa mga lalaking dumaan na sa kaniya.
Sa katunayan ay marami naman talagang nagkakagusto sa kaniya. Maganda naman kasi talaga siya. Ewan niya lang kung bakit sa dami ng pwedeng magustuhan niya ay yun pang manloloko at manggagamit na ex niya ang napili niya. Kaya sobra talaga ang panghihinayang niya kung bakit iyon pa ang naging boyfriend niya.